I woke up not feeling very well. Ang bigat at sakit ng katawan ko, parang binibiyak din ang ulo ko sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at gusto ko na lang humilata magdamag sa kama. I even had a hard time opening my eyes, I feel like it is burning and could feel an urge to cry. Nilalagnat ako. Ilang minutong pinakiramdaman ko muna ang sarili bago nagmulat ng mga mata. Nanlalabo pa sa una pero ang unang bumungad sa akin ay ang isang kulay sky blue na stuff toy na mas malaki pa yata sa akin, na nakaupo sa couch sa gilid lang ng kama. Ang maliit na bukas na kurtina ay nagbibigay ng kaunting liwanag sa loob ng kuwarto. Medyo makulimlim sa labas, tanda na parang nagbabadya ang ulan. The place screams familiarity… I’m now in my room. “Inom pa, Astrid…” bulong ko sa sarili h