CHAPTER TWENTY-TWO

1691 Words
REVA "Paano nangyari 'yon?!" Circe exclaimed. "Namatay nang hindi mo man lang namamalayan?! That's absurd!" Napahilot ako sa sentido ko dahil sa mga nalaman ko kanina. Matapos isiwalat sa amin ni Cleon ang nangyari ay minabuti naming sa kwarto na lang ni Miku sa infirmary pag-usapan ang iba pang bagay. Gladly, si Earth lang ang nandoon no'ng dumating kami. Napakalaking imbyerna no'n kung lahat sila ay naroon. Miku was fast asleep when we arrived. Wala naman ding sinasabi sa amin si Earth nang pumasok kami bagkus ay humila lang siya ng upuan at lumapit sa may bintanang naroon. "Hindi ko alam paano ka sasagutin kasi maski ako ay hindi ko rin nasundan ang mga nangyari," ani Cleon. "We were just talking and he passed out. Hinintay kong magising but wala talaga." "Baka naman hinimatay lang or something?" pagpupumilit ni Circe. "Baka umarte lang nang gano'n kasi naroon ka pa at magkasama pa kayo." "May point si Circe," saad ko. "Kapag desperado na ang tao, lahat naman gagawin para makaligtas." "Earth confirmed his death," ani Denzell kaya awtomatikong napunta kay Earth ang mga mata ko. Nakatingin pa rin ito sa labas ng bintana, walang imik at ni hindi man lang nag-abala na tapunan ako o kami ng tingin. "He was there?" I asked nang pabulong. Denzell shook his head. "No, Cleon brought the body to him. Sakto namang naroon din ako dahil inalalayan ko si Miku." "And?" "And he confirmed na patay na nga ang estudyanteng 'yon," ani Denzell. "Hindi kaya may ability ang estudyante na 'yon to play dead? Or to act like he's dead pero hindi naman talaga?" pagpupumilit ko. "Hindi kasi katanggap-tanggap na bigla na lang siyang namatay nang hindi man lang namamalayan ni Cleon." "You can see it yourself. Nasa kabilang kwarto lang ang katawan no'ng estudyanteng 'yon," ani Earth kaya napatingin ako sa kaniya. Nagkatinginan naman kami ni Denzell and he slightly nodded, giving me permission to see the dead body ng estudyanteng tinutukoy nila. I was taken aback because of the sudden events. Hindi ko tuloy napigilan na isumpa si Earth sa isip ko gawa ng paglalagay niya sa akin sa alanganing sitwasyon. Sa mga ganitong pangyayari mo malalaman kung sino ang may galit sa'yo, eh. "I'll go with you," ani Denzell sa akin. I simply nodded as an answer. Somehow, I feel bothered when we went out of Miku's room pero mas ginusto ko na lang din na makasiguro. Cleon and Denzell joined me. Iniwan ko na lang si Circe roon kasama si Miku at Earth dahil alam ko na hindi niya kaya ang mga gano'ng bagay. Sadya rin kasi ang pagiging matatakutin ng isang 'yon, kahit pa may mga oras na hindi iyon halata. "You ready?" asked Denzell habang hawak-hawak niya ang seradura ng pintuan. I can't help but rolled my eyes. "To see a dead body? Of course, ready ako," I answered, full of sarcasm. "You'll be fine," aniya at saka nilakihan na ang awang ng pinto. Hindi ko naman napigilan na mapalunok bago ako tuluyang tumuloy sa kwartong iyon. In there, I saw something covered in white cloth. Sa hugis pa lang, alam kong tao na ang tinatakpan ng telang iyon. Halos gustuhin kong maglakad palabas ng kwartong 'yon nang makaramdam ako ng kakaibang kilabot habang papalapit ako nang papalapit sa katawang 'yon. Mas nadagdagan tuloy ang pagsumpa ko kay Earth dahil hindi ko gusto na nasa ganito akong senaryo at nangangatog ang tuhod ko sa kung ano ang nasa harapan ko. Dahil na rin sa takot at kaba, halos mapapitlag ako nang hawakan ni Denzell ang balikat ko. "Bakit ka ba nanggugulat?!" sabi ko at saka tinampal ang kamay ni Denzell na nahawak sa akin. I heard Cleon laughed kaya napataas ang kilay ko sa gawi niya. "Anong tinatawa-tawa mo riyang kupal ka?!" Napailing ito habang natatawa pa rin. "Para naman kasing bago sa 'yo ang makakita ng patay. Takot na takot ka, eh." "I am not!" depensa ko. "Hindi na ba ako pwedeng magulat sa hawak ni Den sa akin?! Duh!" He shrugged his shoulders at saka ako nilampasan. Tinabihan niya iyong katawan na naroon at saka parang wala lang na inalis ang telang nakatakip doon. Hindi ko naman napigilang mapaiwas ng tingin dahil doon. Sa sobrang tahimik ng RMA, hindi ko pa talaga nagagawang makakita ng bangkay nang harap-harapan. Hindi naman kasi kami umaabot sa gano'ng punto sa bawat trainings namin. Oo, mayroong physical fights and even instrumental battles pero wala kaming pinapatay sa mga kapwa namin estudyante. Hindi goal ng RMA na turuan kaming pumatay ng katulad namin, unless they're a threat to the Academy at talagang dahilan sila ng gulo sa paaralang nagsilbing tahanan namin. "Look," ani Denzell kaya awtomatiko akong napatingin sa kaniya. Nasa tabi na rin siya no'ng bangkay ng estudyanteng 'yon at may kung anong tinuturo sa may katawan no'n. I gulped at saka umipon ng lakas ng loob para lang magawa kong lapitan at tignan kung ano ang itinuturo niya. When I reached their place, nakita ko sa dibdib no'ng lalaki ang kulay berdeng dyamante na nakabaon. It's directly stabbing his heart, maybe that caused his sudden death. But if that's the case, dapat ay mamamalayan iyon ni Cleon o makikita niya man lang kung saan iyon nanggaling. "Sigurado ka bang wala kang nakita, Cleon?" I can't help but asked. "Kasi parang imposible naman kung hindi mo nakita ang pagtarak niyan sa dibdib niya." "This is impossible," aniya, halos pabulong. "Sigurado ako na wala talaga akong napansin no'ng magkaharap kami kaya imposibleng 'yan ang pumatay sa kaniya." "No'ng magkausap ba kayo, hindi nawala sa kaniya ang mga tingin mo?" Denzell asked. "Nawala, pero konting segundo lang 'yon," sagot ni Cleon. "Kung tatantsahin ko ay nasa sampung segundo lang." Napaisip ako sa sinabi niya. Habang tumatagal ay mas napapaisip ako sa pagkakakilanlan ng kalaban namin ngayon. Kung sino man ang nanggugulo ngayon sa RMA, he or she must be really powerful at may malawak na abilidad. Kaya niyang imanipula ang katawan ng tao gaya ng kung paano niya minanipula sina Cleon at Miku and now, tingin ko'y kaya niya ring manipulahin ang oras. Xheen is capable to do those things, lalo pa kung nasa full ability niya siya. Pero kung si Xheen man ang may sala, bakit niya idadamay si Miku? Where in fact, they're friends. "I think we're dealing with someone who can manipulate time as well," sabi ko. Napatingin naman sila pareho sa akin. "Paano mo nasabi?" tanong ni Cleon. "No'ng mga sandaling inalis mo sa biktima ang mga tingin mo, the culprit took that time para mapatay ang estudyanteng 'yan," panimula ko. "Tingin ko, ang sampung segundo na tantsa mo sa oras na inalis mo sa kaniya ang mga mata mo ay hindi naman talaga sampung segundo lang. It's more than that. Pero dahil nakokontrol niya ang oras, naging madali sa kaniya na pagmukhaing sampung segundo lang na nawala sa biktima ang tingin mo." "Kung gano'n, ibig sabihin ay una pa lang, alam na no'ng may sala na gano'n ang gagawin ni Cleon?" tanong ni Denzell and I nodded. "The culprit's with us the whole time without us noticing na kasama na natin siya." "Naguguluhan ako," ani Cleon. "Ibig sabihin ba ay sinadya niyang mangyari lahat ng 'to? For what purpose?" "To warn us," I simply said at saka ibinalik sa parte ng katawan no'ng estudyante na may nakabaon na berdeng dyamante ang paningin ko. "The culprit's here in RMA. Patagong kumikilos at patuloy tayong nililito." "Ibig sabihin ba nito, hindi dapat ang labas ng RMA ang binabantayan natin, kundi ang loob?" Cleon asked once again. "Sa dami ng estudyante rito, paano natin malalaman kung sino ang salarin? Isa pa, paano siya nakapasok nang hindi man lang nalalaman ng mga mentors natin na kalaban siya?" "We'll trust no one," sabi ko. "Ngayong tingin natin ay nasa loob na lang ng paaralan ang taong may gawa ng lahat ng 'to, mas maganda na na tripleng pag-iingat ang gagawin natin. Kung paano siya nakapasok ay hindi ko rin alam. Isa lang ang masisiguro ko sa ngayon, hindi basta-basta ang taong may kagagawan nito. Kaya niya tayong paikutin sa palad niya just by his or her ability. Kahit ang mga mentors natin ay kaya niyang paglaruan." "May hint ka na ba kung sino 'yon?" tanong muli ni Cleon. "Xheen, siya pa rin ang primary suspect ko," pag-amin ko. "But on the other hand, tingin ko may kinalaman din ang Black Wizards dito." "Dahil sa athame?" I nodded. "Sila lang ang kilala nating may kakayahan na gumawa ng gano'n. Isa pa, kung may posible man na sumama ang loob sa mga nasa RMA, paniguradong galing siya ng Black Wizards dahil 'yon ang Academy na pinabagsak ng mga mentors natin." Napalingon ako kay Denzell at seryoso lang itong nakatingin sa dibdib no'ng estudyanteng nasa harapan namin, siguro'y nag-iisip siya tungkol sa mga sinabi ko o kaya nama'y ineeksamina ang dyamanteng iyon. Afterwards, hinawakan niya ang dyamanteng 'yon. His fingers lingered on the jewel stucked on the dead student's chest. Nang muli niyang iangat ang kaniyang daliri, nakita ko ang maliliit na sugat na naroon na nagdurugo. "It's sharp, mukhang pinagputulan," ani Denzell at saka nilinis ang dugo sa daliri niya na parang wala lang. Hindi ko naman napigilan na hampasin siya sa kaniyang braso. "Bakit mo hinawakan?! Mamaya niyan, may lason pala 'yan edi ikaw naman ang isa pa sa nakaratay sa tabi ni Miku niyan!" "It's not poisonous," aniya. "But the touch of it is somehow...familiar." "Paanong familiar? Nakita mo na ang dyamanteng 'yan dati?" "I am not sure," aniya. "But I am certain na pareho 'yan sa dyamante na nasa gloves na suot ni Averyl." Agad na naningkit ang mga mata ko at nagpantig ang tenga ko sa narinig. Ibig sabihin ba ay may kinalaman si Averyl dito? Pero paano si Xheen? Hindi kaya magkasabwat sila? "Remember the time I helped her? No'ng natumba siya dahil sa pagbunggo mo sa kaniya?" he asked. I raised a brow. "What about it?" "Iyong dyamanteng nasa gloves na suot niya no'n, kaparehong-kapareho ng dyamanteng 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD