CHAPTER FOUR

2024 Words
AVERYL Pagpasok na pagpasok ko ng dorm room namin ay nagkukumahos na lumapit sa gawi ko si Xheen. Paulit-ulit niyang tinatanong kung okay lang ako o kung may masakit ba sa katawan ko. Kung ano ang nangyari at bigla siyang umakto ng gano'n ay wala akong alam. "What happened?" I asked her. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya nang magawa niya akong tignan. "Buti na lang at hindi ka nadamay sa gulo kanina," aniya. Awtomatikong nangunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi niya. "May panibagong gulo na nangyari kanina?" She nodded. "Muntikan pa nga madamay sina Ryker, eh," aniya at saka naglakad papunta sa kama niya at doon naupo. Isinara ko na rin muna ang pinto ng dorm room namin at saka siya dinaluhan. "When you left us, ginusto nina Ryker na ihatid na ako rito sa dorm. Pumayag ako. To our surprise, biglang nagkagulo sa may open area. Hindi na rin namin nalaman kung ano ang pinagmulan ng gulo but really, sobrang chaotic ng nangyari kanina. We were worried about you but at the same time, thankful kami na wala ka. Masyadong mainit sa mata ng ibang estudyante ang mga gaya natin," paliwanag niya. "Ano naman ang problema nila sa atin? We're not doing anything," saad ko. "Exactly. That's why some of them were angry," she said. "Naturingan daw tayo na papalit sa mga defenders pero wala tayong ginagawa para pigilan sila sa pag-alis nila. It's as if we wanted this in the first place." "What kind of mindset is that?!" "We can't blame them," aniya. "They're worried about their safety." "There's nothing to worry about," I said. "Ilang taon na na tahimik ang RMA, may leader man o wala, wala namang magtatangka na pasukin ang Academy na 'to. We were all gifted, hindi naman tayo matatalo kung sakaling may papasok man." She showed a subtle smile. "You can't be so sure about that. Hindi lang sa atin umiikot ang mundo. Hindi lang din tayo ang may ganitong abilidad at higit sa lahat, hindi lang tayo ang may nais sa mas malawak na sakop ng kakayahan," she said then looked at me. Bakas na bakas ang kaseryosohan sa mukha nito at hindi ako sanay na ganito si Xheen. All this time, nakilala ko siya bilang isang makwela na kaibigan, not like this. "Greed won't be included as one of the seven deadly sins if it is not powerful. The lust for power and authority can make anyone in this world do anything, even if it means ending somebody's life—" "You're creeping me out, Xheen!" I exclaimed. Ang kaninang seryosong mukha nito ay naplitan ng ekspresyon na halatang tuwang-tuwa dahil nagawa niya ang gusto niya sa akin. Inismiran ko siya bago ako tumayong muli mula sa pagkakaupo sa kama niya. "But kidding aside, greed is dangerous," aniya. "What if someone out there's waiting for this moment to come bago tayo sugurin, right? What if they're more powerful? What if—" Nilingon ko siya kaya natigilan ito sa pagsasalita. "Ang ilan sa atin ay papalit na kina mentor Cassy bilang defenders ng RMA. Hindi ito ang tamang oras para panghinaan tayo ng loob." Muli ko na siyang tinalikuran nang wala na akong nakuhang sagot sa kaniya. I removed my quiver na nakasukbit sa akin at maging ang mga arrows na dala-dala ko at saka iyon isa-isang tinago sa kinalalagyan nito sa ilalim ng kama ko. Hindi ko naman iniinvalidate ang takot na nararamdaman ni Xheen but I knew her from head to toe. Sa tagal naming magkasama, alam ko na kapag pinangunahan siya ng takot niya ay hindi niya mamamaximize ang kaniyang abilidad. She grew up having fear in everything. Being able to manipulate people like mentor Doll, I think ay isa si Xheen sa pinakamalalakas na narito sa Academy pero ang kapasidad niya ay nalilimitahan dahil sa takot. She's strong but is also an overthinker pagdating sa maraming bagay. That is something she's working on sa loob ng maraming taon na but I think, wala pa ring