Chapter 50

1407 Words

“Sinabihan akong backstabber ng kapatid mong si Loreen dahil nagsumbong ang mga tsismosa ninyong mga kasambahay sa kanya. Sinabi ko raw na spoiled brat siya at feeling prinsesa. Sila ang nagsabi noon at hindi ako.” Humarap ako sa may malaking pinto dito sa sala na papunta sa kusina. Naroon ang mga tsismosang kasambahay. “Alam kong nakikinig kayo. Lumabas kayo diyan at sabihin ninyo ang totoo.” Tawag ko sa dalawang kasambahay. Unti-unti silang lumabas mula doon at tila ba nahuli sila sa akto at nahihiyang magpakita. Ayaw sana nilang lumapit ngunit tinawag sila ni Liam. “Pumunta kayo dito. Bilisan ninyo.” Utos niya. Nagmadali namang lumapit sa amin ang dalawang kasambahay. “Sabihin ninyo ang totoo.” Wika ko. Nagtinginan pa ang dalawa at halatang takot na takot. Umiling ang isa sa kanila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD