CHAPTER TWENTY-SIX

2144 Words
CIRCE “You should rest, Den, alam kong pagod ka na rin,” ani ko kay Denzell sa hindi ko na mabilang pa na beses. Simula pa kahapon ay wala na siyang pahinga kababantay kay Reva na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Maging si Earth na nagmamanman sa lagay niya, nakatulog na rin ngayon sa kinauupuan niya at alam na alam ko naman kung bakit. He lost so much of his energy because of what he did to save Reva. For the nth time, inuna na naman niya ang iba kesa sa sarili niya. Si Averyl naman ay umalis na kanina dahil kailangan niya pa rin daw puntahan si Xheen. Xheen’s still her friend kaya naiintindihan ko naman. “Hindi na muna ako aalis dito hangga’t hindi pa nagigising si Reva,” aniya. Wala akong ibang nagawa kundi bumuntong-hininga. I expected his answer. Kahapon ko pa naman siya pinipilit at ayaw niya naman talaga umalis hangga’t hindi pa gising ang kapatid niya. All these years, I saw how Denzell take good care of his sister. Kahit pa magkaedad lang sila, he stood up na parang siya ang mas matanda sa kanila. Lagi niyang naiisip na responsibilidad niya si Reva at hindi siya pumalya sa pagpoprotekta sa kapatid niya. Minsan nga, hindi ko maiwasang isipin na siguro mas masaya kung may kapatid din ako na gaya ni Denzell. Iyong mapoprotektahan din ako but unfortunately, I wasn’t born to have the same fate as them. Kaya may mga pagkakataon na ang cute talaga nina Denzell at Reva para sa akin and I am glad na naging malapit ako sa kanila, lalo na kay Reva. She’s somehow bossy but alam na alam niya na protektahan ang mga kaibigan niya. She’s a good listener, too, well for me. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ‘yon at iluwa no’n si Cleon na may mga dala-dalang supot na tingin ko ay pagkain ang laman. Nagngitian naman kami bago siya tuluyang pumasok sa kwarto ni Reva. “Nagdala ako ng pagkain para sa atin,” aniya. “Hindi naman matutuwa si Reva kung nagugutom tayo.” Agad akong tumayo at tinulungan siyang ilabas ang mga pagkain na ‘yon. Gladly, Cleon bought us foods na matitino. Usually kasi, siya ang mahilig na kumain ng junk foods sa amin. Good thing at hindi niya ‘yon ginawa ngayon. “Pakibigay ay Earth,” aniya sa akin at saka inabot sa akin ang isang lalagyan na naglalaman ng pagkain. Hindi ko naman alam kung dapat ko bang kunin ang iniaabot niya o tarayan na lang siya para siya na ang mag-abot no’n kay Earth. “Uy! Sabi ko pakibigay kay Earth,” pag-uulit nito kaya bumalik ako sa diwa ko. I sighed bago ko kinuha ang iniaabot niya at saka hinarap ang gawi kung nasaan si Earth. I can do this, mag-aabot lang naman ako ng pagkain. Pakikisama lang ‘to, Circe. Binilisan ko ang kilos ko para marating ko agad ang kinaroroonan ni Earth. Hindi ko napigilang mapangiti nang makita ang konting siwang ng bibig niya na malamang ay hindi na niya namamalayan dahil sa himbing ng tulog niya. Mabilis naman na nawala ang ngiti ko nang bigla siyang magmulat ng mata. Pakiramdam ko naman ay nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan. I cleared my throat at saka iniabot sa kaniya ang supot. “Ano ‘yan?” he asked. Duh. Plastic. “Food,” I simply replied. “Galing kay Cleon,” pahabol ko dahil baka isipin niya na ako ang nagpapabigay. Masyado naman siyang assuming kung gano’n. Tinanggap niya naman ang iniabot ko. “Thank you,” he said at saka bahagyang ngumiti sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil doon. “Kay Cleon ka mag—” Natigil ang pagsasalita ko nang muling bumukas ang pinto. Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mata ko nang pumasok si Miku. Nang makita niya ako na nasa tabi ni Earth ay naroon na naman ang nakakalokong ngiti niya. I hissed at saka umirap bago nagmartsa papalayo sa kinaroroonan ni Earth. Ayoko ng issue at masyadong maissue si Miku. Inirapan ko siyang muli nang dumaan siya sa harapan ko na may nakakalokong ngiti bago pa siya dumiretso sa gawi ni Earth. Nakita ko pa ang pagbulong niya sa kaibigan at ang simpleng pagsuntok ni Earth sa braso ni Miku na tawa naman nang tawa. Napailing-iling na lang ako at saka tumalikod na sa gawi nila. “For you,” ani Cleon sa akin. Awtomatiko pa niyang inilapit sa akin ang mukha niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. He really likes to do things like this, bilang pang-asar lang kumbaga. Napalingon ako sa likuran ko nang may umubo mula roon. I saw Miku coughing habang nakakaloko ang tinging ibinibigay sa akin at saka pasimpleng minata ang kaibigan niya kaya napunta kay Earth ang tingin ko. When our eyes met, siya rin ang naunang nagbaba ng tingin at binuntunan na lang ang pagkaing hawak niya. Nag-iwas na rin ako ng tingin ulit. “Kumusta ang pagkain, pre? Lasang mapait ba?” rinig kong saad pa ni Miku at saka natawa. Daing niya na ang sunod kong narinig pero pinigilan ko na ang sarili kong lingunin sila. “It’s cordon bleu, imposibleng pumait ‘yan,” ani Cleon. “It’s Circe’s favorite.” “I know.” Nanlalaki ang mata na nalingon ko si Earth dahil sa sinabi nito pero parang wala lang sa kaniya ang sinabi niya. Hindi ko alam kung hindi niya alam sa sarili niya na may gano’n siyang nasabi. I looked at Miku and he’s pursing his lips, halatang nagpipigil ng ngiti. “How did you know?” pahabol na tanong ni Cleon. I was about to make an excuse about it nang mag-angat ng tingin si Earth. He shrugged his shoulders. “Napansin ko lang kada makakasabay namin kayo sa cafeteria. Madalas niyang inoorder ‘yan.” Liar. Hindi dahil sa napapansin niya kaya alam niyang paborito ko ‘yon. Dati pa man ay alam niya na ang bagay na ‘yon dahil madalas akong nagpapabili ng cordon bleu sa kaniya sa cafeteria kada magkakaroon kami ng oras na kami lang ang magkasama. We’re even sharing it sometimes kahit pa madalas ay labag sa loob ko. “Madali lang kasi mabasa si Circe, ‘no?” ani Cleon. Sometimes, I wish na kaya kong magpatahimik ng tao. Baka mamaya sa kakaganito ni Cleon ay may masabing kung ano si Earth na magbibigay ng hint sa kanila ng kung anong mayroon kaming dalawa noon. “She used to, pero ngayon hindi na,” ani Earth at saka ako tinignan. “Para na siyang isang libro na nakasulat sa lenggwaheng hindi ko maintindihan.” Wala akong ibang nagawa kundi mag-iwas ng tingin. I know what he meant. Alam kong ang bagay na hindi ko pagbibigay ng rason sa kaniya ang tinutukoy niya at naiintindihan ko kung may sama siya ng loob sa akin dahil doon. It’s just that I don’t have the courage to tell him na kaya ko siya nilayuan ay dahil sawa na akong matalo niya. Alam ko naman na kahit kailan ay hindi magiging valid ang rason ko. I heard Cleon chuckled. “Sa kung paano ka magsalita, parang may pinagsamahan kayo ni Circe.” “May pinagsamahan nga ba tayo, Circe?” Nagugulat na napatingin ako ulit kay Earth nang tanungin niya ako. May konting ngiti pa rin sa labi niya matapos niyang itanong ang bagay na ‘yon. Hindi ko naman napigilan ang pangungunot ng noo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ‘to. Tahimik na kami pareho at mas marami pa kaming dapat problemahin at isipin but here he is, tila gusto pang dagdagan ang bagay na dapat naming isipin at ipaliwanag kapag nagkataon. I gulped at saka humugot ng malalim na paghinga. “W-Wala.” Mabilis pa sa alas kwatro na nawala ang ngiti sa mga labi ni Earth ngunit pinanindigan ko na ang lumabas sa bibig ko. Kung kaya niyang ipaalam sa iba ang nangyari sa amin, I feel sorry for him dahil hindi kami pareho ng saloobin sa bagay na ‘yon. Mas okay na ang ganito na parang wala kaming pinagsamahan. He’s worth the risk, alam ko ‘yon, but I won’t take it. Siya lang ang tao na hindi ko kayang sugalan. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain kahit pa tila nawalan na ako ng gana matapos ang mga nangyari. Hindi na rin nagsalita pa ulit si Earth matapos ‘yon. Sina Cleon at Denzell na lang ang nag-usap matapos no’n dahil nanahimik na rin si Miku sa tabi ni Earth. May kung ano silang pinag-uusapan at times na hindi ko na marinig sa gawi ko. I am hoping na hindi ikekwento ni Earth kay Miku ang tungkol sa amin. Naagaw ng biglaang pagbukas ng pinto ang pansin namin. Nakita ko ang humahangos na si Cosmo na nakasilip sa pinto. “You guys should come out and see kung anong nangyayari sa labas,” aniya. Based on her tone, halatang may kung ano na namang nangyayari. Mabilis akong tumayo, gano’n din sina Cleon at Miku pero si Denzell ay nanatiling nakaupo at nakatingin kay Reva. “I can’t leave her,” ani Denzell nang hindi nakatingin sa amin. “Baka may kung anong mangyari habang wala tayo—" “I’ll stay with Reva, asikasuhin n’yo na muna ang ganap sa labas,” ani Earth. Napatingin si Denzell sa gawi niya. “Don’t worry, hindi ko siya iiwan. Hindi ko rin hahayaan na may mangyaring masama sa kaniya kung sakali.” “But—” “Den, we need you,” ani ko bago pa man niya matapos ang sasabihin niya. He sighed at saka tumayo na rin mula sa pagkakaupo. Nilingon ko si Earth at pasimple siyang tinanguan. Lumabas na kami sa kwartong ‘yon kasama si Cosmo. Ilang beses ko na rin siyang tinatanong kung anong nangyari ngunit wala siyang maibigay na sagot sa akin. Kami na lang daw ang bahalang humusga sa makikita namin sa labas. Nang magawa na naming lumabas sa main door ng infirmary ay agad akong napanganga sa dilim ng paligid. Marami ring estudyante ang natipon sa open area na ‘yon. Napatingin ako sa langit at natatakpan ng maiitim na ulap ang araw at sa hindi malamang dahilan ay hindi maganda ang pakiramdam ko sa bagay na ‘yon. Hindi ko naman napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang rumehistro sa madilim na kalangitan ang liwanag na nagmumula sa bawat ragasa ng kidlat. “All of a sudden, this thing happened,” ani Cosmo. “Hindi naman dahil uulan kaya nangitim bigla ang ulap na kanina lang ay puting-puti. Pero hindi ‘yan ang dapat ninyong isipin,” she added at saka tumuro sa malayo. Natutop ko ang bibig ko nang makitang may estudyante na nakatayo sa taas ng building two, tila handa itong tumalon anumang oras. May kung ano siyang hawak na may kung anong nakasulat pero dahil sa layo niya sa amin ay hindi ko na ‘yon mabasa. “Den, anong gagawin natin?” I asked Denzell na nakatitig lang din sa nasaksihan. “I—I don’t…I don’t know,” bulong niya. Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko na rin kasi alam kung anong isasagot ko. “Kaya mo bang liparin nang mabilis ang pwesto niya, Circe?” Cleon asked. “If you’ll fail, Denzell will back you up.” “I am not sure,” I answered, hesitant. “Hindi ko pa rin magawang makalipad nang mabilis dahil sa nangyari sa pakpak ko. Pero wala namang masama kung susubukan. We can’t let another student die.” Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang unti-unti ay humakbang na ang estudyanteng ‘yon papalapit sa parte na kung saan ay mahuhulog na siya mula sa kaniyang kinapapatungan at sa taas ng building 2, alam kong hindi siya mabubuhay roon. I spread my wings at saka pumailanlan sa ere nang humakbang pa siyang muli. With all my might ay mabilis kong nilipad ang kinaroroonan nito and my eyes grew wide nang takbuhin niya na ang distansyang natitira kaya mabilis na bumugsok pababa ang katawan nito. Itinodo ko na ang bilis ng paglipad ko at sinubukan ko siyang iligtas. I was able to hold her hand, but I was dumbfounded to see her eyes covered in green glow of light. All of a sudden, nahirapan akong huminga at lumipad. I can’t even flap my wings. Isang kakaibang ngiti ang gumuhit sa labi niya kaya napabitaw ako sa kamay niya at nang gawin ko ‘yon ay saka lang ako muli nakakilos. “Den!” I shouted at kahit na malayo siya ay alam kong ginawa niya ang parte niya ngunit ang sumunod na nangyari ay lubos na hindi ko inasahan. The student’s body fell hard on the ground. Napasinghap ako nang makita ko ang pagdaloy ng dugo sa kinalalagyan ng katawan niya. Ramdam na ramdam ko ang kilabot ang panlalamig na idinulot no’n sa katawan ko. Paluhod akong bumaba mula sa pagkakalutang sa ere at mabilis kong naisara ang pakpak ko. Nanghihina kong tinignan ang katawan ng estudyanteng nasa harapan ko at doon ko lang napansin ang nakasulat sa puting tela na hawak-hawak nito na ngayon ay nabalot na rin ng kaniyang dugo. Not all dark is evil just as not all light is good. A temple will fall as our clan will rise again. – H. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD