CHAPTER SIX

2501 Words
REVA “Anong pumasok sa isip mo at nagpakabayani ka kanina?” tanong ko kay Denzell nang makabalik na siya sa hanay namin. Hindi ko inasahan ang ginawa niya kanina para kay Averyl. He saved her life by using his ability at hindi gawain ni Denzell ang gano’ng bagay. If there’s one thing he’s allergic of, that’s girls. Hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na ayaw na ayaw ko sa babaeng ‘yon so I don’t know why he did that. Losing one of them will be a good advantage for us. Mukhang nakakalimot na siya. “She needed help, Reva,” he answered nang hindi pa rin nakatingin sa akin. I can’t help but rolled my eyes. Kung lahat ng nangangailangan ay tutulungan niya, sana noon niya pa ginawa. Baka naging masaya pa ang mundo kung gano’n siya kabait. Naging magbestfriend pa sila ni san pedro. “Baka may gusto ang kapatid mo kay Averyl,” pagbibiro ni Circe. I raised a brow on her kaya naitikom nito agad ang bibig niya. She’s a joker but that joke ain’t funny. Hindi ako naghihigpit kay Denzell pagdating sa gusto nitong babae but not Averyl, please. I don’t know kung kailan nagsimula na inayawan ko si Averyl. All I know is that I don’t like her ever since we were younger. She’s a pain in the ass. Palaging nagkakamali, palaging hindi asintado tumira, palaging may napapahamak dahil sa paghawak niya ng bow at arrow. Konti na lang ay muntikan ko na isipin na hindi siya nakatakda para sa gano’ng bagay. Nakakairita na nakikita ko siyang gano’n. Madalas buong klase ay naiinterrupt ang pagtitraining dahil sa kaniya. Hindi ko na nga rin alam kung saan humuhugot ng pasensya ang mga mentors namin sa kaniya, eh. Kung ako ‘yon, baka pinayuhan ko na lang na umalis na sa Academy na ‘to at humanap na ng malilipatang school. She doesn’t have what it takes to be one of us, lalo na sa pagiging defender. “Usap-usapan pa rin ang tungkol sa mga papalit na defenders,” sabi ni Cleon out of nowhere. Kahit papaano ay nag-eexist pa pala siya. “Kailan tayo magpapractice?” “Duh. Hindi na natin kailangan no’n,” said Circe. “Circe’s right,” pagsang-ayon ko. “Wala namang binatbat sa atin ang kabilang team. Baka sa amin pa lang ni Denzell ay sumuko na sila.” He shrugged his shoulders. “Hindi naman pwedeng makampante tayo. Come on, they still have Xheen, Earth, Miku and Ryker. Hindi rin naman biro ang ability ng mga ‘yon.” “Xheen won’t be a threat. Madali siyang masindak,” I said na sinang-ayunan naman ni Circe. “Si Ryker lang naman ang mahirap na kalaban sa kanila.” “Mahirap na kalaban for you but not for Cosmo,” sabi pa ni Cleon. Napatingin ako kay Cosmo at nakayuko lang ito habang naglalakad. Para tuloy siyang loka-loka sa porma niya. Kung may pader o poste lang sa daraanan niya ay mauuntog na siya sa ganyang estilo niya. Minsan naiisip ko kung talaga bang ang ganyang itsura ay mayroong malakas na abilidad. Para siyang kinawawa ng isang buong barangay, eh. “Cosmo,” I called pero nanatili siyang nakayuko. “Cosmo!” “Bakit?” she answered, innocently. I rolled my eyes for the nth time! May malakas nga na abilidad, bingi naman! “You think you can handle Ryker?” diretsahang tanong ko rito. Nakagat nito ang pang-ibabang labi niya at alam na alam ko na agad ang aksyon niyang iyon. She’s hesitant. “Oh, come on! He’s a piece of cake kumpara sa’yo.” “Paano naman siya naging piece of cake, eh, tao siya?”sabi niya sa pabulong na paraan ngunit sapat ang lakas para magpantig ang tenga ko. The rest of the gang laughed on her statement habang ako naman ay nagtitimpi ng inis sa kaniya. She said those words in a very innocent manner na animo’y seryoso siya sa sinabi niyang ‘yon. Minsan hindi ko rin maiwasang magsisi na kinaibigan ko pa siya. “Nice one, Cosmo,” ani Denzell at saka ginulo pa nang bahagya ang buhok ni Cosmo kaya todo ayos naman ang isa nang matapos ‘yon. “So annoying,” bulong ko at saka sila inirapan. Inunahan ko na sila sa paglalakad dahil wala akong mapapala sa kanila. Mas nakakadagdag lang sila sa iritasyon ko. I was taken aback when somebody grab my left arm. Medyo mahigpit din ang pagkakadiin ng kung sinong walang modong iyon ngunit hindi ko ipinahalata sa kaniya na naaapektuhan ako sa paghawak niya. Mas matangkad lang siya ng konti sa akin at hindi ko siya kilala. Kung may pagkakataon man, ayoko rin siyang kilalanin. “What do you think you’re doing?” tanong ko sa kaniya habang pinapanatili ang matatalim kong tingin sa mga kamay niyang nakahawak sa akin. “Kasamahan ka no’ng Averyl na pumatay kay Tyson, hindi ba?” tanong nito. Hindi ko tuloy napigilan ang bahagyang pagtawa ko. “Let her go,” ani Denzell ngunit agad ko siyang sinenyasan na huwag lalapit sa gawi ko at ng lalaking ‘yon. “Wala akong gagawin sa ‘yo kung makikipagtulungan ka sa amin,” aniya. Inilapit niya pa sa akin ang sarili niya. Ang kapal din talaga ng pagmumukha! I think I need to sanitize my whole uniform dahil sa kaniya. “Ibigay mo sa amin ang kaibigan mo at hindi ka na naming guguluhin,” dagdag nito at saka lumingon pa sa likuran niya. Doon ko lang din napagtanto na may mga kasamahan pala siya. And say what? Averyl is my friend? Mukha ba kaming magkaibigan no’ng babaeng ‘yon? Are they dumb or they’re…well, dumb. “Let go of me,” I said, full of authority ngunit ang magaling na damuho ay mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin. “I said let go of me. Bingi ka ba?!” Hindi ko na napigilan ang inis ko dahil sa ginagawa nito pero mukhang malakas talaga ang loob niya at nagawa pa akong tawanan. Mukha ba akong nagbibiro para sa kaniya?! “I said let go of me,” he mimicked me at saka muling tumawa, gano’n din ang mga kasamahan niya. “Kung ako sa inyo, bibitaw na ako habang maaga pa,” rinig kong saad ni Cleon. “You won’t like her to get angry, I swear,” gatong naman ni Circe. “Hindi niya naman kami magagawang saktan,” sabi no’ng lalaki. Hindi ko naiwasang mapangiwi nang maamoy ko ang hininga nito. I swear, RMA should include having a good hygiene in their list of requirements para makapasok sa school na ‘to. Ngumisi ako. “How can you be so sure na hindi ako nananakit ng taong hindi ata nagtoothbrush ng isang buwan?” I asked. “Dahil ayaw mong matulad sa kaibigan mong si Averyl,” aniya at talagang mas inilapit pa ang mukha sa akin. Matibay ka, ha? I emitted a force field around me, causing him to let go of me. Muntikan siyang matumba kung hindi lang siya nahawakan no’ng mga alalay niyang walang silbi. Bakas na rin sa mukha no’ng lalaki ang pagkainis. In a snap, he’s holding a whip made of metal and with a blazing tip. “Kung akala mo ay hindi kita papatulan dahil babae ka, nagkakamali ka,” aniya na animo’y nagbabanta. Aw, nakakatakot naman. I put my hands inside the pocket of my skirt at hinintay ang pagsugod niya. He ran towards me at sa isang iglap lang ay nakapasok na siya sa portal na ginawa ko ngunit siniguro kong ang kalahati ng katawan nito ay nakikita pa rin at saka ko nilingon ang mga kasama niya. “Hindi n’yo man lang ba siya tutulungan?” I said as I played my hair with my fingertips. Nag-aalangan man ay sinubukan nilang hilahin palabas ng portal ang kanina lang ay nagtatapang-tapangan na leader nila. Pumili na lang din sila ng susundin, iyong walang silbi pa. I wonder kung anong pangalan ng grupo nila. Maybe, the useless? Suits them well, if ever. Or maybe, seven idiots? Masyadong maraming pwedeng itawag sa grupo na gaya nila. Pinanuod ko silang mahirapan sa paghila sa leader nila and they’re somehow fascinating to watch. With a simple head gesture, I dissolved the portal I created at sabay-sabay silang bumagsak sa semento. Napangiwi ako na animo’y awang-awa sa kanila. “What a pity,” I said as I crossed my arms. “Kumusta sa pakiramdam na walang nagawa ang kayabangan mo?” I heard Cleon and Circe laughing behind me. Nangangalaiti naman na sumugod ulit sa gawi ko ang mayabang na ‘yon kasunod ng mga alagad niya. Matibay. Walang kadala-dala. Before he could lay a hand on me, I twitched my eye to create another portal na hihigop sa kanila. Sa isang iglap lang ay wala na sila sa harapan ko. “Nakawala na sana, sumugod pa ulit,” ani Cleon na natatawa pa rin. “Kung ako ‘yon tumakbo na lang ako.” I moved my head in different directions to make the portal do what I wanted it to do sa latigong kanina’y pinagmamayabang no’ng isa. When I’m already satisfied, I created another portal sa may gawi ng basurahan at saka ko inalis iyong una, making them all end up inside the trash bin. Good thing na rin pala na malalaki ang basurahan sa school. Nilapitan ko sila na naroon at hirap na hirap sa lagay nila. Para silang mga uod na inasinan sa likot nila habang pinupuluputan sila ng latigo ng walang silbing leader nila. “First of all, masyadong mabaho hininga mo. Second, ‘yan ang nagagawa ng sobrang kayabangan, lastly and the most important of all, hindi ko kaibigan si Averyl,” I said at saka umirap. I can’t even imagine myself being friends with her. Just…no. Ew. “Pakawalan mo kami rito!” singhal sa akin no’ng mayabang na may mabahong hininga. “Wala akong naririnig,” ani ko at saka sila tinalikuran. Tawa naman nang tawa sina Cleon at Circe habang naiiling na lang si Denzell dahil sa nasaksihan. I mouthed ‘what’ ngunit tanging buntong-hininga lang ang isinukli niya sa akin. Wala naman siyang mapipintas. Naging mabait pa nga ako sa kanila but they chose to suffer. Sila ang may gusto no’n, I only obliged. “You shouldn’t have done that,” ani Denzell nang magawa naming magsabay maglakad. “The least thing you want for now is to create a scene na maaaring makaapekto sa pagiging defender mo.” Inirapan ko siya. “You saw everything. I gave them a chance to escape but sinugod pa rin nila ako. I won’t let their filthy hands touch me, Denzell.” “Magtimpi ka na lang sa sunod at hayaan mong ako ang humarap sa mga nanggugulo sa ‘yo,” aniya. Muli ay napairap ako. Eye balls, kapit lang. “Huwag kang masyadong mabait, Den,” I said. “Kulang ka na lang ng halo at pwede ka na mag-apply bilang anghel.” “Stop saying such things, Astrid,” he said at saka ako nilingon. Nakita ko ang ngisi sa mga labi niya at inismiran ko siya dahil doon. “Astrid, your face!” Hindi na kami nag-usap pa ni Denzell pagkatapos no’n. Hindi niya na rin ako kinulit dahil alam niyang iritang-irita na ako. Pagpasok na pagpasok namin sa room ay naroon na ang mga weaklings a.k.a Averyl and her team. Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad ko siyang inirapan. “The damsel in distress is here na pala,” ani Circe. “Napakabait ni Denzell, ano? Tinulungan ka pa.” “Circe,” Denzell used his warning tone kaya agad na nanahimik ang isa. Hindi ko naman maiwasang samaan ng mukha dahil sa ginagawa ni Denzell. Kumain ba siya ng bulok na pagkain para maging ganyan kabait? I mean, he’s kind but not this type of kind. Ilang minuto pa ay tumuloy na sa room namin sina mentor Cassy at mentor Ace. Kasama rin nila si miss Aphrodite. “Good morning everyone,” ani miss Aphrodite kaya agad kaming nagsitayuan at saka yumukod sa kaniya bilang pagbati. She signaled us to take our seats and so we did. “Nalalapit na ang pag-alis naming at alam kong alam n’yo na na kailangan na ng Academy ng panibagong grupo ng mga defenders,” aniya. “You will face a challenge sa itatakdang araw namin,” ani mentor Ace. “Kagaya sa mga trainings na pinagdaanan n’yo, there will be a battle between two teams. You were equally divided so I guess, wala na tayong problema roon.” “Better start your practice dahil hindi biro ang pagiging isang defender,” ang saad naman ni mentor Cassy. “You know about this Academy’s history. Hindi rin naman lingid sa kaalaman n’yo na possible pang magambala ang lagay ng Academy ngayon so the defenders’ sole responsibility is to make sure that RMA and the students inside it are safe as possible.” “How about Averyl?” tanong ni Circe. “Makakasali pa ba siya knowing that she killed someone?” Napansin ko ang malalim na paghinga ni miss Aphrodite matapos marinig iyon. Her eyes shifted to Averyl’s direction. “Every action has its own consequences,” aniya. “What she did was against the rules of this Academy. Hindi gano’n ang tinuturo namin sa inyo. Ngunit dahil sa mga pangyayari na hindi rin namin inaasahan, ang paglilitis sa kasalanan niya ay mangyayari sa oras na makabalik na kami ng Academy.” “So, kasali pa rin siya kahit pumatay na siya?” pagpipilit ni Circe. “Kailangan bang paulit-ulit mong banggitin ang bagay na ‘yon?!” naiinis naman na sagot ni Xheen. Lihim akong napangiti sa bangayan nila. “Hindi mo ba alam ang sensitive topic sa hindi?!” “Xheen,” pag-aawat ni Averyl sa kaibigan. “Nakakainis kasi, walang preno ang bibig! Para namang pinapalabas pa ni Circe na ginusto mo ang mga nangyari!" aniya. “She wanted attention, right?” I said at saka sila nilingon. “She got the attention she needed.” “Reva,” said Denzell. Alam ko namang aawatin niya na naman ako. Walang bago. “Attention?! Hibang ka ba? Sana okay ka lang, ha?” Xheen replied sarcastically. “I was in danger and she saved me.” “Saved you by means of killing someone,” I replied then smirked. “Still, against the rules.” Akmang tatayo na si Xheen mula sa pwesto nito nang muling magsalita si mentor Cassy. “Enough,” she said. “Kung umasta kayo ay parang wala kami sa harapan ninyo. Have some decency and calm yourselves. May desisyon na si miss Aphrodite, huwag ninyong pangunahan.” “I’m sorry, mentor,” ani Xheen habang ang mga mata’y nakapako pa rin sa akin. Nginisian ko na lang siya at saka nag-alis ng tingin sa kaniya. Pikon, talo. “Bakit wala po kayo no’ng gabing ‘yon?” rinig kong tanong ni Ryker. Nagkatinginan naman sina mentor Ace at mentor Cassy at saka napabuntong-hininga. “Somebody blocked our radar,” pag-amin ni mentor Cassy. “Hindi pa namin matukoy kung sino dahil maging si Allyson ay hirap na malaman kung sino ang gumagawa no’n.” “We’ll handle everything pagbalik na pagbalik naming mula sa Skyline,” ani mentor Ace. “What if wala na po kayong datnan pagbalik n’yo rito?” Napalingon ako kay Cosmo nang itanong niya iyon. Nakayuko lang ito at binubutingting ang kuko niya. “Kung kaya niyang iblock ang mga kakayahan ninyo, paano pa po kaya kapag wala na kayo at mga bagong defenders na ang natira rito?” she added then looked at our mentors. “If the one doing that is more powerful than us, RMA’s in great danger. Don’t you think?” Pare-pareho silang hindi nakasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD