Nakatingin lang sa akin si Gianna at bawat mga salitang lumalabas sa bibig ko ay tila ba latigo na bumabaklas sa kanya. “I understand that. What can I do.” Aniya at nagkibit-balikat pa. I scowled at her. Hindi ako makapaniwala na ganoon lang ang sasabihin niya. Anong magagawa niya? Nakakabwisit na sagot. Natawa ako na lang ako sa huli. “No wonder Lance broke up with you. Hindi dahil mataas ka kundi dahil wala ka lang talagang pakialam sa kanya at wala kang ginagawa para sa kanya. Pini-pressure mo siya,” wika ko. “Masisisi mo ba ako kung ganito ako? This is who I am.” Aniya pa. Mas lalo akong nagngitngit sa sagot niya ngunit hindi ko pinahalata. What a selfish b*tch. Mas lalo na lang akong natawa na naging rason para kumunot ang noo niya. Marahil ay hindi na niya gusto ang asta ko. N