CHAPTER TWENTY-ONE

2136 Words
REVA Halos mapatalon ako nang padabog na isara ng kapapasok lang na si Circe ang pinto ng kwarto namin. Hindi rin maipinta ang mukha nito. Abala naman ako sa pagliligpit ng gamit ko na dadalhin ko sa bagong dorm room namin, pantanggal na rin ng inis. Agad siyang sumalampak sa higaan niya at saka nagtalukbong ng kumot. Ni wala man lang hi or hello. Ano naman kaya ang nangyari sa kaniya? “Anong problema mo at mukhang balak mo gibain ang pinto ng kwarto natin?” tanong ko rito. Hindi niya naman ako sinagot kaya napakibit-balikat na lang ako at saka bumalik sa ginagawa. “Nakakainis!” aniya. Hindi ko napigilang mapairap. Itong isang ‘to, hindi ko rin maintindihan. Kaninang tinatanong ko siya, hindi niya ako sinasagot. Ngayon naman, nagrereklamo mag-isa. Malay ko ba kung anong kinakainis niya, eh, lahat naman ng bagay rito sa Academy ay nakakainis. “Nakakainis talaga!” pag-uulit niya at saka binato ang unang hawak niya sa direksyon ko. Napaiwas tuloy ako nang wala sa oras dahil muntikan na akong tamaan no’n. Agad kong dinampot ang unan na binato niya at saka ‘yon binato pabalik sa kaniya. “Kung may problema ka sa lovelife mo, huwag mo ‘kong idamay!” asik ko rito. “Nagtatanong lang ako rito, pati ako nababato mo ng unan!” She hissed. “Sorry naman! Pwede magsorry?” she said, full of sarcasm. Inirapan ko naman siya. “Ano ba kasing problema mo at nagkakaganyan ka?” tanong ko ulit. “Para kang iniwan ng jowa mo—” “What?!” “Kaso naalala ko, wala ka pa lang jowa so walang mang-iiwan sa ‘yo,” dagdag ko. Binato niya na naman ako ng unan, but this time ay alam kong sinasadya niya na. Natawa naman ako dahil doon habang inis na inis naman siyang tumingin sa akin. “Nakakainis ka, Reva!” aniya. “Why would I act like this kung dahil lang sa jowa? Besides, wala pa sa bokabularyo ko ang ganyang bagay.” “So, anong pinuputok ng butsi mo riyan at nagkakaganyan ka?” tanong ko. “Kanina lang ang ayos pa ng mood mo tapos pagpasok mo rito ay halos sirain mo ang pinto. Tinatanong kita, hindi ka naman nasagot pero ilang segundo lang nakakalipas, nagsasalita ka na mag-isa. ‘Yong totoo, aning ka na ba?” “Sadyang nakakainis lang ang mga tao,” simpleng sagot niya at saka muling sumalampak sa higaan niya. “Hindi ko kasi maintindihan ang kilos niya. Hindi ko na rin tuloy maintindihan ang sarili ko. Basta ang alam ko lang nakakainis pero walang exact na rason bakit ako naiinis.” Napataas ako ng kilay dahil sa magulong paliwanag niya. Konting-konti na lang ay iisipin ko na na inlove ‘tong isang ‘to but if that’s the case, ang lungkot naman dahil ngayon pa lang, alam ko na agad na hindi siya magugusuhan no’ng gusto niya. Hindi naman kami nagkakalayo sa ugali at mukhang pareho kaming tatandang dalaga dahil sa kung paano kami umasta. “Reva, pwede magtanong?” she asked. I rolled my eyes for the nth time. “You’re already asking me, you dummy.” “Seryoso kasi!” “I am freaking serious!” I exclaimed. “The moment pa lang na nagtanong ka kung pwedeng magtanong, you’re already asking!” Tumayo siya mula sa pagkakahiga. “Kay Denzell na lang ako lalapit,” aniya. Natawa naman ako dahil doon. “Baka nakakalimutan mo na anghel sa bait ang kapatid ko,” sabi ko. “Baka pagbalik mo rito, may halo ka na rin.” Wala naman siyang ibang nagawa kundi bumalik sa pagkakasalampak niya sa kaniyang higaan. Tinapos ko na rin ang ginagawa ko at saka siya tinabihan. Inagaw ko pa ang unan na yakap-yakap niya. I heard her hissed pero hindi niya naman na kinuha pa sa akin ‘yon. “Ano ba kasi ang nakakainis na sinasabi mo?” I asked. “It’s about a…friend,” aniya. “Who?” “Basta, isang kaibigan.” “Okay, what about your friend?” “I don’t get him—” “So, he’s a he?” I smirked. “I bet it’s Cleon.” “Ew! Why would I act like this dahil lang kay Cleon?!” pagrereklamo nito. “It’s not him. May iba pa.” Napatingin ako sa kaniya at saka siya pinaningkitan ng mata. “Don’t tell me, it’s Denzell? Gusto mo kapatid ko?” “Ew ka, Reva! Issue maker mo naman!” aniya. “What?! I was just asking!” “Umalis ka riyan sa kung ano-anong naiimagine mo! It’s not healthy in there,” aniya at saka inagaw ang unan na niyayakap ko. “Hindi mo na siya dapat makilala because he’s an ex friend of mine.” “So, what about him nga? Nagustuhan mo?” “No!” she exclaimed. Agad namang umarko ang kilay ko dahil nagmumukha siyang defensive. “It’s not like that. Wala kaming romantic feeling sa isa’t isa.” “So, ano nga?! Nakakainis na, ha!” pagrereklamo ko. “I drifted away from him because I thought, he belittled me,” sabi niya. “And he drifted away from me kasi hindi ko siya mabigyan ng rason sa mga inasta ko. He said, he won’t bother me again, but that idea hurts me for a reason I don’t know.” “Maybe because you were friends with your unknown friend?” I said, unsure. “Naging magkaibigan kayo so there’s a hint of attachment. Besides, kung against sa will mo ang ginawa mo, hindi ka talaga matatahimik niyan.” “I did that for good,” she said. “Hindi ko naman alam na may pakialam siya sa actions ko.” “Gaga!” I said at saka siya bahagyang binatukan. “Magkaibigan kayo kaya malamang ay may pakialam siya sa actions mo. Also, maybe you thought that’s for good pero baka naman kasi sa ‘yo lang nakabuti at sa kaniya ay hindi.” “Wala naman kasi siyang ginagawa no’ng una—” “Malamang! He’s a guy and some of them ay hindi marunong mag-express ng nararamdaman nila, just like Denzell,” sagot ko. “Mas prone sila sa paghihintay na lang na mabigyan sila ng rason because unlike us, marami sa kanila ang takot magtanong. Not because they’re coward but because they trust us, girls, to give them the reason behind our actions.” “But still, kung may pake siya, dapat una pa lang ay may ginawa na sita,” pagpupumilit nito. “Umalis din ako nang tuluyan kasi akala ko wala siyang pakialam dahil wala naman siyang ginagawa. Kung una pa lang ay lumapit na siya, baka hindi pa nasira ang pagkakaibigan namin.” I sighed. “Alam mo kung ano ang nakasira sa inyo?” I asked her at saka siya tinignan. “It’s the lack of proper communication.” Hindi naman siya nakasagot bagkus ay kinalikot niya na lang ang mga daliri niya. “Hindi ‘yong desisyon mo o ‘yong kawalan niya ng aksyon ang naglayo sa inyo nang tuluyan, eh. Nasira kayo kasi hindi ninyo napag-usapan,” sabi ko. “He waited and you, too, waited. Pareho kayong naghintayan sa isa’t isa. In the end, pareho kayong may pagkukulang. Both of you chose to not save your friendship…and that sucks.” Hindi na siya nagsalita pa pero naramdaman ko ang pagdantay ng ulo niya sa balikat ko. I let her do that dahil alam kong kailangan niya rin ‘yon ngayon. “He tried to talk to me pero ako na ang lumayo,” aniya sa pabulong na paraan. “Tinapos ko na rin kasi alam kong mas malaking gulo kung magkakaayos kami. Hindi naman na namin maibabalik ang dati kasi hindi na ako ang Circe na nakilala niya.” “If he’s really your friend, maiintindihan ka niya,” I said. “Minsan, hindi lang dapat natin pangunahan ang iba sa kung ano ang magiging aksyon nila kasi minsan, mali tayo ng akala. Wala namang nakakasiguro sa mangyayari sa future so if he’s worth it, sana nagtake ka na lang ng risk kasi sa nakikita ko ngayon, nahihirapan ka.” Bumalot sa amin ang katahimikan. Her head’s still on my shoulders at kahit nakakangalay ang lagay namin ngayon, minabuti ko na lang na hindi na magreklamo. Circe needs me now at kahit pa minsan ay iritang-irita ako sa kaniya, I can’t let her down during times like this. She was there for me no’ng ako ang may problema, the least thing I can do for now is to be with her. Hindi ko na rin lang siya tinanong pa kung sino ang taong tinutuko niya. Alam ko naman kasi na hindi rin talaga siya magsasabi at isa pa, for her own privacy na lang din. Kahit naman kasi magkaibigan kami ay may part pa rin talaga na hindi namin pwedeng icross. I have my own secrets, too, gano’n din siya and that’s fine. Being friends doesn’t mean you have to know every single detail about each other naman. A little sense of privacy and respect won’t hurt. “Alam mo para hindi ka na malungkot, tulungan mo na lang ako magbuhat ng mga gamit ko,” suhestiyon ko. “Hindi ko naman kasi kayang dalhin lahat ng ‘yan palipat sa dorm, eh.” I heard her hissed at saka umalis na sa pagkakasandal sa balikat ko. “Para saan pa’t binigyan ka ng ganyang abilidad kung hindi mo gagamitin? Duh.” Pinaningkitan ko siya ng mata. “Matapos kitang damayan, sasabihan mo lang ako ng duh? Napakabait mo namang kaibigan.” “Mabait talaga ako,” aniya at saka ako binelatan. Tignan mo ‘tong isang ‘to, parang kanina lang ay malungkot. Porke nakabawi na, inaasar na naman ako. But I’m glad na okay na siya kahit papaano. Mas gusto kong nakikita si Circe na ganito kesa sa nalulungkot siya. Nababawasan kagandahan niya sa gano’n. Minabuti na lang din namin na umpisahan na ang pag-aayos ng mga gamit na dadalhin namin palipat sa kabilang dorm. Nakailang balik din kami sa kwarto namin para lang maibaba lahat ng kailangan naming ibaba dahil ayaw kong gamitin ang abilidad ko sa gano’n at hindi pa rin maayos ang lagay ng pakpak ni Circe kaya hindi ko pa siya pwedeng pagbuhatin nang mabibigat. Sakto namang paglabas namin ay naroon na sina Denzell at Cleon. Hindi nila kasama si Miku at wala na rin akong balak alamin pa kung nasaan ang isang ‘yon. Unlike us, mas konti ang dala nina Denzell at Cleon na gamit. Siguro’y hindi na nila nilahat ang gamit na ililipat nila but it’s a different case for us. Wala naman kasi atang hindi importante sa mga gamit ko. “Sakto nariyan kayo, tulungan n’yo muna kami,” sabi ko sa kanila. “Kanina pa kita hinahanap,” ani Denzell sa akin. “Saan ka nanggaling?” “Dorm,” I simply answered. “Huwag kang paranoid. Hindi ko naman magagawang lumabas ng Academy kahit pa inis na inis na ako sa mga tao rito.” Nilingon niya naman si Circe. “Kanina pa kayo magkasama?” he asked, and Circe nodded as an answer. “Bakit hindi mo ‘ko sinabihan agad?” “Duh, Denzell, papagurin mo pa ang tao para lang malaman mo whereabouts ko?” I rolled my eyes. “Kumalma ka nga, para kang sira.” “It’s normal na mag-alala siya lalo pa’t—” Denzell cut Cleon’s words. “Hindi na nila kailangang malaman pa,” aniya. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya. “Anong hindi ko na kailangang malaman pa? May ginawa ba kayong kalokohan?” “Pare, kailangang malaman ni Reva,” ani Cleon. Denzell sighed then looked at me. “May umatake kay Miku kanina,” he said. “He was stabbed on his right arm kaya minabuti na lang namin na pasamahan siya kay Earth at kina Averyl. Nabigyan naman siya ni Earth ng paunang lunas but he’s still monitoring his friend para masigurong okay na talaga ang braso ni Miku na natamaan.” “I followed the student who did that to him,” ani Cleon. “I caught him but when he saw me, he begged. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi niya alam ang ginawa niya. Ang alam niya lang, nakasaksak siya pero hindi niya rin alam kung bakit niya ‘yon ginawa.” Nahilot ko ang sentido ko. Hindi pa man kami tumatagal sa pwesto at ito na agad ang nangyayari. Paano na lang kung makarating sa mga mentors namin ang balitang ‘to? Ano na lang ang iisipin nila? “Ang pinakaweird na bagay ay hindi pamilyar sa amin ang patalim na ginamit niya,” dagdag pa ni Cleon. “But it was taught to us before. Athame, kung hindi ako nagkakamali.” “Tanging Black Wizards lang ang may kakayahan na gumawa ng mga gano’n,” ani Circe. “Yes, but our mentors defeated the Black Wizards a long time ago,” ani Cleon. “It’s either may natira pang kauri nila o may panibagong kalaban ang Academy na kaya ring gumawa ng athame.” “May lason din ang ginamit na patalim kaya kinailangan na rin namin ang tulong ni Earth. I hope you don’t mind,” ani Denzell sa akin. “No, okay lang,” sagot ko. Wala naman akong choice dahil sa grupo naming mga galing sa building 2, si Earth lang ang may kakayahang manggamot as it is part of his ability. “Kailangan kong makausap ang estudyanteng may gawa no’n.” Nagkatinginan naman sina Denzell at Cleon dahil sa sinabi ko. “What? Don’t tell me natakasan kayo no’ng estudyanteng may gawa no’n kay Miku?” I asked. “No, it’s worst than that,” sabi ni Denzell. “Hindi mo na siya maaaring kausapin pa dahil…” “Dahil?!” “Dahil patay na ang estudyanteng ‘yon,” ani Cleon. “He was killed, right before my eyes, nang hindi ko namamalayan.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD