CHAPTER TWENTY-FOUR

1533 Words
REVA “Nasaan na si Earth?” bungad ko kina Circe at Miku. Naabutan ko pang tawang-tawa si Miku and I don’t understand kung anong nakakatawa sa nangyayari sa kaniya. Awtomatiko namang nawala ang ngiti sa labi niya nang makita niya na kami. “Why? What happened?” tanong ni Circe sa amin. “Nagkasalisihan kayo. Nakaalis na siya kani-kanina lang,” dagdag niya. “We need to talk to his friends,” ani ko at saka lumingon kay Miku. “Tingin namin may kinalaman ang mga kaibigan mo sa nangyari sa ‘yo.” Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Miku. “Ano na namang pambibintang ‘yan?” “Ang nakita naming dyamante na nakatarak sa dibdib no’ng namatay na estudyante, kaparehong-kapareho no’ng dyamanteng nasa gloves ni Averyl,” sabi ko. “Isa pa, we’re dealing with someone who can manipulate time at alam na alam mong kaya ni Xheen na gawin ‘yon—” “Kung nasa full ability niya siya, maaari,” ani Miku. “But that’s impossible—” This time, ako ang pinangunutan ng noo. “What’s so impossible about that? Nakakalimot ka na ba na hindi natin alam ang pinagmulan ni Averyl?” “Teka, akala ko ba si Xheen? Bakit napasok si Averyl?” ani nito na tila litong-lito. “May balak ka bang bintangan lahat ng mga kaibigan ko?” “Magkasabwat silang dalawa,” I said. “Reva, you’re not sure about that,” pag-aawat ni Denzell sa akin. “Sabi ko naman sa’yo, hindi tayo mambibintang hangga’t wala tayong konkretong ebidensya.” I hissed. “Hindi ko alam kung anong ebidensya pa ang kailangan mo, Den!” I said, iritable. “Nariyan na lahat sa harap natin, igagrab na lang natin but you’re choosing to free those monsters na sumisira sa Academy!” “That’s not true,” depensa nito sa sarili. Hindi ko alam kung bakit kami na ni Denzell ang nagtatalo where in fact, I came here para isiwalat kay Miku ang katotohanan. “The jewel might be the same with Averyl’s gloves, the real culprit’s ability might be the same with Xheen pero hindi sapat ang mga bagay na ‘yon para sabihin natin na sila nga ang may gawa nito sa Academy. Hindi naman natin sila naabutan sa akto na may ginagawang masama.” “With that kind of mindset, hindi talaga natin mahuhuli ang kung sinong sumasabutahe sa RMA!” singhal ko rito. “For once, think like an actual defender and stop defending those monsters—” “May pangalan sila. At least respect that fact and call them by their names,” singit ni Miku sa amin. Inirapan ko naman siya. “If they’re ruining RMA, our only Academy and our home, hindi nila deserve ang respeto mula sa akin,” sabi ko. “Not because you’re friends with them ay dapat mong depensahan ang mga maling nagagawa nila! Hindi ka tunay na kaibigan kung itotolerate mo ang mga ganitong actions nila!”   “Kung mapapatunayan mo na sila talaga ang may kagagawan nito, hindi ko sila dedepensahan nang ganito, Reva,” Miku said. “Kumpara sa ‘yo, mas kilala ko sila at hindi nila gawain ang manakit ng kaibigan. Huwag mo silang igaya sa ‘yo.” I scoffed. I couldn’t believe na talagang ikinukumpara niya sa akin ang dalawang ‘yon. Knowing that they’re doing something wrong to this Academy, mas masahol pa sa akin ang ugali nila. “That’s enough. Wala kayong mapapala sa pag-aaway ninyo,” pag-awat ni Circe. “Hindi kayo ang magkaaway rito. Dapat nga nagtutulungan pa kayong dalawa dahil ayon ang responsibility natin bilang defenders ng Academy. Kung tayo mismo ang magtatalo-talo, don’t expect na maayos nating mapapamahalaan ang RMA.” “Kung titigilan lang nitong dalawa ang pagpoprotekta kina Averyl at Xheen, hindi naman ako makikipagtalo,” saad ko. “Kung laging awa ang pagaganahin, hindi talaga natin makukuha ang hustisya para sa RMA.” “My friends are innocent until proven guilty—” I rolled my eyes as I cut his words off. “Well, your friends aren’t as innocent as you think they were,” sabi ko at saka isa-isa silang minata. “Pwede kayong magbulag-bulagan lahat but not me. Hindi ko hahayaan na magtagumpay ang dalawang ‘yon sa kung ano mang binabalak nila para sa Academy!” “Reva, calm yourself at pag-isipan mo muna lahat—” I cut Denzell off. “Kung nag-aalala ka na baka madamay ka kung sakaling mali ako, don’t worry, hindi kita isasama sa kahihiyan—” “That’s not what I’m trying to say—” “Oh? Gano’n kasi ang dating sa akin, eh!” Napapikit ako matapos kong magtaas ng boses. “Natatakot kang umakto nang maaga kasi ayaw mong mapahiya kung sakaling mali ang husga mo and I am so disappointed because I expected you to be so much more than this! Den, this is so not you! Anong nangyayari sa ‘yo?! Why all of a sudden, takot na takot ka kumilos?!” “Dahil alam kong mas malakas sa atin ang kinakaharap natin ngayon,” he said at saka napahilot sa sentido niya. “I won’t worry kung buhay ko lang ang pinag-uusapan pero kailangan ko ring isaalang-alang ang lagay mo! Habang hinahabol mo ang tunay na may kasalanan, mas inilalapit mo sa kapahamakan ang sarili mo, Reva, at hindi kita pwedeng pabayaan dahil kapatid kita! I can’t lose you dahil ikaw na lang ang mayroon ako!” “You don’t have to protect me—” “I know, I know, because you’re a grown-up woman now at proud ako na naging ganyan ka katatag,” he said. “But that doesn’t change the fact na kapatid kita at bilang lalaki sa atin, gusto kitang protektahan! I am not doing this because I have to, I am doing this because I want to kaya sana hayaan mo na lang ako. Huwag kang kikilos nang hindi ko alam, huwag kang gagawa ng kahit na ano na wala ako. Dahil kung may mangyayaring masama sa ‘yo, hindi ko alam kung anong magagawa ko.” Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lang kay Denzell ang mga mata ko at bakas na bakas din sa kaniya ang pagiging seryoso niya sa lahat ng sinabi. Honestly, I do appreciate it. Lahat ng ginagawa niya, naaappreciate ko ‘yon dahil alam kong para sa kabutihan ko kaya gano’n ang gusto niyang gawin. I know, gusto niya akong protektahan but how am I supposed to grow kung palagi siyang nandiyan? Kung palagi niya akong babantayan? Sa buhay namin bilang nalalayo sa mga mortal, wala kaming kasiguraduhan. Paano kung isa sa amin ang unang mawala? Kung masasanay ako na nandiyan siya, paano ako gagalaw kapag nawala siya? Gano’n din kung sakaling sa akin may mangyaring masama. “I’m sorry, Den,” I said, sincerely. “I have to do this for RMA.” “Reva—"  Hindi ko na hinintay pa na matapos niya ang sasabihin niya at mabilis na akong umalis sa kwartong kinalalagyan ni Miku. I must’ve hurt Denzell’s feelings, but I have no choice. I have a responsibility to fulfill at ayokong biguin ang mga mentors namin. This is the only way I can repay RMA’s goodness sa pagkupkop sa akin. Kaya kung pipili man ako kung kapatid ko o paaralang ito, I’ll choose RMA nang hindi nag-aalinlangan. “Reva! Wait!” Agad akong napalingon nang marinig ko ang isang pamilyar na boses, kasunod no’n ay ang pagsara ng pintong nilabasan niya. Tamad na tamad ko naman siyang hinarap. “What now, Cleon?” I asked. “Kung pipigilan mo rin ako gaya ng ginagawa ni Denzell, bumalik ka na lang sa loob dahil kahit anong pigil n’yo sa akin ay hindi n’yo na mababago ang isip ko.” Akmang tatalikod na ako sa gawi niya nang higitin nito ang braso ko. Mabilis ko namang iwinaksi ang pagkakahawak niya sa akin at saka naghanda sa paggawa ng isang portal na magdadala sa kaniya sa ibang dimensyon. “Easy, hindi ako narito para makipag-away o makipagtalo sa’yo,” aniya. “In fact, I am here to help you.” Natigilan ako sa narinig. Ibinaba ko rin ang kamay ko na nakahanda na sa pagkumpas para sa portal, maging ang mga mata ko ay bumalik sa normal na kulay nito. “Tutulungan mo ‘ko?” He nodded. “May kasalanan pa ring dapat pagbayaran sa akin si Averyl,” aniya. “But I’ll only help you in one condition.” I raised a brow. “What is it?” He smiled. “Kung tunay na isa talaga siya sa mga may kasalanan sa lahat ng ‘to, let me kill her. Hitting two birds in one stone, it is.” Napasinghap ako sa narinig. It was not in my list to kill them, hindi si Averyl o kay Xheen. Wala akong balak na dumihan ng dugo nila ang mga kamay ko. My original plan is to let the Academy know about it at ang ibang estudyante mismo ang magbibigay ng hatol sa kanila. Knowing Averyl’s reputation simula no’ng pinatay niya si Tyler, paniguradong uhaw na uhaw siyang gantihan ng iba. But on the other hand, lugi ako kung dalawa mismo sina Xheen at Averyl ang magkakampi tapos mag-isa lang akong tumutugis sa kanila. I need someone who can back me up at dahil kayang-kaya ko si Xheen, kailangan ko ng mas magaling kay Averyl and Cleon’s the right person for that. “Deal?” he asked as he reached his hand on me. Tinitigan ko lang ‘yon sa loob ng ilang segundo bago ko naisipang tanggapin ang alok nito. “Deal.” Lumawak naman ang ngiti ni Cleon dahil doon. I just hope na hindi ako nagkamali ng desisyon. Wala naman akong pananagutan kung sakali. Kamay naman ni Cleon ang madudungisan at hindi naman sa akin. As long as mananatiling malinis ang kamay ko, hindi ko siya pakikialaman sa gagawin niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD