CHAPTER THIRTY-FIVE

2974 Words
XHEEN Nang matapos kami sa trainings na inasikaso namin ay dumiretso na kami sa cafeteria. Kami na lang din pala ang hinihintay nila roon dahil halos lahat ay naroon na kasama nila. Agad naman na humiwalay si Denzell sa gawi namin para samahan sina Reva. Si Miku naman ay sumama pa rin sa grupo namin habang si Cosmo ay naroon ulit sa hanay nila. “Natagalan kayo, ah,” puna ni Averyl nang makaupo ako sa tabi niya. Si Ariadne naman ay naupo sa tabi ni Earth. “Okay ka naman ba, Xheen?” I nodded. “I am. Wala namang nangyaring masama sa akin and kahit papaano ay naenjoy ko ang training ngayon.” She smiled. “Masaya akong marinig ‘yan.” “Nasaan pala si Ryker?” tanong ko dahil hindi ko pa nakikita ang isang ‘yon. Ngumisi si Averyl. “Bumait kaya ayon, nagvolunteer na siya na lang ang bibili ng pagkain natin. Dadamayan na rin kayo ni Ariadne so no worries na. Let’s just wait here for Ryker.” Nangamusta naman si Averyl sa naging ganap sa training namin at dahil wala pa naman si Ryker ay mas pinili ko na muna na magkwento sa kaniya. Kinamusta ko rin siya sa naganap na trainings nila at gaya ko ay nagkwento rin siya tungkol doon. Nang dumating si Ryker ay hindi na maipinta ang mukha nito. Natawa naman ako dahil alam kong sa dami ng bitbit niya kaya gano’n ang mukha nito. “Next time, paalalahanan n’yo ‘ko na huwag na magvolunteer sa ganito,” pagbibiro niya kaya natawa pa ako lalo. Gano’n din ang iba pa sa mesa namin. “Akala ko ba malakas ang muscles na mayroon ka?” pang-aasar naman ni Averyl. “Binibida mo pa nga sa amin dito kanina—” “Ay! Syempre naman,” ani Ryker at saka nagflex pa sa harapan namin. ”Kahit araw-araw ko pa gawin ‘to, sus! Balewala sa akin ‘to. Kung gusto mo nga, pati ikaw buhatin ko na rin, eh,” dagdag nito, tukoy kay Averyl. Inirapan lang naman siya ng huli. “Kumain na lang tayo at baka may mapana si Averyl nang wala sa oras,”ani Miku at saka nagsimula na sa pag-aabot ng mga pagkain namin. Gaya sa nakasanayan, napuno pa rin ng saya ang mesa namin dahil magkakasama kami. Kahit pa may pagkakataon na naaasar na talaga si Averyl kay Ryker dahil sa kahanginan nito ay tinatawanan na lang ni Averyl ‘yon. This is the good thing when we’re together. Para na kaming may sariling mundo na kung saan ay kami lang ang naroroon at wala kaming ibang iniisip sa aming mga sarili dahil masaya kami at kahit na hindi okay ay magiging okay na lang kasi alam namin na anuman ang mangyari, magkakasama naming haharapin lahat. We got each other’s back, no matter what. Napatingin ako sa relo ko nang matapos na kaming kumain at nakita kong ala-una pa lang kaya nang mapagkasunduan nila na mag-stay pa kami sa cafeteria ay pumayag na rin ako. Nagsabi na rin ako agad sa kanila na magtitraining ako pagsapit ng alas tres ng hapon dahil alam kong kailangan ko na rin no’n. “Can I join you?” tanong ni Ariadne sa akin. “Gaya kay Averyl, I’ll behave, promise.” “She’ll be of big help, proven na,” ani Averyl at saka natawa. Nag-aalinlangan man ay ngumiti ako. “Okay, then. Pwede kang sumama sa akin,” tugon ko sa tanong ni Ariadne kaya mas lumawak ang ngiti nito. Dahil na rin sa nabanggit ni Averyl ay naikwento niya ang nangyari sa training niya na kasama niya si Ariadne. Kahit naman ako ay umagree sa sinabi nito na matalas ang mga mata na mayroon si Ariadne, base na rin sa nangyari sa training namin kanina. Halos pamulahan naman si Ariadne sa bawat papuri namin kaya inulan siya ng tukso. Mabilis na lumipas ang oras at bago pa man umabot ang alas tres ng hapon ay nagpaalam na ako sa kanila na aalis na ako at gano’n din si Ariadne. Sumabay na rin sila sa paglabas namin ng cafeteria dahil babalik na rin daw sa kani-kanilang dorms habang si Miku naman ay hihiwalay na rin dahil kailangan niya pang bumalik sa room 1 kung saan sila namamalagi. Mabilis na rin naman ang naging pagkilos namin ni Ariadne sa pagpunta sa lugar kung saan ako magtitraining dahil ayoko naman na abutan kami ng hapon masyado, lalo pa’t maaga pa ring mag-uumpisa ang araw namin bukas. In all honesty, hindi naman ako nag-aalala sa kalagayan ni Ariadne dahil palalayuin ko naman siya sa akin mamaya. Mas nag-aalala pa ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Ariadne kung makikita niyang hirap akong kontrolin ang abilidad ko. Sa bilis niyang mag-isip at sa talas ng mata at pakiramdam niya, malabong hindi siya maghinala sa akin kung sakali mang magkakamali ako. Nang makarating ako sa isang malawak na kwarto na hiwalay sa Academy ay inihanda ko na ang sarili ko. Si mentor Doll ang nagsabi sa akin ng tungkol sa lugar na ‘to. This place was binded by her magic, isang mahika na gaya rin ng kung anong mayroon ako kaya naman ay nasisiguro kong walang ibang madadamay dahil alam kong mentor namin mismo ang nagpatibay sa lugar na ito. Hindi ko naman napigilang maisip kung paanong maraming estudyante ang takot na takot kay mentor Doll dahil mukhang ang sungit daw nito but little do they know, hindi lang talaga siya showy na gaya ng iba. Kahit pa minsan sinasabi niya na wala siyang pake, iba pa rin ang pinapakita ng kaniyang mga aksyon at ng kaniyang mga mata. But despite her flaws, mentor Claude accepted her. Kahit pa si mentor Doll na ang may pinakamasamang ugali para sa iba, he’s willing to love her more dahil sa mga gano’ng kakulangan niya. And I am hoping na sa gano’ng paraan din ako mamahalin ng taong mamahalin ko in the future dahil hindi ko alam kung paano ko pa tatanggapin ang sarili ko kung tama ang hinuha ko na may hangganan ang abilidad ko. “Please stay away habang nagtitrain ako,” pakiusap ko kay Ariadne habang inaayos ko ang gloves ko sa kamay. “Don’t get me wrong. It’s just that baka…mawalan ako ng kontrol sa sarili ko.” Ngumiti siya sa akin. “Don’t worry, gaya ng sabi ko, hindi kita guguluhin at lalayo ako.” Gumanti naman ako ng ngiti sa kaniya. Nang makalayo na si Ariadne ay hinanda ko ang sarili ko. Napatingin ako sa hilera ng mga babasaging garapon na naroon sa lagayan. Iyong mga garapong iyon ang kailangan kong araling kontrolin. Sa kada lalagyan na mababasag ko ay may kalakip na parusa ‘yon sa akin, isa rin sa mga inilagay ni mentor Doll para raw mas mag-ingat kami sa pagkokontrol sa abilidad namin. Sa pagkakaalam ko, hiningi niya pa ang tulong ng ibang mentors namin sa bawat parusa na nilalaman ng kada lalagyan na naroon. I summoned my ability hanggang sa maramdaman kong maging ang kulay ng mata ko ay nag-iba na. I can feel an overwhelming energy inside of my body, as if gusto nitong kumawala mula sa akin. I took series of deep breathes to calm the raging energy I am feeling right now dahil gaya sa mga nauna, naramdaman ko na naman na maaari akong lukubin nito anumang oras and I can’t let that happen. Ayokong sa pangalawang pagkakataon, makagawa ako ng bagay na hindi ko akalaing magagawa ko. After that incident between me and Reva, pakiramdam ko ay may kung anong nagbukas sa sarili ko. It was something I never opened nor encountered before a nakakatakot ‘yon dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang kontrolin…but one thing’s for sure, it’s draining me. Nilulukob nito ang anumang mayroon ako at hindi hamak na mas malakas ito kumpara sa akin. Kung hindi ko siya magagawang kontrolin, baka sa huli’y ako na ang kokontrolin niya. Pinaangat ko ang mga lalagyan doon hanggang sa pati ang sarili ko ay maramdaman kong umaangat na nang bahagya. Naramdaman ko rin ang pagkalat ng sunod-sunod na puting liwanag na animo’y maliliit silang kometa ngunit ang kaibahan ay wala sila sa kalawakan kundi kasama ko rito ngayon sa lugar na ‘to. Ramdam na ramdam ko ang animo’y pagkawarak ng katawan ko, maging ang sakit na dala no’n sa akin. Malalalim na paghinga na rin ang nahugot ko dahil gaya ng sabi ko, ako na ang kinokontrol ng abilidad ko. Hirap man sa lagay ay sinikap kong maglabas ng mas malakas pa na enerhiya sa akin ngunit gano’n na lang ang gulat ko nang isa-isang mabasag ang mga lalagyan at parang may kung anong sumuntok sa sikmura ko kaya tumama sa pader na nasa likuran ko ang aking katawan. Doon lang din rumehistro sa akin na nasa labas na ng kwarto si Ariadne at tanging sa salaming bintana na lamang nakatingin sa akin. Bago pa man mabasag ang huling lalagyan na naroon ay mabilis kong tinawag muli ang aking abilidad at ginawa ang lahat upang huwag tuluyang maubos ang mga lalagyan na naroon dahil alam ko’y matinding kaparusahan kapag ang lahat ng lalagyan ay nabasag mo. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng mga bubog na narooon sa aking katawan nang bumagsak sa sahig ang katawan ko. Napadaing ako dahil doon ngunit kinailangan ko pa ring unahin ang ginagawa ko. Bago pa man tuluyang bumagsak sa gawi ko ang nag-iisang lalagyan na natitira, ginawa ko na ang makakaya ko upang imanipula ‘yon at panatilihin sa ere. Halos mahigit ko ang aking paghinga nang muntikang tumama iyon sa mukha ko at nang makita ko na may kakaibang itim na mahika na naroon sa loob niya. Ito ang pinakamatinding parusa. Nang humupa ang nangyayari sa loob ay agad akong dinaluhan ni Ariadne. Ingat na ingat siya sa pag-alalay sa akin dahil sugatan na ang katawan ko dahil sa mga bubog na nagkalat sa kwarto. “Okay ka lang ba?” tanong ni Ariadne sa akin. Punong-puno ng pag-aalala ang mata niya nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. “Who am I kidding, anyway? Alam ko naman na hindi ka okay.” I tried my best to smile habang ang tingin ay naroon pa rin sa lalagyang hawak ko. “Okay lang ako.” “Wala namang taong aamin na hindi siya okay,” aniya at saka ako tinulungang makasandal sa pader na naroon. Maging ang paglalapat niya ng likod ko sa sasandalan ko ay dahan-dahan at talagang ingat na ingat siya na huwag akong masaktan. “Magpahinga ka na muna, mamaya na tayo aalis kapag kaya mo na talaga.” Ngumiti naman ako sa kaniya dahil doon. Ipinikit ko rin ang aking mga mata upang makaipon ng kahit na konting lakas dahil ramdam na ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko. Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin ni Ariadne. Nang magmulat ako ng mata ay nakatingin lang din si Ariadne sa mga nabasag na lalagyan na naroon. May iilan ding bubog ang nilalaruan niya. Natawa ako kalaunan dahil sa nasaksihan ko kaya nilingon niya ako nang nangungunot ang noo niya. “Bakit ka tumatawa?” tanong niya sa akin. “Hindi ko lang akalain na ganito ako kakalat magtraining kapag ako lang mag-isa,” saad ko. “Kapag kasama ko naman kasi si mentor Doll, maayos ko namang nagagawa lahat.” “Maybe because kapag kasama mo siya ay nalilimitahan mo ang sarili mo,” sabi niya. “Ngayong ikaw na lang mag-isa, nakita ko kung paano ka libreng-libre kumilos. What you did really amazed me.” This time, ako ang pinangunutan ng noo. “Why?” “Because you were so free,” aniya. “You surpass your limits, Xheen. You conquer your fear.” Malungkot akong nangiti dahil sa tinuran niya dahil alam ko na hindi dahil sa nalampasan ko ang hangganan ko o dahil sa nalabanan ko ang takot ko kaya nangyari ang lahat ngunit mas pinili ko na lang na hindi na kumibo. Nang makaipon na ng sapat na lakas ay inalalayan na ako ni Ariadne sa pagtayo at magkasabay naming tinahak ang daan palabas sa lugar na ‘yon. Dinaldal naman ako nang dinaldal ni Ariadne sa pag-alis namin sa lugar na ‘yon. Hindi ko naman napigilang matawa sa mga kwento niya tungkol sa iba’t ibang karanasan niya rito sa RMA. Kesyo may oras na raw na nagkamali siya ng paglambitay one time kaya nakitaan siya ng panloob but good thing daw na wala siyang kasama sa gubat no’n kung saan siya nagpapractice o iyong time na nagkamali siya ng tapak sa isang sanga kaya nalaglag daw siya pababa o ‘yong time na hindi pa siya mahusay sa pag-akyat-akyat at hindi raw siya nangangalahati man lang sa mga puno na naroon sa gubat ng RMA. She told those stories as if they were nothing, na parteng-parte na lang ‘yon ng nakaraan niya at nakakatawa na lang ang mga gano’ng ala-ala. Abala kami sa pagtatawanan at pagkikwentuhan ni Ariadne nang may mahagip ang mata ko na dalawang pamilyar na pigura. Kung gaano ako kabilis na sumaya sa mga biro ni Ariadne ay gano’n naman kabilis nawala ang saya kong ‘yon nang makitang nagtatawanan din silang dalawa while Earth’s holding Circe on her waist. Kalaunan ay naglayo rin silang dalawa ngunit nananatili pa rin ang ngiti sa mga labi nila. “Ang sweet naman nila,” puna ni Ariadne. Hindi ko naman siya nagawang lingunin dahil animo’y napako na sa dalawa ang tingin ko. “Kung hindi ko lang sila kilala at kung hindi ko alam na magkaiba sila ng kinabibilangang grupo, iisipin kong may relasyon sila.” Kahit ako, gusto kong sabihin ngunit pinanatili kong tikom ang bibig ko. Nakaramdam naman ako ng kung anong kirot sa dibdib ko nang magpatuloy pa ang saya nilang dalawa sa hindi ko malamang dahilan. Dumagdag ‘yon sa kirot na nararamdaman ko sa buong katawan ko. No’ng unang beses pa lang na nakita ko silang may importanteng pinag-uusapan, alam kong may kakaiba na sa kanilang dalawa ngunit pinilt kong alisin sa isip ko ‘yon dahil alam ko na hindi naman maglilihim sa amin si Earth kung sakaling mayroong namamagitan sa kanila ni Circe. Isa pa, hindi naman tumatakas si Earth sa amin kapag magkakasama kami para may imeet na kung sino. Kung may relasyon man sila, alam kong mahahalata namin ‘yon dahil pare-pareho naming alam kung paano mag-ingat si Earth sa taong mahalaga sa kaniya. Ngunit sa nakikita ko ngayon, mas lumalakas ang pakiramdam ko na mayroon ngang nangyayari sa pagitan nila na sila lang ang nakakaalam. Espesyal na bagay na siguro’y matagal na nilang itinatago sa amin. Kung may relasyon man sila, napakagaling naman nilang magtago. Napayukom lalo ang kamao ko nang makita kong pigilan ni Earth ang pag-alis ni Circe at kahit sa layo namin ay klarong-klaro sa akin ang pagdampi ng labi ni Earth sa noo ni Circe. “Tingin ko, may relasyon nga silang dalawa—” I glared on Ariadne. “Hindi pwede ‘yan,” matigas na saad ko at saka muling lumingon sa gawi nina Earth at Circe na ngayon ay magkahiwalay na ng landas na tinatahak. “Hindi pwedeng magkarelasyon sila dahil ayaw ni Reva sa kagaya namin. Dahil best friend niya si Circe, alam kong hindi gagawa si Circe ng ikasasama ng loob ni Reva. Isa pa, nabibilang sila sa magkabilang grupo—” “Kaya siguro nililihim nila—” pinutol ko ang dapat ay sasabihin niya. “May isang bagay na hindi nila maaaring labagin kung may relasyon man sila,” ani ko at saka lihim na nangiti nang maalala ko ang bagay na ‘yon. Ang kaparehong bagay kung bakit nasa Skyline ngayon ang mga mentors namin. “It’s against the rule of the Academy at alam kong hindi si Earth ang tipo ng taong lalabag doon.” I heard Ariadne sighed. Lumukob din sa amin ang katahimikan habang nakatingin lang ako sa lugar kung saan ko nakita sina Earth at Circe na magkasama kani-kanina lang. “Hindi ka rin makakasiguro,” aniya kaya nalingon ko siya nang wala sa oras. “Love is a powerful emotion kagaya ng pagkaganid at galit,” dagdag niya at saka sinalubong ang mga tingin ko. I smiled, a bitter one. “Kilala ko si Earth—” “Alam kong wala ka ring rason kung bakit gano’n ang pakikitungo nila sa isa’t isa kaya paano mo nasabing kilala mo si Earth kung ang bawat aksyon niya ay parang aksyon ng estranghero sa ‘yo?” she asked. “Not to burst your bubble, Xheen, but you must accept the fact na hindi mo talaga lubos na kilala ang kabigan mo.” Hindi ako nakasagot ngunit nanunudyo ang mga ngiting ipinapakita ni Ariadne sa akin. “Mauuna na ako,” aniya at saka ako niyakap. Hindi naman ako nakaganti sa yakap niyang ‘yon gawa ng mga sinabi niya. “Always remember, Xheen, love is a powerful emotion at kapag nagmahal ka, kaya mong gawin lahat. Lahat-lahat,” bulong nito sa tenga ko na nagbigay naman ng kakaibang kilabot sa akin. Muli niya akong nginitian bago niya ako tuluyang iniwang natatameme sa lugar na ‘yon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD