“Alena, alam kong galit ka.. but please hear me out.” Paliwanag nito. Nanginginig siya sa takot at pangamba sa mangyayari sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin. Si Alex. Siya ang nakatayo sa harapan ko. Sinampal ko siya. Nagsipatakan na naman ang mga luha ko dahil sa galit. Napahawak ito sa pisngi niya at tumitig sa akin. Kaya naman niyang iwasan ang sampal ko pero mas pinili niyang saluhin yon. “Kulang pa yan sa ginawa mong paninira sa akin, Alex. Ano bang ginawa ko sayo? Bakit mo ‘to ginawa sa akin?” Nangingilid ang luha ko at nanginginig ang boses ko dahil sa galit. “Alam ko galit ka sa akin at hindi mo ako mapatawad sa mga ginawa ko. Pero kailangan mong makinig sa akin. Hindi ako patatahimikin ng konsensya ko kapag hindi ko ‘to sinabi sayo.” Sambit niya. Nagtaka ako dahil takot na