CHAPTER TWELVE

1532 Words
CIRCE Sa isang malawak na taniman kami napadpad ni Earth. Hindi na rin pamilyar sa akin ang lugar at normal ‘yon dahil na rin sa ginawa ni mentor Ace. I side-eyed Earth nang maramdaman ko ang mga tingin nito sa akin. If he thinks he can intimidate me by the way he looks, nagkakamali siya. When we did the practice battle, he almost beat me. Almost. Hindi ko rin kasi inasahan ang patuloy na pag-iimprove ng ability niya dahil hindi ko naman siya nakikita na nagpapractice or maybe he did, but I wasn’t there. Maybe. Noon pa man, magkatunggali na kaming dalawa. Given my ability to fly, si Earth lang talaga ang maitatapat sa akin. He used to beat me, all the time, noong mga bata pa kami. I got tired of hearing kung paanong talunan ako pagdating sa kaniya that’s why I did my best to improve and my effort paid off. Dumating sa punto na wala na siyang binatbat sa akin and that made me happy, beating the sole reason of my insecurity made me happy. Sa puntong ito, mas kailangan kong galingan dahil dito nakasalalay ang pagiging defender ko. I can’t let him win, not this time. A tall, huge vines started appearing in front of us. Kahit gulong-gulo at kabado dahil sa tingin ko ay advantage ni Earth ang mga ‘to, hindi ko ‘yon ipinahalata sa kaniya, lalo pa’t hindi pa rin inaalis ni Earth sa akin ang mga tingin niya. “What?!” I asked, irritated. “You’re really determined to win,” aniya. Umismid ako. “Malamang!” “Still the same Circe,” dagdag niya. I closed my fist when he said those words. Earth was a friend. Kahit pa magkahiwalay kami ng team na kinabibilangan, hindi pa rin nabago ang pagiging magkaibigan namin. Not all of our classmates knew, ako rin naman ang may ayaw na ipaalam dahil alam kong ikagagalit ni Reva ang bagay na ‘yon. I don’t want to be an outcast. Ayoko na maging talunan ulit. Aminado naman ako na ako ang dahilan kung bakit nagbago ang kung anong mayroon kami ni Earth noon. I hate losing, he knew that, pero wala siyang ibang ginawa kundi pagmukhain akong talunan sa kaniya, that I can’t, and I will never beat him. From there, I distance myself from him. Reva and the rest of the gang helped me kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila. I may have lost a good friend, but I gained Reva, Denzell, Cosmo and Cleon, the real team where I belong to. Kinaawaan ko rin si Earth dahil masyadong talunan ang mga kasamahan niya. Hindi na rin ako magtataka kung nilalampaso lang ng mga kaibigan ko ngayon ang mga itinuturing ni Earth na mga kaibigan niya. A trumpet’s sound filled the open area. Hudyat marahil na maaari na kaming magsimula ni Earth sa paligsahan. I looked up and saw a flag on top of the vines. Nilingon ko rin si Earth at nakatingin din siya roon sa taas. “Pwede kong gamitin ang ability ko para mas mabilis na makuha ang bandilang ‘yon,” he said, still not looking at me. I hissed dahil sa sinabi niya. “But I won’t do that,” he added as he redirected his gaze and met mine. Mabilis pa sa alas kwatro na nag-iwas ako ng tingin. “I want this fight to be fair and square,” aniya. “May the rightful person win.” He started using his ability to manipulate the land, making him go higher and higher. Agad ko rin namang pinakawalan ang pakpak ko at saka siya pinaulanan ng mga blades na nagmumula roon. Sa bawat pag-angat na ginagawa niya, mas dinadamihan ko pa ang inilalabas na blades para hindi siya tuluyang magtagumpay. Itinutok niya sa direksyon ko ang isa sa mga sanga ng baging na naroon, agad ko naman ‘yong naiwasan. I spin around, throwing blades everywhere at dahil doon ay muli siyang bumagsak sa lupa. The vines he used scattered around the area. I smirked when I saw how pitiful he is. I turned around and prepare to fly but before I could do that, another set of vines enveloped my body. Sinubukan kong gumalaw ngunit sa bawat galaw ko ay mas humihigpit ang kapit sa akin ng mga ‘yon. I glared on Earth. “If you think you can beat me with this, nagkakamali ka,” I said. With all my might, I forced my wings to open. Pilit namang nilalabanan ni Earth ang ginagawa ko ngunit gaya ng inaasahan, his ability’s nothing compared to mine. Nakawala ako sa pagkakagapos at buong liksi kong nilapitan si Earth sa kinaroroonan niya. Ipapakita ko sa kaniya kung paano ang tamang atake. I held him tight at saka mabilis na pumailanlan sa ere. Nang makarating kami sa kalagitnaan ay buong lakas ko siyang inikot habang patuloy na lumilipad pataas. He can manipulate the land, but he has no authority pagdating sa hangin. I saw him closed his eyes. Siguro’t liyong-liyo na sa ginagawa ko kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagpapaikot sa katawan naming dalawa. Tumagal pa iyon nang ilang minuto bago ko siya ibinaba sa tuktok ng baging kung nasaan ang bandilang kailangan naming kunin. Hinang-hina siya dahil sa ginawa ko at wala ng sasaya pa sa natatanaw ko ngayon. Akalain mo nga namang ang taong dati lang ay pinagmumukha akong talunan, ngayo’y kaawa-awa sa harapan ko. “Pagod ka na ba?” I asked him sa paraang alam kong mahihimigan niya na nang-aasar ako. “You can always give up, Earth. Pagbibigyan kita na gawin ‘yon.” Hindi siya sumagot bagkus ay tumawa pa siya nang bahagya. Hindi ko alam kung anong nakakatuwa sa sinabi ko ngunit sana’y alam niya na hindi ako nagbibiro. “Hindi mo pa hawak ang flag, Circe,” he said. “May pagkakataon pa para manalo ako.” In a snapped, may mga baging na naman na nakapulupot sa paa, binti, braso, at maging sa mga pakpak ko. “Nakalimot ka ata sa lugar na kinatatayuan mo,” aniya. Sinubukan kong tanggalin ang mga baging na nakakapit sa akin ngunit mas matibay na ito kumpara sa nakahawak sa akin kanina. “You’ll break your wings kung magmamatigas ka pa rin,” dagdag niya. Seryoso ko siyang tinignan at kalaunan ay nginisian. “I’ve been through a lot, Earth, at hindi ang pagkabali ng pakpak ko ang tatakot sa akin.” Nilabanan ko ang mga baging na nakapulupot sa mga pakpak ko. Napasigaw ako dahil sa sakit na dulot no’n ngunit hindi ko inalis sa gawi ni Earth ang tingin ko. I want him to see kung ano ang kaya kong gawin, maging defender lang ako. I want him to know na hindi na ako ang dating Circe dahil ang ako ngayon ay alam na kung paanong ipaglalaban ang mga gusto niyang makamit. I want him to realize na hindi na ako ang Circe na naging kaibigan niya noon. “AHHH!” Naramdaman ko na ang pagdaloy ng kung anong mainit na likido sa likuran ko. Napuno rin ng pag-aalala ang mga mata ni Earth ngunit hindi ko na iyon pinansin. Wala akong panahon para sa awa niya at lalong hindi ko kailangan no’n ngayon. Kinontrol ko ang nabaling parte ng aking pakpak para maputol ang mga baging na nakapulupot sa akin. “Circe…” animo’y lalapit si Earth sa akin ngunit mabilis pa sa alas kwatro na umatras ako. Sa hindi ko inaasahang pangyayari, dumulas ang paa ko sa lugar na tinutungtungan ko. “Circe!” rinig kong sigaw ni Earth ngunit bigo na siyang habulin pa ang kamay ko para hawakan ito. My body fell. Sinubukan kong lumipad gamit ang isang pakpak ko ngunit hindi ko pa rin kayang iangat ang sarili ko. I closed my eyes at saka hinintay na lang na tumama sa lupa ang katawan ko, hanggang sa maramdaman ko na may kung anong pumupulot sa katawan ko at kalaunan ay huminto ako sa pagbagsak. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nakita ko ang maraming baging na nakakapit sa akin, maging ang pababa na na si Earth na dala-dala ang bandila na mula pa sa taas. He removed the vines enveloping my body at saka ako tuluyang nilapitan. Lumuhod siya sa harapan ko kaya naging magkapantay ang mga tingin namin. Lubos na hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Kinuha niya ang kamay ko at saka inilagay sa palad ko ang bandilang hawak niya. “Hindi ko kailangan ng awa mo,” sabi ko at akmang bibitawan na ang inaabot niya ngunit mas hinigpitan niya ang pagkapit sa kamay ko. “Hindi ka ba makaintindi?! Hindi ko kailangan ng awa mo, Earth!” “Hindi ako naaawa sa’yo kaya ko isinusuko ang bandilang ‘yan,” aniya. “Alam kong mas magiging maayos ang RMA kung isa ka sa mga magiging tagapagtanggol nito.” Hindi ako nakaimik. Ilang sandali rin kaming nagkatinginan bago niya binitiwan ang kamay ko. Tumayo na siya matapos no’n at saka naglakad papalayo sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Dati pa man, alam kong gusting-gusto n ani Earth na maging defender ng Academy. Labis siyang humahanga sa mga mentors namin kaya ipinangako niya sa sarili niya na balang araw, magiging isa siya sa kanila. Ngunit bakit ngayon na may pagkakataon siya’y binibitawan niya ‘yon? Napatingin ako sa bandilang hawak ko at saka muling nilingon ang pinuntahan ni Earth ngunit hindi ko na siya matanaw. Earth…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD