“Oy, Ma’am Astrid?!” Naudlot ang dapat na pagpasok ko sa opisina nang makasalubong ko ang gulat na si Gerry na may hawak na isang sachet ng kape at tasa na wala pang laman na tubig. “Hala, Ma’am Astrid? Bakit po kayo nandito?” Lumabas din mula sa pantry si Philip na may hawak na suman yata ‘yon. Pareho silang gulat na nandito ako at noong mapagtanto siguro nila na ako nga ang nasa harapan ay magkasabay silang bumati. Tinanguan ko naman sila habang pinipihit ang seradura ng pinto ng opisina namin. “Bakit may pasok ka ngayon, Ma’am? Start na ng leave mo ngayon, ‘di ba?” ulit na tanong ni Philip. “Kain po pala tayo ng suman.” Itinaas niya ang kakanin. Alas nueve pa lang kaya sila pa lang ang nandito sa store. Himala nga at maaga rin ngayon si Philip, ako naman ay maagang nagising