CHAPTER SEVENTEEN

1594 Words
REVA Kinabukasan, maaga kaming nagising para magtipon-tipon dahil ngayon ang alis ng mga mentors namin at ni miss Aphrodite papuntang Skyline. Parte rin kasi ng selebrasyon kagabi ang usapan na tatanawin namin ang kanilang pag-alis. Siguro’y may mga huli pa silang paalala sa amin. “Today, Miku’s gonna be with us,” ani Circe sa akin. “Paano natin siya itatrato?” “Itatrato natin siya bilang isang defender na gaya natin,” sagot agad ni Denzell. Napailing-iling na lang ako sa pagsagot niya kahit na ako naman ang tinatanong ni Circe. “Kailan pa na naging ako ikaw?” I asked Denzell. “Hindi ko naman alam na Reva na ang pangalan mo. He chuckled a little. “Circe didn’t mention any names and besides baka kasi hindi na naman maganda ang maging sagot mo, lider.” I hissed dahil sa itinawag niya sa akin. Since I was the first to finish our challenge, ako ang naisipan nilang mamuno sa grupo namin. Ngunit alam ko naman na hindi hahayaan ni Denzell na magdesisyon ako nang ako lang. He will always meddle with my decisions, lalo na kapag alam na naman niyang nagiging impulsive na naman ako. Hindi gaya noon, mas okay na sa akin ang gano’ng gagawin niya. Besides, ang gusto ko lang naman ay maging defender, hind imaging leader. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang higitan o pantayan man lang ang tandem nina mentor Cassy at mentor Ace. Nang dumating kami sa open ground ay marami na ring mga estudyante ang naroon. Awtomatikong nahawi ang mga estudyante nang dumating kami. Rinig ko rin ang bulong-bulungan ng iba, lalong-lalo na sa mga bagay na tungkol kay Denzell. Hindi pa rin nakakalimutan ng mga estudyante sa school ang ginawa nitong pagtatanggol kay Averyl na kung tutuusin ay totoo namang may nagawang pagkakamali ang isa. Hindi ko ba alam kay Denzell kung bakit masyado siyang mabait. Minsan naiisip ko kung sino ang ampon sa aming dalawa dahil sobrang magkalayo ang ugali namin. “Hindi naging maganda para sa reputasyon mo ang pagtatanggol mo kay Averyl noon,” bulong ko sa kaniya. Ginulo niya lang nang bahagya ang buhok ko at saka ngumiti. Hindi na rin ako nagsalita pa nang magawa na naming makalapit sa gawi ng mga paalis naming mentors. Nakakabilib na kaya ni Denzell na dedmahin ang mga naririnig niya tungkol sa kaniya. Kung ako ‘yon ay baka wala na ang mga estudyanteng iyon sa harapan ko. “Reva, ipinapaubaya na namin sa inyo ang Academy,” ani mentor Cassy. “Do your best to protect our one and only home.” “We will, mentor,” sagot ko. “Hihintayin namin ang inyong pagbabalik.” “Kung panghihinaan kayo ng loob, isipin n’yo na walang ibang lugar sa mundo ang tatanggap sa inyo kundi ang RMA lang,” sabi naman ni mentor Ace. “In that way, makadaragdag iyon sa lakas ng loob na mayroon kayo.” “Or can make us feel unsafe and worried dahil paano na lang kung mawala ang RMA?” Napalingon ako sa nagsalita at nakita kong si Cosmo ‘yon. Kasama niya na ang grupo nina Averyl kaya kahit papaano ay naninibago ako. Miku, on the other hand, left their squad at saka tumabi kay Denzell. “Hindi mawawala ang RMA, Cosmo,” I answered. “We won’t let that happen.” She shrugged her shoulders. What I hate about Cosmo is that she’s unpredictable. May mga oras na aakalain mong hindi siya marunong magsalita at may mga pagkakataon naman na gaya nito, kung saan kung ano ang naiisip niya ay isinasatinig niya agad. “Reva, ikaw na ang bahala rito,” ani miss Aphrodite sa akin. Agad naman akong yumukod bilang pagtugon sa sinabi niya. Makalipas pa ang ilang sandali ay may bumukas na portal sa harapan namin. Awtomatiko kaming napaatras dahil na rin sa liwanag no’n at bilang pagsalubong sa fire goddess na siyang manigsundo ng mga taong dinadala nila sa Skyline. Ngunit ilang minuto na kaming naghihintay ay walang fire goddess na lumabas mula roon. Napansin ko ang kakaibang pagtitinginan nina mentor Ace at mentor Cassy. Hindi ko man sila kayang basahin, alam kong naguguluhan din sila sa nangyari. “Let’s go,” ani miss Aphrodite at saka lumingon sa gawi namin. Agad naman kaming yumukod sa kanila, tanda ng kagustuhan naming maging matiwasay ang paglalakbay nila papunta sa sagradong templo. Matapos ‘yon ay isa-isa na silang pumasok sa portal na ‘yon hanggang sa tuluyan nang magsara ang portal. “We’re dead,” ani ng isang estudyante. “Wala akong tiwala sa mga bagong defenders.” “Me, too,” gatong pa no’ng isa. Akmang lalapit na ako sa gawi nila nang pigilan ako ni Denzell at saka inilingan. “You don’t have to prove yourself to them through talking. Let you action be your noise, Reva,” bulong niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at saka siya pasimpleng tinanguan. Napatingin ako sa gawi nina Averyl at nakatingin din sila sa amin. Agad ko naman silang tinaasan ng kilay. Rumehistro sa akin ang pagngisi ni Cosmo, maging ang dahan-dahang paglapit nito sa gawi naming. I crossed my arms at saka siya hinarap. “What do you want?” I asked. “Hindi ka na parte ng team na ‘to.” She smiled. “I know,” aniya. “Hindi naman ako lumapit para maging parte ulit ng team.” “Then, anong pakay mo?” Cleon asked her. “I am so disappointed, Cosmo. Mas pinili mong ibigay ang dapat ay para sa—” “I want a better life at hindi ‘yon maibibigay sa akin ng pagiging defender ko,” aniya. “You knew what happened before, Cleon. Sa buong team natin, ikaw ang pinakanakakaalam.” Natigilan si Cleon sa sinabi niya at saka lumingon sa kung saan. My brows furrowed nang tumingin ako sa gawi ni Cosmo. “Ano ba talagang kailangan mo?” I asked. “Wala akong oras para makipagkwentuhan sa’yo.” “If you need some help, don’t hesitate na lumapit sa loser team,” aniya, binigyang diin pa ang pagkakasabi niya ng ‘loser’. “There’s no need for that, kaya na namin ‘to,” ani Cleon nang hindi pa rin nakatingin sa gawi namin. “Besides, I don’t want to ask for help sa isang traydor.” Awtomatiko akong napatingin kay Averyl dahil alam kong siya ang tinutukoy ni Cleon. Nabanggit nito sa amin na pinana siya ni Averyl during their match. I can’t help but to pity her more.  Hindi ko alam na bababa siya sa gano’n para lang magkaroon siya ng papel dito sa Academy. “What a pity,” rinig kong bulong ni Circe. “Thanks, Cosmo,” singit naman ni Denzell. “We’ll keep that in mind.” Simpleng pagtango lang ang isinukli ni Cosmo bago siya bumalik sa hanay nina Averyl. Hindi rin nakatakas sa akin ang pagsama ng tingin ni Xheen kay Cosmo, maybe because she called them ‘loser’, just like how I pertain to them every time. “Cafeteria?” tanong ni Circe sa amin. I nodded as an answer. “Welcome, Miku,” ani Denzell out of nowhere. Muntikan kong makalimutan na kasama na nga pala namin si Miku. He graduated being one of the loser team so he’s a 50/50 now. Alam ko naman kasing pinagbigyan lang siya ni Cosmo kaya nanalo siya. Binati rin siya nina Cleon at Circe ngunit wala naman akong sinabi. Habang nasa daan kami papuntang cafeteria ay napag-usapan na namin ang mga gagawin namin para sa building 1 at para na rin sa Academy. Ngayong wala na ang mga taong orihinal na pumuprotekta sa amin, we need to device a plan para sa pagbabantay sa Academy. Hindi na kami gaya noon na maaari kaming magpahinga nang mapayapa sa gabi. We need to think ahead, as if we have an enemy ready to attack on us anytime.  When we settled, we talked about a lot of things. Kung sino ang magmamatiyag sa ganitong oras and what will be our rotation as the new defenders of the Academy. Napag-usapan din namin na maglalagay kami ng extrang proteksyon pa sa paligid ng RMA, just to be sure na walang kung sino ang makakapasok without our permission. Miku and Cleon, on the other hand, will be our front liners. They’ll be responsible in dealing with anyone who threatens the Academy by force. Dahil pareho silang mahusay sa pakikipaglaban, mas maigi na rin na sila ang ilagay namin sa gano’ng pwesto. Circe will be our aerial look out. Hindi pa man niya kayang lumipad gaya sa kung paano siya nakakalipad noon, she said she could handle it, kahit pa sandali lang, just to be sure na walang nagmamatiyag sa Academy sa distansyang hindi na abot ng mga mata namin. While me and Denzell will deal with other things na hindi na sakop ng responsibilidad nila. Hindi na rin kami nagtagal sa lugar na ‘yon. We still have to go check out building 1. Sa tanang buhay naming dito sa Academy, bago ko lang makikita ang loob ng building na nakalaan para sa mga defenders ng Academy. Halos hindi ko rin mapigilan ang saya ko dahil matapos ang sampung taon, heto’t unti-unti ko nang nakukuha ang mga dati’y pangarap ko lang and this is just the beginning. Marami pa akong tutuparin for me and my new team.  “Wow,” I muttered the moment I entered their room. Ibang-iba sa room na nakasanayan namin sa building two. Even the ambiance is different. I picked a seat, ‘yong malapit sa pisara. Sumunod naman agad si Denzell at naupo sa tabi ko. We won’t have classes until they’re back, but the trainings must continue at kami ang magbabantay sa bagay na ‘yon. We will make sure na pagbalik ng mga mentors namin, may makikita silang pagbabago sa mga estudyante. We’ll prove ourselves not just to those students na hindi naniniwala sa amin but also to our mentors, lalong-lalo na kay miss Aphrodite.  “Welcome to us,” ani Circe. “New defenders of Royalties Magical Academy.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD