CHAPTER THIRTEEN

1712 Words
MIKU Napadpad kami sa isang mausok at mainit na lugar. We were surrounded by a lot of geysers, continuously emitting steam and hot water. Sa hindi kalayuan naman ay may bundok na mayroong puting bandila sa taas. Sa isang tingin pa lang, alam ko na na ang bandilang iyon ang kailangan kong makuha para maging isa sa mga defenders ng Academy. I looked at Cosmo’s direction. Halata naman na hindi ito mapakali sa kinatatayuan niya. Bakas ang kaba sa kaniyang mga mata kahit pa hindi ko na aralin ang kaniyang ekspresyon. Nilingon niya ako, marahil ay naramdaman niya rin ang mga tingin ko. “B-Bakit ka nakatingin?” she asked, stammering. Napailing ako bilang sagot. Noon pa man, normal na kay Cosmo ang ganitong reaksyon. Madalas ko siyang nakikita na natatakot sa abilidad niya kaya madalas din ay siya ang kinokontrol no’n kesa siya ang kumukontrol dito. Hindi ko naman siya masisisi. Isa siya sa may pinakamalalakas at pinakaflexible na abilidad. Kung magkakamali nga naman siya ng gamit, paniguradong posibleng may mapahamak sa katunggali niya or much worst, may madamay pang ibang tao. Takot niya rin at pangamba ang rason kung bakit natalo ko siya no’ng practice battle. Ramdam na ramdam ko no’n ang paghohold back niya sa kaniyang sarili kaya minarapat ko na lang din na hindi na isagad pa ang abilidad ko pero natalo pa rin siya—or should I say, nagpatalo pa rin siya. She startled because of the loud sound coming from a trumpet that’s nowhere to be seen. She started to fiddle with her fingers matapos ‘yon. “You’ll be fine,” hindi ko napigilang mabanggit. “Huwag mo na lang iisipin ang mga nasa harapan natin, isipin mo lang na nagpapractice ka sa RMA,” dagdag ko. “B-Baka makasakit a-ako,” aniya, halos pabulong na lang sa hangin. “Wala kang masasaktan dito—” “Ikaw,” mabilis na sagot niya at saka yumuko. “Baka masaktan kita.” Hindi ako nakasagot. Bumalot sa amin ang matinding katahimikan. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong isagot sa sinabi niya o kung may dapat ba akong sabihin para sagutin ‘yon. “Ayaw kong may dumagdag na naman sa listahan ng mga nasaktan ko,” she said. “I can handle myself, Cosmo,” sabi ko. “Hindi mo ‘ko kailangang alalahanin.” “Kung sakali mang masasaktan kita,” nag-aalangan na litanya niya at saka tumingin sa akin, “sana hindi ka magalit sa akin o sana huwag mo ‘kong gagantihan.” I smiled. “I won’t.” Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang mga naiisip niya. Our team were rivals ever since. Si Earth lang naman ang alam ko na may koneksyon noon kay Circe pero huli ko na rin nalaman ang bagay na ‘yon. Magkaaway na sila bago pa nasabi sa akin ni Earth. Hindi ko rin naman ugaling magtanim ng sama ng loob sa mga nakakaharap ko. Parte naman ng buhay naming lahat ‘to. Hinahasa kami sa mga ganitong laban dahil alam nil ana hindi simple ang buhay ng mga gaya namin at isa pa, may Academy na nangangailangan ng proteksyon namin. Dahil kahit sabihin pa na tahimik na ang RMA sa loob ng maraming taon, walang nakakaalam sa amin kung anong maaaring mangyari sa Academy kapag wala na sina miss Aphrodite at ang mga mentors namin. “Simulan na natin,” ani Cosmo habang nananatiling mahina ang boses niya. Tanging tango na lang ang naisagot ko. Ngayon ko lang napagtanto na may kasamang mga tipak ng bato ang ibinubuga ng mga geyser sa paligid namin. Cosmo moved slowly para makaraan sa mga ‘yon. May mga pagkakataong nagugulat siya kapag bumubuga ng tubig ang mga ‘yon but she’s doing fine. Inalis ko na sa kaniya ang tingin ko at saka sinimulan ang sarili kong taktika para malampasan ang mga ‘yon nang hindi ako napapaso ng steam o nalalapnos ng tubig na inilalabas nito. “Ah!” Awtomatikong napunta kay Cosmo ang tingin ko nang marinig ko ang daing niya. Nakita kong nakahawak siya sa braso niya, siguro’y nabugahan ng mainit ng tubig ng geyser na nasa likuran nito. Akmang lalapitan ko pa siya nang bigla namang maghurumintado ang lupa. Pinanatili ko ang balanse ko dahil kung hindi, paniguradong mataas ang tsansa na matumba ako sa isa sa mga geysers na naroon. I started taking leaps sa mga geyser na katatapos lang magbuga ng mainit na tubig. Kahit papaano ay advantage ko pa rin ang kakayahan ko. Effortlessly, nagagawa kong tumalon nang mataas dahil sa abilidad na mayroon ako. Ngunit nangyari ang hindi ko inaasahan. Naglabas muli ng mainit na tubig ang geyser na dapat ay daranaan ko kaya nalapnos nito ang braso ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang humiga sa naghuhurumintado pa ring lupa at dumaing sa sakit na dulot no’n. Nang tignan ko ang braso ko, kitang-kita ko ang pamumula no’n. Mula balikat hanggang palapulsuhan ko ang natamaan ng mainit na tubig na ‘yon. “Let me help you,” ani Cosmo at saka iniabot sa akin ang kamay niya. Agad ko namang inabot ‘yon gamit ang kamay kong hindi naapektuhan ngunit napadaing pa rin nang mabilisan ngunit madiing tumama sa lupa ang braso kong napaso. “M-Masyadong malaki a-ang nalapnos s-sa ’yo,” ani Cosmo habang nakatingin sa braso ko. “I-I’m s-sorry, hindi s-sakop ng abilidad k-ko na tulungan ka.” “Okay lang ako,” sabi ko. Mabilis na napunta sa likuran niya ang tingin ko nang mapansin ko kung paanong pasugod sa gawi ni Cosmo ang bawat tubig na galing sa iba’t ibang geyser. Animo’y bumubuo ito ng iisang pigura at handa kaming lamunin anumang oras. Hinigit ko si Cosmo papalapit sa akin at saka siya inilagay sa likuran ko. Nang malapit na sa gawi namin ang bagay na ‘yon, ipinalakpak ko ang kamay ko. Mas nayanig ang kinaroroonan naming dahil sa ginawa ko ngunit sa kabilang banda’y nalusaw naman ang kung anong bagay na ‘yon. Agad kong nilingon si Cosmo sa likuran ko at nakatakip siya sa tenga niya. Hindi ko siya nasabihan… “Sorry,” sabi ko. The sonic boom I created was too much for her ears. “A-Ayos lang,” aniya. “M-May ringing sound akong naririnig,” dagdag niya at saka pilit na tinutusok ang tenga niya. Natawa ako nang bahagya dahil sa aksyon niyang ‘yon. Her innocence is really out of this world. Naputol ang pagtawa ko nang yumanig ang lupa, mas malakas kumpara sa paghuhurumintado nito kanina. “Miku…” Cosmo called my name and pointed at somewhere. Sinundan ko ng tingin kung saan siya nakaturo at doon ko nakita ang paghuhurumintado ng bundok na kanina’y tahimik lang sa pwesto nito. May mga malalaking bato na bumabagsak mula roon papunta sa aming direksyon. “Cover your ears,” sabi ko kay Cosmo. I prepared myself for another sonic boom, but Cosmo held my arms. Nang tumingin ako sa likuran ay sunod-sunod ang pagdami ng mga tubig na pigura na pasugod sa gawi namin. “Cosmo, kaya mong harapin ‘yan,” sabi ko sa kaniya. “Pero—” “Wala kang masasaktan, I promise.” Nag-aalangan man, tumango na rin lang siya sa preposisyon ko. Nang muli ko siyang talikuran ay naramdaman ko na ang pagkilos niya. Lihim akong napangiti dahil doon. Agad ko namang binasag ang malalaking bato na galing sa bundok nang sa gayon ay hindi na nila marating pa ang kinaroroonan namin. Natigilan lang ako nang maramdaman ko na nabasa ang likuran ko kaya muli na naman akong napalingon. Bumungad sa akin ang basang-basang si Cosmo. “Sorry,” aniya at saka muling bumalik sa pormang tubig niya. Cute. Nang matapos ko na ang aking ginagawa, agad kong hinigit ang kamay ni Cosmo. Wala na akong pakialam kung matalo ako rito, mas gugustuhin ko na lang na may ginawa ako para maging ligtas kaming dalawa. “T-teka, natitisod na ako,” rinig kong hinaing ni Cosmo. “Anong gusto mo, matisod ka o lamunin ka ng mga kung anong gawa sa tubig na ‘yan?” Hindi siya nakasagot. Nang may bato na namang nagmumula sa bundok ang bumagsak, agad ko na namang pinagsaklop ang mga palad ko para basagin ‘yon. “Sige na, matisod na lang,” ani Cosmo at saka sumabay sa pagtakbo ko. “Kontrolin mo ang bigat mo,” sabi ko habang tinatanaw ang bundok na patutunguhan namin. Agad namang tumalima si Cosmo sa sinabi ko sa kaniya. Sa isang iglap lang, para na lang akong humahawak sa hangin. Dahil na rin sa abilidad ko, nagawa kong tumakbo nang mabilis habang kapit-kapit si Cosmo. Nilingon ko siya. Sa gaan niya’y para siyang sumasabay lang sa hangin habang hawak ko. Everything will be alright, kapit lang. I smiled at her ngunit tanging panlalaki ng mata ang iginanti niya sa akin. Nang bumalik sa harapan ang tingin ko, it was too late for me to create a sonic boom na babasag sa batong kababagsak lang. In a swift, Cosmo turned her body as water particles habang yakap-yakap ako, and with all her might ay hinayaan niyang sa katawan niya tumama ang batong iyon. Gawa na rin ng porma niya ay walang naging epekto sa kaniya ang batong ‘yon but not for me. Mukhang nakalimot si Cosmo na hindi sakop ng abilidad ko na kayanin na mababad sa tubig. I tried my best to hold my breathe but she’s holding me longer enough for me to choked on her water form. Nang mapansin niya iyon ay agad siyang lumubay sa akin. I coughed and she distanced herself from me. Kitang-kita ko kung paanong bumalik ang takot sa mga mata niya. “Cosmo…it’s fine,” I said in between my coughs. Natatakot siyang tumingin sa akin at sa bandilang abot-kamay na niya. She closed her eyes and a drop of tear fell from it. Nang magmulat siya ay paunti-unti niyang inilayo ang sarili niya sa bandila. Her body’s shaking. Hindi ko naman napigilang makaramdam ng away dahil sa reaksyon niya. Alam na alam ko kung bakit naging ganito kalaki ang takot ni Cosmo. It’s because what happened in the past still haunts her and I can’t blame her. “You win,” aniya at saka tumakbo papalayo. Gaano ko man kalakas na tawagin ang pangalan niya, hindi na siya lumingon pa sa akin. Ilang segundo lang ang nakalipas ay hindi ko na siya matanaw pa, marahil ay nakalabas na siya sa portal na ginawa ni mentor Ace. Bumuntong-hininga ako at saka dinampot ang bandilang dapat ay si Cosmo ang may hawak. Awtomatiko namang nagbago ang paligid ko. Pagbati mula sa mga mentors na naroon ang narinig ko ngunit bigo na akong makita pa si Cosmo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD