Natapos ang event at nagsipag-uwian na ang lahat. Hindi umalis si Liam hangga’t hindi umaalis si Lateisha. I excused myself kanina sa mezzanine nang mawala sa akin ang focus ng topic. That woman knows how to play games. It looked like a simple question na anong pinagkakaabalahan ko where in fact, gusto niyang pahiyain ako. Pagkatapos kong umalis sa mezzanine ay hindi na ako bumalik pa doon at nagtuloy na ako sa garden para huminga. Hindi ako makapaniwala. Naiintindihan ko na ayaw masira ni Liam ang reputasyon niya sa mga investors doon. Pero hindi ko matanggap na kailangan pa niyang magsinungaling para lang maging katanggap-tanggap ako sa mga taong yon. He could’ve just said that I’m a full-time housewife. Huminga ako ng malalim dahil sa pagiisip no’n. I get it. Baka isipin ng mga kausap