CHAPTER FIFTEEN

2572 Words
XHEEN Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin naming magising si Averyl. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya sa loob ng portal. Nataranta na lang si mentor Ace kanina dahil hindi niya raw maramdaman ang presensya ni Averyl. He even asked Cleon kung may ginawa ito kay Averyl na labag sa kasunduan para sa paligsahan na ‘to. Then, Cleon told us what happened. Ikinwento niya kung paanong pinana raw siya ni Averyl and how she should be punished for what she did. Sinabi pa nito na parang gusto raw ni Averyl na mawala si Cleon sa eksena. Hindi naman namin pinalampas ang mga pinagsasasabi ni Cleon dahil walang ibang magdedepensa kay Averyl kundi kami lang. Nang mailabas ni mentor Ace at mentor Cassy si Averyl sa portal kanina, wala na siyang malay. Her pulse was weak. Buti na lang at naroon sina mentor Cassy at mentor Claude para agapan ang nangyayari kay Averyl. But when I asked them kung ano ang posibleng pinagdaanan ng kaibigan ko, wala silang masagot. They told us na hindi rin nila alam kung ano ang nangyari kay Averyl at hintayin na lang daw namin na magising ito. Agad namang tumulong sina Ryker kanina para dalhin si Averyl sa dorm room namin kaya ngayo’y binabantayan ko siya. Gayunpaman, matutuloy ang inagurasyon mamayang gabi para sa mga bagong defenders. Unfortunately, sa team namin, only Miku made it. Ngunit mas okay na rin ‘yon kesa wala. Hindi nga lang ako sigurado sa magiging lagay ni Miku ngayong sina Reva na ang makakasama niya at gano’n din sa magiging lagay ni Cosmo ngayong makakasama na namin siya. Ang pagkibot ni Averyl na nakahiga sa tabi ko ang siyang nagpabalik sa pokus ko sa kaniya. Agad nitong hinilot ang sentido niya at saka dahan-dahang naupo. Ngunit kung gaano kabilis ang pagkilos niya ay gano’n din kabilis ang pagkapit niya nang mahigpit sa damit ko. “Nahihilo ako,” aniya. Napabuntong-hininga ako. “Normal lang ‘yan,” sagot ko. “Mahina ang pulso mo kanina, ayon kina mentor Cassy. Ano ba kasing nangyari sa ‘yo?” Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong ko, na parang may multo siyang nakita sa loob ng portal kanina. “May…” panimula niya ngunit natigilan. “May? Come on, you can be honest with me.” Puno ng pag-aalala at takot ang kaniyang mga mata nang lumingon siya sa gawi ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang reaksyon niyang iyon but this is new. Hindi ko kailanman nakitang nagpadaig sa takot niya si Averyl but this time, it’s different. Kung ano man ang nakita niya sa loob ng portal kanina, nasisiguro kong hindi pangkaraniwan ‘yon. “May ibang tao sa dimensyon na ginawa ni mentor Ace,” aniya. “Hindi ko alam kung sino siya o kung ano ang itsura niya pero nasisiguro ko na nakita ko siya kanina.” “Hindi kaya dahil sa pagod mo lang?” “No,” maagap na sagot nito. “Hindi ako pagod.” Nag-iwas ito ng tingin sa akin. “Hindi rin ito ang unang beses na narinig ko ang boses niya.” Hindi ko maiwasang kilabutan sa sinasabi ni Averyl. Sa ilang taon na magkasama kami, ngayon lang siya nagkaganito. Hindi rin niya ugali ang manakot kaya alam kong hindi siya nagbibiro o kaya’y gumagawa ng kwento para takutin ako. “It was dark, Xheen,” aniya pa na halos pabulong na lang sa hangin. “Hindi ko alam kung saan siya nanggaling but one thing’s for sure…may gustong kumontrol sa Academy.” “Hindi kaya, siya rin ‘yong dahilan kaya hindi tayo naawat nina mentor Cassy no’ng araw na napatay mo si Tyler?” I asked, agad naman siyang napatingin sa gawi ko. “I mean, hindi naman sa binaba—” “It’s the same voice that made me do it,” aniya. “Parang sa isang iglap, hindi ko kayang kontrolin ang pana’t palaso ko. Para silang may sariling buhay no’ng gabing ‘yon. Also…” “Also?” pag-uulit ko. “Huwag mo naman akong bitinin.” “It’s the same voice na narinig ko sa panaginip ko,” sabi ni Averyl. “The same voice kung saan nakita kita sa panaginip ko at nanganganib ang buhay mo.” “Tingin mo ba…” Napalunok ako ng laway sa kaba, “narito lang sa RMA ang may-ari ng boses na ‘yon?” Napayuko si Averyl. “Hindi ako sigurado,” aniya. “Wala siyang kawangis dito sa Academy, base sa kung paano ko siya nakita kanina. O maaari namang narito nga, palihim lang na kumikilos.” “Kung sino man ang taong ‘yon, tingin mo mas malakas siya o sila sa mga mentors natin?” tanong ko. Seryosong sinalubong ni Averyl ang mga mata ko. “Hindi niya na kailangang patunayan pa ang sarili niya. No’ng gabi pa lang na maging si mentor Cassy ay hindi kinaya ang kakayahan niya, alam na dapat natin na mas malakas siya—o sila.” “If that’s the case, we’re in danger,” nababahalang sambit ko. “We’re in great danger.” Napapitlag ako nang bahagya sa biglaang paghawak ni Averyl sa mga kamay ko. Her hands were cold. Kitang-kita pa rin ang kaputlaan sa kaniyang mukha. “Huwag mo na munang sasabihin sa iba ang bagay na ‘yon,” aniya. “Ayaw kong magdudulot tayo ng takot sa marami dahil baka mali lang ako ng akala.” Tumango ako nang tumango at saka ginantihan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Sisiguraduhin ko na walang makakaalam.” “Thank you, Xheen.”   Bumalot ang matinding katahimikan sa amin. Nakabalot lang ang kumot ni Averyl sa katawan niya habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Hindi ko na sakop na alamin kung ano ang iniisip niya. Pero kung sakaling tama ang sinabi ni Averyl kanina, RMA’s in great danger. Kahit pa sabihing malalakas sina Reva, hindi hamak naman na mas malalakas at sanay makipaglaban ang mga mentors namin. At kahit pa tulungan namin sina Reva kung sakaling magkakagulo man, tingin ko’y wala pa rin kaming laban sa taong ‘yon. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ngayon lang nangyayari ang ganito? Alam kaya niya o nila na paalis ang mga mentors namin kaya sinasamantala nila ang sitwasyon? Napakaraming taon ang nagdaan sa RMA ngunit walang nagtatangka na kumanti sa Academy. Kung totoo man ang hinuha ni Averyl, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng sampung taon.  Matapos ang konting oras pa ay inaya ko na ulit si Averyl na lumabas ng dorm para sa gagawing inagurasyon. Hindi man kami nanalo, kailangan pa rin ang presensya namin sa gaganaping ‘yon. Buong RMA ang makakasaksi kung sino-sino na ang mga magiging bagong defender ng Academy. Importanteng kaganapan ‘to para sa lahat dahil matapos ang sampung taon, may mga bagong tagapagbantay at tagapangalaga na ang RMA na nagsilbing tahanan namin. Agad naman kaming sinalubong nina Earth, Miku at Ryker. Wala pa man, napangiti na ako nang makita ko ang pin na nakalagay sa kanang bahagi ng damit na suot ni Miku, tanda ng pagiging isa sa mga defender niya. Isa rin sa mga pangarap ko ang pin na ‘yan ngunit malinaw naman na hindi ako nakatakda sa gano’n. Mas maigi na rin at least hindi ako mahihiwalay kay Averyl. Kung si Reva ang makakasama ko, baka ilang buwan pa lang ay may alta-presyon na ako. “Naks naman, congrats,” pagbati ko kay Miku. Nangiti naman siya nang bahagya at saka kumamot sa batok. “Hindi nga lang ako sanay na wala na kayo sa tabi ko pagkatapos nito.” “Ako sanay ako na wala kayo sa tabi ko, swap na lang tayo,” ani Ryker at saka ipinakita kay Miku ang kulay ginto niyang bracelet. “Pwede mo ‘tong isanla,” pahabol niya pa. Napailing-iling na lang si Earth sa sinabi ni Ryker. Minsan ay hindi ko pa rin maimagine na mas matanda si Ryker sa akin. Kung titignan kasi ay parang mas mature pa ako mag-isip kesa sa kaniya. Puro kagwapuhan lang naman sa sarili ang alam niyang banggitin, eh. Kaya hindi na rin nakapagtataka na mainit ang dugo ni Averyl sa isang ‘to. Speaking of Averyl, agad akong sinitsitan ni Earth at saka palabing tinuro si Averyl na katabi ko lang. Wala sa amin ang atensyon niya. Nakatingin lang siya sa mga estudyante ng RMA na unti-unti nang natitipon sa bulwagan. “Okay ka lang ba, Averyl?” tanong ni Earth dito. “Ha?” wala sa sariling tugon ni Averyl sa isa. “Kung hinahanap mo si Denzell, huwag na. Mas gwa—” “Shut up!” pabalang na sagot ni Averyl kay Ryker. Wala naman akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga at saka pagsabihan si Ryker na huwag niya muna aasarin si Averyl dahil masama pa ang pakiramdam nito kahit pa alam ko naman na hindi dahil sa sama ng pakiramdam kaya nagkakaganito si Averyl. She’s scanning the crowd. Siguro’y hinahanap kung sino sa mga ‘yon ang nakita niya sa loob ng portal. Gustuhin ko man na tulungan siya ay wala naman akong magawa dahil hindi ko naman nakikita ang nakikita niya at hindi ko rin naman naririnig ang naririnig niya. Kung ano man ang pinagdaraanan niya, hindi na ‘yon sakop ng abilidad ko and somehow, it sucks.  Sometimes, I can’t help but wonder kung ano kayang mangyayari kung mas lumawak pa ang sakop ng abilidad ko. If aside from manipulating people, I can get inside their minds, too. Kung gano’n lang ang nangyari, siguro’y hindi ako natalo ni Reva. Pero alam ko rin na lahat ng abilidad ay may hangganan. Masama para sa mga kagaya namin ang maghangad pa ng sobra. Dahil ang gano’ng pag-uugali ang pinagmumulan ng kasakiman na unti-unti’y maaaring maging dahilan ng ikawawala namin sa tamang landas.  Nang biglang paapuyan na ang tumpok ng kahoy na nasa gitna ng bulwagan ay nawala na rin ako sa mga iniisip ko. Kahit kailan naman ay hindi na ako lalakas pa. Ito na ang limitasyon ko at kailangan ko ‘yong tanggapin nang sa gano’n, hindi ako makakaramdam ng pagkaganid pagdating ng panahon. “Let’s go,” ani Earth sa amin. Agad namang sumunod sa kaniya sina Ryker at Miku. Tumingin ako sa gawi ni Averyl at nakakunot pa rin ang noo nito habang naghahanap ng taong imposible pang mahanap niya sa ngayon. Kalaunan ay napabuntong-hininga siya at saka napayuko. Maging ang pagkuyom ng kamay niya ay hindi nakatakas sa akin. “Averyl, we need to go,” ani ko. Gustuhin ko man na bigyan pa siya ng oras, tumunog na ang gong na siyang senyales na anumang oras ay mag-uumpisa na ang inagurasyon at kailangan na naming umakyat sa entabladong nakahanda para sa amin at para sa grupo nina Reva. Simpleng pagtango ang isinagot ni Averyl sa akin. Magkasabay naman kaming naglakad papalapit sa entablado at saka magkasabay rin na umakyat doon. I faced the crowd but when I saw how bothered Averyl are, hindi ko napigilang tignan siya ulit. She looked at me, too, at halos ikawala ng balanse ko ang nakita ko sa mga mata niya. For a few seconds, her eyes were green. It’s as if they’re not her eyes.  REVA Padabog kong ibinato sa kung saan ang gloves na suot-suot ko kanina. Bumalik na muna kami sa building two dahil sa palabas ni Averyl. Liban sa kaimbyernahan ko sa nalalamang himatay scene ng isang ‘yon, hanggang ngayon ay inis na inis pa rin ako sa naging resulta ng paligsahan. Cosmo lost. Sa aming lahat, siya lang ang natalo at ang masama pa, isang pipitsuging gay ani Miku lang ang nakatalo sa kaniya. “Kumalma ka, Reva,” ani Denzell pero masasamang tingin ko lang ang sumalubong sa kaniya. “Will you shut up for a sec, Den?!” iritableng sagot ko rito at saka binalingan na naman si Cosmo na nasa tabi ni Cleon. Mabilis naman na naupo si Circe, isa pa ring lipad. “Hindi ko talaga magets bakit natalo ka ni Miku, Cosmo,” panimula ko. Napahilamos ako dahil sa inis sa mga nangyari. “I mean, si Miku lang ‘yon! He’s nothing compared to you!” “Malakas din si Miku, Reva,” sagot ni Denzell kaya muli ko siyang sinamaan ng tingin. “Ikaw ba ang kausap ko?!” “No, but you’re overreacting already,” sagot nito. “Hindi pa ba enough sa’yo na apat tayong nakapasok bilang bagong defender ng RMA?” I sarcastically smirked. “Sige nga, anong mangyayari kay Cosmo, ha?! Hindi na siya pwedeng sumama sa atin—” “Cosmo will be freaking fine, Reva!” sabat naman ni Circe kaya napalingon ako sa gawi niya. “It’s not as if she’s a kid or something! Stop treating her like one!” Tinaasan ko siya ng kilay ngunit inirapan niya lang ako. Nang akmang susugod na ako sa gawi niya ay agad naman akong pinigilan ng mortal na manig-awat ng buhay ko. “What now?” he asked. “Pati si Circe, aawayin mo na?” Iwinaksi ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. “Fine! Pababayaan ko na lang sila! I won’t care about them simula ngayon! Not to you, not to Cosmo and not to Circe, too!” “Hindi ko sinabing mawalan ka ng pake,” he said. Halatang-halata na rin sa boses ni Denzell ang pagtitimpi but I won’t back off. Those days na hinahayaan kong siya ang magdesisyon para sa akin, they’re gone. “All I am asking is for you to accept the results. I am sure Cosmo can handle herself,” dagdag nito at saka tumingin sa gawi ni Cosmo na nakayuko pa rin. “Will you be fine with them, Cos?” tanong ni Cleon kay Cosmo. Nag-angat naman ng tingin si Cosmo sa kaniya. “I will,” sagot nito. “Ako rin naman ang may gusto na ibigay na lang kay Miku ang flag na—” “What?!” “Reva.” I rolled my eyes nang sumingit na naman si Denzell. Kahit kailan talaga ay hindi siya natatahimik kapag nagsasalita ako. Palaging kontra! “Ayokong makasakit, Reva,” ani Cosmo sa akin. “Ayokong mangyari ulit ang nangyari noon.” Napatingin ako kay Cleon sandali. Natigilan din siya sa ginagawang pag-aayos ng mga palaso niya nang marinig ‘yon but it was just for a few seconds. “Kung ganyan ka rin lang kasanta, edi sana sa kumbento ka pumasok at hindi rito sa RMA,” pagtataray ko rito. “Alam mo ba kung anong pinagpalit mo? A better life. Kung hindi ka aanga-anga at inisip mo ang mga pribelihiyo na mayroon ang mga defenders, edi sana hindi ka naging gano’n ka mapagbigay! Edi sana hindi nakuha ni Miku ang flag mula sa ‘yo!” “He helped me—” “Kaya gumagawa ka rin ng charity work?!” “Reva, ano ba—” “Manahimik ka, Denzell, sasamain ka na sa akin!” asik ko rito nang sasabat na naman siya. “A better life is a life kung saan malaya akong makakagalaw, Reva,” ani Cosmo. I hissed when I heard that. “I don’t want any of the privileges na gusto mo.” “And what do you want, then?! Mapalapit sa team ng mga talunan?! Maging isa sa kanila?!” “All I wanted is a life na hindi ako makakapanakit!” Cosmo answered. I was taken aback when I saw na namumuo na ang luha sa kaniyang mga mata. “Of all people, inaasahan kong ikaw ang makakaintindi sa akin dahil noon pa man ay kilala mo na ako but here you are, putting me in a situation na wala akong lusot!” This is the first time Cosmo raised her voice to me. Siya ang tipo ng tao na hindi makabasag pinggan dahil sobrang tahimik niya but the Cosmo right now in front of me, is a different version of herself. Even Denzell, Cleon and Circe didn’t bother to meddle in. “If being in the losing team means that I’ll be free, tinatanggap kong maging isa sa kanila,” aniya at saka lumabas na ng room namin. “That was too much, Reva,” ani Denzell sa akin. “Cosmo’s your friend.” “Everything’s too much for you, Den, basta ako ang may gawa,” sagot ko at saka siya tinalikuran. “One more thing, wala akong kaibigang talunan.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD