CHAPTER ELEVEN

2761 Words
REVA We were in an open ground. Alam ko namang nasa ibang dimensyon kami dahil na rin sa portal na binuksan ni mentor Ace. Wala akong matanaw na kahit na ano sa lugar, aside from grasses. It’s as if the place were not meant for any other natural things aside from it. Napalingon ako sa katabi ko. Napataas ako ng kilay nang makitang tila manghang-mangha ito sa lugar. She’s exploring the place non-stop with her eyes na animo’y hindi pa siya nakakakita ng d**o sa Academy. “Wow,” she said. I hissed at saka napailing. Kung ganito kaisip bata ang mapapabilang sa magiging defender ng school, I doubt na mapupunta sa mabuting lagay ang RMA. Also, alam ko naman na hindi rin kakayanin ni Xheen ang gano’ng responsibilidad. She’s a minor; she acts like a minor and she thinks like a minor. Everything about her is still childish. Pagkatapos ng ilang sandal ay may kung anong liwanag ang sumilaw sa akin. Tinakpan ko agad ang mga mata ko habang pasulyap-sulyap sa kung ano ang dahilan ng liwanag na ‘yon. When the light was gone, I saw a mountain from afar. Mayroong kung anong bandila ang nasa tuktok no’n. Right there and then, alam kong ang bandilang iyon ang magtatakda ng bagong kapalaran ng isa sa amin ni Xheen. And I can’t let her beat me. Hindi ang gaya niya ang tatalo sa isang kagaya ko. I looked at Xheen and she’s looking at me, too. Tila pareho naming pinakikiramdaman ang isa’t isa. Kung sino ang unang kikilos at anong maaari naming gawin para mauna sa pagkuha ng bandila. When she decided to do nothing, I decided to run. “Ang daya mo!” she screamed but I didn’t bother looking back. “Ah!” Napadaing ako nang biglang may kung anong bato ang tumama sa paanan ko. Hindi pa nakuntento ang menor de edad sa ginagawa niya sa paanan ko at hinayaang pang balutin ng mga batong ‘yon ang kanang paa ko. In a swift, mas nauna na sa akin si Xheen. That brat! Using my ability, I created a field strong enough to make the rocks explode a bit at saka inalis ang paa ko mula sa pagkakaipit doon. Then, I turned to Xheen’s direction and with all my might, I created a field enough to block her way. Kung sa tingin niya ay palalampasin ko ang ginawa niya, nagkakamali siya! Nakita ko ang pagbagsak niya sa lupa at kinuha ko na ang pagkakataon na ‘yon para maungusan siya. When she saw me running towards her, she used her ability to throw whatever there is to throw sa direksyon ko. Wala akong ibang nagawa kundi umiwas o lagyan ng proteksyon ang sarili ko. Hindi pa siya nakuntento sa kaniyang ginagawa. Sa isang kumpas ng kamay niya, umangat sa ere ang lahat ng bato na naroon sa lugar. I saw how her eyes emit white glow, letting me know na sinasagad niya ang kaniyang abilidad. I stood there, with just a little distance from her, at patuloy na naghintay sa kaniyang sunod na gagawin. And as expected, she threw everything on my direction. I concentrated at saka nilagyan ng temporary shield ang sarili ko. Pinakiramdaman ko rin ang katawan ko at saka pumailanlan sa ere. I made a portal huge enough to suck whatever she’s throwing at me. Habang patagal nang patagal ay nararamdaman ko na ang hirap sa pagkontrol sa portal na iyon dahil sa ginagawa ni Xheen but when she stopped, that’s where I chose to put back the smirk on my lips. It’s payback time. Using my hands and my control on the portal, binuo ko ang pira-pirasong bato na ibinato ni Xheen sa direksyon ko. It wasn’t easy ngunit hindi sa gano’ng paraan ako matatalo ni Xheen I screamed at the top of my lungs at saka pinakawalan mula sa portal ang malaking bola ng bato at itinutok iyon sa gawi ni Xheen. I broke the shield protecting me at saka paluhod na ibinagsak ang sarili sa lupa. Xheen got a hold of the huge rock I thrown to her direction, but I am not yet finished. My eyes turned black, I felt it and the moment my hand meets the ground, I emitted a field strong enough to break the rock in pieces. When I was still not contented, I emitted another force field kaya hindi na nakaiwas si Xheen nang tuluyang umulan ng bato sa direksyon niya. Bahagya rin siyang tumalsik dahil sa ginawa ko. I breathed deeply to calm my raging body. Pinunasan ko rin ang kung anong likido na dumaloy mula sa ilong ko. I looked at my hand and there’s a blood. Dahil masyadong malaking enerhiya ang nawala sa akin, normal na dumugo ang ilong ko. Ramdam na ramdam ko na rin ang panginginig ng mga binti ko, maging ng mga kamay at braso ko. I tried closing my fist nang sa gayon ay makakuha pa ako ng konting lakas dahil alam ko, hindi pa rito natatapos ang laban. I walked towards Xheen’s direction only to be surprised by her attack. She manipulated my body at halos mapaluhod ako dahil sa sakit na idinudulot ng bawat kumpas ng kamay niya. “Ah!” Lalo pa akong napadaing nang bumagsak ang katawan ko sa lupa. She’s controlling my arms and my legs. Hindi na rin nawala ang kulay sa kaniyang mga mata and it amazed me dahil gano’n pala katibay ang katawan niya. I think I belittled her. I groaned when I felt something choking me. I glared on Xheen dahil sa ginagawa niya pero mas humigpit lang ang kapit ng abilidad niya sa leeg ko. The only way I can stop her is to make her fear arise. With my remaining energy, while gasping for air, I recited an incantation, summoning the air around us. Through the use of the wind and the field around us, I created an echo of someone whom I know ay sobrang pinapahalagahan ni Xheen. “Xheen…” called a voice. “Tulungan mo ako…” I can feel her loosen up as soon as she heard that voice. Pinigilan ko rin ang paglitaw ng ngisi ko dahil sa reaksyon niya. “Xheen, help me…” In a snapped, Xheen let go of me. I gasped for air as soon as she did that. Napaubo pa ako dahil sa ginawa niya sa akin. Nakakainis! “Averyl, nasaan ka?” sigaw nito sa kawalan. Natawa naman ako dahil sa ginawa niya. “Ganyan ka pala kadaling utuin,” I said then smirked. “Ngayon alam mo na kung bakit hindi ka nababagay sa hanay ng mga defenders.” Sumama ang tingin niya sa akin. Napangisi lang ako dahil doon. Hindi ang gaya ko ang masisindak sa tingin ng isang hamak na gaya niya. She’s nothing compared to me. Isa lang siyang alikabok sa akin. Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo, Xheen. “It’s payback time, lady,” I said. Akmang uulitin niya na naman ang ginawa niya kanina ngunit mas mabilis pa sa alas kwatro na naikumpas ko ang kamay ko. I created a force field at ikinulong ko siya roon. Alam kong may posibilidad na magalaw niya ako kung sarili ko ang poprotektahan ko pero kung ang abilidad niya ang aking malilimitahan, that’s an advantage. She tried to break the force field she’s in but failed. Natawa naman ako sa pinaggagagawa niya. She looked so helpless inside the force field bubble. “Sinaktan mo ‘ko kanina, now, it’s my time to make you feel and know what I am capable of,” I uttered. In a swift, my eyes changed its color. Sa isang kumpas ng kamay ko ay para siyang mumunting daga na walang kalaban-laban sa bawat atake ko. “You…” I twisted the force field, making her lose her balance at saka naglakad papalapit sa kinaroroonan niya, “are nothing…” I twisted it again, “compared to me!” I put a hand around her neck, making her gasp for air. “Anong pakiramdam, Xheen? You think you can beat me, huh?!” She coughed. “How does it feel to be weak?!” I let go of her at saka pinasabog ang force field na kinaroroonan niya. Tumalsik ang katawan nito papunta sa bundok na kinaroroonan ng bandila bago bumagsak sa lupa. “It’s game over, Xheen,” I whispered then used my full energy to break the mountain into pieces. I shouted t the top of my lungs at saka pinakawalan ang isang matinding force field na sisira roon. A huge explosion happened. I saw how Xheen fought for her safety habang patuloy na bumabagsak ang mga bato na galing sa bundok sa gawi niya. “Wait!” she shouted. I controlled the force field around the mountain, making the falling rocks stopped from falling. “Sumusuko na ako,” aniya. I smiled. “Ano ulit, Xheen?” “I said…” she coughed, “sumusuko na ako!” Napangisi ako sa narinig. I expected that. Alam ko naman na una pa lang, walang-wala na siya kumpara sa akin. Inihagis ko sa kung saan ang mga batong nagmula sa sumabog na bundok at saka lumapit sa gawi niya. I picked up the flag at saka nilapitan ang kaawa-awang si Xheen na nakahiga pa rin sa lupa. Punong-puno siya ng sugat sa katawan and it’s my pleasure to see her in that condition. “I won,” I said at saka siya muling nginisian. Naglakad na ako papalayo sa kinaroroonan niya. Makailang sandali lang, lupa na muli ng RMA ang nilalakaran ko. “Pagbati sa’yo, Reva Astrid,” ani mentor Ace. “Ikaw ang kauna-unahang nakatapos sa paligsahan.” Iniabot ko sa kaniya ang bandilang hawak ko at saka muling pumwesto sa upuan na nakalaan sa team namin. Tinignan ko ang hologram sa taas at mukha ko na ang kauna-unahang kumuha ng slot sa limang magiging bagong defenders ng paaralan. 1-0. How interesting to see. This is our game, losers like Averyl and her team will never win against us.  RYKER Bumuntong-hininga ako. “Sa dinami-dami ng pwede kong makatapat, bakit kaya ikaw pa?” tanong ko kay Denzell na hindi naman sinagot no’ng asungot. Abala lang siya sa pagtingin sa lugar, siguro’y kinakabisdo niya na. Gano’n ba siya katakot sa akin at gusto niya na agad malaman kung saan siya magtatago mamaya? Tss. “Masyado naman ata nila akong minamaliit,” bulong ko pa. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya. “Hayaan mo na lang na ang labanan natin mamaya ang magdikta ng kapalaran mo,” aniya. Hindi naman siya nagyayabang pero…ang yabang naman niya! Sa tingin niya ba ay magpapatalo ako sa kaniya? No way! Masyadong nakakahiya sa mga fan girls ko kung malalaman nilang natalo ako. Isa pa, ano na lang ang ipagmamayabang ko kay Averyl kung sakaling nilampaso ako ng kumag na ‘to? Pupurihin niya na naman si Denzell at maiinis na naman siya sa akin. Sa totoo lang, hindi naman kami nagkakalayo ng isang ‘to. Mas matangkad lang siya nang konti pero mas gwapo naman ako. Malakas din naman abilidad niya pero mas gwapo pa rin ako. Matalino rin siya sa mga bagay-bagay at madiskarte pero mas gwapo pa rin talaga ako. Wala naman siyang binatbat sa akin sa kagwapuhan kaya bakit siya pa ang nagustuhan ni Averyl? O baka naman nagkukunwari lang siya na nakukuha ni Denzell ang atensyon niya pero ako naman talaga ang gusto no’n? Iab talaga karisma mo, Ryker! Pati ang mataray at galit sa mundo na si Averyl, napapalambot mo. “Nakakatakot ka naman,” ani Denzell sa akin. Kinakausap niya ako. Himala. Close pala kami. Sige, kakausapin ko na rin. Mukhang fan boy ko pa ang isang ‘to, eh. “Talagang nakakatakot ako,” sabi ko. Hindi naman sa pagmamayabang. Konti lang. “Don’t get me wrong, hindi ako natatakot sa abilidad mo,” aniya at saka ngumisi. “Ngumingiti ka kasi mag-isa kaya natatakot ako sa’yo. You sure you’re okay?” Aba’t?! “Edi ngumiti ka rin mag-isa para masaya,” sabi ko rito. “Kung mga fan girls ko ang nandito, magtitilian na ang mga ‘yon dahil ngumingiti ako.” He chuckled. Walang bago, tunog medyo pogi lang. Wala pa ring binatbat sa tawa ko. “Now I know why Averyl hates you,” aniya. Aba’t?! Dumadalawa pa! Matibay!  Akmang sasagot pa ako nang biglang yumanig ang bulwagang kinaroroonan namin. Sa isang iglap lang ay unti-unting lumitaw ang animo’y pyramid sa dulo ng bulwagan at mayroon iyong kung anong flag sa taas. Napakadali naman ata nito kung paunahan lang kami sa pagkuha ng bandilang ‘yon. “May the right person win,” ani Denzell at saka nag-ayos pa ng gloves na suot-suot niya na akala niya naman ay ikinacool niya. Bigla-bigla rin ay may kung anong kakaibang pakiramdam ako na naramdaman. Sigurado akong hindi multo ang dumaan pero ramdam na ramdam ko rin na may kung anong kakaibang ihip ng hangin ang dumaan sa gitna namin ni Denzell. “Woah.” Napaatras ako matapos biglang may kung anong mga laser ang namagitan sa amin ni tukmol. Ganito siguro talaga kapag pogi, hinihiwalay sa hindi nila kauri. May dalawang tao naman ang lumitaw sa gilid ng pyramid na nasa side ko. Sumilip ako sa gawi ni Denzell at gano’n din ang nangyari sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang suot nila pero mukha silang galing sa Egypt at napadpad lang dito sa RMA. Kaibiganin ko kaya sila? Baka sakaling mas mapadali ang buhay ko. Laking gulat ko nang may kung anong mga uri ng sibat ang lumitaw sa harapan nila. Kahit pa malayo ako, alam kong kaya ng mga sibat na ‘yon na tumagos sa katawan ko kung tatami ‘yon sa akin. May balak ba silang patayin kami? Bago pa man ako makagawa ng kahit na anong galaw, may sibat na kaagad na paparating sa gawi ko. Tig-isa sila ng binato kaya magkabilaan din ang naging paghati ko sa mga ‘yon sa ere. I can make things explode or cut them in the air using my hand signal, this is just a piece of cake. Pinaulanan nila ako ng mga sibat na hindi ko na mabilang kaya naging mabilis din ang pagkilos ko para hatiin ang mga ‘yon bago pa man mapunta sa akin. Sa kasamaang palad, mayroong mga sibat na nakakaligtas sa ginagawa ko. Tanggap ko naman ‘yon dahil hindi naman ako superhero para magawa nang tama ang kung ano mang ginagawa ko ngayon. “Makarating lang ako nang safe sa pyramid, humanda sa akin ang mga gunggong na ‘to,” bulong ko. Maya-maya pa ay nawala na ang mga sibat sa harapan nila. Pumalit naman ang napakaraming kanyon at ang mga bala no’n ay sunod-sunod nilang pinaulan sa gawi ko. I summoned my full ability. Naramdaman ko ang kakaibang init sa katawan ko, maging ang pamumula ng aking mga mata. “Now, it’s show time,” bulong kong muli. Inikot ko ang sarili ko habang tinatawag ang apoy na nasa kaibuturan ng katawan ko. Isa-isa ngunit mabilis ang naging pagpapasabog ko sa bawat bala ng kanyon na dumarating sa akin. Sinunod ko naman ang mga kanyon na nasa dulo ng bulwagan. I smiled nang tupukin sila ng apoy. I run as fast I can. May panibago na naman silang ibinabato sa gawi ko ngunit dahil nasa full ability ko ako, hindi naging mahirap sa akin na kontrahin iyon. Sa isang iglap lang, maging ang mga taong kanina lang ay naroon sa pyramid ay natupok ng apoy. Napangisi ako nang makitang wala pa rin si Denzell sa tuktok ng pyramid at naroon pa rin ang bandila na kailangan naming kunin. Sinasabi ko na agad at walang binatbat sa akin ang isang ‘yon, eh. Kung nasaan man siya, do’n na lang siya at huwag nang babalik pa. Akmang hahawakan ko na ang flag sa hawakan nito nang may kamay na umagaw sa akin no’n. “Bakit mo kinuha?!” singhal ko kay Denzell. “Kita mong kukunin ko na, eh!” “I was here first, hinintay ko lang na dumating ka,” sabi niya. “Mas masarap kasing manalo kung makikita ko ang reaksyon mo kapag hawak ko na ang bandilang ‘to,” dagdag niya at saka iwinagayway pa ang hawak niya. Tinalikuran niya na ako pagkatapos no’n at saka pasipol-sipol na lumabas ng bulwagan. “Bwisit,” bulong ko at saka sumunod sa kaniya. Maya-maya pa ay nakabalik na ulit kami sa RMA. Agad namang sinalubong nina mentor Ace si Denzell at saka siya binati para sa pagkapanalo niya. Padabog naman akong umupo sa tabi ni Xheen at saka napatitig na lang sa hologram na may nakadisplay na mukha nina Reva at Denzell. “We lost,” ani Xheen sa akin nang pabulong. “I hope kinakaya nina Averyl, Earth at Miku ang pagsubok na kinakaharap nila.” Hindi ko siya sinagot. Napatingin ako sa upuan nina Denzell at nakatingin din siya sa gawi namin. Kahit may distansyang namamagitan sa amin, kitang-kita ko kung paanong umangat ang labi niya na animo’y nang-aasar pa. I hissed. “Mas gwapo pa rin naman ako.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD