CHAPTER TWENTY-THREE

1805 Words
CIRCE Hindi ko nagawang magsalita nang magdesisyon si Reva na iwan ako sa kwarto na okupado ni Miku, sa kwarto kung nasaan din si Earth. Agad akong napaiwas ng tingin nang pumunta si Earth sa gawi ni Miku na wala pa ring malay ngunit nakita ko sa peripheral vision ko na inaayos niya ang benda sa sugat ni Miku sa braso. Parang gusto ko namang magsisi no’ng mga oras na ‘yon na naging duwag ako sa mga patay na katawan. Hindi hamak siguro na mas madaling tignan ang patay na nasa kabilang kwarto kumpara kay Earth na abala sa kaibigan niyang si Miku. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa kwarto at hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam no’n. Nang muling tumalikod si Earth ay mabilis akong nagnakaw ng tingin sa kaniya. Nakatalikod man, alam kong pagod na pagod na rin siya. I wanted this, ako ang may gusto na magkaganito kami. But I can’t help to think about what Reva said to me. What if nagtake ako ng risk at hinayaan ko na lang na maayos ang pagkakaibigan naming dalawa? Will I be happy? Hindi ba ako mababother nang ganito kung nagkaayos kaming dalawa? Siguro oo, pwede ring hindi. I don’t know. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nakatingin na pala ako nang matagal kay Earth. Dahil doon ay nahuli niya ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya. It was too late for me para magbawi pa ng tingin because he caught me already. Nice, Circe. “Bakit?” he asked. Pakiramdam ko naman ay nag-init ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. I shook my head. “Nothing,” I uttered at saka nag-iwas ng tingin. Imbes na kausapin siya ay pinuntahan ko na lang ang kinaroroonan ni Miku. Alam ko naman kasi na ayaw rin akong makausap ni Earth after of what happened between us. Good thing, hindi niya na rin sinundan pa ng kung ano ang tanong niya. Hindi ko napigilang lingonin siya nang marinig ko ang pag-aayos niya ng upuan. I saw him packing up his things. Inayos niya na rin ang iilang gamit ni Miku na naroon. “You’re leaving?” I asked. Halos tampalin ko ang bibig ko dahil hindi ko napigilan na maisatinig ‘yon. “Yeah,” he answered. “Miku’s fine. Sadyang naubos lang ang lakas niya dahil nilabanan din ng katawan niya ang lason na pumasok sa kaniya. Dahil nasiguro kong okay na siya, pwede na akong umalis. Hinihintay na rin ako nina Xheen. Besides, si Miku lang naman ang ipinunta ko rito,” tuloy-tuloy niyang saad without even looking at me. I understand his treatment pero gayunpaman, hindi ko pa rin mapigilan ang kung anong kurot sa loob-loob ko. Iniisip ko na lang na para naman sa ikabubuti naming dalawa ‘to. Isa pa, he’s happy with his friends right now. Hindi na niya kailangan ng isa pang kaibigan, lalo pa kung gaya ko ang magiging kaibigan niya. He deserves someone who will treat him as a friend and not as a rival. “Sige,” I muttered at saka muling ibinalik kay Miku ang aking mga mata. Pilit kong itinutok sa sugat niyang nagdurugo pa rin sa kabila ng bendang nakalagay roon ang pansin ko. I did my best not to take a single glance kay Earth. Ni hindi na rin ito nagpaalam pa nang makalabas na siya nang tuluyan sa kwarto ni Miku. Wala akong ibang nagawa kundi ang ipikit ang mga mata ko at saka bumuntong-hininga. “You like him?” Mabilis pa sa alas kwatro na naimulat ko ang mga mata ko at saka nagugulat na napatingin kay Miku. “Kanina ka pa ba gising?” I asked. Wala naman akong dapat ikataranta pero hindi ko pa rin mapigilan dahil baka may maisip siyang kakaiba base sa usapan namin ni Earth kanina. “Tinanong kita tapos tinanong mo rin ako pabalik,” ani Miku at saka dahan-dahan na nag-ayos ng higa niya. I couldn’t answer him, but I know I have to. Kung ayaw ko na ng issue with Earth, I have to clear his mind sa mga hindi magagandang naiisip niya between me and my…ex friend. “Sakto lang ang gising ko sa napakacold na pag-uusap ninyo.” “I don’t like him,” I said. “Isa pa, bakit ka ba nakikinig sa usapan ng may usapan? Hindi ka na lang magpahinga riyan at magpagaling.” I hissed at saka siya inirapan. I heard him chuckled a little. “I don’t believe you. Pakiramdam ko may something ka kay—” “Shut up, you dummy!” asik ko sa kaniya at saka inambahan ng suntok ang braso nito. Dahil damaged na ang kanan niya ay inilapat ko na lang sa kaliwang braso niya ang tama no’ng suntok ko. Pasalamat na lang siya, may awa pa ako. “You like him. Halata,” pagpupumilit nito at saka ngumiti pa ng nakakaloko. I glared on him. “No, I don’t.” “You do.” “I don’t sabi, eh!” “Bakit defensive ka?” “I am not!” asik ko. “Kairita ka!” “Kung gusto mo, ilalakad kita kay Earth,” patuloy na pang-aasar niya. Hindi ko na naman tuloy napigilan na irapan siya. Akala ko ba tahimik ang isang ‘to? Bakit dumadaldal nang ganito ngayon? Hindi kaya…may epekto sa utak niya ang lason na pumasok sa katawan niya? “Pero kailangan mo munang maging mabait sa akin bago kita ireto sa kaibigan ko,” dagdag niya. I showed him a very sarcastic smile. “I don’t like Earth! Huwag kang issue—” “Bakit narinig ko ang pangalan ko?” Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni— “Earth, pare,” ani Miku at saka muli akong nginitian nang nakakaloko. Pinanlakihan ko naman siya ng mata ngunit sadyang matatag ang isang ‘to at hindi man lang natinag. Oh no…this ain’t happening! “Maraming salamat nga pala sa pag-alalay sa akin,” ani Miku. “Sobra kong naappreciate at sobra ring naappreciate ni…” Napatingin siya sa akin kaya muli ko siyang sinamaan ng tingin, “nina Reva, pare.” Good thing na nakatalikod ako sa gawi ni Earth kaya hindi niya pa nakikita ang reaksyon ko. Huwag lang san ana maiisipan niyang lumapit sa gawi ko o hindi kaya’y sa pwesto na makikita niya ang mukha ko dahil kapag nagkataon, malalaman niya agad na may itinatago ako. “Wala ‘yon, basta ikaw,” aniya. “Bakit pala parang pinag-uusapan n’yo ako?” Natawa si Miku matapos itanong ni Earth ‘yon. Pasimple ko namang pinisil ang balat niya sa binti kaya napadaing siya sa sakit. “H-Hindi ikaw ‘yon,” depensa ko. “Kapangalan mo lang. ‘Di ba, Miku?” “Ika—aray! Oo na! Hindi na ikaw ‘yon, pare,” ani Miku nang mas diinan ko ang pagkakapisil sa balat niya. Mabilis kong inalis ang kamay ko roon at saka siya nginitian. Unfortunately, Earth went on Miku’s right side kaya ngayon ay magkatapatan na lang kami. Agad kong naiiwas ang tingin ko. “May masakit ba sa sugat mo?” tanong nito sa kaibigan. I can’t help but ask kung bakit napakabait ni Earth sa mga nagiging kaibigan niya, even to me. Palaging inuuna niya ang mga kaibigan niya kesa sa sarili niya. I remember the time I scolded him about it. Sabi ko’y subukan niya naman maging selfish paminsan-minsan dahil kung ganyan siya kabait, hindi malabo na itetake for granted siya ng ibang tao. But he won’t do it. Ang mahalaga raw sa kaniya ay nagagawa niyang makatulong lalo pa sa mga taong mahalaga sa kaniya. Hindi ko naman napigilan ang pag-aalala nang makita kong ginagamit niya na naman ang abilidad niya para suriin ang sugat ni Miku sa braso. “He’s fine, you don’t have to do that,” ani ko. “Napisil ko ang binti niya kaya siya dumaing kanina. It’s not because of his wound,” pag-aamin ko. “Okay lang, para na rin makasiguro,” aniya. Hindi ko naman napigilang mapailing dahil sa sagot niya. He’s still the hard-headed Earth na kilala ko noon. Ayaw niya pa ring makinig kahit pa nakasasama  na sa kaniya ang kaniyang ginagawa. Earth confessed to me one time, no’ng magkaibigan kami. He said na sa bawat panggagamot na gagawin niya, malaking porsyento ng lakas niya ang nawawala sa kaniya. It is because healing is not a scope of his ability, rather, he did his best to learn it, na isagad ang kung ano pang maaaring makayanan ng katawan niya. But learning something outside your ability has a great impact in your body’s energy. Hindi ko alam kung sinabi niya rin ‘yon sa iba niyang kasamahan pero mukhang hindi dahil wala namang ginagawa si Miku para pigilan siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na patigilin siya when he’s taking series of deep breathes. Hinawi ako ang kamay niya na naroon sa sugat ni Miku at saka siya seryosong tinignan. Seryoso rin ang mga tingin na ibinalik niya sa akin. “I said, okay lang si Miku. Hindi mo na kailangan pang gawin ang bagay na ‘yan,” sabi ko. “Para lang makasigu—” “He’s fine, Earth,” sabi ko na binibigyang diin ang bawat salita. “Alam na alam mo kung bakit kita pinapatigil.” Hindi siya nakasagot but I saw him sighed. That confirms my thought. Hindi alam nina Miku na may gano’ng nangyayari sa kaniya but I can’t help but wonder why. Bakit hindi niya sinabi sa mga kaibigan niya gayong sila naman ang mas kasama niya kesa sa akin? “Pare, ayos na ako,” ani Miku. Siguro’y nahalata rin nito ang tensyon sa pagitan namin ng kaibigan niya. Napayuko na lang si Earth at doon ay napansin ko ang simpleng ngiti sa labi nito. Mabilis din iyong nawala. Napaiwas ako ng tingin nang mag-angat siyang muli ng tingin sa amin. “Okay,” aniya. “Bumalik lang naman kasi ako dahil may nakalimutan ako,” dagdag niya. “What is it? Kunin mo na para makaalis ka na rin,” sabi ko at saka tinalikuran siya. “I forgot to say goodbye to you kaya ako bumalik,” aniya. Awtomatiko naman akong napatigil sa paglalakad at saka nahigit ang paghinga ko. I looked at Miku and he’s smiling from ear to ear. Nang bumalik kay Earth ang tingin ko ay nakatingin na rin ito sa akin. “I’ll go now, Circe,” aniya. “Bye.” Pakiramdam ko ay nag-init na naman ang pisngi ko, but this time, hindi na dahil sa kahihiyan iyon. “B-Bye, Earth.” Bumaling siya sa kaibigan. “Alis na ako, pare,” aniya. “Sige, pare. Akala ko pa naman dahil sa akin kaya ka bumalik. Muntikan na ako ma-touch, biglang umurong,” sagot ni Miku at saka natawa. Maging si Earth ay natawa sa tinuran niya. Wala naman akong ibang nagawa kundi mag-iwas ng tingin. Naghuhurumintado ang dibdib ko dahil sa nangyari. Hanggang sa makaalis si Earth ay hindi pa rin kumakalma ang bilis ng t***k ng puso ko. “Ang sweet ni Earth, ‘no?” Awtomatikong sumama ang tingin ko kay Miku. Naroon na naman ang nakakalokong ngiti niya. Ngunit sadyang matibay talaga ang isang ‘to dahil kahit na anong sama ng tingin ko sa kaniya ay hindi siya natitinag. I hissed. “Shut up!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD