“Akin na, anak. Ako na magdadala.” Kinuha ni nanay Belen sa akin ang mga paperbags. Namumula ang ilong at mata ko. Nagbabadya sa pagtulo ang luha ko. Sinamahan at sinabayan na lang ako ni nanay Belen sa paglalakad habang nag-eenjoy naman sa paglalakad ang mag-inang si Belle at mama Ynez. “Ma, may bagong release na bag sa Burberry. Can we take a look?” Wika ni Belle habang nakayakap sa braso ng kanyang ina. Nauuna sila sa amin ni nanay Belen. “Sure, anak. Anything for you. Sayang at wala si Loreen. Busy siya sa trabaho.” Wika ni mama Ynez sa kanya. “It’s okay, Ma. Siya na halos kasama ninyo simula noong nakapag-asawa na ako. For sure marami na siyang gamit galing sa inyo.” Wika ni Belle. Kahit pala kaya bilhin ang kahit na ano, masasabi kong may inggitan pa rin sa kanilang dalawang ma