CHAPTER THIRTY-ONE

3359 Words
REVA Hindi pa rin ako pinapansin ni Circe nang magawa naming matapos ang araw na ‘yon at alam kong dahil ‘yon sa desisyon ko. Sa pagkontra niya pa lang kanina, alam kong hindi na ito sang-ayon sa ginawa ko but I had no choice. Parehong sina Miku at Denzell na ang namimilit sa akin at isa pa, mas gusto ko rin na malapit sa akin sina Averyl at ang mga kaibigan niya dahil mas madali ko silang mababantayan. Hindi pa rin naman ako nakakalimot sa mga bagay na tingin ko ay sila ang may gawa. Kung sakali ngang ginagawa lang nila ‘to para isabotahe kami, hindi nila gugustuhin ang gagawin namin sa kanila. “Circe, dinner tayo?” I asked her. Natigil naman siya sa kaniyang ginagawa sa higaan niya. “Nilagay mo tayo sa alanganing sitwasyon, Reva,” aniya at saka tumingin sa akin. “Ni hindi natin alam kung talagang totoo ang gusto nila. Ni hindi rin natin kilala ‘yong bago nilang kasama and yet pumayag ka na tulungan nila tayo—” I laughed. “Kalma,” sabi ko. “Sabi nga ‘di ba, keep your friends close and your enemies closer. Mas malapit sila sa atin, mas mababantayan natin ang bawat kilos nila. Kung sila nga ang nanggugulo sa Academy, mas madali natin silang mahuhuli.” “Mas madali rin para sa kanila na isabotahe lahat ng ginagawa natin para sa Academy,” aniya. Nangunot ang noo ko. “What’s with the sudden bitterness, Circe? No’ng mga nakaraang araw ay hindi ka naman ganyan.” Hindi siya nakasagot. Inirapan niya lang ako kaya tumaas naman ang kilay ko sa gawi niya. Nakakapagtaka ang kinikilos niya. Hindi ko na rin maintindihan kung anong ugali mayroon si Circe. Dahil ba sa bagong part ng loser team? Nagsimula kasi ang ganitong ugali niya no’ng dumating na si Ariadne pero wala naman siyang dapat ikabahala sa isang ‘yon. Kung mortal naman si Ariadne, wala naman siyang threat sa amin. “Hindi ko lang gusto na nagiging maluwag tayo sa ibang tao na hindi natin kilala, Reva,” aniya. “Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin kilala kung sino ang kalaban natin tapos ano? Pinapayagan na lang natin sila nang gano’n-gano’n lang? Hindi na ako magtataka kung isang araw, hindi na natin magagawang protektahan ang RMA dahil napanghimasokan na tayo ng kaaway natin.” “Chill, girl,” I said at saka tumawa nang bahagya. “Hindi ko hahayaan na mangyari ang bagay na ‘yon.” She rolled her eyes at saka nailing. Hindi na kami ulit nag-usap pagkatapos no’n but she joined me for dinner. Mabilis din siyang nakatulog while I still think of what she said earlier. Paano ko nga ba masasabing mali o tama ang desisyon na nagawa ko? Hindi ko pa naman nakikita kung ano ang gagawin nina Averyl ngayong may tsansa na silang tulungan kami. Alam ko rin na hindi ko na maaari pang bawiin ang naging desisyon ko. The least thing I want for now ay ang isipin nina Averyl na threatened ako sa presensya nila dahil kung totoong sila ang may kasalanan sa lahat at nakita nilang natatakot o naiintimidate ako sa kanila, gagawin lang nilang advantage ang bagay na ‘yon. Nalingon ko si Circe na nakahiga ngayon sa kama niya habang nakatalikod sa akin. May mga bagay na ginawa si Circe para sa akin ngunit gusto ko man siyang pagbigyan sa gusto niya ngayon, ay hindi ko ‘yon magagawa. I already made my decision at dapat kong panindigan ‘yon. I’m sorry, Circe, babawi na lang ako sa ibang bagay. Maaga kaming nagising kinabukasan and thankfully ay sabay kaming kumain ng agahan ni Circe ngunit gayunpaman ay hindi niya pa rin ako kinakausap. This girl, kapag inatake ng attitude niya, talagang kaya niyang tiisin na hindi ako makausap. Tss! Nang hindi na ako makapagpigil ay hinablot ko na ang braso niya habang magkasabay kaming pababa ng dorm namin. “Hanggang kailan mo balak na dedmahin ako, ha?” I asked. She rolled her eyes on me. “Hanggang sa marealize mo na mali ang desis—aw! Bakit ka nambabatok?” She hissed at saka ako inirapan. I raised a brow on her. “Hindi pwede! Mapapanis ang laway ko kung hindi tayo mag-uusap!” “And so?” pagtataray niya pa rin. “Hindi naman napapanis ang laway—” “Iba ang kalakaran ng katawan ko,” sabi ko. “Napapanisan ako ng laway kapag hindi ako dumadaldal.” “Edi makipagdaldalan ka sa ibang kasamahan natin,” aniya at saka ako tinalikuran. “Baka gusto mo na kina Ariadne pa makipag-usap.” Umismid ako sa sinabi nito at saka tinanggal ang isa sa flat shoes na suot ko at saka binato sa kaniya. Natamaan naman siya sa binti kaya sinamaan niya ako ng tingin. “Talk to me or else—” Natigil ako sa pagsasalita nang damputin niya ang sapatos ko at saka ‘yon binitbit palabas ng dorm. “What the hell?!” bulong ko. Nangangalaiti akong bumaba ng dorm. Nabungaran ko naman siya na nakasandal sa pader sa may gilid ng pinto. Nakangisi itong tumingin sa akin at saka iniangat ang sapatos kong hawak-hawak niya. “Give it back or else—” she cut me off. “Or else what?” panghahamon niya. “Kaya ko ‘tong ilipad pataas o ‘di kaya’y ilagay sa pinakamataas na bundok kung saan ay hindi mo na ‘to makukuha,” dagdag niya. Halatang nang-aasar. I hissed. “Eh, kung iuna na kita sa bundok na sinasabi mo?” pagtataray ko at saka ngumiti. “Maikli lang ang pasensya ko, Circe, huwag mo ‘ko sagarin.” Natawa naman siya at saka iniabot sa akin ang sapatos kong hawak niya. I rolled my eyes on her ngunit kalaunan ay natawa rin ako sa trip naming dalawa. “So childish,” ani ko. “May pakuha-kuha pa kasi ng sapatos na nalalaman!” “Sino kaya nambato ng sapatos?” saad ni Circe at saka ako binelatan. Napuno kami ng tawanan habang tinatahak namin ang daan papuntang room 1 dahil paniguradong naroon na sina Denzell. Wala namang bago sa pagiging maaga nila. Ngunit sa hindi ko inaasahan ay naroon din sina Averyl. Maging si Ariadne ay kasama nila. Awtomatikong sumama ang mukha ko nang tignan ko si Denzell. “What are they doing here?” I asked habang nagpipigil ng pangangalaiti. “Ang usapan, tutulungan lang nila tayo. Bakit narito sila sa room 1?” “Naisip lang namin na mas maganda kung dito na rin tayo magkikita-kita ngayong magtutulungan naman na ang grupo nila at grupo natin,” ani Denzell. “Mahirap kasi kung watak-watak pa tayo, Reva, tapos maghahanapan pa tayo kada umaga,” ani naman ni Miku. I chuckled a bit. “Nagdesisyon kayo na wala ako? Nagdesisyon kayo na hindi n’yo ‘ko kinonsulta?” “Den, hindi naman tama ‘yan,” ani Circe. “Itinalaga pa rin si Reva bilang leader natin kaya kailangan niyang malaman muna kung ano ang mga gusto n’yong gawin. Hindi ‘yong ganito na kung kailan nagawa n’yo na ay saka n’yo lang ipapaalam sa amin.” “Bago lang din namin napagkasunduan ang bagay na ‘to,” ani Miku. “Ako rin ang pinakanagsuggest nito kaya sana ay huwag n’yong pag-initan si Denzell.” “Basta ako, labas ako sa ginawa nila,” ani Cleon at saka nagtaas pa ng kamay niya nang bahagya bago naupo sa upuang nakalaan sa kaniya. “I’m sorry, alam kong mali na pumayag ako,” ani Denzell. “But, Miku’s right. Hindi naman maganda na naghahanapan pa tayo kada umaga. Mas maganda kung may isa tayong fixed na meeting place kung saan tayo magkikita-kita.” “Naroon na ako sa may punto si Miku but, you forgot na hindi lang kayo ang miyembro ng grupong ‘to!” I exclaimed. “Hindi porke praktikal ang suhestiyon niya, gagawin n’yo na lang agad-agad! Pinagbigyan ko na kayo sa pagpupumilit n’yo na tumulong sila Averyl sa atin pero sobra naman atang pambabastos sa part ko ‘yong nagdedecide kayo nang hindi namin alam!” Hindi sila nakasagot sa sinabi ko. Nagkakatinginan lang naman sina Miku at Denzell habang si Cleon ay walang pakialam. Tinignan ko sina Averyl at nanatili lang nakayuko ang iba sa kanila maliban kina Averyl at Xheen. “Hindi man lang kayo nahiya?!” I asked. “Nasaan na ‘yong sinabi n’yo na wala kayong interes sa prebilihiyo na mayroon kami?” “Reva, hindi nila kasalanan—” I cut Denzell’s words. “Alam ko!” singhal ko at saka sila isa-isang idinuro. “Alam ko naman na lahat kayo rito, may kasalanan kayo sa nangyaring ‘to!” “Sinabihan lang kami na pumunta rito kaya paanong pati kami ay may kasalanan?” angal ni Xheen na agad namang hinawakan ni Averyl sa braso niya. “I get it, nagagalit ka kasi hindi ka kinonsulta pero pwede mo naman kaming kausapin nang maayos kung ayaw mo na nandito kami! Hirap kasi sa ‘yo, lagi kang pinangungunahan ng init ng ulo mo! Alam mo, kung batayan lang ang ugali sa pagiging defender, hindi ka papasa!” I scoffed. “And how dare you talk to me like that?!” “Hindi kami ang nakakabastos dito, Reva!” aniya at saka ako dinuro. “Ikaw pa nga ‘tong nambabastos sa amin sa bawat pagsigaw-sigaw na ginagawa mo at sa bawat pagtawag mo sa amin na loser kami!” “Pambabastos na ba ang magsabi ng totoo?” I asked. “Kung nasasaktan ka, edi magtakip ka ng tenga kada magsasalita ako—” “Anong klaseng mindset mayroon ka?! Grabe! Hindi kita kayang ihandle!” “Tama na!” Circe exclaimed. “Ang aga-aga, sigawan n’yo ang naririnig ko! Hindi ba kayo naririndi sa kagaganyan n’yo?!” she asked. Silence enveloped between us. Gumitna naman si Circe sa amin. “May mali ang grupo namin dahil sa pagdedecide agad-agad without consulting Reva,” aniya, “pero may mali rin ang grupo ninyo, Xheen.” “At ano namang naging mali namin?” Circe took a deep breath. “Hindi naman lingid sa inyo na labag pa rin sa loob ni Reva ang bagay na ‘to at nagsabi kayo na wala kayong interes sa prebilihiyo namin pero hindi ba paglabag na rin mismo sa sinabi n’yo na nandito kayo ngayon sa room 1? Sa batas ng paaralan na ‘to, tanging defenders lang ang maaaring pumunta sa room na ‘to and clearly, hindi kayo kabilang sa mga defenders ng school.” “Hindi naman namin inaangkin ang titulo na mayroon kayo—” “Pero nasaan kayo ngayon?” sabat ni Circe. “Hindi ba’t nasa lugar namin kayo?” “Hindi n’yo pa rin dapat tinataasan ng boses ang mga taong hindi n’yo kalebel,” saad naman ni Ariadne. “At hindi ka rin naman dapat sumasabat kung hindi ka kausap,” pagtataray ni Circe rito. “Alam mo naman pala na hindi n’yo kami kalebel pero nandito ka at sumasapaw sa usapan ng may usapan—” “Circe, hindi na maganda ang lumalabas sa bibig mo,” ani Earth. “Maayos na nakikipag-usap si Ariadne, sana makipag-usap ka rin nang maayos sa kaniya.” I saw Circe rolled her eyes. “Anong gusto mong gawin ko? Bawat banat ko kay Ariadne ay may kasamang verse para magmukhang mabait at maayos?” “Circe, tama na ‘yan,” pag-aawat ni Denzell. “Masyado pa tayong maraming gagawin para ubusin natin ang oras natin sa ganito.” “Tama si Denzell,” ani Ryker. “Saka na lang ‘to pag-usapan ulit kung tapos na ang lahat ng trabaho natin ngayon araw. Pwede naman ‘yon ‘di ba?” Walang sumagot sa amin sa sinabi ni Ryker. Mas inuna ko naman ang pakalmahin si Circe kesa sumagot sa sinabi niya. “Ang nice n’yo kausap, ano?” ani Ryker, punong-puno ng sarkasmo. “Mas may sense pa kausap mga fan girls ko kumpara sa inyo.” “Pwede bang manahimik ka na lang?” rinig kong asik ni Averyl sa kaibigan. “Hindi nakakatulong ang pag-iisip mo sa mga fan girls mo.” “Hindi ko naman sila iniisip—” “Basta manahimik ka na lang! Kung dadaldal ka pa, papanain na kita!” “Ang harsh mo—” “Oo, harsh talaga ako kaya manahimik ka na!” Napairap naman ako sa bangayan nila. Dito pa talaga sila naggagaganyan? Hindi na nahiya sa amin! “Let’s decide on our teams para makapagtrabaho na tayo,” ani Denzell. Hinayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niya. May mga sandali na nagpapang-abot ang tinginan namin ni Denzell pero wala akong gana na pakialaman siya sa gusto niya. Naiinis pa rin ako sa fact na pinangunahan nila ako ni Miku kaya bahala siyang magtrabaho ngayon sa pagpaparte-parte ng bawat grupo na mamamahala sa trainings ng ibang estudyante. Sa huli, ako, si Circe at si Ryker ang magkakasama. Nagrereklamo pa sana si Ryker but when Miku warned him, wala na rin siyang nagawa kundi sumama sa amin. Okay naman ako sa kasama ko, minus Ryker. Mabilis na rin kaming pumunta sa kani-kaniyang grupo ng mga estudyante na pangungunahan namin. Halos kami rin lang ni Circe ang nangunguna sa mga estudyante dahil si Ryker ay naupo lang sa bench na naroon sa covered hall ng RMA. I excused myself on Circe na abala sa pagtuturo sa mga estudyanteng naroon at saka nilapitan ko si Ryker. “Bakit nakaupo ka lang diyan?” I asked. “Akala ko ba gusto n’yong tumulong?” Umayos naman siya ng pagkakaupo at ipinatong pa angmagkabilang siko niya sa tuhod niya habang pinagsasaklob ang mga kamay niya bago lumingon sa akin. “Hindi ko na kailangang tumayo pa sa upuan na ‘to para makatulong,” aniya. “Isa pa, malaking tulong na sa inyo ang moral support ko. Kita mo, dahil nandito ako, walang nagpapasaway sa mga tinuturuan n’yo.” Natigalgal ako sa narinig ko mula sa kaniya. Kahit kailan talaga ay wala akong masabi sa kahanginan ng isang ‘to! “Training ang ganap ngayon, Ryker, and we need someone who can help us sa pagtitrain ng mga estudyanteng nariyan sa baba,” sabi ko. “We don’t need your moral support.” He chuckled. “Kung hindi ako ang nakasama n’yo, paniguradong magpapasaway ang mga tinuturuan n’yo.” “Nandito ka man or wala, magiging maayos sila—” Umiling siya at saka sumenyas pa ng hindi gamit ang daliri niya. “Diyan ka nagkakamali, kapatid. Ang presensya lang ng isang Ryker ang magpapatino sa mga estudyante mo. Kung ayaw mong maniwala, tumingin ka sa likuran mo.” Nang bahagya akong lumingon sa likuran ay may mga grupo ng kabataang babae ang naroon sa training line na nangingiti sa direksyon ni Ryker. Dinig na dinig ko pa ang pagtitilian nila nang kumaway sa kanila ang asungot sa tabi ko. I crossed my arms nang muli kong lingunin si Ryker. “Nagkataon lang na—” “No,” maagap niyang sagot. “Nandito ako kaya nagpapaimpress sila.” “I can’t believe you,” asik ko sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin at saka bahagya pang inilapit ang mukha niya sa direksyon ko na ikinalaki naman ng mga mata ko. “Kung gusto mong magpaimpress sa akin, pwede rin.” I gritted my teeth at saka siya inirapan. I hate him! I hate him! I hate him so much! “You okay?” tanong sa akin ni Circe nang makabalik ako sa tabi niya. “I am trying to calm myself kasi baka maitapon ko ang asungot na nakaupo sa bench sa kung saang dimensyon!” pabulong na asik ko. Sinilip niya naman nang bahagya si Ryker bago bumalik ng tingin sa akin. I heard her chuckled a little. “Ingat, Reva. Baka bumalik ang dating feelings—” “Shut up, Circe!” Natawa pa ito nang bahagya bago niya ako tinigilan. There’s no reason para bumalik ‘yon. I’m a higher royalty now at kaya kong kunin kahit sinong gustuhin ko. Hindi ko na kailangan si Ryker! XHEEN “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Ariadne nang maiwan kami sa mesa namin habang si Miku naman ang nagvolunteer na bumili ng pagkain namin. We’re done with the first training na finacilitate namin kaya naman naisipan na muna naming kumain. I smiled a little. “Napagod lang din siguro,” sagot ko. “Isa pa, naistress din kasi ako kay Reva.” She laughed a bit nang marinig ang sinabi ko. “I can’t blame you. Sa gano’ng ugali niya ay maiinis ka talaga.” “Maiba ako,” sabi ko. “Paano kayo nagkakilala ni Averyl?” She seems shocked when I asked that. “Sorry, nagtaka lang talaga ako na kilala ka niya. Sabi niya kasi ikikwento niya pero hindi na niya nagawa.” She chuckled. “One-time kasi na nagtitraining siya sa gubat, muntikan na ring tumama sa akin ang arrow niya.” Natawa naman ako dahil doon. “She’s kind of careless, ano?” She nodded. “Konti,” aniya at saka natawa. “Okay lang naman kasi nasalo ko naman ang arrow niya no’n kaya wala namang nasaktan sa amin.” “Kung nasalo mo ang arrow niya, ibig sabihin no’n mabilis ang reflexes ng katawan mo,” sabi ko. Muli naman siyang tumango. “Konti lang din pero isa nga ‘yon sa mga bagay na mahusay ako. Kapag mortal ka kasi, kailangan mong matuto ng mga bagay na maaaring magligtas sa buhay mo.” “Hindi mo ba hinangad na sana ay may abilidad ka na lang?” I asked her. “I did,” aniya. “Kaya nga naroon ako sa kung nasaan naglalaban sina Reva at Averyl, eh.” Nangunot ang noo ko. “What do you mean?” She laughed pero hindi niya naitago sa akin ang lungkot niya. “Palagi ko kayong pinapanuod kasi naiinggit ako sa mga abilidad n’yo,” aniya. “Ang gagaling n’yo sa bawat trainings at talagang lahat kayo ay may magkakaibang lakas. It’s amazing. Kada napapanuod ko kayo, hindi ko mapigilang mamangha at hilingin na sana, ako rin may gano’ng abilidad. Kahit hindi singlakas no’ng inyo, basta mayroon. Pero sa buhay naman kasi, kahit anong gawin mo, kung ano ang nakatakda sa ‘yo ay ‘yon lang naman ang magkakaroon ka. Hindi rin naman kasi kayang aralin ang abilidad kaya sinukuan ko na ang gano’ng mindset. Kaya ngayon, pinapanuod ko na lang kayo na walang halong inggit.” I smiled. “Tama ‘yan. Hindi rin naman kasi magandang may inggit ka sa puso.” She agreed. “Minsan kasi ay inggit pa ang pinagmumulan ng ibang kasamaan na nagagawa ng tao.” This time, ako ang sumang-ayon sa sinabi niya. “Pagkaganid at inggit, that’s two of the most dangerous emotion in the world.” “Isama mo pa ang galit,” aniya at saka natawa. “A mixture of three would be a disaster.” Natawa ako sa sinabi niya. Magaan ang loob ko kay Ariadne, hindi ko maikakaila ‘yon. But I am still taken aback dahil hindi ko pa siya lubos na kilala. If there’s one thing na delikadong ibigay agad, alam kong tiwala ‘yon. Dahil kung masisira ang tiwala, mahirap na na ibalik ‘yon. Para iyong baso na nabasag na. Kahit anong pilit mong buuin ulit, imposible na. Nakaramdam ako ng biglang pagkaliyo kaya napahawak ako sa sentido ko. “Hey, okay ka lang?” tanong ni Ariadne sa akin. “Yes, I am—” “Hala! Dumudugo ang ilong mo, Xheen,” aniya at saka natatarantang nag-abot ng tissue sa akin. Agad kong inabot ‘yon at ipinahid sa ilong ko. Hindi nga siya nagbibiro. For unknown reason, biglang dumugo ang ilong ko. “Pumunta ka na lang muna siguro sa banyo. Sasabihin ko na lang kay Miku na umalis ka muna sandal at may inasikaso ka.” Wala na akong ibang nagawa kundi tumango at dali-daling tinakbo ang gawi ng banyo habang hindi pa ako naliliyo ulit. Ikinandado ko agad ang lugar na ‘yon nang makapasok ako. Nahilamos ko ang mga palad ko nang muli na namang umikot ang paligid ko. What’s happening to me? Inalalayan ko ang sarili ko upang makarating ako sa harap ng salamin na naroon sa banyo at doon ay unti-unting nilinis ang dugo na nagmumula sa ilong ko. Was it because of too much stress o dahil sa pagod? Hindi ko na nabigyan ng suporta ang sarili ko nang sumakit nang matindi ang ulo ko. Para iyong binibiyak nang paulit-ulit kaya wala akong ibang nagawa kundi ang maupo sa sahig sa banyo habang nilalagyan ng pressure ang magkabilang sentido ko. Pakiramdam ko rin ay maduduwal ako anumang oras. My breathing became heavier. Ramdam na ramdam ko rin ang pangangatog ng katawan ko, maging ang kung anong tumutusok sa dibdib ko. Ito ang unang pagkakataon na nangyari sa akin ‘to at hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Sa sobrang panghihina ay naibaon ko sa pagitan ng magkabilang tuhod ko ang aking mukha. Habol-habol ko rin ang aking paghinga. Maging ang pamamawis ng katawan ko ay ramdam na ramdam ko na. Matapos ang ilang minuto, nawala na rin ang pakiramdam na ‘yon ngunit hinang-hina pa ako para kumilos. Pakiramdam ko ay ninakawan ako ng lakas dahil sa nangyari. Nang makabawi ay pinilit kong tumayo at saka muling humarap sa salamin ngunit mabilis din akong napaatras matapos makita ang mabilis ngunit kakaibang paglabas ng berdeng liwanag sa mga mata ko. Anong…nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD