CHAPTER SIXTEEN

3032 Words
REVA Nagsimula na ang inagurasyon. Hindi ko naman mapigilang tapunan ng tingin ang grupo nina Averyl na nasa kabilang banda ng stage na kinaroroonan namin. Napunta rin sa akin ang kaniyang mga mata, siguro’y naramdaman nito na may nakatingin sa kanila and I raised a brow when our eyes met. Konting distansya lang ang namamagitan sa amin ni Averyl kaya hindi naging mahirap sa akin ang kausapin siya. “Anong pakiramdam ng isang talunan?” tanong ko nang nakangiti habang ang tingin ko’y ibinalik ko na sa grupo ng mga estudyante sa harap namin. “Hindi ko kasi alam ang ganyang pakiramdam. Baka pwede mong idescribe sa akin.” “Hindi ka pa rin kuntento sa pagkapanalo mo?” she said kaya napatingin ako sa gawi niya. “Kailangan mo pang ibaba sa ganyang lebel ang sarili mo dahil lang defender ka na? Nakakahiya ka.” “Nakakahiya?” I chuckled a little. “Hindi ako ang nakakahiya rito, Averyl. Ang lagay mo sa Academy, ‘yon ang nakakahiya.” “Ano bang lagay ko sa Academy para maging kahiya-hiya ako?” she asked. “In the first place, estudyante lang ako ng RMA at ikaw ang defender sa atin but look at you,” aniya at saka ako minata, “nagpapakababa ka para lang maasar ako. How pathetic.” Pigil na pigil ako ng inis ko dahil sa mga sinabi niya. Nginisian niya naman ako nang makita niya ang reaksyon ko sa pinagsasasabi niya. Ano bang alam ng isang ‘to? Hindi ba niya dapat ikahiya ang kakayahan niya hanggang ngayon ay wala pa ring binatbat kay Cleon? Hindi niya ba dapat ikahiya na hanggang ngayon, nasa ganyang lebel pa rin siya, na parang baguhan pa rin sa ganitong larangan kahit hindi naman? Kung ako ang nasa kalagayan niya, mahihiya ako nang sobra dahil parang pinapakita kong walang naitutulong ang RMA sa akin. Good thing, hindi ako kagaya niya. “Just say whatever you want, Averyl,” ani ko. “Kapag defender na ako, tignan natin ‘yang lakas ng loob mo.” She smiled, iyong tipong nang-iinis na ngiti. “Sa dami ng kailangan mong asikasuhin sa Academy, ako pa talaga ang uunahin mo? I feel honored,” aniya. “And, oh, is that a threat? Kasi kung oo, wala naman akong dapat katakutan sa ‘yo.” “Reva,” I heard Denzell’s voice. Alam ko, inaawat niya na naman ako. Malabo rin na hindi niya ako naririnig dahil magkatabi lang kaming magkapatid sa hanay. “That’s enough.” I smirked. “Tignan lang natin kung wala ka talagang dapat katakutan sa akin, Averyl.” “Hindi ang gaya mo ang magbibigay ng takot sa akin, Reva,” aniya at saka inalis na ang tingin sa akin. Napansin ko rin ang pagbabago ng ekspresyon niya, maging ang paghinga niya nang malalim. “Mas marami pang dapat katakutan at hindi ka isa sa mga ‘yon.” Akmang sasabat pa ako nang biglang tawagin na kami isa-isa nina mentor Cassy at mentor Ace at saka kami sinenyasan na lumakad na papalapit sa kanila, kung nasaan ang inihanda nilang bonfire para sa mangyayaring kasunduan at magsisilbing tanda ng opisyal na katungkulan namin sa Academy. I glared on Averyl once more bago tuluyang sumunod kina Denzell papalapit sa mga mentors namin. Inabutan nila kami ng tig-iisang punyal na gagamitin namin bilang paglagda sa kasunduan. Hindi pangkaraniwan ang paglagda namin kumpara sa mga mortal. Hindi iyon basta pagpirma lang gamit ang panulat gaya ng gawain nila dahil sa RMA, dugo namin ang ginagamit sa paglagda. Hindi hamak naman na mas makapangyarihan ang dugo kumpara sa anumang uri ng panulat dahil sa ganitong paraan, mismong sarili namin ang itinataya namin sa kasunduang ito. Bilang tanda na rin ng aming pangako na anumang mangyari, mananatili kaming matatag para sa RMA at gagampanan ang tungkuling nakaatas sa amin. “Ngayong gabing ito, kayong lima ang magiging bagong tagapangalaga ng RMA,” ani mentor Cassy. “Nawa’y lagi ninyong piliin na pagsilbihan ang RMA ng tapat at walang takot.” “Kung paanong nagsilbing tahanan n’yo ang paaralan ito ay maging gano’n din katindi ang kagustuhan ninyong hindi ito masira ng kung sino,” dagdag naman ni mentor Ace. “At sa awtoridad na ipinagkaloob sa akin ng Skyline gods at goddesses, ang kasunduang ito’y ating lalagdaan,” ani miss Aphrodite at gamit ang punyal na hawak niya’y kaniyang sinugatan ang kaniyang palad. Nang lumabas na ang dugo mula roon ay itinapat niya iyon sa apoy na nasa aming harapan. Ang kaniyang dugo ang mas nagpaliyab sa nagbabagang apoy na nasa aming harapan. Gano’n din ang ginawa nina mentor Cassy at mentor Ace. Nang matapos sila ay isa-isa kaming sumunod sa paglagda. Ramdam ko ang kirot sa palad ko nang magawa ko na ‘yong sugatan. Ngunit kakaibang saya rin ang nararamdaman ko dahil ngayong gabi, isa na sa mga pangarap ko ang naisakatuparan ko. I proved myself to everyone, lalong-lalo na kay Denzell. Napatunayan ko na na hindi lang ang kapatid ko ang may kakayahan bilang royalty ng paaralang ito. That I deserved to be called as a royalty. Hindi gaya ng iba… Napatingin ako sa gawi nina Averyl habang ginagawa ko ang proseso ng paglalagda. Hindi ko inalis sa kaniya ang mga tingin ko dahil gusto kong makita ang reaksyon niya sa tagumpay ko. Sinalubong niya naman ang bawat tinging ipinupukol ko, maging ang init na nagmula sa pagliyab ng apoy ay hindi ko ininda dahil iisa lang ang mahalaga sa akin ngayon, ang ipamukha kay Averyl na kahit kailan ay hindi ko siya magiging kalebel. Hindi hamak naman na mas mataas na ang lebel ko kumpara sa kaniya dahil hanggang ngayon, talunan pa rin siya. Naputol lang ang pagtingin ko sa kaniya nang may kamay na humawak sa kamay ko at saka ipinagsaklob ‘yon. Napatingin ako kay Denzell dahil sa ginawa niya. Nakatingin ito sa akin at saka bahagyang ngumiti. “Proud ako sa naaabot mo,” aniya. I hissed nang marinig ko ‘yon, pigil na pigil sa pagngiti. “Pero kung makakontra ka sa akin, parang hindi ako ang kapatid mo.” “That’s my way of correcting you. Hindi magandang nadadala ka ng galit mo,” aniya at saka bahagyang ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa ginawa niya. “Kahit anong mangyari, magkapatid tayo. You’ll always have my loyalty.” Hindi ko napigilan ang kakaibang saya sa loob ko. Inirapan ko na lang si Denzell upang pigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Ever since, I treated Denzell as one of my competitors. No’ng mga bata pa kami ay palagi akong naikukumpara sa kaniya, kesyo mas magaling daw si Denzell kumpara sa akin, na hindi ko man lang daw ba nakuha ang husay ng kakambal ko. That’s why I strived to be better. Kaya ngayong naririnig ko sa kaniya ang mga salitang iyon, hindi ko mapigilang makaramdam ng saya. Ngunit kahit anong mangyari ay hindi iyon malalaman ni Denzell. I don’t want to be vulnerable again. Ayaw ko na ulit maging mahina. Siguro’y ayon din ang dahilan kung bakit inis na inis ako kay Averyl, dahil nakikita ko ang dating sarili ko sa kaniya. Ang kaibahan lang, may ginawa ako para mas mapagbuti ang sarili ko at marating ang narating ko na ngayon, hindi gaya niya na parang ayaw umusad. I looked at Denzell matapos naming yumukod sa mga taong nakikisaya sa tagumpay namin. Nakakabingi ang ingay at saya ng mga estudyante para sa amin ngunit nanatili kay Denzell ang mga mata ko. Hindi mapapantayan ng palakpak o hiyawan ang saya na nararamdaman ko matapos kong marinig na proud sa akin ang kakambal ko, ang taong halos ilang taon kong itinuring na karibal ko sa lahat. Nakalimot ako na kapatid ko siya, na kahit na anong mangyari ay kami ang magkakampi. All these years, hindi ko narinig sa kaniya na proud siya sa nagagawa ko. Mas madalas kasi ang pagbabangayan namin dahil sa pagkontra niya sa mga ginagawa ko. Hindi ko akalain na isa pala ang sandaling ito sa mga sandaling hinihintay ko sa tanang buhay ko. Hindi ko rin inasahan na ganito kasaya kapag narinig mo mula sa taong importante sa ‘yo na proud siya sa naaabot mo. But looking back, hindi ko naramdaman kay Denzell na itinuring niya akong karibal. Wala siyang sinabi tungkol sa mga naririnig kong comparison tungkol sa aming dalawa but he’s there, patuloy akong pinagbibigyan sa maraming bagay, patuloy na nananatili sa tabi ko kahit pa ilang beses ko na siyang tinaboy. Magkapareho lang ang edad naming dalawa ngunit dahil sa mga kilos niya, nagmumukhang napaka-kuya figure niya, and he is. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung iba ang naging kapatid ko at hindi siya. Denzell chose to understand me kahit may mga oras na hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. He’s there whenever I get frustrated. He’s here no matter what. Pinisil ni Denzell ang kamay kong hawak niya at saka ako muling nginitian. Napailing-iling na lang ako sa aksyon niyang iyon. At kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ko ay ang pagbitaw ko rin ng pangako para sa kakambal ko. This time, I’ll protect you. You’ll always have my loyalty, too, Denzell. Napatingin ako sa kalangitan nang mapuno iyon ng iba’t ibang kulay. Mahaba pa ang gabi at bukas, panibagong buhay na ang mayroon kami ngunit anuman ang mangyari, nangangako ako na poprotektahan ko ang RMA sa abot ng makakaya ko. I am Reva Astrid, a royalty and a defender of this Academy.  AVERYL Matapos ang inagurasyon ng mga bagong defenders, tumambay na muna kami sa mini open park ng RMA. Simula kasi bukas ay hindi na namin makakasama si Miku. Kahit kasi sa hinaba-haba ng panahon ay hindi pa rin nabubuwag ang dibisyon sa pagitan ng building 1 at building 2. Sana ngayon ay may maglakas-loob na baguhin ang sistemang nakasanayan na ng RMA. Sa ganitong set up, hindi hamak naman na mas magandang nagkakaisa kami kesa may sinusunod na pamantayan sa kung sino lang ang maaaring magtanggol sa Academy at sino ang mga limitado ang gampanin sa paaralang ‘to. It seems like they’re putting too much pressure on those people na nasa building 1 habang dinidisregard naman ang kakayahan ng mga nasa building 2. “Baka naman yumabang ka niyan, pre, ha?” ani Ryker kay Miku. Napailing-iling naman ang isa. “Kapag talaga nagkasalubong tayo at hindi mo ‘ko pinansin, sasapakin kita.” Natawa sina Xheen at Earth sa biro no’ng isa. Wala naman akong ibang nagawa kundi umismid. Para namang may laban siya sa lakas ni Miku! “Kapag ikaw ang sinapak ni Miku, mas yari ka, Ryker,” ani Xheen. Tinuro ni Ryker ang sarili niya. “Ako? Yayariin ni Miku?” aniya. Inihanda ko na rin ang sarili ko sa kayabangang sasabihin niya. “Kahit sampung Miku pa iharap mo sa akin, walang-wala sa akin ‘yan.” “Payag ka no’n, Miku, minamaliit ka?” gatong ni Earth sa pang-aasar ng kaibigan. “Kung ako ‘yan, sinapak ko na ‘yan.” “Bakit ako sasapakin?” ani Ryker. “Sabi ko lang naman ihaharap sa akin, wala naman akong sinabi na lalabanan ko.” Natawa na rin ako dahil sa sinabi ni Ryker. Magyayabang pa, eh, aatras din naman pala sa huli. May mga pagkakataon naman na natutuwa ako kay Ryker. Sadyang limitado lang ang mga pagkakataon na ‘yon. Ewan ko ba, hindi ko kavibes ang kayabangan niya. Pakiramdam ko, palaging ang lakas ng hangin na dala niya, eh. Marinig ko pa lang ang pangalang Ryker, ‘matik na mahangin agad ang naiisip ko. “Akala ko pa naman matapang ka na,” pang-aasar ni Xheen. “Bawal makipag-away, masama ‘yon,” ani Ryker. “Pero kung pagwapuhan naman ang labanan, alam naman na ni Miku na talo siya. ‘Di ba, Earth?” “Oh, bakit ako?” “Para saan pa’t naging kaibigan kita kung hindi kita magagamit bilang suporta.” Nagtawanan kami dahil sa pinagsasasabi ni Ryker. Napatingin siya sa akin nang matawa ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Marunong ka pala matawa,” aniya. Awtomatikong nawala ang ngiti ko nang sabihin niya ‘yon. Minsan talaga aanga-anga rin si Ryker. Malamang marunong akong matawa! Ano bang tingin niya sa akin? Pinagsakloban ng langit at lupa lagi? Speaking of, bigla kong naalala ang nangyari sa pagitan namin ni Reva. Gustuhin ko man siyang hayaan kanina, masyado na akong inis at wala na akong pasensya na maibibigay sa kaniya. I was too occupied by the person I saw from the portal at dumagdag pa ang inis ko kay Ryker. I knew I was too harsh on him pero hindi ko lang talaga maiwasan ang pagtataray lalo pa’t nakakafrustrate na rin ang mga nangyayari sa akin. Sa tinagal-tagal ko rito sa RMA, ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Ang mas nakakainis pa, wala akong ideya kung sino ang may kagagawan o kung nasa loob ba siya ng RMA o wala. Kung wala naman, ibig sabihin ay malakas talaga ang abilidad ng taong ‘yon. Para niya kaming pinaglalaruan sa sariling Academy na kami dapat ang mas may kakayahan. Iwinaksi ko na lang ang mga naiisip ko. Hindi ko dapat hayaan na makaramdam ako ng ganito lalo pa’t para kay Miku ang oras na ‘to. After this, maaari ko na ulit hanapin ang taong nagmamay-ari ng boses na ‘yon. Sana’y narito lang siya sa loob ng Academy dahil kung kinakailangan ko pang maglakbay para lang hanapin siya, ibang usapan na ang bagay na ‘yon. Patuloy kaming nagkwentuhan habang palalim nang palalim ang gabi. As usual, mas naging bida pa sa usapan si Ryker kumpara kay Miku. Ngunit kahit papaano ay masaya ako na nagawa naming magkasama-sama ulit nang gano’n. Masyadong mabigat ang dibdib namin nang mangyari ang paligsahan kaya hindi namin magawang makapagsaya, ngayon na lang ulit. Nangako rin si Miku sa amin na kapag may pagkakataon, sasama pa rin siya sa amin. Hindi lang sa building na kinaroroonan namin dahil bawal daw ‘yon but he’ll find time to bond with us. Nang tumagal-tagal pa ay nagdesisyon na sina Earth na ihatid na kami ni Xheen sa dorm namin. Sumang-ayon naman kami dahil maaga pa rin bukas gawa na rin ng pag-alis na bukas ng mga mentors namin at ni miss Aphrodite. Kahit sa daan ay wala pa ring kapaguran si Ryker sa pagkikwento kaya tawanan pa rin tuloy kami nang tawanan dahil sa kaniya. “Salamat,” ani ko sa kanila nang maihatid nila kami sa dorm. Hindi na rin sila nagtagal pa dahil gusto na rin daw nilang magpahinga. Pare-pareho kaming pagod kaya kailangan na rin nila ‘yon. Habang binabaybay namin ang daan papunta sa kwarto na para sa amin, hindi ko maiwasang magtaka kung bakit ang tahimik ni Xheen. Kanina lang ay napakaingay niya pa pero ngayong kami na lang ang magkasama, para siyang may iniisip na hindi ko alam. “Hey,” pagtawag ko sa pansin nito. “Okay ka lang?” She smiled a little ngunit halatang-halata na peke iyon. “Oo naman. Bakit naman hindi?”   “Hindi lang ako sanay na ang tahimik mo,” sabi ko at saka ngumiti. Hindi ko na siya dapat pilitin pang magsabi kung ano ang gumugulo sa kaniya dahil privacy niya na ‘yon at ayokong pilitin siya kung ayaw niya naman talaga magkwento. When I was on the act of opening our room’s door, hinawakan niya ang braso ko kaya natigil ako sa ginagawa. Ramdam na ramdam ko ang nanlalamig na kamay ni Xheen. Nang tignan ko siya, bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalangan, takot at pangamba. Mga ekspresyon na bihira ko makita sa kaniya. “I saw something weird earlier,” aniya. “Hindi ko lang alam paano ko sasabihin sa’yo dahil paniguradong hindi ka maniniwala o baka isipin mo na napaparanoid lang ako.” I smiled a little. “Try me, Xheen. Spill it para naman hindi ka na naguguluhan.” “Natatakot ako sa mga mata mo, Averyl,” aniya at saka nagbawi ng kamay. Agad namang nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano namang nakakatakot sa mga mata ko? “Nagkasalubong ang tingin natin kanina habang nasa stage tayo at nakita ko kung paanong mula sa orihinal na kulay nito ay naging kulay berde ang mga mata mo,” dagdag niya. “Hindi ko alam kung paanong nangyari ‘yon but I am sure na hindi ko iyon ilusyon lang.” “That’s…absurd,” tanging nasambit ko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang sinabi niya. Hindi ko naman ramdam ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko. Wala akong naramdamang kakaiba sa akin. “Natatakot ako kasi…” she said, hesitating. “Kasi?” “No’ng tinignan ko sila, it’s as if they were not your eyes, Averyl,” sagot niya na tunay na nagpasinghap sa akin. “It’s as if you’re somebody else I haven’t meet before.”  Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng isasagot sa kaniya. Aminado akong maski ako ay natatakot sa sinasabi niya. Hindi ko na naman maiwasang maisip na maging ako ay kinokontrol na ng boses na ‘yon. Who are you?! Bakit pati ako ay nakakaranas ng ganito?! “Hey,” pagtawag sa akin ni Xheen. “I’m sorry, I scared you.”  “Wala kang kasalanan, Xheen,” ani ko. “Nagwoworry lang ako na baka pati ako ay kinokontrol na ng boses na naririnig ko.” “I’m here, Averyl,” aniya. “Lalaban akong kasama mo kung sakali mang may gagawin silang masama sa ‘yo.” Tanging ngiti na lang ang naisagot ko sa sinabi ni Xheen. Kung tama ang hinala ko na pati ako ay gusto ng kontrolin ng boses na ‘yon, mas dapat lang na simulan ko na ang paghahanap sa may-ari ng boses na ‘yon. Hindi ko maaaring hayaan na gamitin nila ako para sa pansariling interes nila sa Academy. Ayokong dumating sa punto na ako pa ang maging sanhi ng pagbagsak ng RMA dahil lang nagpapatianod ako sa boses na ‘yon. Sa mga ginawa ng boses na ‘yon sa mentors namin at sa kakayahan niyang mapasok maging ang portal na ginawa ni mentor Ace, alam kong mas maraming bagay pa ang capable siya o sila. Hanggang sa makahiga ako’y hindi pa rin ako mapakali sa mga naiisip ko. Nakatulog na lang si Xheen ay gising na gising pa rin ako. I got up and looked at the mirror na nasa bedside table na namamagitan sa higaan namin ni Xheen. Mula sa salamin ay tinignan ko ang mga mata ko. Wala namang bago sa mga kulay nito— Mabilis kong nabitawan ang salamin na hawak-hawak ko nang mag-iba ang kulay ng mga mata ko. Gaya ng sa kwento ni Xheen, naging kulay berde ang kulay no’n. Napahawak ako sa dibdib ko nang maghurumintado ang puso ko. What the hell is happening to me?! Huwag mong sabihin na may ibang naninirahan sa katawan ko?!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD