Tinulungan ako ni Lance na mag-empake ng mga gamit ko. Nang nasigurado ko nang wala nang gamit na natira ay lumabas na kami sa tinutuluyan ko. Ipinasok niya ang dalawang maleta ko sa trunk ng kotse at saka na kami dumiretso sa bahay niya. “What do you want to eat bago tayo umuwi sa bahay?” tanong ni Lance habang nagmamaneho. “Hmm, gusto ko ng seafood. Any kind,” ngiti ko sa kanya. Nang mapadaan kami sa palengke ay ipinarke muna niya ang sasakyan sa hindi mataong lugar. Lumabas kami ng kotse at naglakad sa palengke. “Gusto mo ng isda? Hipon?” Tanong ni Lance sa akin. Kumapit ako sa braso niya and he smiled at me. “Hipon. Tsaka alimango. Gawa kaya tayo ng seafood with garlic sauce?” suhestiyon ko. “Why not. Ipagluluto kita.” Aniya. Inihiga ko ang ulo ko sa braso niya at ngumiti. “Tha