Hindi umuwi si Lance. Miyerkules na ngayon. Hindi ko pa rin tinatanggal ang mga decorations sa kwarto kahit tatlong araw na ang lumipas. Wala akong ginalaw na dekorasyon kahit na isa. Umuwi rin noong Sunday sina Kian, Trevor, at Jake kasama si Tracie sa kani-kanilang mga bahay noong nasa ospital pa ako. Pinilit ko sa kanila na kaya ko na at hindi na sila dapat mag-alala pa sa akin. Pinangako ko sa kanila na aalagaan ko ang sarili ko para na rin sa baby ko. Bago umalis si Kian ay sinabi nito sa akin na ipapa-trace niya ang unknown number para managot ito sa ginawa niya sa akin. Kokontakin rin daw niya ng paulit-ulit si Lance para makasigurado kung totoo ba iyong litrato o hindi. Naiwan naman si Melai sa akin sa ospital. Dumiretso ang asawa niya sa ospital kung saan ako naka-confine pa