CHAPTER TWENTY-SEVEN

3406 Words
CIRCE Wala akong ibang nagawa kundi ang tignan si Earth na abala sa pag-aayos ng panibangong estudyante na napabilang sa hanay ng mga namatay sa rason na hindi namin alam. Bumalik na rin si Denzell sa kung nasaan si Reva dahil mas kailangan namin si Earth sa ganitong sitwasyon. “Are you really okay?” tanong ni Cleon sa akin at ipinatong pa sa balikat ko ang mga kamay niya. “Nanginginig pa rin ang katawan mo.” Napahilamos ako sa mukha ko at saka hinayaang dumaloy ang luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo. I failed. Wala akong nagawa para iligtas ang estudyanteng ‘yon at hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako kada maiisip ko kung paano niya ako nginitian at kung paanong nag-iba ang kulay ng mga mata niya. Sa kabila ng kulay no’n ay halatang-halata rito ang kawalan ng buhay at emosyon, isang pangyayari na hindi ko nakita kanino man dito sa Academy. Pilit akong inalo nina Cleon at Miku ngunit kahit anong sabihin nila na wala akong kasalanan sa nangyari ay hindi ko magawang tumahan. Hindi ko rin maunawaan nang lubos ang mga nangyari. Parang may kung ano sa estudyanteng ‘yon na naglimita sa akin. Ni hindi ko magawang lumipad nang hawak siya ngunit nakaya kong lumipad no’ng binitawan niya na ako. That’s the first time. Hindi ko na rin napigilang mag-isip. Ito na marahil ang manipulasyon na naranasan din nina Cleon at Miku no’ng gabing naglilibot sila sa Academy. Marahil ang estudyanteng ‘yon ay napasailalim sa kung anong salamangka dahil para sa akin, hindi siya ang may kontrol sa sarili niya kundi ibang nilalang. Napaangat ako ng tingin nang may lumapat sa braso ko na isang malambot na tela. Mabilis ko namang naayos ang sarili ko nang makitang si Earth ‘yon. Doon ko lang din napagtanto na wala na sina Cleon at Miku sa tabi ko. Wala na rin ang katawan ng estudyanteng ‘yon sa pinangyarihan ng insidente. Maging ang dugo nito ay malinis na. “Don’t think about it, wala kang kasalanan sa nangyari,” aniya kaya bumalik sa kaniya ang tingin ko. Hindi naman ako nakasagot at napayuko na lang ako. “Wala man ako rito kanina pero alam kong ginawa mo ang makakaya mo para matulungan ang estudyanteng ‘yon.” “Kulang pa,” saad ko. I composed myself, trying not to utter anything with my breaking voice. “Kung hindi lang ako nagpadala sa kung anong salamangka na mayroon siya, buhay pa sana siya ngayon—” “You can’t double manipulate somebody,” ani Earth at saka naupo sa tabi ko. “She’s a mortal at ang katawan ng mortal ay isang beses lang maaaring manipulahin ng kung sino. Habang inaaral ko ang nangyari sa kaniya kanina, alam kong wala siyang kontrol sa katawan niya. May ibang nagsabi sa kaniya na gawin ‘yon at hindi mo ‘yon kayang kontrahin. Kahit sino sa atin ay hindi ‘yon kayang kontrahin.” “W-What do you mean?” I asked. He looked at me nang seryosong-seryoso ang ekspresyon na kaniyang ipinapakita. “Hindi pamilyar sa akin ang salamangkang lumukob sa katawan niya. Ang alam ko lang ay malakas ‘yon. Kung sino man ang may gawa no’n, namaster niya na ang pagmamanipula sa tao.” “X-Xheen—” he cut me off. “Ayokong mambintang ng tao, lalo pa’t kaibigan ko pa rin si Xheen,” aniya, “ngunit hindi ko pa rin inaalis ang naiisip ko na maaaring siya nga. Alam ko kung anong abilidad mayroon si Xheen ngunit hindi ko kabisado kung hanggang saan ang hangganan no’n. We saw what she did to Reva at alam kong wala pa ‘yon sa iba niyang kayang gawin.” Napapikit ako at saka napasapo sa ulo ko nang bigla akong makaramdam ng pagkaliyo. “Okay ka lang? Gusto mong tignan ko kung—” “No, Earth. Thank you,” ani ko. “Save your energy. Kailangan ka pa ni Reva.” I tried to keep myself as calm as possible. Normal sa akin ang ganitong pangyayari kada makakaramdam ako ng kaba, takot o nag-iisip ako nang malala. Kaya rin minabuti ni Cleon na pakalmahin ako dahil alam niya na may tendency na ganito ang mangyari sa akin. Good thing at nahihilo lang ako at hindi gaya noon na talagang nawawalan ako ng malay. “Kaya mo bang maglakad papuntang infirmary?” Earth asked. “Mas maganda na ro’n ka na magpahinga kesa rito. Baka maisip mo lang nang maisip ang nangyari kanina.” I nodded lightly at saka tumayo. Unfortunately, I almost lost my balance. I landed on Earth’s arms at halos tamaan ako ng matinding kahihiyan dahil sa nangyari. Umayos ako ng tayo at saka nauna nang maglakad sa kaniya. I pursed my lips nang walang ano-ano ay nasa tabi ko na siya agad. “Allergic ka na ba sa akin ngayon?” he asked, playfully. Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka inirapan kalaunan. Natawa naman siya nang bahagya dahil sa reaksyon ko. “Anong nangyari sa I-won’t-bother-you-again scheme mo?” I asked at saka ngumisi. Mas lumawak naman ang ngiti niya dahil doon. “Wala, eh, mahirap,” aniya at saka sinalubong ang tingin ko. “Namiss kong makasama ka,” dagdag niya na nagpainit sa pisngi ko. Hindi ako nakasagot bagkus ay napakapit ako nang matindi sa telang nakapatong pa rin sa magkabilaang balikat ko. I tried my best not to pout but failed. Narinig ko tuloy ang pagtawa niya dahil doon. “Cute,” aniya. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tanging ngiti lang ang iginanti niya sa akin. “Namiss mo rin ba ako? Sabi ni Miku, madalas ka raw nakatingin sa akin. Muntikan niya na nga isipin na crush mo ‘k—” “Issue maker talaga ‘yang kaibigan mo!” I exclaimed. “Isa pa, bakit kita mamimiss?! Wala namang kamiss-miss sa ‘yo at saka tingin mo talaga lagi kitang tinitignan?! Ew!” He chuckled. “Bakit ang defensive mo?” “I am not!” depensa ko. “Nakakabother lang na naiissue ako ng gano’n tapos sa ‘yo pa—” Awtomatiko akong napatigil sa paglalakad nang humarang sa dinaraanan ko si Earth at seryoso itong nakatingin sa akin. “A-Anong gi-ginagawa m-mo?” “So, okay lang na maissue ka basta hindi sa akin?” he asked. Hindi ako nakasagot. “Ang sakit naman no’n,” dagdag niya at saka nauna nang naglakad sa akin. Umismid naman ako dahil sa kadramahan niya. Kahit ang tagal na ng lahat, ‘yan ang hindi nagbago sa kaniya. Akala ng iba ay napakatigas na tao ni Earth but he’s not. Masyado nga siyang madrama, mas madrama pa kesa sa akin. Napapailing na lang ako na sumunod sa pagpasok niya sa infirmary. “Aw!” daing ko matapos bumangga ng ilong ko sa likuran ni Earth dahil bigla siyang huminto pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ni Reva. “Bakit ka ba—” “Anong ginagawa n’yo rito?” Earth asked. Dahil mas matangkad siya kumpara sa akin ay kinailangan ko pang silipin kung sino ang kinakausap niya at nakita kong naroon sina Averyl, Cosmo, Xheen at Ryker. “Bawal na ba naming bisitahin si Reva?” tanong ni Cosmo. Nauna naman akong pumasok sa loob ng kwarto ni Reva dahil mukhang napako si Earth sa pwesto niya. “Kinonsulta n’yo ba si Denzell bago kayo pumunta rito?” I asked. Doon ko lang din napansin na wala si Denzell sa kwartong ‘yon, maging sina Cleon at Miku. “Clearly, he’s not here kaya paano namin makokonsulta?” Cosmo asked. “Gusto rin namang humingi ng sorry nitong si Xheen dahil sabi ni Averyl, ayaw raw tanggapin ni Denzell ang pagpapaumanhin nito sa kaibigan niya.” Hindi ko namang napigilan ang mairap dahil sa litanya niya. Cosmo’s attitude changed. Marahil ay dahil kay Reva at sa nangyaring sagutan nila no’ng nalaman ni Reva na hindi na namin makakasama si Cosmo. Gayunpaman, masaya na rin ako dahil mukhang okay si Cosmo sa mga bago niyang kasama. Sadyang nakakaurat lang ang kapilosopahan niya. Naputol ang katahimikan sa amin nang biglang sumulpot sa likuran ni Earth si Denzell. Kitang-kita ko ang pangungunot ng noo nito matapsos makita ang mga taong nasa loob ng kwarto ni Reva. Umalis naman sa pagkakaharang si Earth sa daraanan nito at saka lumapit sa mga kaibigan niya. “You let them in, Circe?” Denzell asked me. Halos kilabutan ako sa lamig ng boses niya. “No,” I said. “Pagdating namin ni Earth ay nandito na sila. Hindi na rin sila nakapagpaalam sa ‘yo dahil wala ka raw.” “Pumunta lang ako ng banyo, napasok na tayo ng may kagagawan nito sa kapatid ko,” matabang na litanya nito. “Anong kailangan n’yo?” “Den, kalma,” bulong ko rito. Nasaan na ba kasi sina Cleon at Miku? Bakit ang tagal nila? Kapag nagkagulo rito, hindi namin pwedeng hindi sila mapigilan. Nakasira na kami ng banyo, hindi pwedeng pati ang infirmary ay hahayaan naming masira. “Gusto ko lang sana humingi ng sorry sa nangyari,” ani Xheen at saka napayuko. “Aminado naman ako na kasalanan ko talaga kung bakit nangyari kay Reva ang lahat ng ‘to at kung bakit siya narito ngayon. Hindi ko lang din talaga napigilan ang sarili ko—” “Kada hindi mo mapipigilan ang sarili mo, ganyan ang gagawin mo?” Denzell asked. Napahawak naman ako sa braso niya nang umamba siyang pupunta sa direksyon nila. “You’ll resort to violence just because you can’t handle Reva’s attitude towards you?” “Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, maiintindihan mo ‘ko!” asik ni Xheen, puno ng diin ngunit kontrolado ang taas ng boses. “Hindi mo maunawaan actions ko kasi hindi naman ikaw ang inilagay ni Reva sa alanganing sitwasyon! Hindi rin naman ikaw ang pinagbibintangan ng kung ano-ano! Hindi ikaw ang nakakaranas na bawat labas mo ng dorm, maraming mata ang nakatingin sa ‘yo! Hindi ikaw ang nagsasuffer dahil sa kakulangan sa pag-iingat ng kapatid mo! Okay lang sana kung ako lang ang kinakanti niya pero parang lahat kaming magkakaibigan, gusto niyang pagbintangan na sumisira sa Academy! Hindi ko rin naman pwedeng hayaan na gano’n ang gawin niya sa mga taong mahalaga sa akin! Oo, nagkamali ako pero sana tanggapin mo rin na may pagkakamali rin ang kapatid mo!” Hindi nakasagot si Denzell. Ni wala ring kahit na sino sa amin ang naglakas loob na magsalita. Naiintindihan ko ang punto ni Xheen. Kahit pa naman kasi pinagbibintangan namin siya, mali pa rin ni Reva na inanunsyo niya ang bagay na walang kasiguraduhan sa harap ng maraming tao. Patuloy ring pinakakalma ni Averyl ang kaibigan. Gladly, she’s doing that. Hindi naming kailangan ng panibagong building na masisira. “Pumunta ako rito para humingi ng tawad. Kung ayaw n’yong tanggapin ‘yon, okay lang sa akin. At least, I did my part,” Xheen said. “Den,” I called. Agad niya naman akong nilingon. “Ikaw na ang nagsabi kay Averyl na hindi niya dapat itolerate ang pagkakamali ni Xheen dahil lang sa kaibigan niya ‘to, sana you can do the same thing kay Reva.” “You don’t need another set of enemies, Denzell,” ani Cosmo. “You’re blinded with your anger kaya ka nagkakaganyan and I get that. But I also know that you’re way better than that,” she added as she stepped a bit closer to where we are. “Bilib na bilib ako sa sense of judgement mo no’ng magkakasama pa tayo. Ikaw ‘yong tipo ng tao na tinitimbang talaga lahat for the sole purpose of being fair. Sadyang nataon lang na kapatid mo ang nakaratay ngayon kaya binubulag ka ng galit mo pero ibang Denzell ang kailangan namin ngayon. Kailangan namin ang pagiging fair mo, Den. Hindi kami ang kaaway rito.” “You can’t expect me to trust you matapos ng nangyari,” he said. Inihanda ko naman ang sarili ko na pumagitna sa kanila kung sakaling lalala ang pag-uusap nilang dalawa. “I am not asking you to trust me nang gano’n-gano’n lang,” Cosmo said. “Just be fair to Xheen and we’ll gladly help you and the other defenders sa pagpoprotekta sa Academy. Besides, iisa lang naman ang layunin nating lahat at ‘yon ay ang huwag hayaang sirain ng mga kaaway natin ang Academy na ‘to.” “Kaaway na maaaring isa sa inyo—" Cosmo cut Denzell’s words bago pa man niya ‘yon matapos. “Innocent until proven guilty, ‘di ba? ‘Yan ang prinsipyong nilimbag mo sa amin noon, Denzell,” she said. Hindi naman nagawang sumagot ni Denzell sa sinabi nito. Cosmo smiled. “Innocent until proven guilty, it is.” Napabuntong-hininga ako. “Hindi kami maaaring gumawa ng desisyon na kami lang ang narito. Kailangan pa rin naming hingin ang masasabi ni Reva dahil siya ang nangunguna sa amin so expect our decision to be finalized once na nagising na ang kaibigan namin.” “Sige ka, kayo rin. Baka mas mahirapan kayo sa mga susunod na mangyayari, Circe,” ani Cosmo sa akin at saka ngumisi. “Hindi pa naman maayos ang lagay ng pakpak mo. Pwede ka pa ring maging pabigat—” “My wings are not your business, Cosmo,” saad ko. “Kami pa rin ang defender ng Academy na ‘to kaya whether you like it or not, desisyon namin ang masusunod. Kung excited ka, edi huwag kang mag-alok ng tulong. Gusto mo ura-urada ang pagdedesisyon. Well, that’s not how this works.” Cosmo smiled. “Fierce as ever, Circe. Hindi ka pa rin nagbabago.” I smiled, a very sweet one. “Why would I?” I asked. “Wala namang rason para magbago ako. Hindi naman ako nahiwalay kina Reva and I am a defender, Cosmo. Iyong mga taong bitter lang naman ang nagbabago.” “Circe, enough,” ani Earth kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Tama na rin ‘yan, Cosmo.” I rolled my eyes on him. Talagang ako pa ang una niyang inawat, ha? Hindi naman ako ang unang nagsabi ng kung ano-ano. “Hindi naman makakatulong ang pag-aaway n’yo,” ani Ryker. “Mas may ambag pa ang kagwapuhan ko kesa sa kung anong—aw! Bakit ka ba nanghahampas, ‘ryl? Inaano kita, ha?” “Manahimik ka na lang kung wala kang magandang masasabi!” asik no’ng isa. “Buti pa, umalis na lang muna tayo rito,” ani Earth sa mga kaibigan niya. “Kailangan din nila ng pahinga after what happened. Sa susunod na lang natin sila abalahin sa gusto n’yong mangyari, for now, we all need to rest.” “May punto si Earth,” ani ko. “Nirerespeto namin ang gusto n’yo, sana’y respetuhin n’yo rin ang kagustuhan namin na hintayin muna si Reva bago magdesisyon.” “Maghihintay kami, Circe, Den,” ani Averyl. Nakahinga naman ako nang maluwag nang sumang-ayon na ang iba pa sa kanila na umalis sa lugar na ‘yon. Masyadong mabigat ang tensyon na nabubuo between Denzell and Xheen at ramdam na ramdam ko pa rin ‘yon hanggang ngayon. “Earth,” Denzell called bago tuluyang lumabas si Earth sa kwartong ‘yon. Nilingon naman siya no’ng isa. “Maraming salamat sa ginawa mo para kay Reva. Tinatanaw ko ‘yon bilang malaking utang na loob.” Earth smiled. “Walang anuman, pare. Maliit na bagay lang ‘yon. Masaya naman ako na nakakatulong sa inyo.” “If there’s anything I can do to repay you, huwag kang mag-aatubiling magsabi,” ani Denzell. “I’ll keep that in mind,” ani Earth at saka muling ngumiti. “Alis na ako,” dagdag niya. Saglit pa kaming nagkatinginan bago siya tuluyang umalis ng lugar na ‘yon. Binalot kami ng katahimikan nang makaalis na sila. Bumalik na rin si Denzell sa tabi ni Reva habang ako naman ay humanap ng lugar kung saan ako maaaring magpahinga. Wala pa rin sina Cleon at Miku at hindi ko alam kung nasaan na silang dalawa pumunta. Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang biglang magsalita s Denzell. “You and Earth,” aniya. Tumingin ako sa kaniya, puno ng pagtataka, “may kakaiba sa inyong dalawa.” Hindi ko napigilan ang panlakihan ng mata dahil sa sinabi niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, someone will notice what’s between me and Earth lalo pa’t napakaraming hints nitong mga nakaraan at napapadalas din na nagkakasama kami sa iisang silid. Unfortunately, isa si Denzell sa mga kilala kong may malalakas na pakiramdam sa mga ganitong bagay. “Hindi mo naman sana iniisip na may kung anong feelings na involve sa amin, like Miku,” sabi ko at saka nag-iwas ng tingin. “At kung hindi mo mamasamain ay sa ‘yo na lang sana ang kung ano mang napapansin mo.” “Hindi ko naman alam kung ano ang mayroon sa inyong dalawa, napansin ko lang dahil sa treatment ninyo kapag nasa paligid ang isa’t isa,” aniya. “Kung hindi ko lang naiisip na magkaiba kayo ng kinabibilangang grupo, baka inisip ko na na at some point ay naging magkaibigan kayo.” Awtomatiko kong natiklop ang bibig ko. Palakas na rin nang palakas ang t***k ng puso ko dahil sa mga assumptions ni Denzell. “Reva won’t like that idea,” he said. I agreed. Kaya hindi ko rin magawang sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Earth ay dahil kay Reva. Alam kong hindi niya ikatutuwa ang bagay na ‘yon and the least thing I want to do for now ay ang idisappoint ang taong tumulong sa akin upang maging kung sino ako ngayon. She helped me a lot that’s why a little sacrifice won’t hurt. “But it’s fine for me,” dagdag ni Denzell kaya napatingin akong muli sa kaniya. “Kung ano man ang mayroon kayong dalawa, okay lang sa akin ‘yon,” aniya pa. “Hindi rin naman ako pabor na may kung anong linya ang nagbubukod sa atin dito sa RMA.” “Sana nga gano’n lang kadali ang lahat,” sabi ko at saka malungkot na ngumiti. “May isa akong masasaktan sa kahit na anong piliin ko at hindi ko kayang saktan si Reva.” I heard him sighed. “She’ll understand you. Besides, ikaw ang itinuring niyang best friend niya. Mas malapit pa nga kayo sa isa’t isa kumpara sa aming magkapatid.” We laughed. “Bigyan mo lang siya ng oras at magiging okay rin lahat.” I thanked Denzell for his kind words. Napakalaking bagay na rin no’n para sa akin lalo pa’t alam kong mag-iiba na naman ang trato ko kay Earth sa oras na magising si Reva. Napalingon naman kami sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa no’n sina Cleon at Miku na ang dumi-dumi ng suot na damit. “Anong nangyari sa inyo? May kinalaban kayo?” tanong ni Denzell sa dalawa. Hindi ko naman napigilang humagikgik dahil sa dungis nilang dalawa. He hissed. “Naabutan kami ng ulan habang binibigyan namin nang maayos na libing ang estudyanteng kamamatay lang kanina,” ani Cleon. “Napuno tuloy ng putik ang damit namin tapos hindi pa nag-ingat itong si Miku!” he added then hissed. “Kasalanan ko ba na napalakas ang pagbaba ko sa katawan?” Miku said. “Inalalayan ko naman talaga pero sadyang dumulas sa kamay ko.” “Dapat kinontrol mo pa rin sarili mo—” “Malay ko ba na tatalsik ang putik sa ‘yo—” “Stop,” pag-aawat ni Denzell. “Hindi n’yo ikakababa ang paglalaba ng mga narumihan n’yong damit. Besides, may kailangan pa tayong intindihin ngayon.” I heard Cleon groaned. “Na naman? Hindi pa ba tapos? Tagal naman ng ending!” “Kagagaling lang nina Averyl dito kanina,” I said. “At may gusto silang gawin with us.” “What do you mean may gustong gawin?” Miku asked. “Hindi naman siguro natin ikasasama ‘yan, ‘di ba?” “They want to help us sa pamamalakad ng RMA,” sabi ni Denzell. “Anong sinabi n’yo? Pumayag kayo?” tanong ni Cleon. Umiling ako. “No, sabi namin ay kailangan na muna nating hintayin na magising si Reva bago tayo magdesisyon.” “Magdesisyon tungkol sa?” Awtomatiko akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Reva. Mabilis namang nayakap ni Denzell ang kaniyang kapatid. Hindi ko naman napigilang mangiti nang makita kong gising na ang kaibigan ko. “Salamat naman at okay ka,” ani Denzell sa kapatid. Reva rolled her eyes. “Mukha bang ang gano’n lang ni Xheen ang papatay sa akin? Duh.” Natawa ako dahil sa pagtataray nito, gano’n din ang iba naming kasamahan. “Mukhang marami-rami kang katarayan na naipon matapos mong mawalan ng malay for how many days,” sabi ko at saka ngumiti. “But I’m glad you’re back.” “Matagal mamatay ang masamang d**o,” aniya. “Pero ano’ng pinag-uusap ninyo bago ako magising? ‘Yong about sa desisyon na kailangang gawin pagkagising ko.” Nagkatinginan kami ni Denzell. Pasimple niya naman akong tinanguan, senyas na sabihin na naming kay Reva ang tungkol doon. Napabuntong-hininga naman ako. “Averyl and her team want to help us sa pamamalakad sa Academy.” Agad na nangunot ang noo ni Reva at kalaunan ay umangat ang isang kilay niya. “Anong pumasok sa isip nila at tutulungan nila tayo?” “Something came up kanina at siguro’y naisip nila na dahil wala ka pang malay ay kulang kami sa tao,” ani ko. “Hindi naman natin kailangang um-oo lalo pa kung ayaw—” Reva smiled at sa hindi malamang dahilan ay hindi maganda ang kutob ko sa ngiting ‘yon. “Let them,” aniya. “Excuse me?” I said. “Pumapayag ka na tumulong sila?” She nodded. “Let them help us and let me meet them. May kondisyon akong gustong sabihin bago nila tayo matulungan.” “Ano naman ‘yon?” tanong ni Denzell. Reva’s smile grew wider. “Soon, Den. Ipapaalam ko rin sa ‘yo.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD