Sinundo ako ng driver ni Liam. Habang nakasakay ako sa itim niyang kotse ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung anong mangyayari sa event. “Kuya Ben, nasaan na po si Liam?” Tanong ko sa driver. “Naroon na ho siya, ma’am. Ang sabi sa akin ni Sir William sunduin ko ho kayo sa bahay.” Sagot ni kuya Ben sa akin. Sumulyap pa ito sa akin sa salamin sa kanyang harapan. Napakuyom ako sa dress ko. Ganon siya ka-excited na mauna sa event na iiwan niya ako para lang mauna. He should have waited for me first bago siya pumunta. “Ganon po ba. Malayo pa po ba tayo?” Tanong kong muli kay kuya Ben. “Malapit na ho, ma’am. Sa pagkakaalam ko ho may malaking investor si Sir William kaya hindi na siya nakapaghintay na mauna pa doon. Nandoon din kasi ang mga ibang business holders.” Sagot ni kuya Ben.