CHAPTER EIGHTEEN

2178 Words
LUCAS I hissed nang isang potion na naman ang bigo akong gawin. Nakakainis! Hindi ko malaman kung anong kulang! Sinubukan ko pang muli nang isa…dalawa…tatlo…hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong sumusubok pero walang nangyari. Kahit anong subok ko, hindi ko magawang aralin ang potion na nabasa ko mula sa librong ‘yon. Natigilan ako sa ginagawa nang biglang may pumasok sa kwartong kinaroroonan ko. Tinaasan niya agad ako ng kilay nang magtagpo ang mga mata namin. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya. “Baka mamaya’y may nakakita o nakasunod sa’yo.” She hissed at saka ako inirapan. “Tingin mo gano’n ako kapabayang tao? Huwag mo ‘kong igaya sa ‘yo.” Tinalikuran ko na siya at nagpokus na lang sa pag-aayos ng mga ginamit ko. Paniguradong magagalitan ako ni pinuno kapag nakita niyang nagkalat na naman ako sa silid na ‘to. “What are you doing here anyway?” tanong sa akin ng kasama ko sa silid. “Nothing,” I answered. Binilisan ko ang pagliligpit nang maramdaman ko ang paglapit niya sa gawi ko. Akmang itatago ko na ang mga ginamit ko nang maramdaman ko na lang na hindi ko maigalaw ang katawan ko. She’s manipulating me. “Let go of me,” asik ko rito habang nakapako pa rin sa kinatatayuan ko. Sa kung anong hawak ko agad napunta ang tingin niya. Agad na nanliit ang mga mata nito bago niya tuluyang kinuha mula sa kamay ko ang mga bagay na ‘yon and it sucks dahil wala akong magawa. “Kung ano man ang ginagawa ko, labas ka na roon,” sabi ko sa kaniya ngunit tinalikuran niya lang ako at saka binutingting ang mga bagay na dapat ay itatago ko na. When she finally realized kung ano ‘yon, she glared at me. “Pinakialaman mo na naman ang bagay na hindi para sa ‘yo,” sabi niya sa akin. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi mo dapat ginagawa ‘yon?! Gusto mo ba talagang maparusahan niya?!” Hindi ako sumagot. Inalis niya naman ang mahika niyang humahawak sa akin kaya muli ay nakakilos na ako. Inagaw ko sa kaniya ang mga gamit na ‘yon at saka sila ibinalik sa orihinal nilang kinalalagyan. “Lucas, you know what he’s capable of,” she said, warning me. Hindi na niya kailangan pang ipaalala sa akin kung ano ang kakayahan niya dahil sa aming dalawa, ako ang mas nakakaalam no’n. Sa dami ng beses na pinarusahan niya ako sa mga maliliit na pagkakamali ko, alam na alam ko na talaga ang kakayahan niya. “Hindi na rin magtatagal at babalik na siya rito,” dagdag niya kaya awtomatikong bumalik ang mga mata ko sa kaniya. Tama ba ang narinig ko? “Sasama na siya sa atin?” tanong ko. “Wala naman siyang choice kundi gawin ‘yon,” aniya. “Poor her, akala niya talaga’y isa akong kaibigan.” Pinanuod ko lang ang bawat kilos niya. Kahit kailan ay hindi ako nagduda sa kakayahan na mayroon siya. Alam ko naman na sa aming dalawa, siya ang pinakamaaasahan sa pagdala sa kaniya pabalik dito sa Celaeno. Hindi ang RMA ang tahanan niya kundi ang bayang ito. Kailangan siya ng Hellion bilang proteksyon, lalo pa’t may malaking gulong paparating. The last time I saw her was when she’s still young. We’re all young that time. Kaya ang ideya na babalik na siya rito ay talagang masaya marinig. Matapos ang maraming taon, makakabalik na siya sa bayang kinagisnan niya. Matapos din ang mahabang taon ng paghihintay, masisingil na rin namin ang mga taong may utang sa amin. “Dito ka ba maghahapunan?” tanong ko sa kasama ko na ngayo’y abala sa pagmamanipula sa mga bagay sa silid na ‘yon na maaari niyang manipulahin. “Hindi,” aniya. “Dumaan lang ako sandali para sabihin ang magandang balita. Hindi ako maaaring magtagal dahil baka hanapin ako sa Academy.” “Hihintayin mo pa si pinuno tapos ay aalis ka na rin?” She nodded at saka ako nilingon. “Bakit ba ang dami mong tanong? Nakakainis, ha.” “Naninibago lang ako na mas madalas kang nagagawi rito sa Celaeno,” sagot ko. “Noon ay kailangan ka pang ipasundo sa akin ni pinuno bago ka uuwi. Minsan nga’y naiisip ko na nakalimutan mo na nag tungkulin mo rito at mas gusto mo na sa Academy na ‘yon.” She chuckled. “Hindi ko kailanman magagawang mahalin ang Academy na sumira sa buhay natin, lalong-lalo na sa buhay ko.” In a snapped, ang kaninang palutang-lutang na babasaging baso ay nabasag nang bumunggo sa pader matapos niyang idirekta iyon doon. Alam ko na malaki ang galit niya sa mga taong bahagi ng Academy na ‘yon. Dahil kasi sa pinaglalaban nila, nawalan kami ng mga taong espesyal sa amin. Pare-pareho kaming nawalan. Ginawa rin nila ang lahat para lang hindi namin sila makanti ngunit kung inaakala nila na nanalo na sila laban sa amin, nagkakamali sila. Hindi ang kagaya nila ang magpapabagsak sa legacy ng clan na ‘to. The ruins outside the gate of Celaeno proves how heartless they could be. Ang pagkaganid nila sa kapangyarihan ang siyang sumira sa Hellion. We lost a lot nang dahil sa kanila kaya nararapat lang na iangat naming muli ang kung anong ibinagsak nila sa amin at kunin namin ang bagay na dapat ay para sa amin.  Natigilan siya sa pagmamanipula ng kung ano-ano sa silid nang marinig namin ang hudyat ng pagdating ni pinuno. Agad niyang inayos ang sarili niya at gano’n din ang ginawa ko. Agad kong tinakpan ng ginto ang mantsa sa damit ko matapos kong aralin ang potion na ‘yon. Hindi ko akalain na talagang inaksaya ko ang ilang oras ng buhay ko para lang sa bagay na ‘yon. Bago pa siya tuluyang makalabas ng silid ay hinigit ko siya. Mabilis din akong napabitaw sa kamay niya nang tignan niya ako nang masama. “Kung pupunta ba ako ng Academy, maaari kaya?” tanong ko sa kaniya. Agad naman na nangunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. Alam ko na ang isasagot niya pero gusto ko pa ring subukan dahil baka sa pagkakataong ito ay pumayag na siya. “Kalimutan mo na ang pagpapantasya mo sa RMA,” sagot niya at saka ako tinalikuran. “Dito ka lang sa Celaeno. Sapat na na ako lang ang naroon sa lugar na ‘yon.” Mapait akong napangiti at saka siya tinanaw ng tingin. Nang makabawi ay agad na rin akong sumunod dahil ayoko namang hindi ako makikita ng pinuno sa kaniyang pagdating.  REVA Maaga akong nagising kinabukasan dahil gaya ng sabi ko, hindi na gaya ng dati ang buhay namin. We have a responsibility sa Academy na kailangang gampanan and today’s going to be a long day. Maliban sa mga trainings na kailangan naming bantayan, kailangan ko rin ng updates mula kina Miku at Cleon dahil sila ang nag-rounds kagabi. Nagkasalubong kami ni Circe sa may daan pababa. We exchanged our greetings with each other. Kahit papaano ay masaya pa rin ako na hindi pa rin ako binibigo ni Circe, hindi gay ani Cosmo. “Anong oras pala tayo lilipat?” tanong niya sa akin. Agad akong napasapo sa noo ko dahil nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. Kailangan na rin kasi naming lumipat ng dorm dahil ang kinaroroonan namin ngayon ay para sa mga nasa building two at dahil nasa building one na kami, dapat lang na lumipat na rin kami sa kung saan nakatira sina mentor Cassy. Nasa dorm din kasing ‘yon nakatira ang mga mentors namin. “You’re stressing yourself out,” ani Circe sa akin. “You got us. Kung may kailangan ka, magsabi ka.” “I appreciate that pero wala pa naman sa ngayon,” sagot ko. “Nakalimot lang din talaga dahil ang dami nating inasikaso kahapon.” “Basta nandito lang kami, lalo na ang kapatid mo,” aniya at saka tinapik pa ang balikat ko. I am glad na kay Circe ako napalapit at hindi kay Cosmo. Hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kung sakaling kay Cosmo ako mas napalapit tapos ay darating ang ganitong punto, kung saan ay bibiguin niya ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin matanggap na mas pinili niyang mahiwalay sa amin dahil lang sa takot niya. What happened in the past, stays in the past, but it’s a different case sa lagay ni Cosmo. Dahil sa nangyari noon, involving me, Cleon and one other woman from the mortal world, mas madalas niyang hayaan na kontrolin siya ng takot niya. As much as I don’t want to blame her, sometimes I can’t help it. Hindi naman namin siya matutulungan sa takot niya, she needs to help herself to break free from her nightmare. Ngayon, hindi ko alam ang magiging lagay niya sa kabila. Wala na rin akong oras para isipin pa siya and besides, kailangan niyang panindigan ano man ang desisyon na ginawa niya. Agad akong tumabi kay Denzell nang makarating kami sa cafeteria ni Circe. Kami na lang din pa lang dalawa ang wala roon ngunit si Cleon ay natutulog habang napipikit naman si Miku. “Bakit parang magdamag silang nagbantay?” tanong ni Circe sa kapatid ko at saka naupo sa upuang nasa harapan ko, sa tabi ni Cleon. “Hindi lang parang, magdamag talaga,” sagot ni Denzell. “What?!” I exclaimed. “Why did they do that?!” “May nakita silang kakaiba kagabi,” panimula ni Denzell. “Ayon sa kwento ni Cleon, the person they saw was wearing a hood kaya hindi nila nakilala. Hindi rin nila malaman kung lalaki iyon o babae. But one thing’s for sure, hindi nila nahuli ang kung sinong ‘yon dahil maliksi raw kumilos at saka…” Napatingin siya sa gawi ko. “At saka?” “May kakayahan daw na manipulahin sila,” aniya. “Of course, ayaw na muna nating mambintang. We won’t do that hangga’t wala tayong konkretong ebidensya sa kung sino talaga ang taong ‘yon.”  “Iisang tao lang naman ang may kakayahang magmanipula ng tao sa atin,” sagot ko. “Denzell, it won’t help us kung palagi kang ganyan.” “And it won’t help us either kung mambibintang tayo agad,” he said. “What if hindi naman talaga si Xheen ang nakita nila? How will you handle the embarrassment if after further investigation ay mapatunayan nating hindi si Xheen ‘yon?” Wala na akong nagawa kundi bumuntong-hininga. Kahit kailan naman ay hindi ko madadaig si Denzell pagdating sa pagrarason. Kahit ano atang sabihin ko sa kaniya, kayang-kaya niyang kontrahin ‘yon. Ipinanganak ata talaga kaming magkakambal para every time na may sasabihin ako ay may taong kokontra no’n. “May point si Denzell, Rev,” ani Circe. “Kung sakali nga naman kasi na hindi si Xheen ‘yon, malaking kahihiyan sa part natin ‘yon. Hindi rin makakatulong sa magiging feedback sa atin ng mga mentors natin.” “Fine, fine,” I said in defeat. “We won’t judge anyone until further investigation is conducted.” Napangiti naman si Denzell sa sinabi ko. “But if mapatunayan natin na si Xheen ‘yon, I swear, pati kayo madadamay sa inis ko,” pagbabanta ko at saka minata sina Denzell at Circe. Pareho lang naman nila akong tinawanan dahil do’n. Napalingon naman ako nang biglang bumangon si Miku mula sa pagkakaub-ob at saka ako seryosong tinignan. “Tingin mo ba talaga ay kaya ni Xheen na gumawa ng masama sa Academy?” tanong nito sa akin. I shrugged. “I don’t know. Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo tutal ikaw naman ang naging kaibigan niya?” “Hindi ka man lang ba nagtaka na hindi ako nagsabi ng assumptions ko kay Denzell?” he asked in return. “That’s because I know Xheen can’t do it. Maaaring kaya rin magmanipula no’ng taong nakita natin but I am certain, hindi si Xheen ‘yon.” “Kaya nga rin nakinig na ako, ‘di ba? Ano pang pinaglalaban mo?” tanong ko sa kaniya. “Hindi na nga pinagbibintangan kaibigan mo, eh.” “Reva.” Umismid ako nang marinig ko na naman ang boses ni Denzell na as usual ay inaawat ako. “I’m sorry, I can’t help it,” sabi ko kay Denzell. Pilit kong kinalma ang sarili ko, gano’n din si Miku. May panaka-nakang pagkakataon na nagkakatagpo ang mata naming pero mabilis din kaming umiiwas ng tingin sa isa’t isa. “If we want this team to work, hindi dapat tayo ang nagtatalo-talo,” ani Cleon na kagigising lang. “Ang ganda na ng panaginip ko, naudlot pa dahil sa ingay ninyo.” “Let me guess, girls?” Circe asked Cleon. “Napakasama naman ng tingin mo sa akin,” reklamo no’ng isa. I rolled my eyes. Kakasabi niya lang na hindi dapat kami nagtatalo-talo but here he is, ready to argue with Circe. “Mapapana ko na sana si Averyl kaso dumaldal kayo, eh.” We heard Miku hissed after Cleon said those words. “Sorry, pare,” ani Cleon. “May kasalanan lang talaga kaibigan mo sa akin.” “Sa’yo na rin mismo nanggaling, kaibigan ko. I get it, you hate my friends,” Miku stated, “but please, konting respeto lang. Kaibigan ko pa rin ang pinagsasalitaan ninyo.” Akmang sasagot pa ako nang may kung sinong estudyante ang nagkukumahog na lumapit sa mesa namin. “May nagkakagulo po sa labas,” aniya. “Hindi na namin sila maawat kaya pumunta na ako sa inyo.” “Wow, what a beautiful morning,” Circe said sarcastically. Agad naman na sumama ang mukha ko dahil sa natanggap na balita. I heaved for more air para pakalmahin ang sarili ko because right now, I really needed to calm myself at baka may mga estudyante akong mapadala sa kung saang dimensyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD