CHAPTER THIRTY-TWO

3933 Words
AVERYL “Nasaan si Xheen?” tanong ko kina Ariadne at Miku nang sila lang ang maabutan ko sa cafeteria. Naupo ako sa gawi kung nasaan ang gamit ni Xheen bago ko muling hinarap sina Miku na abala sa pagkain nila. “Sabi ni Ariadne may importante raw na inasikaso,” ani Miku. “Ito ngang pagkain niya, lumamig na lang, hindi niya pa nagagalaw.” “She’ll be here any minute,” ani naman ni Ariadne at saka ako nginitian. Gumanti naman ako ng bahagyang ngiti sa gawi. “Averyl, sa ibang mesa na lang kami,” ani Denzell sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya dahil alam kong hindi rin naman magiging maayos kung magkakasama kami ni Reva sa iisang mesa kapag dumating na sila rito. “Sa kanila na rin muna ako sasama,” ani Cosmo. “Diyan na muna sa mesa n’yo si Miku.” “Walang problema sa akin,” ani Miku at saka bumalik sa pakikipagkwentuhan kay Ariadne. Pumunta na rin ako sa linya para makabili ng pagkain ko. Napanguso naman ako kung bibilhan ko na rin si Ryker ng pagkain niya para mamaya ay hindi na siya pipila. Bilang concerned citizen lang naman, mas marami na ang tao mamaya. I sighed then got two trays, isa para sa akin at isa para sa pagkain ni Ryker. “Mukhang nagutom ka sa ginawa natin, ah.” Nalingon ko kung sino ang nagsalita sa aking likuran and I was surprised to see na si Denzell ‘yon. Hinanap ko sina Cleon at Cosmo ngunit wala sila roon. “Ako na lang ang bibili ng pagkain namin kaya huwag mo na sila hanapin,” aniya at saka nangiti sa akin. Ngumiti rin naman ako nang bahagya sa kaniya bago muling bumalik sa pagkuha ng mga bibilhin ko. “Sa ‘yo lang ‘yan lahat?” tanong ni Denzell sa akin. I shook my head. “Ibibili ko na rin si Ryker kasi paniguradong mas marami na ang nakapila mamaya.” I saw him smiled a bit. “Close na close kayo, ‘no?” “Hindi rin,” sagot ko. “Mas madalas pa kaming magkaaway kesa magkaayos. Napakayabang kasi no’n, eh. Gwapong-gwapo sa sarili niya, akala mo naman talaga ay gwapo siya.” “Hindi ba?” he asked. I was taken aback because of his question. Awkwardly, I laughed. “S-Sakto lang,” sagot ko. “Ikaw, bakit ka nakapila rito? May solong pila na para lang sa inyong mg defenders,” tanong ko, pag-iiba ng topic. He shrugged his shoulders. “Mas okay pumila rito kasi kasama kita.” Naubo ako sa sinabi nito. Napatingin ako kay Denzell ngunit abala na ito sa pagkuha ng mga bibilhin niya at saka iyon inilalagay sa tray na dala-dala niya. Alam ko na wala siyang ibang pakahulugan sa sinabi niya kundi gusto niya lang ng kasama sa pila. Oo nga naman, nakakalungkot nga naman kasi kung mag-isa ka lang sa linya mo. But I can’t believe na uminit ang pisngi ko dahil sa biglaang paggano’n niya. My heart also skipped a beat because of what he said. Kung tutuusin, hindi naman sila nagkakalayo ni Ryker. Mas may laman nga lang si Denzell kumpara sa hambog na kaibigan ko. Mas mature rin kumilos at umakto si Denzell at talagang alagang-alaga niya ang kapatid niyang si Reva kahit pa palagi siyang inaaway nito. He has this big heart for everyone and a just personality. That’s one of the great things about Denzell, pantay siya kung magbigay ng husga. Hindi nga rin kami makakatulong sa pangangalaga sa RMA kung hindi niya pinilit ang kapatid niya at hindi siya sumang-ayon sa sinabi ni Miku. “Hey, okay ka lang?” Awtomatikong nagising ang diwa ko nang magsalita ulit si Denzell. Nag-aalangan naman akong ngumiti at saka tumango sa direksyon niya. Nang iaabot ko na ang card ko para sa pagbabayad ay inunahan na ako ni Denzell. “Charge everything on me po,” aniya sa manigbantay na naroon. “Pati ‘yong sa kaniya?” paniniguro nito at saka ako nilingon. “Yes, pati po ‘yong kaniya,” aniya. “Denzell, hindi mo naman—” he cut me off. “It’s fine. Gusto ko rin namang gawin ‘to,” aniya kaya muli ko na namang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Nang matapos na siya sa pagbabayad ay agad ko siyang nalingon. “Let me pay for it, Denzell. Hindi matutuwa si Reva kapag nalaman niya na—” “Hindi ko naman ipapaalam, don’t worry,” aniya at saka ginulo ang buhok ko gamit ang libreng kamay niya. It’s kind of amazing na kahit pa dalawang tray rin ang dala-dala niya ay kaya niya ‘yong ibalanse sa isang kamay niya lang. His strength is no joke, isang bagay na wala kay Ryker. “Thank you,” saad ko at saka bahagyang ngumiti. “You’re always welcome.” Magkasabay kaming naglakad palabas ng cafeteria. Doon ko rin napansin na kagaya ni Ryker, head turner din si Denzell sa mga estudyanteng naroon. Hindi naman na nakakagulat kasi maitsura rin naman si Denzell…okay, I won’t lie. He’s really good looking. Halos lahat ng proportions na mayroon siya, bumagay sa kaniya at saktong-sakto lang sa kaniya. Pero ni kahit isang segundo, hindi ko nakitang bumaling sa ibang direksyon si Denzell. It’s as if wala siyang pakialam kung maraming mata ang nakatingin sa kaniya, another thing na wala kay Ryker. Why am I even comparing them, anyway? Hindi pa man kami nakakalapit sa mga kasamahan namin ay kitang-kita ko na agad ang pag-arko ng kilay ni Reva nang makitang nasa tabi ko ang kapatid niya. I can’t blame her, halata naman na ayaw na ayaw niya sa akin. “Enjoy your meal, Averyl,” ani Denzell bago humiwalay sa akin. Napasinghap na lang ako at saka bumaling sa direksyon ng mga kasamahan ko. Agad naman na napatayo si Ryker nang makita ko. Nakita kong naroon na rin si Xheen sa table at abala na sa pagkain ng pagkain niya. “Uy! Para sa akin ba ‘yang isa?” tanong ni Ryker sa akin. Bumuntong-hininga ako at saka tumango. “Napakabait mo naman, ‘ryl. Maraming salamat!” Mabilis namang sumama ang mukha ko sa kahyper-an ni Ryker. Kahit kailan talaga ay hindi siya nauubusan ng energy. I wonder if ano ang pwede kong gawin para madrain ang isang ‘to dahil ako ang napapagod sa taas ng energy niya! Agad niya namang kinuha ang trays sa kamay ko at saka inilapag ang isa roon sa tabi ni Xheen at ang isa naman ay roon sa tabi ni Miku. Agad siyang pumwesto sa tabi ni Miku kaya ako ang naupo sa tabi ni Xheen. Doon ko lang din napansin na naroon na si Earth at nasa tabi siya ni Ariadne. “Anong ganap after n’yo rito?” tanong ni Miku sa akin. “Ako, baka magtraining lang,” sagot ko at saka inihanda na ang pagkain ko. “Pwede ba akong sumama sa training mo?” Nag-aalangan akong tumingin kay Ariadne ngunit hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. “Don’t worry, hindi kita guguluhin,” aniya. Wala na akong ibang nagawa kundi tumango sa alok niya. She seemed so happy about my answer kaya naman kalaunan ay lumawak din ang ngiti ko. Sabi niya naman ay hindi siya manggugulo so I guess, hindi naman masisira concentration ko sa training. Kaya ko rin naisipang magtraining ulit ay dahil wala na kaming trainings na ginagawa nitong mga nakaraang araw. I mean, we do have drills from time to time pero kahit na gano’n ay kulang pa rin ang pagkokondisyon namin sa katawan namin. Sa dami rin kasi ng mga nangyayari sa Academy ay hindi ko na rin malaman kung ligtas pa ba ang Academy kung mag-isa ka o hindi na. “As for me, babalik na lang muna ako sa dorm at magpapahinga,” ani Xheen. She’s not in her usual self. Tuwing magkasama kami na ganito, si Earth at siya ay laging nagbabangayan but today, Earth’s on Ariadne’s side at si Xheen naman ay tahimik lang na kumakain. Hindi ko tuloy napigilan na mag-alala sa kaniya. “Okay ka lang ba?” I asked her. “Oo nga, ang tahimik mo ngayon,” ani Miku. “Ano ba ‘yong importanteng bagay na inasikaso mo kanina at bigla kang nawala?” Xheen sighed at saka umiling. “Wala ‘yon. Pagod lang ako kaya wala akong gana dumaldal.” “If something’s bothering you—” “Okay lang ako, Averyl,” aniya kaya hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Nagkatinginan kami ni Miku. He shrugged his shoulders then mouthed ‘hayaan mo na’. Tinigilan ko na rin ang pangungulit kay Xheen at saka nagpokus na lang sa pagkain ko dahil ayoko na rin na sa ganito lang mauubos ang oras ko. “Maiba tayo,” ani Ryker. “Bakit magkasama kayo ni Denzell?”  he asked me. “Kayo na ba?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Porke magkasama lang, kami na agad?” “Eh, bakit nagtatanong lang ako, high blood ka agad?” “Ayusin mo kasi ang tanong mo!” “Oh, kita mo na high blood ka agad porke nabanggit lang si Den—” “It’s not because of him but because of your nonsense assumption!” Inirapan ko ito. “Nagkasabay lang kami sa pila. Nothing more, nothing less.” I heard Miku laughed. “Mamaya niyan kayo na naman ang magkapikonan.” “Ano pa bang bago sa pagbabangayan nila?” Earth asked at saka natawa bago bumaling sa gawi ni Ariadne. “Sila ang aso’t pusa sa team namin. They’re both harmless kapag iba ang kasama nila but I don’t think na magandang ideya kung iiwan namin sila na silang dalawa lang.” “Mismo,” ani Miku bilang panggagatong sa kaibigan. “Paniguradong puno ng sugat si Ryker kapag iniwan natin siya na kasama si Averyl.” “Sige, usap lang kayo. Parang wala ako rito, ano?” ani ko na punong-puno ng kasarkastikuhan. “Masama kasi talaga ang ugali nitong si—aw! Wala pa nga, naninipa na agad,” daing ni Ryker matapos ko siyang sipain sa binti niya na nasa ilalim ng mesa. “May sinasabi ka, Ryker?” I asked habang nakangiti. “Wala na lang kahit mayro’n,” aniya. “Kapag may sinabi ako, for sure, uulitan mo ang ginawa mo.” “Buti naman at alam mo—” he cut me off. “Pero okay lang, basta masaya ka, masaya na rin ako,” aniya at saka ngumisi. Napataas naman muli ang kilay ko habang sina Earth, Ariadne at Miku naman ay tawang-tawa sa naging banat ni Ryker. “Ganda ng banat ko, ‘no?” tanong ni Ryker sa akin. “Pati pagkaing hindi matamis, lalanggamin na lang dahil sa kasweetan ko.” “Eh, kung banatan kita riyan?!” asik ko sa kaniya at saka ipinatong ang pana ko sa mesa. “Sakto, need ko magtraining. Baka gusto mong magvolunteer bilang target.” He chuckled a bit at saka umaktong zinizip na ang labi niya. I rolled my eyes once more bago tinapos na ang pagkain ko. May kung ano namang pinag-usapan na sina Miku, Earth at Ryker at sila na lang ang nakakarelate roon. Nagpalit pa ng upuan sina Earth at Ariadne para lang mas makausap ni mundo sina Miku. Si Ariadne naman ay nagvolunteer na na ilagay ang trays sa mga tamang lalagyan nito. Dahil tahimik lang si Xheen ay tumulong na lang din ako kay Ariadne. “Ang cute ng friendship n’yo,” aniya. “Ang saya-saya maging kaibigan n’yo.” I smiled. “But not all the time ay masaya kami,” I said. “I think, that’s what made us more…almost perfect.” “There’s no perfect friendship naman,” aniya. “If it’s perfect, it’s not real.” I smiled once again. “I like your thoughts.” She smiled in return. “That’s good to hear.” Nang bumalik kami sa mesa namin ay napagkasunduan na rin namin na bumalik na sa mga kani-kaniyang business namin. Nagpaalam na rin si Miku dahil kailangan na niyang bumalik ulit sa hanay nina Reva, samantalang si Cosmo naman ay bumalik na sa amin. “Gusto mo ba ay ihatid ka muna namin ni Ariadne bago ako dumiretso sa training?” tanong ko kay Xheen. “Okay na rin naman kahit dumiretso ka na sa training, ‘ryl. Kami na lang ni Ryker ang sasama kay Xheen,” ani Earth sa akin. “Papunta na rin naman na kami sa dorm namin dahil wala na rin naman akong ganap ngayong araw.” Bahagya akong nangiti sa sinabi ni Earth. “Thank you, Earth.” “Walang anuman, ‘ryl. Good luck sa training mo,” saad pa ni Earth sa akin. “Ingat ka rin, Ariadne, kasi baka mapana ka ni—sabi ko nga ay mananahimik na ako,” ani Ryker matapos ko siyang samaan ng tingin. Inakbayan na ni Earth si Ryker at saka hinila na paalis doon. Sumunod na rin si Xheen sa kanila at wala akong ibang nagawa kundi tanawin ang nilabasan nila. Kumaway na rin sa akin si Miku nang lumabas na rin sila sa lugar na ‘yon. I fixed my quiver at agad na sinukbit ‘yon sa balikat ko at saka kinuha na rin ang pana kong nakalagay sa mesa. Ariadne offered to helped me, but I said na okay lang ako dahil hindi naman mabigat ang pana kong ‘yon. On our way to the forest, Ariadne talked to me. “The second time we met, sinabi ko sa ‘yo na hindi tama ang instrumentong hawak mo,” panimula niya. “Gusto ko lang sabihin na gano’n pa rin ang tingin ko ngayon.” “Dahil ba hindi ako kasinghusay ni Cleon?” I asked. Umiling naman siya. “Hindi mo kailangang maging kasinggaling niya para masabi kong tama ang instrumentong hinahawakan mo. Hindi lang talaga umaayon ang katawan mo sa pana’t palaso.” “Lahat naman ng bagay ay kayang aralin,” saad ko. “Ngunit, hindi ba’y mas maganda kung una pa lang ay umaayon na ang katawan mo sa instrumentong ginagamit mo? Rhythm is important in this line of life.” Hinarap ko siya at saka nginitian. “Ilang beses mo na ba akong napapanuod na humawak ng pana’t palaso?” Hindi siya nakasagot kaya muli akong napangiti. “Sa tingin ko’y hindi sapat ang nakita mo sa akin kaya ganyan ang husga mo,” saad ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. “Sa tingin ko nga,” pagsang-ayon niya kalaunan. Nang makarating kami sa gubat sa ibaba ng Academy ay agad kong inayos ang sarili ko. Si Ariadne naman ay walang kahirap-hirap na umakyat sa isa sa mga punong naroon. Natawa naman ako nang magpalipat-lipat siya sa mga sanga ng puno nang walang kahirap-hirap. “Sanay na sanay ka sa ganyan, ‘no?” tanong ko sa kaniya habang nililinis ang mga palasong gagamitin ko. She chuckled a little. “Konti lang. Ito lang kasi ang naisip kong paraan para kung sakali man na may kalaban ay makapagtago pa rin ako kapag nacompromise na nila ang lupa.” Natigil ako sa paglilinis ng aking palaso at saka tumingala sa kaniya. I was surprised to see na nakalambitin na naman siya sa puno gaya ng ginawa nito noon no’ng nagtitraining ako. I wonder if hindi ba bumabaliktad ang dugo niya sa kakaganyan. “Futuristic ka, ‘no? You always think ahead of things,” saad ko. Umayos muna siya ng pwesto niya at naupo sa sangang kinaroroonan niya bago muling tumingin sa akin. “Dahil mas magandang laging handa,” aniya. “Hindi naman natin sigurado ang hinaharap ng RMA, ‘di ba?” Hindi ako nakasagot sa tanong niya ngunit alam kong may punto siya. Sa ganitong buhay, wala talaga kaming kasiguraduhan. Lalo pa ngayong may kung sinong nanggugulo sa amin na hindi namin kilala. “Maaaring ngayon ay okay pa ang Academy pero tingin mo ba, hanggang sa mga susunod na araw ay mananatiling maayos ang paaralang ‘to?” she asked. Hindi ko naman napigilang kilabutan sa sinabi niya. Alam ko naman ang sinasabi niyang ‘yon but it felt so unreal kapag sa ibang tao na nanggagaling. To be real honest, hindi na rin ako sigurado na magiging maayos pa ang RMA sa mga susunod na araw. Ariadne smiled. “Huwag ka na munang mag-isip nang sobra at magfocus ka na lang muna sa training mo,” aniya. “Kung sino man ang nanggugulo sa Academy, I am sure na mapipigilan n’yo rin siya sa ibang binabalak niya.” “I hope,” I said at saka bumalik na sa pag-aasikaso ng mga gagamitin ko. Nang masiguro kong handa na ang mga gagamitin ko ay agad ko na ring isinuot ang gloves ko. Maging ang knee protection ko ay isinuot ko na rin. Nanatili naman si Ariadne sa itaas ng puno kaya nagsimula na akong maglagay ng palaso sa panang hawak-hawak ko. Bahagya pa akong natawa nang icheer ako ni Ariadne na animo’y may laban akong gagawin, kahit ang totoo ay training lang naman ‘yon. Inayos ko na ang posisyon ng katawan ko at saka pinakawalan ang unang palaso sa punong unang target ko. I don’t have specific targets dahil on the spot akong humuhuli ng lugar kung saan ko gustong ipatama ang palaso ko. Sa tunay na laban naman kasi, wala ka ring specific target na patatamaan. Dapat matuto akong maging flexible sa pagpapakawala ng bawat palaso sa kahit na saang banda. Ayokong masasanay ako na sa mga piling target lang maalam umasinta. The rattling of leaves somehow became a music to my ears. The first round went fine ngunit hindi ako natuwa sa mga resulta. Kung hindi kasi mababaw ay sa gilid naman ng puno bumabaon ang palasong pinakawalan ko. Mabilis kong kinuha ang bawat palasong nagamit ko at saka muling pinahiran ang mga blades no’n. I prepare myself for the second round and this time, I’ll add some stunts. Inihanda ko na agad ang sarili ko, maging ang pana at palaso na gagamitin ko para sa pangalawang round. I smiled nang maayos kong nabitawan ang unang palaso na naroon sa pana ko. Habang nasa ere ay kumuha na ako ng panibagong palaso at saka pinakawalan ‘yon kasabay ng paggulong ko sa lupa. I flipped to get up at saka muling nagpakawala ng isa pa. Unfortunately, hindi naging maganda ang pagbitaw ko no’n. Hindi ko rin tuloy napigilan na mas mafrustrate dahil doon kaya hindi na naging maganda ang huling dalawang palaso na pinakawalan ko. I hissed because of what happened. Narinig ko naman ang tunog ng mga dahoon at nang lingonin ko ay nakababa na si Ariadne sa punong kinaroroonan niya. “What’s your dominant foot?” she asked out of nowhere. Nagtataka man ay sumagot pa rin ako. “Right, I think.” “Kanina, when you did the flip tapos lumanding ka, I noticed na kaliwang paa mo ang unang lumapag sa lupa. Do that again tapos kanan naman ang una mong ilapag. In that way, makakaipon ka ng sapat na lakas sa pagbitaw ng palaso without worrying about your landing dahil alam mong kaya kang suportahan ng paa mo,” aniya. “What if, magfail lang ulit?” I asked. “What if hindi?” balik na tanong niya. “Trust yourself, kaya mo ‘yan,” dagdag niya at saka ngumiti. She stepped back at inihanda ko naman ang sarili ko. Kumuha ako ng dalawang panibagong palaso sa quiver ko at saka parehong inilagay ‘yon sa panang hawak-hawak ko. Bumwelo muna ako ng isang beses at saka pinakawalan ang isang palaso habang tumatakbo ako papunta sa tamang pwesto para gawin ang flip na ‘yon. When my feet reach the right spot, agad kong sinuportahan ang sarili ko para sa panibagong flip at gaya ng sinabi ni Ariadne ay kanang paa ang una kong nilapag. Napaluhod man dahil sa impact no’n, hindi ko napigilang mangiti nang makita kong tumama sa tamang lugar ang palasong pinakawalan ko. Nilingon ko si Ariadne at nakangiti rin niyang sinalubong ang mga tingin ko. “You did it,” aniya at saka napapalakpak pa sa tuwa. Napatingin akong muli sa puno kung saan bumaon ang pana ko at hindi ko napigilan ang kakaibang saya dahil doon. Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod at saka kinuhang muli ang mga palaso ko at gaya no’ng una ay nilinisan ang mga ‘yon. Lumapit na ako sa gawi ni Ariadne at agad niya namang iniabot sa akin ang towel ko na naroon. “Thank you,” ani ko sa kaniya. “Hindi ko na namomonitor ang paa kong lumalanding sa lupa. Glad you have those keen eyes at nakita mo ‘yon.” “Wala ‘yon,” saad niya. “Kapag naman kasi nanunuod ka lang, marami ka talagang mapapansin. Isa pa, kaya mo naman kahit na hindi ko pinuna ‘yon.” Napakibit balikat ako. “Siguro,” sabi ko. “Pero baka makailang subok pa ako bago ko maitama ‘yon.” “Speaking of, last mo na ba ‘yon?” she asked. Umiling ako. “Isang round pa tapos pwede na akong bumalik sa dorm.” Nang makaipon na ulit ng sapat na lakas ay nagsabi na ako na gagawin ko na ang huling round. Umakyat naman ulit si Ariadne sa punong kinaroroonan niya kanina. I did the last round at medyo nasiyahan na ako sa resulta no’n. Hindi gaya kanina, mas malapit na sa gitna ang bawat tira ko and the flip’s superb. Nang matapos ay mabilisan kong inayos ang mga gamit ko. Muli ay nagvolunteer si Ariadne na tulungan ako but for the second time, I told her na kaya ko na. Habang pabalik na kami sa RMA ay hindi ko napigilang tanungin siya. “Saan ka pala nagdodorm? Hindi kasi kita napapansin sa Academy,” saad ko sa kaniya. I saw her smiled a little. “Sa building two rin ako. Sadyang nagkakasalungat lang tayo ng landas,” aniya. “One more thing, pabor naman sa akin na hindi ako napapansin. Kapag gano’n, mas marami akong magagawa nang walang matang nakamasid sa akin.” Napatingin ako sa huling mga salitang binitawan niya. “Anong…ibig mong sabihin?” Natawa siya. “I hope you’re not thinking na may masama akong ginagawa,” aniya. “I meant that sa mga times na pinapanuod ko kayo every trainings n’yo.” Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. Kung hindi niya dinugtungan, paniguradong mag-iisip na ako nang masama about sa kaniya. But silly me, ano naman ang magagawang masama sa Academy ng isang mortal na gaya niya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD