CHAPTER THIRTY-THREE

2264 Words
AVERYL Pagdating ko sa kwarto namin ni Xheen ay nakita ko siyang nakatanaw lang sa labas ng bintana. Tila may malalim itong iniisip base sa kung gaano siya kaseryoso. Ni hindi man lang ako nilingon nito kahit na no’ng magawa kong ilapag ang mga gamit na dala-dala ko. “Akala ko ba magpapahinga ka?” I asked habang abala sa paglilinis ng mga palaso na nasa quiver ko bago iyon tuluyang itago sa ilalim ng kama ko. She looked at me. “Nawalan ako ng gana magpahinga,” aniya at saka naglakad na pabalik sa higaan nito. Wala naman akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin sa kung anong ginagawa at gagawin niya pa. Nanatili naman siyang tahimik habang yakap-yakap niya ang kumot niya at nakatingin lang sa kawalan. “Anong gumugulo sa ‘yo?” I asked her. Napatingin siya sa akin at saka bumuntong-hininga. “Nothing,” she said at saka nag-iwas ng tingin. Hindi ako naniniwala sa sinabi niya. I knew her usual self at hindi normal sa kaniya ang ganitong katahimikan. She may have times na nananahimik siya but not like this. Alam kong may gumugulo sa kaniya, ayaw niya lang sabihin. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip sa kung ano ang nangyari kanina habang sila nina Miku ang magkakasama o kung ano kaya ang importanteng bagay na inasikaso niya kanina dahil baka may kinalaman ‘yon sa kung ano ang inaasta niya ngayon dahil hindi naman siya ganito bago kami maghiwalay. “You know, you can be honest with me when something’s bothering you, right?” I asked. Ngumiti naman siya nang bahagya sa akin at saka tumango. “I know. Sadyang hindi ko lang alam paano ko ieexplain ang mga nangyari. It’s so random and so…weird.” “Why? What happened?” I asked. Muli siyang napatingin sa akin kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. “I mean, if you don’t mind.” Hindi siya nagsalita. Nilaro niya lang ang kaniyang daliri habang nakayuko. Her breathing somehow became heavier as time goes by. “Sa tingin mo ba,” panimula nito at saka tumingin sa akin, “maaaring maubos ang ability na mayroon tayo? I mean, we’re still human after all, right? Hindi kaya sa bawat oras na ginagamit natin ang ability natin at habang nababawasan ang energy na mayroon tayo, tingin mo, maaaring dumating sa punto na tuluyan nang madrain ang katawan natin at maubos ang ability na mayroon tayo?” “More of like…an expiration date, gano’n?” I asked and she nodded. “I don’t think so. Kasi kina mentor Ace naman, matagal na rin nilang ginagamit ang ability nila but look, hindi pa rin sila nauupos dahil doon.” “What if…hindi ako gaya nila?” she asked. Kitang-kita ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata niya. Maging ang kaniyang paghinga ay mas naghurumintado. “What if…I am not a royalty, Averyl?” Lumipat ako sa tabi niya at saka inalo siya nang magsimulang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang naiisip niyang ‘to. Hindi ko rin naman alam kung paano ko siya pakakalmahin dahil maging ako ay hindi ko alam ang sagot sa tanong niya. Xheen’s history were known at sa pagkakaalam ko ay tanging ako lang ang may malabong pinanggalingan kaya ang isipin niya na hindi siya full blooded royalty ay hindi ko malaman kung saan ‘yon nanggagaling. “Hindi ko alam kung saan nanggagaling lahat ng iniisip mo but one thing’s for sure,” ani ko at saka siya hinarap sa akin, “you are a royalty. Hindi naman lingid sa amin ang history mo kaya alam kong full blooded royalty ka.” Hindi siya sumagot ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa akin. “Kung tutuusin, ako pa nga dapat ang mag-isip ng ganyan kasi ako ‘tong walang alam sa pinagmulan ko,” saad ko at saka napayuko. “Hindi ko sigurado kung royalty ba ako o hindi kasi hindi ko alam kung saan ako nagmula. Yes, I can call myself a royalty but…am I really one?” Tumingin ako sa kaniya. “Hindi ko alam. Wala akong alam. Kasi by heart, I am a royalty pero if I’ll involve my life’s history? Hindi rin ako sigurado.” “You’re a royalty,” aniya. “Kahit pa hindi natin alam ang pinagmulan mo, sa dami ng taon na nanatili ka rito sa RMA at dahil hindi ka naman nakagawa ng makasasama sa Academy, alam kong kahit na sino rito ay royalty na ang tingin sa ‘yo.” “And you, too,” I said then held her hand a little. “Wala ka rin namang ginawa na makasasama sa Academy kaya royalty ka rin. Don’t doubt that kasi kahit na baliktarin natin ang mundo, royalty ka.” She smiled after that. Gladly, kahit papaano ay nakangiti na siya. There’s something inside of me na naaapektuhan kapag nalulungkot si Xheen. Maybe because we’re really close to each other. I mean, we’ve been friends for 10 years now! Hinayaan ko na siyang magpahinga pagkatapos no’n habang nagdesisyon naman akong maglinis na ng sarili dahil lagkit na lagkit na rin ako sa pawis na nakuha ko kanina habang nagtitraining. Hindi ko na naman tuloy napigilang palihim na magasalamat sa presensya ni Ariadne. Her keen eyes helped me a lot. Kung hindi niya napansin na nagkakamali na ako, paniguradong mas matatagalan pa ang oras ng training ko. Buti na lang at sumama siya sa akin. Nang matapos akong maglinis ay nakita kong nakatulog na si Xheen. Tumingin ako sa orasan and I saw that it’s still early for me to get dinner. Binabalak ko sanang sa labas na lang kami kumain ni Xheen but since she’s fast asleep, bibili na lang ako ng hapunan naming dalawa at dito na lang sa dorm kami kakain. Binilisan ko na ang pag-aayos at saka kinuha na ang RMA card ko bago tuluyang bumaba ng dorm at pumunta sa pinakamalapit na food shop na naroon sa dorm. This is one of the best things about RMA, we have everything that we need dito mismo sa loob ng Academy. Hindi na namin kailangan pang makipagkompetensya sa mga mortal dahil wala na rin kaming mahihiling pa sa kung anong narito sa Academy. Pumili na lang ako ng mga pagkaing hindi mabigat sa tiyan dahil hapunan na rin naman at alam kong pareho kami ni Xheen na kailangan lang malamnan ang tiyan. Sa tagal naming magkasama, alam na alam ko na ‘yon. “Averyl!” Napalingon ako sa direksyon ng boses na tumawag sa akin. Agad namang bumungad sa akin si Ariadne na ngiting-ngiti at nakaway pa. Ang isang ‘to, parang female version ni Ryker. Napakahyper sa kahit na anong oras. “I didn’t know you’re here,” saad ko. “Dinner?” She nodded. “Tinatamad na ako magluto kaya bibili na lang ako. Hindi ko rin alam na nandito ka but I guess, dahil sa maliit na mundo lang naman ang ginagalawan natin ay hindi na nakakagulat ‘yon.” I nodded. “Tama ka nga naman.” Napatingin naman siya sa mga dala-dala ko at saka bumalik ang mata sa akin. “Gutom na gutom ka ba?” aniya habang natatawa pa. “Uh, no,” saad ko. “Ibinili ko na rin si Xheen kasi nakatulog na siya dahil sa pagod, eh.” “Okay lang ba siya?” tanong niya, bakas sat ono nito ang pag-aalala. “Maayos naman siya no’ng una naming pag-uusap kaya nakakagulat na nagbago ang pakikitungo niya sa amin no’ng nakabalik na siya sa table. Ang alam ko naliyo lang siya no’n, eh.” Naliyo? Dahil ba sa nangyaring pagtulong namin sa grupo nina Reva? Bigla naman akong napalabi dahil tingin ko ay may parte na kasalanan ko kung bakit napagod si Xheen at kung bakit gano’n ang mga naiisip niya. Isa kasi ako sa mga nagmungkahi no’n sa grupo namin dahil sawa na ako na pinag-iinitan kami ni Reva. Kung gano’ng mas malapit kami sa kaniya, alam kong mababawasan ang kung anong naiisip niya tungkol sa amin. “Pati ikaw natulala na,” ani Ariadne at saka natawa. “Ikaw na ang susunod sa pila,” dagdag nito kaya bumalik sa harap ang tingin ko. Nang magawa kong itap ang card ko para sa lahat ng pagkain na binili ko para sa amin ay hinintay ko na rin na matapos si Ariadne sa ginagawa nito. Nagpasalamat naman siya dahil sa ginawa ko. Nagsabay na rin kami sa pag-alis sa lugar na ‘yon dahil takip-silim na rin. “Ang ganda ng RMA, ‘no?” ani Ariadne habang nakatingin sa open area ng school na pinuno ng samut-saring ilaw at may mga iilang luntiang puno na naroon sa mini park sa gitna ng Academy. “Ang sarap manirahan sa ganitong Academy. Tahimik, payapa, at sariwa pa ang hangin.”  Nangiti naman ako sa nilitanya niya. Pareho kami ng tingin sa Academy. Pareho kaming naniniwala na magandang manirahan sa ganitong Academy. Ang tanging aalalahanin mo lang ay iyong mga taong nagnanasa na masira ang ganitong klase ng mundo dahil hindi nila matanggap na mayroong mga gaya namin na malayo sa nakasanayan nila. Gaya ng sabi ko, hindi naman dahil naging open na kami sa mga mortal ay nawala na ‘yong dibisyon na mayroon sa amin. Nananatili pa ring may kung anong hindi nakikitang pagitan o linya sa pagitan namin at alam kong dahil ‘yon sa abilidad na mayroon kami na wala sila. Ngunit gayunpaman, masayang malaman na mayroong populasyon ng mga mortal ang kayang makipagsabayan sa amin, ang kayang makihalubilo sa amin. Kahit pa napakaliit lang ng bilang nila, malaking bagay na sa akin na mayroon. Mas nakakapambaba kung wala.  Sabay kaming pumasok sa dorm ni Ariadne. Alam ko naman na rito rin siya namamalagi ngunit nagulat pa rin ako dahil kahit na nasa iisang building kami ay hindi ko siya nakikita, ngayon lang. Talaga nga sigurong pinangangatawanan nito ang maging mailap sa mata ng iba. Ngumiti siya sa akin nang magawa naming magharap ulit dahil nakarating na ako sa kwarto ko—namin ni Xheen. “Pakisabi na lang kay Xheen na kinakamusta ko siya and I am hoping that she’ll get well soon.” I smiled. “Makakarating sa kaniya ang pinapasabi mo,” saad ko. Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto namin ay nagulat ako sa biglang pagtawag ni Ariadne sa pangalan ko pati na rin sa paghawak nito sa braso ko. “Sorry,” aniya at saka dali-daling bumitaw. “May gusto lang akong itanong sa ‘yo.” Bumitaw na muna ako sa seradura ng pinto na hawak-hawak ko na at saka siya hinarap. “Ano ‘yon?” I saw her bit her lower lip. “I was just wondering if…ano ang kaya mong gawin sa taong sumisira ng Academy na ‘to?” she asked then chuckled a bit. “I mean, kasi ‘di ba may hinahanap kayo ngayon and paniguradong may balak siyang masama sa RMA so kung mahuhuli n’yo siya, ano ang tingin mong gagawin mo sa kaniya?” I couldn’t answer. Hindi ko alam kung paano ko bibigyan ng sagot ang isang tanong na hindi ko pa naman napag-isipan o napagnilayan. Ayoko namang sabihin na papatayin ko ang taong ‘yon o ibabalik ko sa kaniya lahat ng hirap at pangongontrol na ginawa niya sa amin dahil kahit gaano katindi ang poot ko sa kaniya, hindi pa rin tama na ilagay ko sa mga kamay ko ang batas. Dapat ko pa ring hintayin na ang mga nakatataas ang magparusa sa kaniya—o kanila. Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko rin alam. Ayoko namang dungisan ang kamay ko kung sakali mang mahuli na namin siya o sila ng mga kasamahan niya.” She smiled. “Ang sama ko na siguro,” aniya. Pinangunutan ako ng noo dahil doon. “Bakit naman?” She looked at me at unti-unti ay nawala ang ngiti sa kaniyang labi. “Dahil hindi gaya mo, alam ko kung anong magagawa ko sa sumira sa tahanang iniingat-ingatan ko.” Nangiti naman ako nang bahagya sa sinabi nito. “Ano naman ang tingin mo’y gagawin mo? Sasaktan mo siya? Igagapos?” She smiled at ang mga sunod na sinabi niya ang tunay na nagbigay ng kakaibang kilabot sa akin. “Papatayin ko siya. Para sa tahanang kumupkop sa akin, handa akong gawin lahat.” Hindi ako nakasagot. Halos ilang beses din akong napalunok dahil parang kakaiba sa nakilala kong Ariadne ang kaharap ko no’ng mga sandaling ‘yon. Muli siyang ngumiti sa akin. “Sana malaman mo na rin kung anong pwede mong gawin para sa RMA,” aniya at saka kumaway na sa akin. Hindi ko naman magawang kumaway pabalik dahil tigalgal pa rin ako sa sinabi niya. Lubos na hindi ko inasahan na kaya niyang gawin ‘yon para sa RMA. She looks so innocent, yet she just told me na handa siyang pumatay para sa RMA. She really is something. Just for RMA, dudungisan niya ang kaniyang kamay. Just for RMA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD