CHAPTER THIRTY-FOUR

3304 Words
XHEEN “Xheen, wake up.” Nagising ako sa marahang pagtapik ni Averyl sa braso ko. Iniangat niya naman ang dala-dala niyang supot at base pa lang sa lalagyan no’n ay alam ko na agad na pagkain ang dala-dala niya. Pipikit pa sana ako ulit pero mabilis na pinitik ni Averyl ang noo ko kaya naalimpungatan ako. I pouted ngunit ang isa ay tatawa-tawa lang matapos ang ginawa niya. Bumalikwas ako ng bangon at agad napakusot sa mata ko bago ko tuluyang hilutin nang bahagya ang sentido ko dahil sa bahagyang pagkirot no’n. “I got us dinner kasi alam kong hindi na tayo makakababa para kumain pa kaya rito na lang tayo kakain,” she said at saka ako nginitian. She tapped my arm a little bago tuluyang inayos sa mesa ang mga pagkain na dala-dala niya. Hindi ko naman napigilang lihim na pasalamatan si Averyl dahil sa ginagawa nito para sa akin. Alam kong may oras na hirap na rin siyang intindihin ako pero wala akong naririnig na reklamo galing sa kaniya. Ramdam na ramdam ko rin ang respetong ibinibigay niya sa akin kada may hindi ako masasabi sa kaniya. Kaya hindi na rin nakakagulat na talagang sa kaniya ako mas napalapit because unlike what other thought of her, nakilala ko siya bilang isang selfless na Averyl. Naglinis lang ako sandali ng sarili bago ko siya dinulugan sa mesa. I smiled when I saw that she got us light meals. Alam na alam ni Averyl na hindi na ako kumakain ng mabibigat sa tiyan na pagkain kapag hapunan na at gano’n din siya. Sa tagal ba naman naming magkasama, paano pa kami hindi masasanay sa isa’t isa? But still, I appreciate her thoughtfulness. “Kumusta naman ang pakiramdam mo?” she asked me habang abala siya sa pag-aasikaso sa kakainin niya. “Okay naman na kahit papaano,” sabi ko. “Medyo masakit lang ang sentido but bearable naman so no worries.” “Ayng pala,” aniya kaya napatingin ako sa kaniya. “Ariadne and I crossed paths earlier at pinapasabi niya na get well soon daw.” Nangiti naman ako sa sinabi nito. Si Ariadne ang unang nakakita sa akin no’ng nag-umpisa ang pagkaliyo na naramdaman ko and I think it’s so sweet na naisip niya pa rin ako. “I’ll thank her tomorrow,” ani ko kaya nangiti naman si Averyl. Naging abala kami sa pagkain at may mga oras na nag-uusap kami ni Averyl tungkol sa mga bagay-bagay at ibang kaganapan sa Academy. She even said sorry dahil nabanggit daw ni Ariadne sa kaniya na naliyo ako at iniisip niya na baka ang pagnanais niya na makatulong kami kina Reva ang isa sa mga dahilan. I assured her naman na okay na ako at wala naman siyang dapat ipag-alala dahil tingin ko naman ay walang ambag ang nangyaring training sa kung ano ang naramdaman ko. I helped her cleaned up nang matapos kami sa pagkain pero sadyang makulit si Averyl at ni hindi na ako pinatulong sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin bagkus ay sinabihan niya na lang ako na magpahinga. Dahil wala na rin akong nagawa laban sa sinabi niya ay sinunod ko na lamang ‘yon. “Xheen,” she called. “What do you think of Ariadne?” Nangunot naman ang noo ko sa biglang pagtatanong niya no’n. “Okay lang naman siya. She’s kind, reserved, pero grabe ang admiration niya sa ating lahat. I appreciate her presence. Bakit mo natanong?” “Wala naman,” aniya. “Kanina kasi sa labas natanong niya ako kung ano raw ang kaya kong gawin sa mga nagtatraydor sa Academy. Kumbaga ay para sa RMA na nagsilbing tahanan na natin.” Nahiga ako at saka lumingon sa gawi ni Averyl kahit pa may cabinet na naghihiwalay sa kinaroroonan