nagiging usad si Xheen. "Aren't you scared?" tanong nito sa akin. Lihim ko na rin lang na ipinagpasalamat na nakatalikod ako sa kaniya dahil kung hindi ay makikita niya na agad sa mukha ko ang sagot sa tanong niya. "I am destined to fight for this Academy. Why would I be scared?" sagot ko nang hindi pa rin siya tinitignan. "I can feel it, may takot ka rin," aniya. "Kahit hindi mo sabihin ay natatakot ka rin." I chuckled a little at saka sumampa na sa kama ko. "It's normal. But I won't let my fear control me," sabi ko. "Come to think of it, Xheen, we are what we think. Kung iisipin mong takot ka, matatakot ka talaga. Pero kung isasantabi mo ang takot mo, makikita mo na capable ka pala sa maraming bagay." "What if I can't do it?" she said, sounding anxious. "What if...hindi ko kayang itago ang takot ko?" I smiled a little in her direction. "Don't hide it, overcome it." Inayos ko na ang kumot ko at saka iyon itinakip sa sarili ko nang wala na akong sagot na nakuha muli sa kaniya. Sa ilalim ng kumot na iyon ko nailabas ang mga sarili kong pangamba. Unlike them, I don't have any ability. Karamihan sa amin ng nandito ay umaasa sa mga instrumentong pinag-aaralan namin para sa pakikipaglaban. We might survive combats but not those fights involving abilities. Pumasok na namang muli sa isip ko ang sinabi ni Ariadne, na maling instrumento ang hinahawakan ko. Aminado ako na tumatak sa akin ang bawat kataga na binitawan niya kanina. Her presence is creeping me out. It's as if she knows things na hindi ko alam, it's as if kilala niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko rin matandaan na nakita ko na siya noon. When she bumped into me, that's the first time na nakita ko siya. Hindi ko nga rin alam kung saang building siya napapabilang but given her skills, tingin ko ay sa building 1. I closed my eyes, trying my best to remove my unwanted thoughts about what Ariadne told me earlier. I won't let my fear take over me. A dark forest started to appear right before my eyes. May itim na usok din na pumapalibot sa lugar. Hindi ko magawang isipin kung nasaan ako naroon ngayon but one thing's for sure, wala ako sa RMA. How did this happen? When I tried to move, I failed. May mga kung anong itim na baging ang nakapulupot sa paa ko at sa bawat pagkibot ng aking katawan ay ang patuloy rin na pag-akyat nila pataas hanggang sa umabot na ito sa may tuhod ko. I tried screaming, asking for help pero bigo ako nang walang kahit na anong boses ang lumabas sa akin. Where am I?! Est infernum excitavit... Sinubukan kong takpan ang tenga ko nang umalingawngaw sa kawalan ang kakaiba at nakakakilabot na tinig ng kung sino. Sinubukan kong luminga ngunit nabalot lang nang mas matinding itim na usok ang paligid. Tila yumayakap ito sa akin na nagpapahirap sa aking paghinga. Hellion ortum est... "Tama na!" sigaw ko. Pakiramdam ko rin ay may kung anong enerhiya ang nagpapahina sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay bigla ko na lamang gustong lumuhod upang doon ay iponin muli ang lakas ko. Mortem princeps salve... Salve regina mortem... "Tama na! Tama na!" patuloy na sigaw ko kahit na alam kong walang nakakarinig sa akin. Can somebody please...save me. Ayoko sa lugar na 'to! "Averyl..." ani isang banayad na tinig. Buong lakas kong iniangat ang mga mata ko sa direksyon ng babaeng nagsalita at laking gulat ko nang makita si Xheen na napapalibutan ng apoy. Umiiyak siya ngunit tila hindi niya iniinda ang pagkakasunog ng kaniyang katawan. Anong...nangyayari?! "Tulungan mo ako..." aniya. Sinubukan kong tumayo ngunit umabot na sa beywang ko ang pagkakagapos sa akin ng mga baging kaya ay bigo akong lapitan si Xheen. Nanlumo ako nang makitang pilit nitong iniaabot sa akin ang kaniyang kamay ngunit dahil sa distansya naming dalawa ay hindi ko iyon magawang hawakan. "Averyl, tulungan mo 'ko..." aniya sa mas malakas na tinig. "Xheen..." Pumatak ang kapiraso ng luha sa aking mga mata habang unti-unting tinutupok ng apoy ang katawan ni Xheen at wala akong nagawa para tulungan siya. Sa gulat ko'y nawala ang apoy sa aking harapan at ngayon ay may isang punyal na nakatutok sa gawi ko. Hawak-hawak ni Xheen ang punyal na iyon habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Wala kang ginawa para iligtas ako!" aniya. Itinaas niya sa ere ang punyal at iminuwestra sa direksyon ko. "Xheen!" Napabalikwas ako ng bangon mula sa kakaibang panaginip ko. Habol-habol ko ang aking paghinga. Pawis na pawis din ang katawan ko dahil sa nangyari. Napatingin ako sa kama ni Xheen ngunit hindi ko siya nadatnan doon. Nagmamadali akong bumaba ng kama ko para tignan kung saan siya nagpunta. Nang hindi ko siya mamataan sa labas ng dorm room namin ay minabuti kong kunin ang quiver at pana ko upang dalhin iyon sa paglabas ko ng girl's dormitory. Huwag mong sabihin na may kahulugan ang panaginip ko? Nasaan ka na ba, Xheen? Halos palakad-takbo ang ginawa ko para mas madaling makababa ng girl's dormitory. Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ay agad namang bumukas iyon at bumungad sa akin si Ryker. Hinawakan ako nito sa palapulsuhan at saka hinila papunta sa kung saan. "Ryker, bitawan mo 'ko!" pagpupumiglas ko ngunit para siyang walang naririnig at tuloy-tuloy lang sa paghila sa akin. "Kailangan kong hanapin si Xheen—" Awtomatiko ang natigilan nang makakita ko si Xheen na hawak-hawak ng kung sino at may punyal na nakatutok sa leeg nito. Sa likuran no'ng lalaking may hawak sa kaniya ay ang iba pang estudyante na kasamahan nito na tila nagpapalingas ng apoy. Abala naman sa pagpigil sa iba pa ang iba naming kasamahan. Maging sina Reva na hindi ko inaasahang naroon ay naroon din at tinutulungan sina Miku at Earth na mailayo ang iba pang estudyante na mukhang kasabwat no'ng lalaki sa ginagawa nito. "Hindi namin magawang iligtas si Xheen dahil ang kondisyon nila ay dapat ka nilang makaharap," ani Ryker sa akin. Agad naman na nangunot ang noo ko. "Bakit ako?" Seryoso niya akong tinignan. "Wala rin akong alam. One thing's for sure, kailangan tayo ni Xheen ngayon." "Sina mentor?" "Hindi ko rin alam bakit wala pa sila rito," ani Ryker. I gritted my teeth in frustration. Bumalik sa kung sinong lalaki na may hawak kay Xheen ang mga mata ko at do'n ko lang napagtanto na kulay pula ang mga iyon na parang sa lingas ng apoy. "Save me, Averyl," ani Xheen sa akin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa kaibigan nang tuluyan nang pumatak ang mga butil ng luha sa kaniyang mga mata. She can't use her ability for her fear's controlling her. "Save me, please..." Nag-aalangan man, kumuha ako ng isang arrow mula sa quiver ko at ibinala iyon sa panang dala-dala ko. "Averyl, you're shaking," ani Ryker sa akin. I gulped as I heard those words. He's right, I am shaking. I won't let my fear take over me...I won't let my fear take over m— Release... Napasinghap ako nang bigla kong nabitawan ang arrow na nasa pana ko at tuloy-tuloy iyon sa direksyon ni Xheen at no'ng lalaking may hawak sa kaniya. Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod nangyari. Ang rumehistro na lang sa akin ay ang umiiyak na si Xheen na nakaupo sa semento habang yakap-yakap nito ang tuhod niya at pilit namang dinadaluhan nina Ryker. Sa likuran nila ay ang isang lalaki na mukhang wala ng buhay. Nakita ko pa kung paanong pinulsuhan ni Earth ang lalaking iyon at saka lumingon sa akin at umiling. "He's dead, Averyl," pagkukumpirma ni Earth sa akin. Tila nawalan ako ng lakas sa narinig at napaupo na lang din sa semento habang mahigpit ang pagkakakapit sa quiver na naglalaman ng armas ko na pumatay sa lalaking iyon. I...killed someone. That voice...made me kill someone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD