CHAPTER TWENTY

2766 Words
CIRCE “Pasensya na kayo sa inasta ni Reva,” ani Denzell kina Averyl. Hindi ko naman napigilang mairap dahil sa sinabi nito. Kung bakit ba naman kasi nuknukan ng bait itong si Denzell. Magkaibang-magkaiba sila ni Reva ngunit gayunpaman, pareho silang may punto. If Reva’s right, baka kung ano pa ang magawa ni Xheen sa Academy para sirain ito. But if Denzell’s right at inosente nga si Xheen, malaking kasiraan kay Reva ‘yon. Lalo pa’t ang daming estudyante ang nakarinig sa sinabi niya. “Ano ba kasing pumasok sa isip no’n at pinagbintangan itong si Xheen?” tanong ni Earth. Napatingin ako sa gawi niya at nang makita kong napasulyap ito sa akin, mabilis kong naiiwas ang mata ko. “We’re doing rounds kagabi,” panimula ni Miku, “and we saw a figure wearing hood. Sinundan namin ni Cleon but he or she was too fast. Nang makarating kami sa baba ng burol, that person manipulated us. Ni hindi namin magawang igalaw ang mga katawan namin dahil sa ginawa niya.” “And she concluded na si Xheen iyon dahil lang kaya niya rin kayong manipulahin?” Averyl asked and Miku nodded as an answer. “Anong klaseng pag-iisip mayroon ‘yon?” Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Saka ka nagsasalita nang masama kay Reva kung kailan wala siya? How trashy can you get?” “Pinagtatanggol niya lang ang kaibigan namin—” I cut Earth off. “Pinagtatanggol ko lang din kaibigan ko, anong pinuputok ng butsi mo?” pagtataray ko rito. “Besides, ikaw ba si Averyl?” “Sorry,” bulong nito. I hissed because of his actions. Hindi naman porke may ginawa siyang mabuti sa akin ay palalampasin ko na lang ang pambabastos nila kay Reva habang wala ito. Pwede naman nilang supalpalin ang isa no’ng nandito siya kanina but they chose to do it kung kailan hindi magagawa ni Reva na depensahan ang sarili niya. “Hindi ko naman pinagsasalitaan nang masama si Reva, ang akin lang ay hindi naman sapat ang basis niya para pagbintangan si Xheen,” paliwanag ni Averyl. “Tama naman si Xheen, inilalagay siya ni Reva sa alanganing sitwasyon. Kung sa inyo ginawa ‘to, maiintindihan mo rin punto ko.” “May hinaing ka pala, bakit hindi mo agad sinabi kanina?” tanong ko. “Hindi ‘yong ngayon mo sasabihin na anong klaseng pag-iisip mayroon si Reva kung kailan wala na siya rito para sagutin ang mga pagganyan mo. Kaibigan mo si Xheen kaya normal na ipagtanggol mo siya, I get that. Pero kaibigan ko rin si Reva at hindi ako natuwa sa tanong mo about sa kaniya. Kung defender ka rin at nasa pwesto ka ni Reva, maiintindihan mo rin siya.” “Tama na ‘yan, baka kayo naman ang magkainitan,” ani Denzell. Hindi ko naman napigilan na mapairap dahil mukhang maging sa akin ay gagawin niya ang ginagawa niya kay Reva. “Masyado naman kasing mainitin ulo ng mga kaibigan mo, eh,” ani Ryker. “Palagi na lang kaming pinag-iinitan kahit pa wala naman kaming ginagawa.” “Inaawat na nga sila, sumasabat ka naman? Gusto mo makisawsaw?!” ani Cleon sa isa. Mabilis naman na pumagitna sa dalawa sina Denzell at Earth. Doon lang din rumehistro sa akin na gumagawa na kami ng eksena. Masyadong maingay na ang mga bulong-bulungan sa paligid. Kapag nagkataon, kami ang sasabit sa mga mentors naming dahil hindi hamak na mga estudyante lang naman sina Averyl. “Cleon, tama na ‘yan,” pag-aawat ko.  Lumingon naman si Cleon sa gawi ko kaya inilingan ko siya, senyas na huwag na siyang sumugod pa. Gladly, kumalma naman siya kahit papaano kaya nagawa na siyang bitawan ni Denzell. Napalingon ako sa gawi nina Averyl at saka sila isa-isang tinignan. Ngayon ko lang din napansin na hindi sila kumpleto dahil wala si Cosmo sa grupo nila. “Salamat,” ani Earth. Hindi ko naman siya sinagot at agad ko na lang na ibinalik kina Denzell ang tingin ko. Sinenyasan ko na rin ang mga kasamahan ko na umalis na kami sa lugar na ‘yon. Mas maigi pa na sa building 1 na kami tumambay para na rin hindi na magkagulo pa. Kagaya pa rin ng palaging nangyayari, nahawi ang tumpukan ng mga estudyante nang dumaan kami. I hid my wings afterwards ngunit ramdam ko pa rin ang hirap sa pagtiklop sa pakpak ko na napuruhan no’ng oras ng paligsahan. Hindi ko na naman tuloy maiwasang isipin ang ginawa ni Earth no’ng mga oras na ‘yon, maging ang pasasalamat niya ngayon. I am amazed sa kung paano niya ako kayang pakitunguhan nang normal, na parang walang nangyari. Kahit maraming taon na kasi ang nakakalipas, hindi ko pa rin siya kayang pakitunguhan na parang wala lang. Matapos ang maraming taon, bago na lang kami ulit nagkausap nang gano’n sa kung paano kami nag-usap no’ng paligsahan. Even his actions, hindi ko inexpect na gano’n ang gagawin niya. It was his dream, but he gave the flag to me. He gave up his dreams for me. Why did he do that? Nang makabalik kami sa building 1 ay wala roon si Reva. We looked for her everywhere pero hindi namin siya nakita. “I’ll look for her sa dorm namin, baka nag-aasikaso lang siya ng mga gamit niya,” sabi ko kina Denzell. “Balitaan mo ‘ko agad,” ani Denzell sa akin, tinanguan ko lang naman siya at saka nauna na sa pag-alis sa room 1. Hindi pa rin naalis sa isip ko si Earth habang naglalakad ako. Nakakainis lang na nagugulo niya ang isip ko dahil hindi na dapat. Dati pa man ay hindi na dapat. Napaamba ako ng suntok nang biglang may humila sa akin at dinala ako sa pagitan ng dalawang building na naroon sa school. Agad din akong natigilan nang makita ko kung sino ‘yon. “Earth?” Nangunot ang noo ko dahil sa presensya niya. Nakatingin lang naman siya nang seryoso sa akin ngunit wala siyang sinasabi ni isang salita. “What the hell is your problem?!” asik ko rito at saka iwinaksi ang pagkakahawak niya sa akin but I failed dahil mas humigpit lang ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. “Nasisiraan ka na ba ng bait?! Bakit bigla kang nanghihila?!” “Why do you hate me?” he asked out of nowhere. Hindi naman ako agad nakasagot dahil wala akong makapang rason sa sarili ko. I was the one who drifted away from him nang walang rason. He woke up one day at hindi ko na siya pinapansin pa. Hindi ko rin kasi ipinaalam sa kaniya ang nararamdaman ko sa bawat pagkatalo ko sa kaniya. Hindi ko rin tuloy alam kung sapat na sabihin kong galit ako sa kaniya dahil pinagmukha niya akong talunan, where in fact, he knew nothing about my struggles. “That’s none of your business—” “We were friends. Karapatan ko ring malaman kung bakit bigla ka na lang lumayo sa akin,” he said. “All these years, bago ka lang nacurious sa rason?” I hissed. “Huwag mo na akong lokohin pa.” “I never did that,” aniya. “Gusto ko lang sana malinawan sa nangyari sa pagkakaibigan natin. We were okay, Circe, tapos bigla ka na lang lumayo. At oo, after all these years ngayon ko lang nagawang magtanong dahil ang hirap mo lapitan kapag kasama mo sina Reva.” I scoffed. “O baka naman dahil lang sa defender na ako kaya lumalapit ka ulit.” Nakita ko kung paanong natigilan siya sa sinabi ko. Maging ako ay natigilan sa sinabi ko but I didn’t take it back. Silence enveloped between us. Unti-unti ring lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin hanggang sa tuluyan na ‘yong dumausdos sa kamay ko. My breathing became heavier when my eyes met his. Wala akong ibang mabasa sa reaksyon niya kundi lungkot at pagkabigla. “Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa akin?” tanong niya sa akin na siyang sumira sa katahimikang bumabalot sa amin. Hindi naman ako nakasagot. I wanted to say no but I don’t want to keep his hopes us about us. Parte na lang siya ng nakaraan ko. Hindi na siya dapat pa magkaroon ng papel sa buhay ko ngayon. “Kahit kailan ay hindi ko sinamantala ang kung anong mayroon ka, Circe,” aniya. “Alam na alam mo ‘yon. But why…” Halos pahina na nang pahina ang boses niya. Napaiwas naman ako ng tingin nang hindi niya na tapusin ang dapat ay sasabihin niya. “Pasensya na kung naabala kita,” aniya. Napatingin akong muli sa kaniya at hindi ako sigurado pero isang malungkot na ngiti ang rumehistro sa labi niya. “I won’t bother you again.” Tinalikuran niya na ako matapos ‘yon. Doon na rin rumehistro ang lungkot na kanina ko pa pinipigilang lumabas. Nang hindi ko na matanaw ang likuran niya ay roon naman pumatak ang butil ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan pero ang alam ko lang ngayon ay masakit. Nasasaktan ako sa pagkakaibigan naming nawala. Ngunit dapat na rin kaming masanay na wala ang isa’t isa. Hindi makakabuti sa amin pareho kung may ugnayan pa kaming dalawa. Hindi na kami gaya ng dati at hinding-hindi na namin maibabalik ang dati naming pagkakaibigan. Alam kong sa mga oras na ‘yon, putol na talaga ang kung anong mayroon kami ni Earth at sa pangalawang pagkakataon, it was my fault. Patawarin mo ‘ko, Earth. Patawarin mo ‘ko… XHEEN Masama ang loob ko nang magawa naming bumalik sa building 2. Kanina pa rin ako pinapakalma ni Averyl but it’s no use. No’ng papunta kami rito ay nakailang pangmamata rin ang natanggap ko mula sa ibang estudyante. Because of what Reva did, alam kong may magbabago sa magiging lagay ko rito sa Academy. Sana lang talaga ay walang naniniwala sa mga sinabi niya dahil kung hindi, wala na akong ibang choice kundi patulan siya. “Nakakainis!” asik kong muli at saka sumalampak ng upo sa isa sa mga upuan na naroon. “Kung hindi lang talaga ako nakapagtimpi kanina at hindi lang ako nahiya sa ginawa ni Denzell para sa akin, papatulan ko na ‘yong si Reva, eh!” “Kung pinatulan mo ‘yon, mas lalo lang lalala ang lahat,” ani Averyl sa akin. “Alam kong nakakainis si Reva but let Denzell handle her. Ginagawa naman ni Denzell lahat para maaawat kapatid niya, eh.” “So sweet naman, pinagtatanggol pa si Denzell,” hirit ni Ryker kaya agad na sumama ang tingin ni Averyl sa kaniya. “Ano na namang problema mo?!” asik ni Averyl sa isa. Napakibit balikat lang naman si Ryker at saka nag-iwas na ng tingin. “Kahit kailan talaga napakaepal ng isang ‘yon!” ani Averyl sa akin habang nakakunot ang noo. “Muntikan pa dumagdag sa aasikasuhin kanina dahil sa kaangasan niya.” “I was just defending Xheen kasi wala kang sinasabi,” depensa ni Ryker sa sarili. “Walang sinasabi? Eh, kaya nga ako nasupalpal ni Circe dahil nagsalita ako para kay Xheen, eh,” asik pabalik ni Averyl kay Ryker. “Isa pa, hindi mo naman pinagtanggol si Xheen, you just added fuel into the fire dahil sa pambabash mo sa grupo nila!” “Kapag ako ang gumawa, masama. Kapag si Denzell, pupurihin mo pa kasi ang tapang-tapang niya? Ayos, ah.” Napatayo na si Averyl mula sa pagkakaupo kaya napatayo rin ako. “So, what are you trying to say? That I’m unfair?” “Unfair naman talaga,” bulong ni Ryker ngunit sapat ang lakas para marinig namin. “Hindi naman porke crush mo ‘yong tao, kakampihan mo na lang nang gano’n.” “What the?! Crush ko si Denzell?! Sana okay ka lang sa issue mo na ‘yan!” “Natapos nga ang gulo kanina, dito naman kayo nag-away-away,” ani Cosmo. “Paano mo nalaman na nagkagulo kanina, eh, wala ka naman doon?” tanong ko sa kaniya. She just shrugged her shoulders. Lumabas na lang ng room si Ryker. Naupo naman si Averyl ulit sa tabi ko kaya naupo na rin ako. Lumabas din si Cosmo ng room. Hinanap ko naman si Earth pero bigo akong makita siya. “Hindi ba sumunod si Earth sa atin?” tanong ko. “Kanina lang galit ka, ngayon hinahanap mo na si Earth?” ani Averyl sa aikin kaya naparoll eyes ako. “Ano namang pinararating mo?” ganti ko sa kaniya at saka siya pinanliitan ng mata. This time, ako naman ang inirapan niya. “Nagkakaissue ako kay Denzell dahil sa pasimuno mong lukaret ka,” aniya. “Tignan mo ngayon, akala ni Ryker ay gusto ko talaga si Denzell kahit hindi naman.” Natawa ako nang bahagya. “Hayaan mo na ‘yong isang ‘yon, pagselosin mo naman paminsan-minsan.” Mas sumama pa ang tingin ni Averyl sa akin. “Ayan ka na naman sa issue mo!” Manhid si Averyl. Halatang-halata naman kay Ryker tuwing gigisahin niya si Denzell na iba na ang pakahulugan niya sa mga sinasabi niya. Hindi ko lang alam bakit hindi napapansin ni Averyl ang ginagawa ng isang ‘yon. Kung may ranking lang sa kamanhidan, top 1 na ang isang ‘to. “Balik na muna tayo sa dorm room?” aya ko kay Averyl. “Wala naman na tayong ganap dito, eh.” Agad namang pumayag si Averyl sa alok ko sa kaniya. Sari-sari ang pinagkwentuhan namin habang binabaybay namin ang daan palabas ng building 2. Muli rin naming napag-usapan ang ginawa ni Reva kanina. Pinakiusapan na lang din ako ni Averyl na pagpasensyahan na lang si Reva para wala na ring gulo and I told her na susubukan ko. Ayokong mangako dahil sa ugali ni Reva, sino ba namang hindi maiinis? Kung naging kasingsama lang ng ugali niya ang ugali ko, malamang talaga ay napatulan ko na ‘yon. Naikwento rin sa akin ni Averyl ang tungkol sa nakita niya raw no’ng gabi after ng inagurasyon. Nakita niya rin daw ang sinasabi ko sa kaniya na pagbabago ng kulay ng mata niya. Hindi ko na naman tuloy naiwasang kilabutan dahil sa kwento niya. Kung nakita niya rin ‘yon, ibig sabihin ay hindi ako namamalikmata no’ng mga oras na ‘yon. If that’s the case, totoo rin kaya na may ibang naninirahan sa katawan ni Averyl? That’s absurd. Hindi ko naiwasang mapailing dahil sa naiisip kong ‘yon. That’s not possible. “Shocks!” Napatingin ako kay Averyl nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at saka napasapo sa noo niya. “Anong nangyari?” tanong ko. “I forgot my card sa room,” aniya. “Babalikan ko lang tapos hintayin mo na lang ako rito.” Wala naman akong ibang nagawa kundi mapalabi at saka sumandal sa building na malapit sa kinaroroonan ko para magpasilong gawa na rin ng init. I patiently waited for Averyl sa pwestong ‘yon nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa malapit sa akin. “Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa akin?” ani no’ng boses. Pasimple kong sinilip kung tama ang hula ko sa may-ari ng boses na ‘yon and I was shocked to see na si Earth iyon at kasama niya si Circe. Anong mayroon sa kanila? Hindi ko narinig ang pagsagot ni Circe kaya hindi ako sigurado kung sinagot niya ba si Earth o hindi. Gawa na rin ng katangkaran no’ng isa ay konting bahagi lang ng mukha ni Circe ang nakikita ko. Agad naman akong napatago sa malapit na halaman na naroon nang makita kong papunta si Earth sa direksyon ko. Nakita ko pa ang hint ng kabadtripan sa mukha niya…o baka mali ang pagkakabasa ko sa ekspresyon niyang iyon. Lumabas lang ako ulit nang hindi ko na matanaw ang likod ni Earth. “Hoy!” Napapitlag ako nang biglang sumulpot si Averyl sa tabi ko. “Bakit parang nakakita ka ng multo?” Hindi ako nakasagot. Napatingin lang ako ulit sa pinuntahan ni Earth at sinundan naman ni Averyl ang tingin ko. Ngunit dahil kanina pa nawala si Earth ay hindi niya na nalaman pa kung sino ang tinitignan ko. I tried to smile. “Wala! Kung saan-saan ka naman kasi sumusulpot kaya nagulat ako!” I said, trying to sound as cheerful as I can. “Ang weird mo,” aniya at saka natawa. Inakbayan niya na ako at magkasabay kaming umalis doon. I tried to look back when I had the chance at nakita ko rin si Circe na paalis na sa lugar na ‘yon at mukhang papunta na sa kung saan ay dapat niyang pupuntahan kung hindi lang sila nagtagpo ni Earth. Inalis ko na lang sa kaniya ang mga mata ko at saka ako napayuko. Hindi ko maintindihan kung bakit sila magkasama. Wala namang nababanggit si Earth sa akin—o sa amin tungkol sa kanila ni Circe. May gusto ba siya kay Circe? O baka si Circe ang may gusto sa kaniya? Parang ang seryoso pa naman ng pinag-uusapan nila kanina dahil na rin sa ekspresyon ni Earth no’ng nakita ko siya. “Hoy, okay ka lang ba talaga?” tanong sa akin ni Averyl. Napabuntong-hininga ako at saka pinilit ang sarili kong ngitian siya. “Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay? Wala namang rason para malungkot ako.” “Okay, sabi mo, eh.” Tama, wala namang rason para malungkot ako. But I can’t help it. Hindi ko alam kung bakit but the idea na may kung anong namamagitan kina Earth at Circe, nalulungkot ako roon. Maybe because…no, it can’t be. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD