Wednesday ng umaga nung umalis kami nila Katie sa El Nido pabalik ng Manila. Ngayon ay linggo na. Apat na araw na ang nakakalipas simula noong maghiwalay na kami ng landas ni Lance. Tumagilid ako sa aking kama at pinagmasdan ang sinag ng araw na pumapasok mula sa bintana ng kwarto. Kumusta na kaya siya ngayon? Napaupo ako nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Lumabas ako ng kwarto at dali-daling pumunta sa labas para tingnan kung sino ang taong nag-doorbell. “Akala ko hindi mo na ako pagbubuksan.” Wika ni Liam habang papalapit ako sa kanya sa gate. Binuksan ko ang gate at pumasok naman siya. Wala man lang halik sa pisngi o yakap. Dumiretso lang itong pumasok na parang taong bahay lang akong dinaanan niya. Napatitig na lang ako sa likod niya habang papasok ito ng bahay. Huminga na