CHAPTER FOURTEEN

2006 Words
AVERYL Sa isang taniman na puno ng mga nalalantang dahon kami napadpad ni Cleon. Masyadong abandonado ang lugar at mahihimigan naman ‘yon sa pakiramdam na ibinibigay nito. The air was cold, and the leaves were almost pale green, konting oras na lang at alam mong tuluyan nang mamamatay ang mga ‘yon. Wala ring ibang maririnig kundi ang ingay ng bawat uwak sa paligid na tila nag-uunahan sa paglipad papunta sa kung saan. Hindi ko rin inasahan na may mga ibon pa sa ganitong lugar. It was so abandoned to the point na wala ni isang puno man lang sa paligid. Ilang sandaIi pa, nag-umpisa nang magkagulo ang mga uwak sa paligid namin. Kung anong dahilan, pareho kaming walang ideya ni Cleon. Nagkakatinginan lang kami dahil sa mga nangyayari. Napalingon akong muli sa mga ibong nagkakagulo. Tila pare-pareho ang dahilan kung bakit sila nagliliparan sa kung saan-saang direksyon. Animo'y may tinatakbuhan ang mga 'to ngunit wala namang ibang naroon sa lugar kundi kami lang ni Cleon. Unless...may nararamdaman sila na hindi namin nararamdaman.  Napaiwas nang bigla ay magsimula na silang lumipad papunta sa gawi namin. Nang makita kong kumukuha na ng arrow si Cleon sa quiver niya, agad ko siyang pinigilan. “They’re still harmless—” but I was too late. Nabitawan niya na ang palaso sap ana niya bago ko pa man mabuo ang sasabihin ko. In a snap, nagsimula na silang mas puntiryahin pa kami. Tila may mga sariling utak ang mga ‘to at alam na alam nila kung saan kami susugurin. Wala na rin akong ibang nagawa kundi paulanan sila ng palaso. Ang kaninang maputlang berdeng damuhan ay nabalot ng kulay pulang likido, dugo ng mga ibong natamaan ng palaso namin ni Cleon. Maging ang suot kong damit ay may talsik na rin ng dugo ngunit wala akong oras para linisin ‘yon. Nang mapabagsak namin ang mga uwak sa himpapawid, akala ko’y tapos na ang lahat. But when the ground started shaking tremendously, mukhang nagkakamali ako. Lumitaw sa hindi kalayuan ang isang higanteng pigura na animo’y gawa sa yelo. May kung ano itong bandilang hawak sa kanang kamay niya, habang ang kaliwa naman ay nababalutan ng bakal. The ground stopped shaking but the beast not-so-far away, closed his iron fist and punched the ground. Dahil sa lakas ng impact no’n, unti-unting nabiyak ang lupa. Napaiwas kaming pareho ni Cleon nang mula sa mga bitak ay may kung anong dingaw ng yelo ang lumabas. Paunti-unti ring napuno ng niyebe ang lugar. Its already cold temperature became colder, hanggang sa maging sa bawat paghinga ko lumalabas na ang singaw ng lamig. “Kakaiba talaga ang abilidad ni mentor Ace,” ani Cleon sa akin. “Kaya dapat ang papalit sa kanila ay talagang may kakaibang abilidad din. Tama ba, Averyl?” Alam na alam ko ang pinupunto ni Cleon. Hindi ko na kailangang pag-isipan pa kung may kahulugan ang sinasabi niya dahil alam ko, gusto niyang matalo ako sa laban na ‘to dahil tingin niya ay mas deserving siya maging defender ng RMA. Ngunit, hindi ba’t lahat kami ay deserve ang posisyon? With his attitude, talagang si Cosmo at Denzell na lang ang hindi pa nilalamon ng kahambugan sa grupo nila. Reva, Cleon and Circe share the same thought; na sila ang pinakamagagaling at malalakas. They love beating us in every activity, kahit pa simpleng training lang ‘yon. Gustong-gusto nila na nakikita kaming talunan.  “Hindi lang naman sa lakas at galing nasusukat kung sino ang dapat mamahala,” saad ko na nagpawala sa ngiting kanina lang ay nakaukit sa labi niya. “Hindi kailangan ng RMA ang pabigat na defender na kagaya mo,” aniya, sadyang binigyang-diin ang salitang ‘pabigat’. Ever since, gano’n na ang tingin nila sa akin. Isang pabigat lang sa Academy dahil hindi ko magawang pantayan ang galing ni Cleon sa paggamit ng pana at palaso kahit pa magkasabay lang kami na nagtitraining. Kaya rin siguro nasabi ni Ariadne noon na hindi para sa akin ang instrumenting ‘to dahil ayon din ang nakita niya. Noong una ay halos damdamin ko pa ang mga ganyang patutsada nila ngunit iba na ngayon. Sa tinagal-tagal na ginagawa nila sa akin ang bagay na ‘yan, nasanay na lang ako at kesa gantihan ang mga pinagsasasabi nila, gusto ko na lang patunayan sa pamamagitan ng gawa na hindi ako singhina ng akala nila. Hindi man nila ako kasinggaling, may pwesto ako sa Academy. Kaya rin gusto kong maging defender. Gusto kong mabago ang sistema. Kung sina Reva ang pupuno sa pwesto ng mga mentors namin, magpapatuloy lang ang pagkakaroon ng dibisyon sa paaralan namin, nasisiguro ko ‘yon. Pero kahit may isa lang sa amin na mapapasama, malaki ang tsansa na mabago ang nakagawian ng Academy. Baka sakaling magkaroon ng pantay na karapatan ang mga nasa Building 1 at Building 2.  Ngumisi ako sa gawi niya. “Hindi rin ang kahambugan mo ang magiging susi sa magandang pamamahala sa RMA, Cleon.” “You—” Natigil ang pagsasalita niya nang may kung ano siyang mamataan sa likod ko at mabilis pa sa alas kwatro na nagbitaw ng palaso niya papunta sa gawing 'yon. Nang tignan ko kung ano ‘yon, may mga kakaibang nilalang na lumalabas mula sa bitak ng lupa. They have tails like those of scorpions but body like those of a bettle. Sa unang tingin pa lang, alam kong matibay na ang mga katawan na mayroon sila but their tails, do’n ako hindi sigurado at iyon ang pupuntiryahin ko. “I saved you, you should thank me,” pahabol pa ni Cleon sa akin.  Kesa makipagbangayan kay Cleon ay tumulong na rin ako sa pag-atake sa mga kung anong nilalang na ‘yon. Kahit papaano ay ipinagpapasalamat ko na hindi limitado ang palasong magagamit ko at ni Cleon or else, we won’t survive this. Good thing, RMA gifted us quivers na hindi nauubusan ng palaso.  Nagpatuloy lang kami sa pakikipaglaban sa kanila ngunit sa isang iglap, mas lumakas pa ang ihip ng hangin. Suddenly, there was an ice storm. Dahil na rin sa biglaang pagbabago ng lugar ay nahirapan na akong tumigin sa kung saan ko pa dapat pakawalan ang palaso ko. The least thing I want for now is to hurt Cleon unintentionally. Paniguradong may masasabi na naman siya kung magkakamali ako ng asinta.  Biglang nanginig ang lupa sa yapak ng kung sino. Nabalot din ng katahimikan ang lugar at tanging dagundong lang ng paglapat ng paa nito ang maririnig.  “Papalapit na siya,” ani Cleon. Magkasabay naming itinutok sa gawi kung saan namin nakita kanina ang pigurang gawa sa yelo. Palakas nang palakas ang bawat yapak niya, gayon din ang pagyanig ng lupang kinatatayuan namin. May mga pagkakataon na mayroon pa ring mga kung anong hayop ang lumalabas mula sa mga bitak ngunit tila kumalma sila dahil sa papalapit na pigurang iyon. “Iwas!” Naitulak ako ni Cleon, dahilan para mawalan ako ng balanse at sa isang iglap lang ay napaatras ako nang may mga piraso ng yelo ang bumagsak sa may paanan ko. Sinira ‘yon ng palaso ni Cleon. Agad naman siyang lumapit sa gawi ko at saka ako tinulungang tumayo. “Ayoko ng pabigat kaya huwag kang papatay-patay sa pagkilos,” aniya. Hindi ko na lang ininda ang namumuong inis sa loob ko. May mga pagkakataon na hindi ganito kabastos ang ugali ni Cleon ngunit talaga nga namang ang pagkauhaw niya rin sa pagiging defender ang magpapalabas sa tunay na kulay niya. Gaya niya, nagpaulan din ako ng palaso para tumulong sa pagbasag ng mga yelong ipinapaulan no’ng pigura sa amin sa hindi kalayuan. Mas lumakas naman ang ihip ng hangin, maging ang pagragasa ng mga nyebe kaya muli ay nahirapan na naman akong makakita kung saan ko na iaasinta ang tira ko. “Ah!” daing ni Cleon sa kawalan. “Cleon, nasaan ka?!” pagtawag ko rito ngunit wala akong sagot na nakuha. When I got a clear sight of the ice figure, agad akong kumuha ng tatlong palaso at saka iyon sabay-sabay na itinututok sa gawi niya. Nang mapansin niya ang presensya ko ay agad siyang nagbato ng mga malalaking tipak ng yelo sa gawi ko. When one of those ice blocks landed on the ground na malapit sa akin, I used that as my advantage. Agad akong bumwelo at bago pa man makapagpakawala ang pigurang iyon ng bagong piraso ng bloke ng yelo ay binitawan ko na ang mga palasong inihanda ko. With all my might, sinikap kong asintahin ang dibdib nito. I fell on the ground after that. I gritted my teeth nang maramdaman ko ang kakaibang sakit sa balikat ko matapos ‘yon. Ngunit nang unti-unting kumalma ang paligid ay mas pinili kong tumayo. Nakahanda pa rin ang palaso’t pana ko kung sakaling may dadagdag pang kung ano ngunit makalipas ang ilang sandali, wala ng sumugod pa sa gawi ko. When the ice storm already subsided, I immediately looked for Cleon. I am sure na daing niya ang narinig ko kanina. If he’s hurt, the least thing and the most humanitarian thing I can do is to help him. Ngunit nagitla ako nang may biglang humigit sa braso ko at tutukan ako ng patalim sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng metal at anumang oras, sa konting galaw, babaon sa leeg ko ang patalim na iyon. “Why are you doing this?” tanong ko kay Cleon. Hindi ko man siya nakikita, alam kong siya ang nasa likuran ko. “Ikaw ang dapat kong tanungin niyan!” nangangalaiti na aniya. Agad naman na nangunot ang noo ko. Sinubukan kong kumawala mula sa pagkakahawak niya ngunit dahil sa lakas na taglay ni Cleon ay bigo akong gawin ‘yon. “Napakarumi mo makipaglaban, Averyl!” Hindi ko maintindihan kung saan nagmumula ang galit sa tono ng kaniyang pananalita. Hindi ko rin alam kung ano ang tinutukoy niya dahil pareho kaming abala sa pakikipaglaban kanina. “Hindi ko alam kung anong pinagmumulan ng galit mo,” pabulong na tugon ko, ingat na ingat dahil sa patalim na maaaring tumarak sa leeg ko. Tumawa siya sa paraang malalaman kong sarkastiko iyon. “Pagkatapos mo ‘kong panain, may gana ka pang itanggi ang ginawa mo?! I saw you!” “Anong pinagsasabi mo, Cleon?! Hindi kita pinana for pete’s sake!” “Tama na!” singhal niya. Ang kaniyang konting pagkibot ang dahilan para makaramdam ako ng konting hapdi sa leeg ko. Marahil ay may parte na ng patalim ang sumugat doon. Gayunpaman, wala sa hapdi ng sugat na ‘yon ang isip ko, kundi nasa ipinipilit na punto ni Cleon. “Tatandaan mo ‘to,” aniya na puno ng pagbabanta at awtoridad, “oras na maging defender na ako, pahihirapan kita.” “Do what you want, Cleon, malinis ang konsensya ko sa anumang bintang mo,” madiing tugon ko. Patulak niya akong binitawan matapos no’n at sa paglingon ko sa gawi niya, nakita kong papalabas na ito ng portal, dala-dala ang bandila na nagtatakda ng pagkapanalo niya at ng pagkatalo ko. Agad kong sinipat ang paligid namin at wala namang bago sa kung paano namin ito unang dinatnan. Maging ang mga yelo na kanina’y umuulan sa gawi namin ay walang iniwang bakas sa lugar na ‘yon. Wala rin naman akong kakaibang nararamdaman sa lugar o kung may presensya man ng ibang tao. Kaya kung ano man ang bintang na sinasabi sa akin ni Cleon kanina, ang tanging alam ko lang ay hindi ako ang may kagagawan. Salve regina mortem… Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang banayad na bulong na ‘yon. Kaparehong-kapareho sa boses na narinig ko no’ng oras na napanaginipan ko si Xheen. “Sino ka?!” sigaw ko sa kawalan ngunit bigo na akong makakuha ng sagot. Nang ibalik ko sa harap ang aking tingin, napasinghap ako sa pigura na bilang sumulpot sa harapan ko. The person in front of me is wearing a hooded cloak. Nanatili lang din itong nakayuko sa harapan ko. I tried to move my body, but it was of no use. I can’t move, animo’y nakapako na ako sa aking kinatatayuan. Salve regina mortem… Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko, lalo pa nang unti-unti niyang itaas ang kaniyang mukha upang salubungin ang mga titig ko. Ngunit bago ko pa man mapamilyaran ang wangis niya, bigla na lang nagdilim ang paligid ko. Salve regina mortem…Hellion ortum est…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD