Nanlaki ang mata ko sa pagsampal sa akin ni mama Ynez. Napahawak pa ako sa pisngi ko dahil sa impact nito at napatingin sa kanya pagkatapos ng nangyari. “Wala ka talagang pinipiling lugar, ano? Ang kapal ng mukha mo para sabihan ng kung anu-ano si Loreen!” Singhal sa akin ni mama Ynez. Nanginginig ito sa galit. Ang bilis ng balita. Nakapagsumbong pala agad ang spoiled brat ng pamilya nila. Totoo naman ang sinabi ng mga mauutak na kasambahay nila. “Ma, makinig po kayo sa akin. Wala po akong sinasabing masama tungkol kay Loreen.” Wika ko. Kalmado ako dahil punung-puno na ako sa kanila. Nagtaka si mama Ynez dahil hindi ako umiiyak o dumedepensa ng sobra. “Wala? Umiiyak sa akin ang anak ko, Alena. Sinong ina ang gugustuhing makita o marinig na umiiyak ang anak? Hindi ko pinalaki ang mga a