ko at kinaroroonan niya. “Anong sinabi mo?” “Like the usual, na wala sa kamay natin ang judgment para sa bagay na ‘yon,” aniya. Napatango ako nang bahagya. Typical, Averyl. “Hindi naman ang tanong niya o ang sagot ko ang iniisip ko,” aniya kaya muli ko siyang nalingonan. “Ano pala?” I asked. “Iyong sagot niya, ‘yon ang gumugulo sa akin,” saad ni Averyl. Narinig ko naman na pinatay na niya ang tubig sa kung saan siya naglilinis ng mga pinagkainan namin bago ay pumunta na sa kama niya habang nagpupunas pa ng kaniyang nabasang kamay. “Ano bang naging sagot niya sa sarili niyang tanong?” tanong ko. “She said she’s willing to kill for RMA,” aniya at saka nahiga rin sa kaniyang higaan bago lumingon sa gawi ko. “Hindi ko lang inasahan kasi ang ineexpect ko ay inosente si Ariadne. Iyong tipong hindi makabasag pinggan, gano’n.” “You can’t expect people to reach our expectations, Averyl,” sabi ko at saka bahagyang natawa. “Isa pa, never judge a book by its cover, ‘di ba? Ilang araw pa lang nating kasama si Ariadne. Masyado lang siguro tayong nabubulag ng appearance niya kasi kahit ako rin naman ay hindi ko naiisip na kaya niya ang gano’n but it’s kind of fantastic.” “Fantastic? In what way?” “Na she’s willing to surpass her limits para sa Academy,” saad ko. “Ibig sabihin lang no’n ay pinahahalagahan niya nang sobra ang RMA. Hindi lahat ng estudyante rito ay gaya niya and not to mention na isa siya sa mga mortal na narito sa Academy, ha.” Umayos siya ng pagkakahiga, sa kung saan ay nakatingin siya sa kisame, at saka nangiti kalaunan. “Kung sabagay,” aniya. “But still, if worst comes to worst, mas maganda pa rin na hayaan natin na sina mentor Cassy ang magpataw ng parusa sa sumisira sa RMA dahil kahit pa defender na sina Reva, hindi pa rin nila dapat kantiin ang taong ‘yon, lalo pa’t hindi lang naman basta-basta ang taong ‘yon.” “Sa pasensyang mayroon si Reva, malabo ‘yan,” ani ko at saka ginaya ang posisyon niya sa paghiga. “Kahit pa may abilidad na tayo, kahit pa naturuan na tayong ihandle ang galit sa puso natin, wala pa rin naman tayong magagawa kung ‘yon ang emosyong maghahari sa atin, eh. Mahirap kalaban ang sarili, Averyl.” I heard her sighed. “Isa sa pinakamahirap na kalaban nga naman ang sarili natin mismo. I hope when that time comes, magawa pa rin natin—o ‘di kaya’y ni Denzell na pigilan si Reva.” I closed my eyes. “I hope…” Hindi ko na siya narinig pang sumagot no’n at tuluyan na rin akong nagpalamon sa antok na kanina pa lumulukob sa akin. Kinabukasan ay tunog ng tubig ang siyang gumising sa akin. Nang magmulat ako ng mata ay wala na si Averyl sa higaan niya. I looked at my bed side clock at nakita kong oras na ng paggising ni Averyl kapag ganitong oras. Inayos ko na rin ang higaan ko at saka pumili na ng susuotin ko. Wala naman kaming msyadong damit sa ganito, puro pantraining na damit ang mayroon kami o hindi naman kaya’y uniporme ngunit dahil wala naman kaming nagiging klase dahil wala ang mga mentors namin ay damit pantraining na lang ang inihanda ko. Mukha kasing kailangan ko na ring magtraining ulit. Saktong natapos ako sa paghahanda ay nakalabas na rin ng banyo si Averyl kaya agad kong dinampot ang towel ko at pumalit sa kaniya sa banyo. Nang magawa kong isabit sa rack na naroon sa banyo ang towel ko ay hindi ko napigilang tignan sa salamin ang sarili ko. Wala ng kahit na anong tanda no’ng kulay berdeng liwanag na nakita ko sa banyo kahapon, ang kaparehong berdeng liwanag na nakita ko sa mga mata ni Averyl no’ng nakaraan. Hindi ko rin maipaliwanag kung normal lang ba ang gano’n sa amin o talagang may kakaibang nangyayari sa katawan namin. Kahit pa sinabi n ani Averyl sa akin na huwag kong pagdudahan ang sarili ko ay hindi ko maiwasan. Oo, alam ko kung saan ako nagmula ngunit paano kung hindi naman pala talaga ‘yon ang tunay kong pinagmulan? Who knows kung ano ang kaya pang gawin ng mga kaaway namin. I summoned my ability at kahit balot na balot ng kaba ay sinubukan kong manipulahin ang mga bagay na naroon sa banyo. Wala naman akong naramdamang kakaiba sa sarili ko—no’ng una. Habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng paghurumintado ng dibdib ko kaya mabilis kong ibinaba ang lahat ng bagay na iniangat ko sa ere ngunit dahil sa biglaang pagkawala ng kontrol ko sa abilidad ko ay nabasag ko ang pinaglalagyan ng bulaklak na naroon sa banyo. Napalunok ako dahil sa nangyari. Ramdam na ramdam ko rin ang pagtagaktak ng mga butil ng pawis sa noo at maging sa leeg ko. “Xheen, okay ka lang ba?” tanong ni Averyl mula sa labas. “O-Oo, a-ayos lang,” saad ko. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa mga kamay ko at sa vase na nabasag sa sahig. Isa-isa kong dinampot ang bawat piraso no’n dahil natatakot na akong gamitin muli ang abilidad ko sa gano’n. My ability’s out of control sa hindi malamang dahilan. Ngunit…bakit? Napasandal ako sa pader at saka hinayaang tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko matanggap na ganito ang nangyayari sa katawan ko. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit ako nagkaganito. Dahil ba sa sumobra ang enerhiyang lumabas sa akin no’ng nagkasagupa kami ni Reva? Wala akong ibang makitang dahilan kundi ‘yon lang. Hindi kaya…ang kulay berdeng kulay sa mga mata namin ay nangangahulugan na malapit ng maupos ang abilidad na mayroon kami? Paano na ako kung tuluyang mawala ang abilidad ko? Pinahid ko na ang luhang lumandas sa magkabilang pisngi ko at saka nagmamadaling naglinis ng sarili dahil ayoko namang mahuhuli rin sa oras ng usapan si Averyl dahil sa kupad ng kilos ko. I composed myself before going out of the bathroom. Sinalubong naman ako agad ng mga mata ni Averyl. “What happened? Narinig ko na may nabasag kanina,” aniya. I faked a smile. “Nasagi ko kasi ‘yong…’yong ano…lalagyan ng bulaklak kaya ayon…nabasag.” Rumehistro naman ang kakaibang pag-aalala sa mukha niya. “Are you really okay, Xheen? I mean, gusto kong irespeto ang privacy mo but I’m really worried.” “I’m fine,” I said then smiled. “Nasagi ko lang talaga ‘yong lalagyan ng bulaklak.” I saw her sighed dahil sa sinabi ko. Alam ko naman na hindi kapani-paniwala ang rason ko but good thing na hindi na rin nagtanong pa si Averyl. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Ayoko naman kasing pag-isipin pa siya lalo kung malalaman niya ang nangyari sa akin sa banyo kahapon. Paniguradong mag-aalala siya nang sobra kapag nalaman niyang hindi ko na nakokontrol ang abilidad ko. I mean, sino ba namang hindi? Sa dami naming may abilidad dito, ako pa lang ata ang kauna-unahang may ganitong issue, na kung saan mas lumalamang na ang abilidad ko sa pagkontrol sa akin kesa sa ako ang kumontrol dito. Mabilis akong nag-ayos ng sarili. May mga pagkakataon pa ring nahuhuli ko si Averyl na tumitingin sa akin ngunit gano’n lang ang ginagawa niya at hindi na nagtatanong pa. Hanggang sa makababa kami ng dorm at makarating kami ng building 1 ay wala na siyang sinabi pa sa akin. “Oh, nariyan na pala sila,” ani Ryker nang makita kami. “Good morning, Ave—” “Huwag mo ‘kong asarin agad, mokong!” asik naman ni Averyl sa isa at saka ito inirapan. Hindi ko naman napigilang mapailing dahil ang aga-aga pa ay ito na naman sila. “Asar agad? Hindi ba pwedeng binabati ka lang?” ani naman ni Ryker. “Ang aga-aga, ang sungit mo na agad.” “May oras ba na hindi ka sinungitan ni Averyl, Ryker? Wala naman ata,” ani Cosmo. “Pero kahit na gano’n ay parang bago lagi ang bagay na ‘yon para sa ‘yo.” “Malay mo lang naman kasi bumait din ang isang ‘yan,” ani naman ni Ryker. “Alam ko naman na may itinatago siyang bait para sa akin, nahihiya lang siya na ipakita.” “Ang kapal talaga ng pagmumukha mo, ano?” ani naman ni Averyl sa kaibigan namin. “For your information, wala akong itinatagong bait para sa ‘yo. Sama ng loob, napakarami.” Akmang sasagot pa sana si Ryker nang bigla namang dumating sina Reva at ang mga kasamahan namin kaya sinabihan na lang ni Earth si Ryker na manahimik na ito, lalo pa’t wala kami sa sarili naming teritoryo. “Ang aga n’yo, ah,” pun ani Miku at saka nakipagkamayan sa mga lalaki sa amin. “Dapat lang,” asik ni Reva. “Mahiya naman sila kung tayo pa ang maghihintay para sa kanila, ‘no.” “Reva, ang aga pa,” ani Denzell. Tumaas naman ang kilay ng kaniyang kapatid. “Bakit? Dapat ba kapag hapon or gabi lang nagtataray?” Hindi na sumagot pa si Denzell at nailing na lang. Kailan nga ba naman kasi siya mananalo kay Reva? Palagi naman na kada magdedebate silang dalawa ay laging may sagot si Reva. Hindi ata uso sa kaniya ang magpatalo kay Denzell, eh. Kagaya kahapon ay hinati-hati na kami sa bawat teams. Umapela pa nga si Ryker dahil paniguradong mahihirapan na raw sina Reva kung wala siya but Reva didn’t bother to listen. Alam niya rin naman siguro na inaasar lang siya ni Ryker. Nang matapos ang hatian ay agad na kaming pumunta sa bawat training ground na pupuntahan namin. Hindi naman kasi nasa iisang lugar lang ang bawat trainings dahil masyadong crowded kung gano’n ang gagawin namin. Ang kasama ko ngayon ay sina Denzell at Ariadne. Hindi naman kami pinahirapan ni Denzell ngunit hindi niya rin kami idinisplay lang. He let us help him sa paraang sakto lang. Kahit papaano ay nawala sa isip ko ang mga bagay na gumugulo sa akin when we started the training. Nakakatuwa rin kasing makita kung gaano kaeager ang karamihan sa mga estudyante ng RMA na mas matutunan pa ang iba’t ibang fighting techniques na itinuro lang din sa amin ng mga mentors namin. Bilang susunod sa yapak namin ay mas maigi na rin na maturuan sila nang maaga. Hiniwalay ni Denzell ang mga estudyanteng may abilidad doon sa mga wala para sa ikalawang parte ng training. Sa pagkakarinig ko ay tuturuan niya silang kontrolin nang tama ang mga abilidad na mayroon sila. Given Denzell’s ability, alam kong hindi naman siya mahihirapan sa pagkocompromise kung sakaling may magkamali man. Tingin ko rin kasi ay hindi ko siya matutulungan ngayon dahil may inaalala pa rin ako sa abilidad ko. Gladly, naiwan kami ni Ariadne sa mga hanay ng mga estudyante na walang abilidad at tanging sa combat lang tututukan kaya hindi naging mahirap sa akin ang paglilead sa kanila. “Okay ka na ba, Xheen?” Ariadne asked nang pagbreak-in kami ni Denzell, gano’n din ang mga estudyanteng kasama namin. I smiled at her. “Oo, okay na. At saka, nasabi pala sa akin ni Averyl ang sinabi mo. Thank you for that, Ariadne.” Nangiti ako sa gawi niya at ginantihan niya naman ng ngiti iyon. “I am glad na okay ka na,” aniya. “Nakita ko naman kasi kung paano nagworry sa ‘yo si Averyl, eh. She really cares for you, ‘no? Sana lahat may kaibigang gaya niya.” Mas lalo akong nangiti. “Sobrang thankful ko nga sa kaniya, eh. She’s thoughtful at talagang maalaga bilang kaibigan. My life would be boring kung wala siya.” “Ako kasi nasanay na lang ako na mag-isa,” aniya at saka nayuko. Nakangiti man, alam kong may bahid ng lungkot ang ngiti niyang ‘yon. “I have this strong appearance at prangkang bibig. Hindi lahat ng nakakasalamuha ko ay kayang ihandle ‘yon kaya madalas ay namimisinterpret nila ako. One day, I woke up at wala na akong kaibigan. Wala na ni isa.” Hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Nang muling magtama ang mga mata namin ay kitang-kita ko ang lungkot na lumulukob doon. “Kaya nasanay na lang din ako na kumilos na ako lang kasi kung aasa ako sa iba, kung iaattach ko ang sarili ko sa iba, walang mangyayari sa akin,” aniya. “That’s why I got this habit na panuorin kayo, admire your group kasi mayroon kayo ng wala ako. Gaya ng sinabi ko, naiinggit ako sa inyo no’ng una pero kinaya ko namang alisin ang sarili ko sa gano’n by accepting myself.” Nangiti ako nang malungkot. “Kung inaakala mo ay masarap ang buhay ng may abilidad, nagkakamali ka.” Pinangunutan siya ng noo sa sinabi ko. “Hindi ba kapag may abilidad ka, may kontrol ka sa lahat?” “Hindi naman gano’n kasimple ‘yon,” saad ko. “You see, kapag may abilidad ka, malayo ka sa mga mortal, malayo ka sa normal. Kapag may abilidad ka, mas nalalagay sa kapahamakan ang buhay mo kasi may mga tao sa mundo na gustong makuha kung ano ang mayroon ka. Kapag may abilidad ka, mas mabigat ang responsibilidad na nakapataw sa ‘yo. Gaya na lang nina Reva na at young age ay kailangan ng protektahan ang RMA. Kapag may abilidad ka, parang may patalim na nakalagay sa leeg mo. One wrong move at maaari kang mawalan ng buhay,” tumingin ako sa kinaroroonan niya, “at pinakahuli, kapag may abilidad ka, hindi ka sigurado kung panghabambuhay ng nasa ‘yo ‘yon dahil wala kang alam sa limitasyon ng abilidad mo.” Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa. Wala rin akong mabasa sa ekspresyon na pinapakita niya. “Hindi ko alam na may ganyan kayong saloobin,” aniya. “Ang nakikita ko lang kasi ay ‘yong fact na may abilidad kayo, na ang galing-galing ninyo, ang saya-saya ng buhay na mayroon kayo.” I smiled. “It’s fine. Gano’n naman talaga kapag may abilidad ka. Isa pa, nature na ng tao na tignan lang ang kung anong maganda at iwinawaglit na lang ang fact na hindi kami perpekto sa kabila ng abilidad namin.” “Ariadne, Xheen, start na tayo ulit,” ani Denzell sa amin. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at saka nag-alay ng kamay kay Ariadne bilang alalay sa pagtayo rin niya. Magkasabay kaming naglakad pabalik sa pwesto namin kanina at ginawa na ang kani-kaniya naming gustong ituro sa iba. Maging si Ariadne ay sumasabay sa mga itinuturo ko. Ngunit napakalaking tulong ng mabilis niyang mata dahil mabilis niyang napupuna kapag nagkakamali na ang estudyanteng naroon. Maging ang maliit na mali ay hindi niya pinalalampas. Hindi ko tuloy napigilang mangiti nang makita ko kung gaano kadeterminado si Ariadne na makatulong din sa iba, lalo na sa mga kagaya niya. Malayong-malayo sa Ariadne na sinasabi niya sa akin. Siguro’y gaya namin, maling judgment lang din ang nabigay ng ibang tao sa kaniya because Ariadne’s a good person…and I am glad that she is. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD