CHAPTER NINE

1925 Words
AVERYL Kasalukuyang nililinis ni Xheen ang sugat ko sa kamay at sa pisngi. Kanina niya pa rin ako hindi kinakausap mula nang matapos ang laban at makabalik kami sa dorm room namin. Wala rin siyang sinasabi tungkol sa nagging laban nila ni Reva at ayaw ko naman siyang kulitin dahil baka ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon. Nang muli na naman siyang aalis ay hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong sa kaniya. “Galit ka ba sa akin?” I asked her. Nakita ko ang pagtaas-baba ng balikat nito kahit nakatalikod siya sa akin. “Hindi,” she plainly answered. “Kanina mo pa ako hindi kinakausap.” Napayuko ako at saka napalabi. Minsan, may mga pagkakataong hindi ko maiwasang manliit kay Xheen. She’s younger than me but somehow, she can give off a dominant vibe na talagang nakakapanliit. Muli siyang humarap sa akin at saka ako inirapan nang magtama ang mga mata naming dalawa. “Paano kita kakausapin, eh, ikaw ang pumayag kaya napasubo tayo kina Reva?” Hindi ako nakasagot. “Congratulations to us, paniguradong pinagtatawanan na naman nila tayo,” she said, full of sarcasm. “Hindi naman ‘yon ang intensyon ko,” sabi ko. “Hindi ka ba napapagod na lagi nila tayong minamaliit?” I asked and this time ay siya ang hindi nakasagot. “Gusto ko rin namang ipamukha sa kanila na hindi lang tayo basta-basta. Na kahit mas maaabilidad sila, we can also defend this Academy. Na kahit ganito lang tayo, may magagawa tayo para ibahin ang tingin nila sa atin.” She crossed her arms. “Eh, ngayong natalo tayo, paano na? Did we make a change? Wala kahit konti. Mas ibinaba lang natin ang mababang tingin na nila sa atin.” “At least, we tried,” I said. “Ang importante ay sinubukan natin and we fought with all our might. Hindi itong practice battle ang magdidikta ng kapalaran natin, Xheen. If you think na dito na natatapos ang lahat, nagkakamali ka. We had our chance; we took it at ‘yon ang mahalaga.” “Hindi ito laging about sa pagtitake ng risk, Averyl.” “If being in here is not all about taking risk, what is RMA all about, then?” I asked. “Sa paghohold back? Sa pagtanggap ng criticisms ng iba? Sa pagiging takot?” “It’s about knowing when to say yes and when to say no!” “Kung hindi ngayon, kailan mo balak patunayan ang sarili mo sa iba, Xheen?” I asked again. “Sa tamang panahon? Kailan ba ang tamang panahon? Wala ka ring sigurado sa lahat.” “What I am saying is that hindi tayo handa and yet you said yes sa alok nila—” “Kailan ka magiging handa? Kapag huli na ang lahat? Why not turn your uncertainty and worries as your strength at harapin mo kung ano ang nariyan na sa harap mo?” Bumuntong-hininga siya. “All I know is that there’s always a right time for everything.” “Every time is a right time,” I said, giving emphasis to the term ‘every time’. “You just have to take the risk.” Hindi na siya sumagot pa, bagkus, nagtuloy-tuloy na lang siya papunta sa kusina dala-dala ang pinanlinis niya sa sugat ko. Bihira kaming maging ganito ni Xheen. We both have our own views tungkol sa ginawa ko. Pero kahit pa natalo ako ni Cleon, hindi ko pinagsisisihan na um-oo ako sa alok nina Circe. Both ways, mamaliitin pa rin naman nila kami. Kung humindi man ako, ganito pa rin ang senaryong mangyayari. Napatingin ako sa sugat ko sa kamay. Hindi iyon masyadong malalim pero ngayong nalinisan na siya ay kitang-kita ko na ang mrka na idinulot no’n sa kamay ko. Kumuha rin ako ng salamin at saka tinignan ang sarili roon. I touched my wound na agad ko ring pinagsisihan dahil makirot pa rin iyon. “Hinihintay nga pala tayo nina Earth sa baba,” ani Xheen at saka nagdire-diretso sa higaan niya. “He’ll take care of your wound.” Kahit pa hindi niya nakikita ay napatango-tango ako sa sinabi niya. Minabuti ko na rin lang na mag-ayos ng sarili at saka sumunod kay Xheen nang lumabas siya ng dorm room namin. Hindi na ako nag-abala pa na takpan ang sugat ko dahil alam kong mabilis naman na magagamot ni Earth ito. Hindi gaya noon, pareho kaming walang imik ni Xheen. Siguro’y pareho pa rin kaming nasa proseso ng pagtanggap sa sinabi namin sa isa’t isa. But just like before, Xheen opened the door for me. I thanked her for that at tanging pagtango lang ang sagot na nakuha ko. Mas nauna siyang lumapit sa gawi nina Earth, Ryker at Miku na abala sa pag-uusap. Nang makita nila si Xheen ay saka lang din napunta sa akin ang mga tingin nila. “Kumusta?” bungad ni Ryker. “Masakit ba?” Agad na sumama ang mukha ko dahil sa pambungad niya. Eh, kung siya kaya ang padaplisan ko ng arrow at saka ko siya tanungin kung masakit ba? Hindi na ako sumagot sa tanong niya, bagkus ay inirapan ko na lang ito. Alam ko naman na wala siyang masasabing matino. “Akalain mong nasa iisang team ang nagligtas at nanakit sa’yo,” ani pa ni Ryker at saka umamba na hahawakan ang sugat ko sa pisngi. Agad ko naman siyang naitulak nang bahagya at saka inaksyonan na susuntukin ko siya sa oras na gawin niya ‘yon. Mamaya, mainfect pa ang sugat ko dahil sa paghawak niya! Likas pa naman na marumi ang isang ‘to dahil, well, walang malinis sa buong pagkatao niya. “Kapag ako ang nalapit sa’yo, inis na inis ka. Kapag si Denzell naman, parang ang bait-bait mo pa. Ang daya mo naman,” kunwari’y pagmamaktol nito ngunit kalaunan ay natawa rin. “Sige ka, iisipin ko na talaga na gusto mo ‘ko.” Napaamang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Ano raw?! Gusto ko raw sino?! “Talagang punong-puno ka ng hangin sa katawan, ano?” pagtataray ko rito. Okay na sana ang sirkulasyon ng dugo ko, pinatataas na naman ng damuhong ‘to! “The more you hate, the more you love. Sige ka, ikaw rin,” aniya at saka sumipol-sipol pa. “Ewan ko sa’yo!” singhal ko rito at saka iniwan na siya sa pwestong ‘yon para lumapit kay Earth. “Mahal service fee ko,” bungad ni Earth sa akin. Sinamaan ko naman agad siya ng tingin. “Joke lang! Hindi ka naman mabiro.” “Nasasaktan na ako, paano pa ako matutuwa sa mga biro n’yo, aber?!” pagtataray ko rin sa kaniya. Magkaibigan nga talaga sila ni Ryker! “Nasaktan ka na’t lahat-lahat, hindi pa rin nabawasan ‘yang kasungitan mo,” aniya na natatawa pa. Pinaupo niya ako sa tabi niya at saka sinimulan ang panggagamot sa sugat ko. “Okay ka lang ba?” Napunta kay Miku ang tingin ko dahil sa biglaang pagtatanong niya. May kung ano siyang kinakatikot sa notebook na hawak niya ngunit kalaunan ay tumingin din siya sa akin. “Sana all kinakamusta ni Miku,” ani Ryker. “Kapag ba nagpapana ako kay Cleon, kukumustahin mo rin ako?” dagdag nito at saka umakbay pa sa isa. “Bakit kay Cleon pa? Nandito naman ako,” sabi ko. “Ako na lang papana sa’yo para masaya.” He chuckled. “Ayoko. Baka tanggalan mo ‘ko ng kakayahan na maipakalat ang lahi ko.” Nagtawanan sila ni Earth matapos no’n. Hindi ko naman nakuha ang sinabi niya kaya napakunot noon na lang ako. “Kadiri ka, Ryker,” ani Miku na nailing pa. Nilingon niya ako ulit. “Hindi mo nagets?” Mas nangunot ang noo ko sa tanong niya. May hidden meaning ba ang sinabi no’ng kumag na ‘yon? “Papanain mo raw siya sa ano niya…sa ano…” ani Xheen kaya nalipat sa kaniya ang tingin ko. Hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng pisngi nito. “Down there,” halos pabulong na dagdag nito at saka iminuwestra ng mata niya ang baba. Agad kong sinugod si Ryker na katabi ni Miku at saka siya pinaghahampas sa braso niya. “Nakakadiri ka! Hindi ka man lang ba nahihiya sa mga pinagsasasabi mo?!” Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tumawa nang tumawa. Oh, how I wish na dala ko pana ko! “Hindi pa ako tapos sa paglalapat ng gamot sa sugat mo,” ani Earth. Bakas pa rin sa labi nito ang ngiti niya na marahil ay dahil sa tinuran ng kaibigan. Si Ryker naman ay halos maubo-ubo na sa pagtawa niya. Mabilaukan ka pa sana ng sarili mong laway! Bumalik na lang ako sa tabi ni Earth habang ang mga mata ko ay masama pa rin ang tingin kay Ryker. Sa aming lahat talaga, siya ang may bibig na walang matinong nasasabi. Kaya hindi ko rin talaga maintindihan bakit ang daming nagkakagusto sa kaniya. Hello?! Wala namang kagusto-gusto kay Ryker! “Ang cute n’yong dalawa,” ani Earth sa akin ngunit sa pabulong na paraan. Agad namang sumama ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi ba siya kinikilabutan sa bagay na ‘yan? “Halos magsakalan na kami, cute pa rin? Wow, ha,” I said then rolled my eyes. Earth chuckled a little. “Naalala ko ang kwento nina mentor Cassy at mentor Ace. Aso’t pusa rin sila noon but look at them now.” “Hindi kami magiging gaya nila,” may pinalidad na saad ko. “Never!” Nagkibit-balikat na lang siya at saka nagpatuloy sa kung anong ginagawa nito sa pisngi ko. May mga pagkakataon na napapadaing ako sa sakit at magsosorry naman agad si Earth. He’s kind and pure, kung hindi lang talaga naimpluwensyahan ng magaling na si Ryker. He recited an incantation. Hindi na sakop ng kakayahan ko na intindihin siya but I heard the same before at alam kong para iyon sa mabilis na paggaling ng sugat ko. “Tapos na ang sa pisngi mo,” aniya. I caressed my cheeks at wala nan gang bahid ng sugat doon. “Akin na kamay mo.” He did the same thing sa sugat ko sa kamay and in a snap, wala ng bakas doon ng kahit na anong sugat na natamo ko mula kay Cleon. It’s as if nothing happened. “Makakahawak ka na ng pana nang maayos. Be careful next time,” paalala ni Earth sa akin. Minsan talaga ay hindi ko rin siya mabasa. Magkasing-edad kami but there are times na nagmumukha siyang mas may edad kumpara sa akin, kagaya na lang ngayon. Kung ibabawas lang ang side na naapektuhan na ni Ryker sa kaniya, Earth’s an almost perfect royalty. Si Ryker lang talaga ang sumisira sa image niyang ‘yon, eh. Dapat ko na ata siyang sabihan na lumayo na kay Ryker. My thoughts were put on halt when I heard a loud sound, as if something has exploded. Napatingin ako sa kalangitan nang biglang magliwanag. The night sky was now filled with dark orange glow. Sinundan iyon ng isa pang pagsabog at muli na namang nagliwanag ang kalangitan. Kasabay ng lakas ng tunog no’n ay ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko na napigilang kabahan nang makita ko na ang senyales na hinihintay namin para sa pag-uumpisa ng pagpili sa mga susunod na magiging defender. “Bukas na,” ani Miku. “Sasabak na tayo sa tunay na laban bukas.” Hindi ako nakasagot, bagkus ay nanatiling nakapako sa langit ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko rin ang dibdib ko ngunit bigo akong pakalmahin iyon. Animo’y rumehistro rito ang dagundong ng mga paputok na iyon at singlakas no’n ay gano’n din ang nararamdaman ko ngayon. “We will be needing a lot of rest tonight,” ani Xheen. “Tomorrow, we will be given the chance to rewrite our fate and create a new path for us.” Tama si Xheen. Bukas, ang ilan sa amin ay papalit na sa pwesto nina mentor Cassy. Kasabay rin ng pagpili ay ang napipintong pag-alis nila. Ang panibagong kasaysayan ng RMA ay nakadepende na sa mga susunod sa kanilang yapak. “Wow, English,” bulong ni Ryker na siyang sumira sa seryosong mood naming lahat. Kahit kailan talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD