CHAPTER TWENTY-FIVE

3014 Words
REVA                                                                                                                                            Mabilis na lumipas ang araw. Nakalabas na rin ng infirmary si Miku matapos masiguro ni Earth ang lagay nito at maconfirm na rin ni ate Claire ang lagay nito, ang orihinal na healer ng school. Speaking of, hindi ko pa rin maintindihan ang ginawa ni Circe no’ng araw na tinignan ni Earth ang lagay ni Miku. Panay siya kontra nang kontra sa ginagawa no’ng isa for unknown reason. Nagmukha tuloy siyang nag-aalala kay Earth but when I confronted her, dineny niya naman ang assumptions ko. Isa pa, nagpapasalamat naman ako na nabawasan ang gulo sa Academy no’ng mga nakaraang araw. Kahit papaano, naging organized naman ang ibang estudyante ng RMA. Magkaroon man ng problema, maliit na lang ‘yon and thankfully, walang bagong estudyanteng namatay. Hindi ko na alam paano ko ihahandle kung sakaling madadagdagan na naman. “So, what’s the plan?” bungad ni Cleon sa akin at saka naupo sa upuang katapat no’ng akin. Nailapag ko ulit tuloy sa plato ko ang burger na dapat ay isusubo ko na. “Hello to you, too, Cleon,” sabi ko at saka siya inirapan. “Humiwalay na nga ako sa inyo kasi gusto ko ng katahimikan but here you are, ruining my peace,” dagdag ko. Naging mailap ako sa kanila dahil na rin sa nangyaring sagutan namin ni Denzell. May mga pagkakataon na nahuhuli kong tinitignan ako ng kapatid ko pero hindi ko na lang iniinda ‘yon. Hindi niya na rin kinokontra ang bawat desisyon ko at hindi na rin siya nagtatanong kung ano ang susunod kong gagawin gaya ng nakasanayan. Kung alam ko lang na ang pagiging prangka sa kaniya ang makakapagpatigil sa kapraningan niya, sana’y noon ko pa ‘yon ginawa. Kinuha ni Cleon ang burger na nasa plato ko at saka ‘yon kinagatan na parang wala lang. Napaamang naman ang bibig ko dahil sa ginawa. “Don’t tell me na wala kang plano sa isip mo?” aniya at saka muling kumagat. Wala akong ibang nagawa kundi samaan siya ng tingin. “You do realize na kinain mo ang pagkain ko, right?” I asked. “You have your own card and everything’s free of charge yet here you are, nangunguha ng pagkain ng iba. You have your own feet and own hands, get your own food, you dum—” “Mas importante pa ang pagkain kesa sa gusto mong patunayan?” he asked. I raised a brow. “That’s my first meal of the day so yes. Now, go and get me another one or else…” pagbabanta ko. Napapailing naman siyang tumayo ng mesa at saka inilapag sa plato ko ang burger na kinagatan niya na. Agad ko naman ‘yong tinulak papalayo sa akin. Hindi niya naman siguro iniisip na makikipagshare ako ng pagkain sa kaniya. I don’t even share my own food with Denzell, sa kaniya pa kaya? Ew. Ilang minuto rin ang hinintay ko bago siya nakabalik. I smiled when I saw that he got me two burgers. Buti naman at naisipan niyang doblehin. Agad kong kinuha ang plato na hawak niya na naglalaman no’n at saka mabilis siyang tinalikuran. “Thank you, ha,” he said, full of sarcasm. “Welcome,” I answered without even looking at him. Dapat lang naman talaga siyang magpasalamat dahil kinuha niya ang pagkain na ako ang nagpakahirap na ipila sa harap. “Now, can we talk about our plan?” he asked habang abala ako sa pagkain. “I don’t have any,” sabi ko. “Masyadong halata kapag nagplano. I wanna make things as surprising as possible. You know what I mean?” He scoffed. “Wala kang kahit na anong plano? Kahit isa?” I let out an air. “Ilang beses ko pang dapat ulitin na wala akong plano bago mo makuha? You’re that slow?” “Reva, naririnig mo ba sarili mo?” he asked. “Gusto mong patunayan na may kasalanan sila pero wala kang plano para magawa mo ‘yon?” “Loud and clear, Cleon. I don’t want my moves to be predicted, kahit na ako mismo sa sarili ko,” sabi ko. “Kung sinusurprise nila ang Academy sa pinaggagagawa nila, I want the same thing to happen to them. Mahirap kumilos kung mahahalata ka and besides, not having a plan doesn’t mean na wala talaga akong ginagawa. I am keeping an eye on them.” “Keeping an eye on them is not enough,” aniya. Naibagsak ko sa plato na nasa harapan ko ang burger na paunti-unti ay nawawalan na ako ng gana kainin. “Kung hindi sapat para sa ‘yo ang bagay na ginagawa ko, then make your own moves! May sarili akong balak kaya ang gusto ko ang masusunod at wala kang karapatan na diktahan ako, okay?” Hindi naman siya sumagot kaya kinuha ko na ang platong pinagkainan ko at saka tumayo na mula sa pagkakaupo. “Thanks for ruining my appetite,” sabi ko at saka siya tuluyang tinalikuran. Inilagay ko muna sa dish area ang platong hawak ko at saka lumabas na ng cafeteria. Napahilot ako sa sentido ko dahil sa sama ng loob ko kay Cleon. Dahil doon, hindi ko namalayan na may kasalubong pala ako sa pinto na dapat ay lalabasan ko. Napadaing ako nang bahagya dahil sa pagtama ng dibdib niya sa noo ko. Nang magawa kong tignan kung sino ‘yon ay mabilis pa sa lakas kwatro na nailayo ko ang sarili ko sa kaniya at saka siya tinaasan ng kilay. “Ang sungit mo naman,” puna niya. “Don’t talk to me, we’re not even that close,” asik ko sa kaniya. “Alam mo bang ‘yong ibang babae ay pangarap na makausap ako tapos ikaw gaganyanin mo lang ako?” he asked at saka napahawak pa sa dibdib niya na parang nasasaktan. “Ang sakit naman no’n.” “Eh, kung saktan kita nang tuluyan diyan?” banta ko. “Badtrip na ako, huwag mo nang dagdagan pa, Ryker!” Yes, it was Ryker. Himala rin na nag-iisa siya pero ang hindi himala ay ang kahanginan na dala niya. Ewan ko ba kung ilang hangin ang nilalanghap nito kada araw para maging ganito kayabang. “Kapag masungit daw, mabilis tumanda. Sige ka, ikaw rin,” pang-aasar pa nito. Inirapan ko na lang siya at saka kinabig patabi para makadaan na ako sa pintuan na ‘yon. Wala akong panahon sa mga biro niya. Ayaw ko ring may makausap na galing sa hanay nila. Hindi ko alam kung kakampi pa ba sila ng RMA o hindi na. Minabuti ko na lang muna na dumaan sa isang cubicle para makapag-ayos ng sarili bago ako bumalik ng room 1 kung nasaan ang iba kong kasamahan. But surprisingly, when I entered the bathroom, may dalawang pigura ng tao ang naroon. I can’t help but smirked when I saw them. “Reva,” pagtawag ni Xheen sa pangalan ko. “Kung narito ka para manggulo, umalis ka na lang. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang paninira mo sa—” I raised one hand mid-air, making her stop. “Wala pa akong ginagawa, ang dami mong dada. Seriously, Xheen, hindi lang ikaw ang pwede sa banyong ‘to.” “Anong kailangan mo?” Averyl asked. I laughed a bit. “Ano pa bang kailangang gawin sa banyo? Magshopping? Duh.” Inirapan ko sila pareho at saka dumaan sa gitna nilang dalawa. I faced them once again at kitang-kita sa mukha ni Xheen ang pangangalaiti. “Mura lang common sense, girls, bili-bili rin minsan.” Akmang susugod siya sa gawi ko nang hawakan ni Averyl ang braso ng kaibigan at saka ito inilingan. Awtomatiko namang nawala ang ngiti sa labi ko dahil doon. “Bakit hindi mo bitawan ang kaibigan mo nang makita ko kung anong kaya niyang gawin sa akin?” paghahamon ko. “Marami na rin naman siyang napinsala rito sa Academy kaya panigurado, wala na lang sa kaniya kung idadagdag niya ako sa listahan ng mga nasaktan niya.” “Reva, ayaw namin ng gulo,” ani Averyl kaya napangisi ako. “Sino bang nanggugulo? Ako ba?” I asked. “Hindi ba’t si Xheen ang may kakayahang magmanipula ng mga bagay-bagay rito? What a coincidence kasi no’ng gabi na nagmatyag sina Miku at Cleon, somebody manipulated them. One more thing, iyang gloves na suot mo,” awtomatikong napunta sa gloves na suot ni Averyl ang mga mata ko, “hindi ba’t ‘yan din ang kaparehong dyamante na nakita sa dibdib no’ng kamamatay lang na estudyante? So, tell me, ako nga ba ang nanggugulo?” Pareho silang hindi nakasagot. Maging ako ay nangangalaiti na lang na tumingin sa kanilang dalawa. Hindi ko na rin mabilang kung ilang segundo na kaming naglalabanan ng titig but I don’t care. Kailangan ko silang mapaamin sa kasalanan nila, by hook or by crook at kahit pa ikapahamak ko pa. Naputol lang ang tingin ko sa kanila nang may biglang pumasok sa banyo na ibang estudyante. Mabilis din naman siyang lumabas ulit nang makita kami. “Nahihibang ka na nga, Reva,” ani Xheen sa akin. “Masyado ka atang babad sa kape kaya kung ano-ano na lang ang naiisip mo! Tingin mo, magagawa namin sa Academy lahat ng binibintang mo?! RMA’s our only home kaya bakit namin sisirain ang paaralan na kumupkop sa amin?!” Lumapit ako sa gawi niya hanggang sa halos magkapantay na lang ang mga mata naming dalawa. “Bakit ng aba, Xheen? ‘Yan din ang tanong ko,” sabi ko at saka itinulak siya sa braso niya. “Saan ka kumuha ng kapal ng mukha para sirain ang RMA?!” Itinulak niya ako pabalik at saka ako dinuro. “Tigil-tigilan mo na ang pambibintang mo dahil kahit mas matanda ka sa akin, papatulan na kita! Kahit pa defender ka na, kayang-kaya kitang tanggalan ng kakayahan ngayon din! Pinagpasensyahan na kita no’ng una pero sinasagad mo ‘ko, Reva! Huwag mong hintayin na mapuno ako dahil baka totohanin ko lahat ng bintang mo!” “Tama n—” “Go on, then!” paghahamon ko. “Bakit hindi mo ipakita sa akin kung sino ka talaga?! Bakit nagtatago ka sa ganyang image na parang ang hina-hina mo where in fact, you’re capable of killing someone—” “I am capable, yes at kung bibigyan ako ng pagkakataon na patayin ka, I will!” singhal nito sa akin. Mas tumalim ang tingin na iginawad ko sa kaniya. Pilit na rin siyang pinapakalma ni Averyl dahil halata na ang galit ni Xheen sa kung paano nagtataas-baba ang balikat nito. Dahil din sa naghuhurumintadong loob niya, nag-umpisang magkagulo ang mga gamit na naroon sa loob ng banyo but I remained still. Hindi ang abilidad ng gaya ni Xheen ang magbibigay ng takot sa akin. She’s nothing compared to me. “Kill me, then,” hamon ko sa kaniya. “Kung hindi mo gagawin ay ako ang gagawa sa ‘yo no’n.” “Reva!” asik ni Averyl. “Stop provoking her!” “Hayaan mong ipakita ni Xheen ang tunay niyang pagkatao!” asik ko pabalik. “She’s not who you think she is—” “Then, hayaan mo siyang ipakilala sa akin kung sino ba talaga siya! Huwag kang makikialam dahil hindi hamak na basura ka lang dito!” sabi ko at saka nagbukas ng isang portal na mag-aalis kay Averyl sa kinalalagyan niya. “What did you do to her?!” singhal ni Xheen sa akin. Her eyes changed its color. Mas nagkagulo rin ang mga nasa paligid namin. Maging ang mga salamin ay nag-umpisang mabasag. Nagsimula na ring umapaw ang tubig sa loob ng banyo. Basang-basa na ang unipormeng suot ko but I didn’t mind. “I am asking you, what did you do to her?!” I smirked. “Hindi mo malalaman—” She shouted on top of her lungs. Dahil sa lakas no’n ay nabasag ang pader na nakapalibot sa banyo. Naramdaman ko na lang din na tumama ang likod ko sa kung anong matigas na bagay. Bago ko pa man mainda ang sakit no’n ay mas lumakas na ang sigaw ni Xheen. I tried my best para pigilan ang mga nahuhulog na parte ng kisame sa akin but everything happened too fast and I am losing energy. Masyado na ring masakit ang likod ko para humugot pa ng lakas. Napadaing na ako nang tuluyan nang may bumagsak sa paanan ko. Gustuhin ko mang tumigil sa pagdepensa sa sarili ko ay wala na akong lakas. Ramdam ko na rin ang unti-unting panghihina ng katawan ko dahil sa biglaang atake ni Xheen. Nang mas lumakas pa ang sigaw niya ay wala na akong nagawa pa upang pigilan ang bagay na pabagsak na sa direksyon ko. I saw another familiar figure before I completely passed out. Denzell… DENZELL Inihagis ko muna sa kung saan ang pabagsak na parte ng kisame kay Reva at nang masiguro kong wala ng iba pang babagsak na parte ng nasirang banyo ay mabilis kong inalalayan ang walang malay na si Reva. Nagdurugo ang ilong nito, maging ang ulo niya. When my arms got in touch with her back, naramdaman ko ang pagkabasa no’n at halos panlakihan ako ng mata nang makita kong nagdurugo rin maging ang likod niya. “Dalhin mo na siya sa infirmary, isama mo na si Earth, kami na ang bahala rito,” ani Ryker sa akin. Wala naman akong ibang nagawa kundi tumalima sa sinabi nito. Ito na ang kinakatakot ko. Reva’s thirst to know that truth was the sole reason kung bakit ganito ang lagay niya ngayon. Kaya ayaw ko rin na kumilos siya mag-isa ay dahil sa mga ganitong pangyayari. Hinanap ko siya kanina dahil gusto ko na sanang makipag-ayos. Hindi maganda na nagtatalo kaming magkapatid at hindi na rin kaya ng konsensya ko na hindi siya pansinin. Pero si Cleon lang ang nakita ko at siya ang nagsabi sa akin na napikon sa kaniya si Reva kaya umalis ito ng cafeteria. Even Circe and Miku joined us in finding her but she’s nowhere to be found. Not until we heard na mayroong gulo na nangyayari sa girl’s comfort room at involve raw ang ilang estudyante ng building 2. Agad akong kinutuban kaya mabilis kaming pumunta nina Circe, Miku at Cleon doon, only to be shocked on how that area exploded in pieces. Mas inuna nina Circe na asikasuhin ang mga estudyanteng malapit doon while I made my way to get in Reva’s direction pero nahuli pa rin ako. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay wala akong nagawa. Dahil na rin sa nakafull ability si Xheen kaya nahirapan akong kontrahin siya. Luckily, Cosmo arrived with Ryker and Earth. They compromised Xheen while I head out to Reva dahil alam kong hinang-hina na rin siya at hindi nga ako nagkamali nang mawalan siya ng malay kung kailan may malaking parte ng kisame na ang pabagsak sa gawi niya. Now, she’s here on my arms, walang malay at duguan habang patuloy naming binabaybay ang infirmary. “She’s gonna be fine,” ani Earth sa akin matapos pulsuhan si Reva. “Her pulse’s still strong—" I gritted my teeth. “She should be, dahil hindi ko alam kung paano ko pagbabayarin si Xheen kung may mangyayaring masama kay Reva,” madiin kong saad. “I’ll do my best, Denzell,” ani Earth. Hindi na ako sumagot pa at mabilisan ko na lang na inilapag ang kapatid ko sa higaan na naroon. All of a sudden, Averyl popped out of nowhere. “Saan ka nanggaling, ‘ryl?” tanong ni Earth sa kaibigan. Wala namang ibang nagawa si Averyl kundi damhin ang sentido niya at saka ituro si Reva. Nagkatinginan kami ni Earth, mukhang nagkakaintindihan sa nangyari. “W-What happened…to her?” tanong ni Averyl. “Si Xheen, nasaan?” “Xheen’s fine, kasama niya sina Ryker at Cosmo,” Earth said. “She almost killed Reva.” Nakita ko kung paanong nanlaki ang mata ni Averyl sa narinig. “That’s…impossible.” “Well, obviously, that is possible,” I sarcastically answered. “Xheen did this to Reva.” Napapikit ako nang hindi ko matago ang pagkainis sa tono ng pananalita ko. I can’t help it. My sister’s in danger dahil sa kagagawan ng kaibigan nila. Alam kong hindi ko dapat ibinubunton sa kanila ang inis but…damn! Mas hindi ko gugustuhin na may mangyaring masama kay Reva kaya bahala na! “Sorry, Denzell, wala akong nagawa,” ani Averyl. Simpleng pagtango na lang ang naisagot ko sa kaniya. “Help me with her, ‘ryl,” ani Earth sa kaibigan. “Kailangan kong makita ang lahat ng sugat niya para magamot ko ‘yon.” Agad naman na tumalima si Averyl sa sinabi ng kaibigan at agad na inalalayan patagilid si Reva. Pinanuod ko lang sila na gawin ang kung ano mang kailangang gawin ni Earth sa kapatid ko, all for her safety. “She’ll be fine, Denzell,” ani Averyl sa akin. I gave her my coldest stare. “Dapat lang dahil kung hindi, magbabayad si Xheen sa ginawa niya kay Reva.” “It’s not Xheen’s fault, may kasalanan din si Reva,” ani Averyl kaya nangunot ang noo ko. “Pinapatigil ko na siya no’n sa pangpoprovoke kay Xheen but Reva won’t listen—” “Hindi pa rin tama na ginawa ni Xheen ang ganito,” I said. “Reva’s hard-headed pero tingin mo ba ay deserve niya ang iratay riyan at halos ganyan kalala ang mangyari sa kaniya?! She’s losing too much blood dahil kay Xheen. Kung hindi ako dumating doon o kung mas nahuli pa ako ng dating, baka wala ng buhay ang kapatid ko dahil sa kaibigan ninyo!” Averyl sighed. “Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Xheen—” “No,” I said, with authority. “Hayaan mong si Xheen ang humingi ng tawad sa kasalanan niya. She’s young but not too young para hindi niya makayanan ang paghingi ng tawad sa mali niyang nagawa. Don’t tolerate her acts dahil baka hindi lang kay Reva mangyari ang bagay na ‘to.” Hindi na siya nagsalita pa at nagpokus nalang sa pagtulong kay Earth. Nahalata na rin siguro nito na ayaw kong makausap sila dahil sa nangyaring ‘to, lalo pa’t parang binibigyang hustisya pa ni Averyl ang ginawa ng kaibigan niya. But not because they can’t handle Reva’s hard-headedness ay deserve na ng kapatid ko na mapunta sa lugar na ‘to nang ganito ang lagay. Walang kahit na sino sa amin ang may deserve nito lalo pa’t kung dahil lang naman sa init ng ulo ng kung sino kaya nangyari ang lahat ng ‘to.  Wala namang sandali na inalis ko kay Reva ang mga mata ko at saka paulit-ulit na humingi ng tawad sa kaniya. I failed as her brother. Kung hindi ko pinairal ang tampo ko sa sinabi niya, sana’y hindi siya mag-isang pumunta sa banyo na ‘yon. Baka sakaling nag-alangan pa si Xheen sa ginawa nito dahil naroon ako. Kung hindi dahil sa pride ko, wala sana si Reva sa kinalalagyan niya ngayon.  Just wake up, Reva, and I promise, I won’t leave your side. Never. Just please, wake up. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD