CHAPTER FIVE

2211 Words
AVERYL "Are you sure you're okay?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na na tinanong sa akin ni Xheen 'yan. Kahit siya itong muntikang mapahamak kahapon, siya pa rin itong nag-aalala sa akin. After what happened yesterday, minabuti na lang muna nina miss Aphrodite na huwag na muna kaming papasukin at pabalikin na lang muna kami sa aming mga dorm rooms. Sila na rin ang nag-asikaso sa kalat na ginawa ko. "Hey..." muling pagtawag ni Xheen sa akin. Nang lumingon ako sa gawi niya ay bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang pakay nila kay Xheen o kung dahil lang ba 'yon sa galit nila sa amin dahil ayon sa kanila ay wala kaming ginagawa. But that's not a valid reason to put a knife on Xheen's neck. Isa pa, kung may mamamatay man sa amin dahil sa kagagawan nila, will that make things better? No. Kahit anong gawin namin ay nakatakdang umalis sina mentor Cassy and they must accept that. Ngumiti ako sa gawi ni Xheen nang mabawasan ang kaniyang pag-aalala. Hindi ko alam kung nauunawaan niya na peke ang mga ngiti ko ngunit sa mga ganitong pagkakataon, kailangan kong ipakita sa kaniya na matatag ako at hindi ako naaapektuhan ng mga nangyayari kahit pa sa loob-loob ko'y hindi ko pa rin matanggap na nakapatay ako. Sana'y panaginip lang ang lahat. "Paniguradong malalagay ka sa alanganing sitwasyon, Averyl," ani Xheen. "I'm sorry," aniya pa at saka yumuko. "It's not your fault, Xheen." "Alam ko naman kasi na pinag-iinitan nila tayo, eh. Sana hindi na lang ako lumabas ng ako lang. Sana hinintay ko na lang na magising ka baka sakaling natakot pa silang gumawa ng masama sa akin at baka hindi ka pa nakapatay," aniya. Pahina nang pahina ang boses niya kaya parang kasabay na lang ng hangin ang huling nilitanya niya. Gayunpaman, sapat ang lakas no'n para marinig ko at magising ang diwa ko sa katotohanang hindi ako nananaginip at hindi panaginip ang lahat. I really killed someone at alam kong hindi magaan ang mangyayari sa akin kung sakaling lilitisin ako ng mga gods at goddesses. "I am fine, Xheen," I tried to sound as cheerful as I can. "Kaya ko ang sarili ko. Isa pa, nasa tama tayo. Hindi ko pinagsisisihan na iniligtas kita laban sa nagtatangka sa buhay mo," sabi ko. Muli niyang inangat sa akin ang kaniyang mga tingin at do'n ko lang napagtanto na nangingilid ang luha niya. Hindi ko naman naiwasang mag-alala para sa kaibigan ko. "Thank you, Averyl," aniya sa boses na mangiyak-ngiyak na. Sinubukan ko siyang tawanan to lighten up the mood at nagtagumpay naman ako na gawin 'yon. "Ang sama mo! Umiiyak na nga ako, natawa ka pa," aniya at saka ako mahinang pinaghahampas sa braso ko. "Ang pangit mo kasi umiyak," pang-aasar ko at saka siya binelatan. She glared at me in return. "Salamat sa pagiging mabuting kaibigan, ha," aniya sa sarkastikong paraan ng pananalita. "You're welcome!" Muli akong natawa nang sinamaan niya na naman ako ng tingin. Nagpunas na siya ng luha niya kaya mas natawa ako dahil mukha na siyang gusgusing bata na inagawan ng lollipop ng kung sino. Minabuti na lang din namin na mag-ayos na ng mga sarili namin bilang paghahanda sa panibagong araw na gugugulin namin sa RMA. Hindi pa man kami nakakaalis sa dorm room namin, alam ko na na maraming mata ang sasalubong sa akin mamaya. Sa liit ng Academy, malabong hindi pa nalalaman ng karamihan ang nagawa ko. "Hindi mo dadalhin ang quiver mo?" tanong sa akin ni Xheen. Nag-aalangan akong tumingin sa ilalim ng kama ko kung nasaan ang quiver at pana ko. Dahil sa nangyari kahapon, pakiramdam ko ay ayaw ko na ulit hawakan ang armas na 'yon. Baka tama nga si Ariadne, hindi ako nakatakda para humawak ng ganyang armas. "Okay ka lang ba talaga, Averyl?" Ngumiti ako sa gawi ni Xheen at saka muling lumakad papasok ng dorm room namin upang kunin ang quiver at pana ko. Nahigpitan ko pa ang pagkakahawak sa laylayan ng quiver ko dahil sa pag-aalangan ngunit gano'n ko na lamang kabilis na itinago ang pagkabalisa ko sa bagay na hawak-hawak ko ngayon just to assure Xheen na wala siyang dapat ipag-alala at saka ko siya muling hinarap. Magkasabay naming tinahak ang daan pababa ng girl's dormitory. Habang papalapit kami nang papalapit sa pintuan ay pabilis din nang pabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko inaasahan o naisip man lang sa tanang buhay ko na makakaramdam ako ng ganitong takot sa Academy na nagsilbing tahanan ko. RMA was my refuge, my haven but because of what happened, this Academy won't be the same as before. What I did was against the rules. Hindi kailanman naging isa sa mga itinuturo ng RMA ang pumatay ng kapwa estudyante. Aminado naman ako na nasa alanganin kaming sitwasyon at kinailangan ako ni Xheen ngunit kahit anong depensa ang gawin ko sa sarili ko, paniguradong dehado ako sa harapan ng mga gods at goddesses kung ako'y lilitisin. We were ought to fight battles to protect the Academy and not to provoke chaos in it. RMA was never about killing your own kind, it was about protecting what's inside it. Pero dahil sa ginawa ko, posibleng mas malaking gulo ang kaharapin namin. Bahagya kong naiiwas ang mukha ko nang tumama sa akin ang sinag ng araw pagkabukas ni Xheen ng pintuan. Huminga pa muna ako nang malalim at saka lakas-loob na naglakad palabas ng girl's dormitory. Hindi rin ako nagkamali sa iniisip ko. Hindi ko man sila magawang tignan isa-isa, alam kong maraming mata ang nakamasid sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng quiver ko na ngayon ay nakasabit na sa balikat ko. Iniangkla naman ni Xheen ang isang kamay niya sa kabilang braso ko. Siguro'y napansin niya rin ang pagiging balisa ko sa mga taong nasa paligid namin. "She killed him." "Galing pala ng building two ang pumatay kay Tyson." "I hope she'll rot in hell!" "What a coward." "Kawawa naman si Tyson. Pinatay niya na walang kalaban-laban." I tried not to mind their words but every words they utter is like a knife, stabbing my heart countless of times. Sa pinupunto nila, alam kong ako na ang masama sa mata ng lahat. "Don't listen to them," ani Xheen sa akin. Gustuhin ko man siyang tanungin kung paano ko 'yon gagawin ay minabuti ko na lang na itikom ang bibig ko. Pakiramdam ko rin ay wala na akong lakas pa para magsalita dahil wala namang makikinig sa sasabihin ko kundi ang mga taong naroon sa mismong pinangyarihan ng gulo. "Hey!" sigaw ng kung sino sa likuran namin. Mas hinigpitan ni Xheen ang pagkakahawak sa akin at bumilis din maging ang bawat paghakbang niya. "Kapag tinatawag kita, humarap ka!" Muntikan akong ma-out balance sa paghila sa akin ng kung sino. Mabilis naman sa alas kwatro na hinarang ni Xheen ang katawan niya sa pagitan ko at ng babaeng iyon pero agad din siyang nailayo ng mga babaeng kasama pa nito. Wala na akong ibang marinig at maramdaman kundi ang pangangatog ng binti ko at ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko. She grabbed my wrist kaya halos magkabanggaan na ang katawan naming dalawa. Her eyes are intimidating. It is full of anger at kung hindi ako nagkakamali ay may kinalaman kay Tyson ang lahat. "You're a killer," madiing saad niya. "Hindi ka man lang ba nakokonsensya sa taong pinatay mo at nagpakita ka pa talaga rito?!" sigaw nito sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi ang hindi magsalita at hintayin na lang na humupa ang galit nito sa akin, na alam ko rin na imposibleng mangyari. "Ang kapal ng mukha mong maglakad na parang wala kang ginawang masama kay Tyson!" singhal niya pa. Mas humigpit din ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko ngunit kahit anong sakit no'n ay mas minabuti kong itahimik pa rin ang sarili ko. Ayokong dagdagan pa ang galit ng mga tao sa akin. I made a mistake, I created a chaos, dapat ko 'tong panindigan. Patulak niyang binitawan ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko kaya muli ay halos ma-out balance na naman ako. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kahina sa harap ng marami. Si Xheen ay wala ring magawa dahil mukhang may abilidad ang mga babaeng nakahawak sa kaniya na huwag paganahin ang anumang kakayahan na mayroon siya. Ayaw ko rin namang mas madamay pa siya kaya maigi na rin ito. Nang itulak ako nang itulak ng babaeng iyon ay wala akong nagawa kundi pigilan ang sarili kong pumatol at higpitan na lang ang pagkakakapit sa quiver ko para kalmahin anv sarili ko. Hindi ko na maaaring dagdagan pa ang kasalanan ko. I don't want to put another student at risk kung papatol pa ako. Paniguradong maaalis din ako sa RMA kapag ginawa ko 'yon and that's one of the things I don't want to happen dahil wala akong ibang mapupuntahan maliban sa Academy na 'to. RMA is my only home. "Ano?! Bakit hindi ako ang labanan mo?!" asik niya sa akin at saka ako muling tinulak. I took series of deep breathes to calm myself a little more. "Averyl, do something! Huwag kang pumayag na ginaganyan ka niya!" sabi ni Xheen sa akin. "Shut up, you coward!" singhal naman sa kaniya no'ng babaeng kaharap ko at saka muling ibinalik sa akin ang kaniyang mga mata. "Pare-pareho kayong mga walang silbi! Pare-pareho kayong salot sa Academy na 'to!" "Kill her, Aenna," sabi no'ng isa sa mga humahawak kay Xheen. "Eh, kung ikaw kaya ang unahin ko?!" asik ni Xheen sa nagsalita. Tinawanan lang naman siya ng mga ito. "Yeah, huwag mo na patagalin pa, Aenna. Kill her," gatong no'ng isa pa. Everybody around us chanted the same chant; to kill me. They wanted me gone, huh? "Averyl, please..." tila pagmamakaawa ni Xheen sa akin. I gritted my teeth as my fingers started to move paangat sa quiver ko. If they'll hurt me, for sure isusunod nila si Xheen and I can't let that happen. Habang abala si Aenna sa pag-enjoy sa naririnig niya sa paligid ay mabilis pa sa alas kwatro na kumuha ako ng isang arrow sa quiver ko at saka iyon pwinesto sa panang hawak-hawak ko. Itinutok ko iyon sa gawi niya na mukhang naramdaman niya naman. Surprisingly, wala akong mabasang takot sa mga mata niya. All I can see is the flame in her eyes na nagsasabi kung gaano siya kagalit sa akin dahil sa nangyari kahapon. She smirked. "Sigurado kang gagawin mo 'yan?" she said as she raised her hands slightly in the air, opening her palm at unti-unti ay may kung anong sibat na gawa sa bakal ang nabuo roon. "You'll kill me?" she added, na tila biro lang sa kaniya ang bagay na 'yon. "Gagawin niya rin sa'yo ang ginawa niya kay Tyson," sabi no'ng isa sa mga alagad niya. Tumawa naman si Aenna nang marinig niya iyon. "Come on, Aenna. Finish your business with her. Baka maabutan tayo ng mga mentors natin," ani no'ng isa pa. Mula sa pagkakatawa ay naging seryoso ang mukha ni Aenna. Itinaas niya ang sibat na hawak niya at saka iyon itinuro sa direksyon ni Xheen. To my surprise, its blade became longer and longer hanggang sa tumigil ito sa may leeg mismo ni Xheen. "Huwag mo siyang idadamay rito!" I shouted. "You killed Tyson because of her, damay na siya kahit anong gawin mo," Aenna replied. "Go on. Release your arrow. Kasabay ng pagbitaw mo riyan ay ang pagsambit mo sa madamdamin mong paalam sa kaibigan mo." "Why are you doing this?" I helplessly asked. "You made me do this!" "Masamang tao si Tyson! He threatened Xheen's life!" "I don't give a damn care!" she shouted. "Hindi mo kilala si Tyson kaya wala kang karapatan na husgahan siya!" "Don't do the same mistake I did..." She closed her eyes. I can see how her breathing became heavy. Maybe, she's trying to calm herself. "Aenna..." I called but what she did next surprised me. Kung gaano kabilis na bumalik sa orihinal na anyo nito ang sibat na hawak-hawak niya ay gano'n din niya iyon kabilis na itinapon sa gawi ko. Wala akong ibang nagawa kundi hintayin na bumaon sa kung saang parte ng katawan ko iyon but seconds passed at wala akong kahit na anong naramdaman sa katawan ko. I opened my eyes at likod ng kung sino ang bumungad sa akin. He was taller than me ngunit kilalang-kilala ko agad ito base sa tindig niya pa lang. Iisang tao lang din ang posibleng makapagpigil sa paggalaw ng sibat na iyon papunta sa gawi ko. Bakit niya 'to ginagawa? "Hindi ba't parang ang bastos naman na hindi mo iginagalang ang isa sa mga defenders ng school na kinalalagakan mo?" sabi nito, siguro'y para kay Aenna. "She's not yet a defender," madiing sagot naman no'ng isa. "She's not yet..." He quirked his head on the side, eyeing me through his peripheral vision, "but she will be." He smiled afterwards. Tunog ng kung anong nabagsak sa semento ang sunod kong narinig. "Denzell..." I uttered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD