Pumunta kami sa mall ni Katie para bumili ng blue dress. Nang matapos ay lumabas kami doon habang dala-dala ko ang medyo malaking black na paper bag lulan ang naka-box na damit. “Sapatos, baks?” Tanong ni Katie habang naglalakad kami. “Hindi na. Mayro’n na ako sa bahay. Tsaka babayaran ko ‘to kay Liam kapag nakasahod na ako sa sideline ko na sideline ko.” Sagot ko kay Katie. “Bakit? Asawa mo si Liam hindi mo naman siya dapat bayaran.” Nagtatakang sabi ni Katie. “Ayoko lang kasing sumbatan niya pa ako.” Wika ko. “Para kang tanga. Asawa mo Liam. Siya naman ang may gustong sumama ka sa event na pupuntahan niya, diba?” Ani Katie. Tumango lang ako. “Wala kang dapat bayaran dahil una sa lahat mag-asawa kayo. Wag kang gaga. Kumain na nga lang tayo. Treat ko.” Dagdag pa niya. Wala na akong