CHAPTER TEN

1674 Words
“Are you ready?” Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ni Xheen sa akin. Kahit kailan ay hindi ako naging handa sa mga ganitong bagay. I am someone na hindi nagpapakontrol sa takot but this one’s different. Dito nakasalalay ang panibagong yugto ng buhay ko kung sakaling magiging isa ako sa mga defenders. Ito rin ang magdidikta ng posibleng maging sunod na tungkulin ko. Umiling na lang ako bilang sagot sa tanong niya at saka siya tinignan na abala sa pagsusuot ng hand gloves niya. “Kahit sino naman siguro ay hindi handa sa moment na ‘to.” She chuckled a little. Hindi niya naitago ang kaba sa paraan ng pagtawa niya. “Totoo nga naman,” aniya at saka ako tinignan. “Kung sakaling isa sa atin ang maging defender, sana walang magbabago sa samahan natin.” “Oo naman,” sabi ko. Kinuha ko na rin ang sandaling iyon para humingi ng paumanhin sa kaniya. “Pasensya na nga pala sa inasta ko kahapon. Alam ko naman na magkaiba tayo ng opinion sa mga bagay-bagay. Sorry kung dinamay ko kaya sa kagustuhan ko na mapatunayan kina Reva na hindi tayo katulad ng iniisip nila.” “Wala ‘yon,” aniya at saka ngumiti. “Hindi naman mabubuwag ng pagkakaroon natin ng magkaibang pananaw ang pagkakaibigan natin.” Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. I am glad na si Xheen ang nakakasama ko lagi sa loob ng maraming taon. She’s really a good friend and someone whom I can rely on, in bad times or in happy times. Kahit pa anong rough ng ugali ko, hindi niya ako iniwan. Instead, she let me grow on my own nang nasa tabi ko siya. Kapag may nananakit naman sa akin, lagi rin siyang nandiyan para ipagtanggol ako. Kapag hindi ko kayang ipaliwanag ang sarili ko, she’ll do it for me. I am truly blessed to have her.  Ibinato niya sa gawi ko ang isang pares ng hand gloves na muntikan ko pang hindi masalo dahil nakatingin ako sa kawalan. “Tulala ka masyado,” aniya. “Mag-asikaso ka na. Mahaba pa ang araw natin.” I chuckled a little at saka sinuot ang ibinato niyang hand gloves sa akin. It was color black embroidered with green small gems. She really knew my favorite color. Afterwards, I braided my hair at saka isinuot na rin ang leather boots na gagamitin ko. I picked up my quiver under my bed at maging ang bow ko na kasama no’n. I pulled its string a little and it vibrated.  “You ready?” she asked once again. Isinukbit ko na muna ang quiver ko at saka mahigpit na hinawakan ang panang gagamitin ko para mamaya bago ko siya hinarap. “I am,” I said then smiled a little. Magkasabay naming tinahak ang daan palabas ng dorm namin. Masyado pa ring maaga kaya ramdam na ramdam ko pa ang pagyakap sa akin ng malamig na simoy ng hangin. Good thing, I am wearing a black, fitted long sleeves topped with my armour vest and a black, fitted pants alongside my black knee-high leather boots.  Mangyayari ang paligsahan sa may ibaba ng burol nang sa gano’n ay walang madamay na ibang estudyante kundi kami lang. Hindi rin naman naming gugustuhin kung may ibang mapapahamak dahil sa mangyayaring labanan. Nang makarating kami ni Xheen doon ay si Cosmo at Cleon na lang ang hinihintay nina Reva samantalang wala pa sina Earth at Miku sa team namin. Nangiti naman agad si Ryker nang makita kami. He sighed. “Salamat naman at dumating na kayo,” aniya. “Kanina pa ako naghihintay. Nauubos na ako sa tingin ni Reva. Type niya ata ako, eh.” “Kailan ka kaya matitigil sa pag-aassume mo, ‘no?” I sarcastically asked. “Hindi naman pag-aassume ‘yon, eh,” depensa nito. “At saka kung gusto niya ako, wala namang problema. Single naman ako kaso dapat muna siyang pumila kasi masyadong marami ang fan girls ko—aw! Bakit ka ba nanghahampas?” Binelatan ko siya matapos kong tuktukan ang ulo niya ng panang hawak-hawak ko. Masyado nang malamig ang hangin, ayoko na na dadagdagan pa ‘yon ng gaya niya.  “Uy, Earth, pare!” he excitedly said at saka kumaway sa nasa likuran namin. Napalingon ako at nakita ko ang paparating na rin na sina Earth at Miku. Agad naman silang sinalubong ni Ryker at saka may kung anong sinabi kay Earth na nakapagpatawa sa isa. “Loko ka,” ani Earth habang nailing. “Asa pa na magkakagusto sa ‘yo si Reva.” I hissed because of what I heard. Talagang ipinamalita pa ng ungas ang tungkol sa inaassume niya na pagkakagusto ni Reva sa kaniya. Hindi na nahiya!  “Ang lakas ni Ryker, ‘no?” bulong ni Xheen sa akin. “Lakas magyabang nang wala sa lugar, oo,” sagot ko. “Akala mo naman talaga magugustuhan siya ni Reva. Asa pa.” “Bakit naman hindi? Gwapo naman si Ryker at saka makwela.” “Gwapo?!” I exclaimed. Dahil medyo napalakas ang boses ko ay napatingin sa gawi namin sina Reva. “May sakit ka ba sa mata at tingin mo ay gwapo si Ryker? Need mo ata ng check up, eh.” “Bakit hindi ba?” “Hindi, ‘no!” tugon ko. “Hindi hamak naman na mas maitsura si Denzell sa kaniya—” Agad na lumawak ang ngiti ni Xheen dahil sa sinabi ko. “Kaya naman pala. Maka-Denzell naman pala.” Napatingin ako sa gawi nina Reva dahil baka narinig nila ang sinasabi ni Xheen. I was surprised to see na nakatingin si Denzell sa gawi namin. He smiled a little kaya gumanti rin ako ng bahagyang ngiti. Nang lingunin ko si Xheen ay mas lumawak pa ang ngiti niya. Inirapan ko na siya bago pa siya may masabing iba. “You’re blushing,” aniya. “No, I’m not,” depensa ko. “Yes, you are,” aniya at saka tinudlo pa ang tagiliran ko kaya napakibot ako nang konti. “Kinikilig ka sa mga ngiti ni Denzell,” pang-aasar niya pa. “Tss. Why would I?” I said then rolled my eyes. Hindi siya sumagot bagkus ay humarap siya sa gawi nina Denzell and called him kaya lahat ng naroon ay napatingin sa kaniya. “Hi, Denzell!” ani Xheen at saka kumaway. Kumaway naman pabalik si Denzell sa kaniya. “Hi, Xheen,” he said. Doon ko lang din napagtanto ang lalim ng boses na mayroon siya. “Hi, Averyl.” I pursed my lips at saka mabilisang kumaway pabalik. He chuckled a little dahil sa ginawa ko. Agad naman na tinapik ni Reva ang kamay niya na nakaway sa gawi namin at saka pakunot noo na kinausap ang kapatid niya. Paniguradong pagsasabihan niya si Denzell dahil sa ginawa nito.  Ilang sandali pa ay dumating na sina mentor Cassy at mentor Ace. Kasama rin nila ang ibang mentors ng Academy, maging si miss Aphrodite. Agad naman kaming nagsitayo at saka bahagyang yumukod bilang pagbati sa presensya nila. Nang bigyan nila kami ng hudyat para maupo ay agad naming iyong ginawa. “Good morning, everyone,” bungad ni miss Aphrodite. Ginantihan naman namin siya ng pagbati. “Ngayong araw, masasaksihan namin ang angking galing ninyo sa pakikipaglaban. Dito namin makikita kung sino na sa inyo ang handa na na maging susunod na defenders ng paaralan.” “You were divided in two teams at ang bawat pares ng magkatunggali ay susubok sa magkakaibang pagsubok na inihanda naming,” ani mentor Cassy. Nilingon nito si mentor Ace at saka pasimpleng tinanguan. Agad namang nakuha ni mentor Ace ang ginawang iyon ni mentor Cassy at sa isang iglap lang ay mayroong limang portals na nagbukas sa gitna ng lugar na kinaroroonan namin. “Those portals will serve as your gateway sa inihandang dimensyon ni Ace sa inyo.” “To make it clear sa kung sino ang magkakaharap, please stand,” utos ni mentor Ace na agad naming sinunod. Naglabas siya ng isang scroll. Siguro’y naroon ang pangalan ng bawat magkakapareha. Ngunit kung abilidad ang basehan, malamang ay kapareho lang ng nakatapat namin sa practice battle ang makakaharap naming. “As I call your name, please go to one of the five portals,” dagdag niya. “Reva Astrid and Xheen.” Agad na pumahiwalay si Xheen sa amin at saka nagtungo sa unang portal na naroon. Gano’n din ang ginawa ni Reva. “Ryker and Denzell…Cosmo and Miku…Earth and Circe…Lastly, Averyl and Cleon.” Ibinaba na ni mentor Ace ang scroll na hawak niya. Nakapwesto na rin kami sa mga portals na kaniyang ginawa. Mentor Cassy recited an incantation and in a snapped, we were afloat, maging ang lupa kung saan kami nakatayo ay pumailanlan sa ere. Nabalot din ng kakaibang barrier ang lugar, siguro’y biglang dagdag proteksyon. Sa isang kumpas niya pa ay may kung anong hologram na may mga mukha namin ang makikita sa taas. “Isang puntos para sa kung sino ang mananalo sa magkapareha,” aniya. “Kung sino ang makakapuntos sa inyo, siya ang maswerteng papalit sa pwesto namin dito sa Academy.” “Goodluck and may the right set of defenders acquire the position,” ani miss Aphrodite.Pumasok na kami sa mga portals na nakatakda sa amin. Dala ang kaba at takot sa dibdib ko, tumuloy ako sa lugar na magdidikta ng kapalaran ko sa RMA. This is a do or die mission. It’s either I’ll win this o maging talunan ako sa mat ani Reva sa mas mahaba pang panahon. Most importantly, this challenge will cause me my fate. Kung talagang para ako sa pagpoprotekta sa paaralang naging tahanan ko, nawa’y iyon ang mangyari. Bumungad sa amin ang isang malaking bulwagan. Para itong kagaya sa templo ng mga gods at goddesses na nakikita namin sa tuwing ipinapakita sa amin ang Skyline ngunit medyo may kadiliman kumpara roon. Kulay itim din ang bumabalot na kulay sa paligid at tanging mga sulo lamang ang nagbibigay liwanag sa lugar. Hindi naman madilim ngunit hindi ko rin masasabing maliwanag ang lugar. Napasinghap ako nang biglang may mga kung anong target ang lumuwa mula sa sahig ng bulwagan. Napuno rin ng iba’t iba pang mga bagay ang lugar na susubok sa galing namin at liksi sa pagkilos dahil kung hindi ay hindi ko alam kung mabubuhay pa ako kung sakaling mahahati ng isa sa mga ‘yon ang katawang tao na mayroon ako. “Handa ka na ba, Averyl?” tanong sa akin ni Cleon. Huminga ako nang malalim at saka hinawakan nang mahigpit ang pana ko bago lumingon sa kaniya. “Handa na.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD