I decided to take a leave from work to have a rest, to have a breather after these stressful days… but I never had the chance to enjoy it. I didn’t have a proper break. I felt so gloomy these past few days. Parati kong naiisip ang huling pag-uusap namin ng nanay ko. That hurts like hell. Kulang na lang ay itakwil niyang anak niya ako at itanggi na siya ang nanay ko. Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko pero nitong mga nakaraang araw ay parating mayroon akong hinahanap. Pakiramdam ko ay may kulang pero hindi ko alam kung ano… o baka hindi ko lang maamin sa sarili ko kung ano ito. Nanatili lang ako rito sa unit nitong mga nagdaang araw at ang panonood ang tanging naging pampalipas oras ko, isama na rin ang pagkain. Pakiramdam ko nga ay bumigat na ako dahil walang ginawa kung hindi kum