Nangangalay na ako mula sa pagkakaupo sa toilet bowl dito sa loob ng banyo habang tutop ng magkabila kong kamay ang isang pregnancy test kit na hindi ko pa nagagalaw o nabubuksan man lang. Mayroon pang dalawa na nasa may sink. Agad na bumili ako ng tatlo bago umuwi rito sa condo. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa mga impormasyon na narinig mula kay Lharm. My intention is just to have a casual conversation with her while we are on our way home, like I am just telling her what are the odd things that were happening to me lately… hindi ko alam na ikababaliw ko pala ‘yong magiging sagot niya. She just told me that there is a possibility that I am pregnant. P-R-E-G-N-A-N-T! Sa Tagalog buntis! Ayaw kong maniwala sa kanya, pero tulad nga noong sinabi ni Lharm mayroon na siyang dalawang