CHAPTER SEVEN

1312 Words
AVERYL “Sometimes, ang weird ni Cosmo, ano?” ani Xheen sa akin habang abala kami sa pamimili ng kakainin naming dahil break na. “Pero sa kanilang lima, siya lang ang normal,” dagdag niya at saka dumampot ng chicken sandwich na paborito niyang bilhin ditto sa cafeteria. “Pati si Denzell din naman,” sabi ko. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa para sa akin kanina. Hindi ko ang inasahan na sa dami ng tao ng Academy na ito, si Denzell pa ang tutulong sa akin sa alanganing sitwasyon na ‘yon. “Uy, pinagtatanggol si Denzell,” sabi ni Xheen na may bahid ng pang-aasar sa boses niya. “Crush mo na ba?” Inirapan ko siya. “Porke napuri lang, crush na agad?” “Oo nga naman, Xheen,” pagsang-ayon ni Ryker at saka ako inakbayan. Pilit ko namang inaalis ang kamay niya pero sadyang matibay ito at ibinabalik lang kada tatanggalin ko. “Ako nga hindi nagugustuhan ni Averyl, si Denzell pa kaya? Hindi hamak naman na mas lamang ako ng isang libong paligo roon.” “Naliligo ka pala, pare?” pang-aasar ni Earth sa kaibigan. Gladly, napabitaw sa pagkakaakbay si Ryker at saka pinag-initan si Earth. Naiiling na lang ako habang tinatapos ang order ko nang makabalik na kami sa mesa namin. “Tingin mo, anong challenge kaya ang kahaharapin natin para maging defender?” tanong ni Xheen habang ang mga mata ay naroon kina Ryker na nagbabayad pa sa counter. “Sana naman hindi gano’n kahirap.” Napalabi ako. “They need to know what we are capable of kaya tingin ko ay mahirap ang challenge na ibibigay nila.” Nangingiti na humarap sa gawi ko si Xheen kaya nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung para saan ang ngiti niya pero wala pa man siyang sinasabi ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. “Kung sakaling magkakagusto ka kay Denzell, boto ako sa inyo,” aniya. Sinasabi ko na nga ba. Napailing na lang ako sa tinuran niya. “Masyadong magulo kung si Denzell ang gugustuhin ko. Sagad sa buto kaya ang inis ni Reva sa akin.” “So, kung hindi naiinis ang kapatid niya sa’yo, magugustuhan mo si Denzell?” saad nito kaya bahagya akong natawa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at gano’n na agad ang lumalabas sa bibig niya. Mabait si Denzell, oo. Iniligtas niya ako, oo. Pero hindi pa rin sapat iyon para gustuhin ko siya. Masyadong mabilis at wala pa sa isip ko. “Kumplikado,” tanging nasambit ko at saka siya inunahan sa paglalakad papunta sa mesa namin dahil tapos na rin sina Ryker sa binabayaran nila. “Sayang naman, ang cute n’yo pa namang dalawa kung sakali,” ani Xheen na ipinipilit pa rin ang pang-aasar hanggang sa makarating kami sa pwesto namin. Naupo na rin sina Ryker sa pwesto nila. “Kung sana si Denzell na lang nasa grupo natin, baka mas masaya pa tayo,” dagdag niya. “Sino naman ang aalisin mo sa grupo kung sakali?” tanong ko rito kahit mukhang alam ko na kung sino ang tatanggalin niya. Iisang tao lang naman kasi ang kabayangan lagi ni Xheen. “Si Earth syempre,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan. “Gano’n ba talaga kapag gwapo, palaging nakikita?” ani Earth. I rolled my eyes because of what he said. Masama na talaga ang pagsama-sama niya kay Ryker. Umismid si Xheen. “Tingin mo naman, gwapo ka? Ew!” “If I know, crush mo lang ako kaya ka gumaganyan,” pang-aasar ni Earth na tinawanan naman ni Ryker. Ang damuho, nakikigatong pa. “In your dreams, uy!” Xheen exclaimed. “Kung magkakacrush na lang din ako, hindi sa gaya mong malakas ang hangin!” “Kesa naman sa’yo na malakas ang topak,” pagbawi ni Earth. “Sino kaya sa atin ang nagsabi na huwag muna akong matutulog kahit na inaantok na ako?” “Kasi magpapatulong pa dapat ako!” “Magpapatulong? Eh, no’ng tinatanong kita kung bakit, sabi mo lang sa akin wala. Saan ka magpapatulong? Sa wala?” “Atat ka lang talaga masyado! Hindi ka marunong maghintay!” “Okay, sabi mo, eh,” pagsuko ni Earth at saka nagkibit-balikat. Inalis niya kay Xheen ang tingin niya at saka nilantakan na lang ang pagkaing binili niya. “Okay,” ani rin ni Xheen at saka inabala ang sarili sa pagkain. Nanahimik naman kaming tatlo dahil sa sabatan nila. Malamang ay pare-pareho naming hindi alam ang sasabihin sa kanilang dalawa. “Nag-uusap kayo?” tanong ni Miku out of nowhere. Napatingin ako sa kaniya pero nasa pagkain lang na kinakain niya nakapako ang kaniyang mga mata. “Hindi sila nag-uusap, nagsisigawan sila,” ani Ryker na bahagya pang natawa. “Buti pa ako, walang ibang problema maliban sa kapogian ko.” Napaamang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Masyado atang masama kay Ryker ang nahahanginan dahil habang tumatagal, palala nang palala ang kayabangan niya sa katawan. Ewan ko ba kung saan niya hinuhugot ang lakas ng loob niya para magsabi ng mga ganyang salita. Wala man lang ba siyang kahit konting hiya? Dahil tahimik si Earth ay si Miku ang kinulit nang kinulit ni Ryker kahit pa tanging bahagyang pagtawa lang ang isinasagot ni Miku sa mga kwento ni Ryker. Hindi ko na rin narinig na nagsalita ulit si Xheen matapos ang bangayan nil ani Earth. Siguro’y nawala na rin siya sa mood. “Saan tayo after nito?” tanong ko sa kanila nang maisip ulit ang challenge na binanggit nina mentor Cassy kanina. “Gusto n’yo magpractice tayo?” tanong din ni Ryker. Panay pagtango lang naman ang nakuha naming mula sa iba. “Wow, ako na ‘tong nagtatanong pero tango lang isinasagot n’yo, ha. Ako na ‘to, guys.” “Hindi ka naman espesyal,” pagtataray ko. “Okay lang ‘yan, ‘ryl,” aniya. “Alam ko naman na gwapong-gwapo ka rin sa akin, ayaw mo lang aminin.” Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. Naiintindihan ko rin naman na nasobrahan sa pagkapasma ang bibig niya kaya ganyan na ang pinagsasasabi niya. Sadyang mapagbiro lang talaga si Ryker madalas. Nang matapos kaming kumain ay sabay-sabay na kaming pumunta sa gubat na bahagi sa may baba ng burol ng Academy. Bumalik na rin ulit ang daldal at sigla nina Xheen at Earth dahil ito at inaasar na naman ako ni Xheen kay Denzell. “Tigilan mo na ang pagtutulak kay Averyl kay Denzell, Xheen,” sabi ni Ryker. “Nandito naman ako, bakit pa kayo titingin sa iba, ‘di ba?” “Akala mo naman talaga ang daming kagusto-gusto sa kaniya,” naiinis na turan ko. Sinadyan kong lakasan para maririnig talaga ni Ryker. “Marami naman talaga, ayaw mo lang aminin,” aniya. “Kainis-inis, oo pero kung kagusto-gusto? Wala.” “OMG!” Awtomatiko akong napitigil sa paglalakad dahil sa biglaang pagtili ni Xheen at sa mahigpit na kapit niya sa braso ko. Sinundan ko ng tingin ang mga mata nito at doon ay nakita ko ang grupo nina Reva. Nakatingin din sila sa amin at parang may sariling buhay agad ang mat ani Reva dahil gaya ng nakasanayan ay inirapan niya ako. Napatingin ako kay Denzell at nginitian niya naman ako. Bahagya rin akong ngumiti sa gawi niya. “Pangiti-ngiti pa, eh, mas killer smile naman ang ngiti ko kumpara sa kaniya,” komento ni Ryker na nasa likuran ko. Alam na alam niya talaga paano manira ng mood. We stood there hanggang sa lumapit si Reva sa gawi naming. She crossed her arms while raising her brow on us. “Anong ginagawa n’yo rito?” panimula niya. “Don’t tell me…” “Oo, magpapractice rin sana kami,” ako na ang sumagot. Her lips automatically rose. “Eh, kaso nauna na kami.” “Masyado namang malaki ang lugar na ‘to para solohin n’yo,” ani Xheen. “Sharing is caring, alam mo ba ‘yon?” “I don’t talk with minors,” sagot ni Reva rito. “Xheen’s right, Reva,” ani Denzell na hindi ko namalayan na nakalapit na sa amin. “Pwede rin naman silang magpractice rito kasama natin.” Reva rolled her eyes. Ang kaninang masamang mukha niya ay mas sumama pa dahil sa sinabi ng kapatid. “Shut up, Denzell. Nauna tayo kaya dapat lang na umalis sila.” “Unless…” Circe said after landing on the ground. “Unless?” hindi ko naiwasan ang kuryosidad ko. “Unless you want to have a practice battle with us."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD