Hindi na umuwi sina Melai at baby Josh dahil sakto na hindi rin nakauwi ang asawa niyang si Diego dahil kinailangan niya raw mag-overtime at malayo pa ang uuwian niya kaya doon na siya nagpalipas ng gabi. Sinamahan na lang ako ng mag-ina dito sa bahay at sama-samang natulog sa isa pang kwarto. Sakto rin naman na uuwi na si Lance bukas. Hindi na kailangang bumyahe nila Melai papunta ulit dito sa bahay. Kinabukasan, maaga akong tumayo dahil halos hindi rin ako nakatulog dahil na rin siguro sa excitement at kaba. Ano kayang oras uuwi si Lance? Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi pa rin siya sumasagot. Hindi na ako mapakali dahil wala pa akong balita sa kanya simula noong makalawa. Hindi naman siya nagmimintis na mag-update sa akin sa kung anong ginagawa niya doon sa Davao. Nakara