Bumalik ako sa kwarto matapos ang pananampal ni papa Philip kay Liam. Minabuti ko na muna na huwag manghimasok sa problemang pamilya nila. Maya-maya pa ay pumasok si Liam sa kwarto namin habang may ice pack sa pisngi. Napakunot ang noo ko. Ganoon katindi ang pwersa at impact ng kanyang ama sa kanya? Tiningnan ko lang siya. Hindi ako kumikibo. “Dadating sina Belle bukas kasama ang husband niya.” Ani Liam. Hindi ko alam kung alam ba niyang nakita ko ang lahat kanina. Para bang wala lang sa kanya. Wala lang siya sa mood. Hindi pa rin ako kumikibo. Nakaupo lang ako sa edge ng kama habang siya naman ay nakatayo pa rin sa pintuan. “Magsho-shopping daw sila bukas kasama si mama. Pinapasama ka ni papa. Kasama niyo rin si nanay Belen. Matulog ka na.” Dagdag pa niya. Kapag kinakausap ako ni Liam