CHAPTER EIGHT

1490 Words
REVA Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha ni Averyl and that, somehow, made me glad. Napangiti ako sa direksyon ni Circe at gano’n din siya sa akin. Alam na alam niya talaga kung paano ako pasasayahin. “Okay,” ani Averyl kaya napatingin akong muli sa gawi niya. “What do you mean by okay?” Circe asked. “Talagang lalaban kayo sa amin?” Natawa siya nang bahagya sa tanong niyang iyon. Hindi ko rin napigilan ang matawa dahil sa lakas ng loob na mayroon si Averyl para pumayag sa hamon ni Circe. Baka sa sobrang kakapractice niya ay natagtag na ang utak niya at hindi na makapag-isip nang tama. “Practice battle lang naman,” aniya. “Hindi naman ‘to ang magsasabi kung mananalo o matatalo kami sa mismong challenge.” I rolled my eyes because of what she stated. She’s talking as if she knew they’ll won against us sa mismong araw ng paligsahan para sa pagiging defender. She’s giving false hope sa mga kaibigan niya. “Madali naman kaming kausap,” ani Circe. “Ibibigay namin ang gusto ninyo.” Iminuwestra namin ang ang daan para sa kanila. Sandali pa silang nagpalitan ng tingin bago pa lumakad sa pwestong pinagparpracticean namin kani-kanina lang. Circe and I exchanged mischievous smiles before joining them in place. When I looked at Denzell, napapailing na lang ito. “If they’ll beat us, you won’t like it, Reva,” bulong nito sa akin. “Sino namang nagsabi sa ‘yo na magpapatalo tayo?” I said. “If you’ll go easy on them, go because I won’t. I’ll do my best to beat those weaklings. Inunahan ko na sa paglalakad si Denzell dahil hindi na ako natutuwa sa ipinapakita niya. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit naging biglaan ang pagiging mabait niya sa mga taong dapat ay hindi naman niya pinapakitaan ng kahit konting awa. They are our rivals at hindi lang sa pagiging defender, kundi sa lahat. I won’t accept other standings rather than our team winning this practice battle dahil kung kagaya lang nina Averyl ang tatalo sa akin, malaking sampal sa akin ‘yon at ayokong isatisfy ang kasiyahan nila. “The rule is simple,” panimula ni Circe. “One on one battle with no serious physical damage.” “Natatakot ka bang masaktan, Circe?” ani Xheen. Circe chuckled. “Oh, poor you. Hindi ang kagaya mo ang magbibigay ng takot sa akin.” Akmang lalapit na si Xheen sa gawi ni Circe nang pigilan siya nina Averyl sa kaniyang gagawin. I smiled because of that. Alam ni Circe na ang emosyon ni Xheen ang nagpapahina sa kaniya at hangga’t nagagawa ni Circe na maapektuhan iyon, hindi magiging sagabal si Xheen sa amin. “Control yourself, Xheen,” paalala ni Averyl sa kaibigan at saka kami muling hinarap. “Sino-sino ang magkakatapat?” “Cleon and you, of course,” Circe said. “Denzell and Ryker, Earth and me, Miku and Cosmo and last but not the least, Reva and Xheen. Sounds fair enough, right?” “Then, huwag na nating patagalin pa ‘to,” sabi ni Earth. “Face your opponents,” I commanded. “Let’s begin this practice battle.” Earth used his ability to make the ground rose in a height enough to hinder us from seeing one another. I bet he did this to serve as a division for every pair. I, on the other hand, used my ability to create a field that will limit the destruction that we may cause to this forest. Hindi ko naman gusto na mapunta pa ako sa office ni miss Aphrodite kung kailan malapit na akong maging defender. Then, I faced Xheen. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung sinusubukan niya akong basahin but I won’t give her the satisfaction. “Why do you hate us?” she asked out of nowhere. Huwag mo sabihing maglilitanyahan lang kaming dalawa? “Because you and your friends are too weak,” I answered. “At kayo? Tingin n’yo malalakas kayo?” “Compared to your team? Yes,” I straightforwardly answered. “Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang hangganan ng bawat abilidad na mayroon kami, Xheen. Ilang taon na rin tayong magkasama sa building two and you knew what we’re capable of.” “That’s not a valid reason to belittle someone, Reva. Don’t you think?” I smirked. She’s playing games, I knew it. “You talked too much, Xheen. How about we begin the real battle?” Hindi ko na hinintay na makasagot siya. With my ability, I created countless of portals and entered one of it. You’re making your own games, its time to play mine. Hide and seek, Xheen. Catch and seek me if you can. AVERYL “I’ll go easy on you, don’t worry,” sabi ni Cleon sa akin. He’s only equipped with a single spear while I have my collection of arrows in my quiver and my bow. But still, his expertise in instrumental battle is giving him all the rights para magyabang sa harapan ko. Kumuha ako ng dalawang arrow at saka iyon inilagay sa pana ko. Kagaya sa kung paano ako nag-eensayo, I ran as I released my arrows. Unfortunately, I missed. Masyadong mabilis ang galaw ni Cleon at aminado ako na ang hirap basahin ng mga kilos niya. Naiiwas ko ang sarili ko nang ibato nito sa gawi ko ang sibat na hawak niya, making its blade got stuck sa punong pinagtaguan ko. Muli akong kumuha ng dalawang arrow at saka iyon muling ibinala sa pana ko. When I was about to release it, Cleon surprised me with the dagger he threw on my direction. Dahil sa pagtama no’n sa kamay ko ay nabitawan ko sa kung saan ang arrow na dapat ay para sa kaniya. Fortunately, Earth created the barrier or else ay baka nakapanakit na naman ako. Ramdam ko na ang hapdi na dulot ng sugat na ibinigay ni Cleon sa kamay ko. Hindi man iyon gano’n kalalim, sapat pa rin iyon para makaapekto sa kung paano ako aasinta. I tried to not mind the pain when I saw Cleon running towards my direction. Sunod-sunod ang nagging pagpapakawala ko ng arrows papunta sa direksyon niya ngunit sa liksi niya ay para lang akong nagsayang ng arrows para sa wala. I am having a hard time reading his next moves but it’s the opposite for him. Mukhang basang-basa niya ang bawat kilos ko dahil maging ang mga lugar na sunod kong patatamaan para mahuli siya ay nagagawa niyang iwasan. His skills were beyond my limits. Alam ko naman iyon. Ngunit sa ayaw ko man o sa gusto, wala akong ibang makakaharap kundi si Cleon lang dahil siya lang ang natatanging walang abilidad sa grupo nina Reva. He’s also the proof na hindi lang abilidad ang maaaring gamitin sa labanan. He can win even without possessing any and that’s what I can’t do. No matter how hard I try, I can’t beat Cleon. I tried to calm mg raging self as I released another arrow while looking directly at Cleon’s eyes. Konting agwat na lang at tuluyan na kaming magkakalapit at ‘yon ang dapat kong mapigilan. “Ah!” daing nito matapos ko siyang matamaan sa binti. But just like that, he pulled out the arrow like it’s nothing at saka muling umayos ng tindig. Blood is gushing out of his wound, but he remained in his position, acting like the usual unbothered Cleon as he is. “You got me. Akalain mo ‘yon,” he said. Bakas sa tono ng pananalita niya na nang-aasar siya but I can’t let those words get into me. I looked him in the eyes once again while slowly taking out two more arrows from my quiver at gaya noong mga nauna, ipwinesto ko na ‘yon sa pana ko. I saw Cleon smirking before I finally released one arrow in his direction first then the other one. Kung hindi man tatama sa direksyon niya ang isa ay sigurado akong kaya na siyang tamaan no’ng pangalawa. But just like that, in a swift movement, he caught both of my arrows. Muli siyang ngumisi sa direksyon ko matapos ‘yon. Bago pa man ako makakuha ng panibagong arrow na gagamitin ay itinapon niya pabalik sa direksyon ko ang isa sa mga arrows na hawak niya, making its peak caused a slight damage on my right hand where my bow is. Napaatras ako dahil sa sakit at wala akong nagawa kundi ang isandal ang sarili sa puno na nasa likuran ko. Hindi pa man ako nakakabawi sa sakit, another arrow is coming on my direction. Ramdam na ramdam ko ang pagdaplis no’n sa pisngi ko bago ito bumaon sa puno na aking sinasandalan. I saw Cleon, with his both hands inside the pocket of his pants, making his way to me. Una niya munang binunot ang sibat niya na hindi niya rin nagamit matapos bumaon sa punong kanina lang ay pinagtataguan ko at saka ako nilapitan. His index finger touched my cheeks, sa kung saan dumaplis ang arrow na ibinato niiya, and he raised it in the mid-air. Mula roon ay nakita ko ang pulang likido na bumalot sa kaniyang daliri. My own blood. Ngumisi siya sa akin. “It’s game over, Averyl.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD