Kinabukasan, nagising ako na wala sa tabi ko si Lance. Hindi man lang siya nakapagpaalam sa akin. Marahil ay dahil ayaw niya lang akong istorbohin sa pagtulog ko. Nag-aalala rin siguro siya sa akin dahil hinintay ko siya kagabi hanggang sa makatulog ako dahil sa kakahintay. Ngunit hindi ko rin maalis sa isip ko na mag-alala dahil sa kakaibang kinikilos niya. Wala ako sa mood para magluto ngayong araw. Wala rin naman kasi si Lance. Nag-ready na lang ako para bumalik sa resto nila para doon na lang ako kumain. Ni hindi man lang siya nag-iwan ng kahit na anong senyales na may pupuntahan siya. Naisip ko na magpunta na lamang doon sa resto nila dahil nababagot ako dito sa bahay. Magte-take out na lang siguro ako ng food doon para iyon na lang ang kainin namin for lunch kung uuwi siya. Sum