CHAPTER THIRTY

3695 Words
CIRCE Unang sumugod si Reva sa gawi ni Averyl at masasabi kong mas may advantage si Reva sa close combat dahil kailangan pa ni Averyl na lumayo nang konti bago siya makapagpakawala ng palaso. Kaya naman panay iwas lang si Averyl sa bawat atake ni Reva sa kaniya. Isang dagger pa lang din ang inilalabas ni Reva at iyon lang ang ipinang-aatake niya kay Averyl. Nang inihagis niya sa gawi ni Averyl ang dagger ay mabilis namang pumailanlan sa ere si Averyl para iwasan ‘yon at saka gumawa ng kaparehong backflip na ginawa ko. She ended up on Reva’s back ngunit saktong no’ng bibitawan niya na ang palasong dapat ay ititira niya sa gawi ni Reva ay mabilis na sumipa patalikod ang isa, causing her arrow to break in half. Napatayo naman si Xheen sa kinauupuan nito nang masiko ni Reva si Averyl, dahilan para mawalan ng balanse ang isa at matumba sa lupang naroon. Agad naman na pinigilan ni Cosmo si Xheen nang umakto itong bababa sa kinaroroonan niya. Matalim na tingin naman ang iginawad ko kay Xheen, isang banta na kung hindi siya mananatili sa kinalalagyan niya ay mas lalo kaming magkakagulo rito. Nagpatuloy ang palitan ng atake nina Reva at Averyl at wala kaming ibang nagawa kundi ang panuorin silang atakehin ang isa’t isa. Napapailing ako kada masusugatan ni Averyl si Reva ngunit gayunpaman ay mas lamang ang pagtama ng mga blades ni Reva kumpara sa mga arrows ni Averyl. Sa laban na ‘to, alam ko naman na mananalo si Reva, walang duda ‘yon. Hindi pangclose combat ang weapon na napili ni Averyl kaya tiyak na mahihirapan siyang iraos ‘to. Natigil lang ang paglalaban ng dalawa nang walang ano-ano ay may mga kung anong itim na ibon ang pumuno sa lugar. Pinalibutan nila kami nang pinalibutan at may mga pagkakataon na tumatama sa amin ang mga tuka nila na agad namang ginagasgasan ang parte ng katawan namin na natataman no’n. We were left with no choice kundi patulan ang mga ibong ‘yon. Pumailanlan ako sa ere at saka mabilis na pinagaspas ang pakpak ko. Nang hindi sapat iyon ay umikot ako nang mabilis habang nasa ere ako. I moved too fast na halos hindi ko na makita pa ang mga ibong umaatake sa akin ngunit alam kong natatamaan sila ng talim ng pakpak ko. After all, the edges of my wings were made of sharp blades. Nang muli akong lumanding sa lupa ay roon ko lang nakita ang dami ng duguang ibon na naroon. “Circe! Yuko!” Mabilis akong yumuko sa sigaw ni Averyl. Pagkatapos no’n ay dalawang magkasunod na daing ang narinig ko. Ang isa’y sa hindi kalayuan, samantalang ang isa naman ay nagmumula kay Averyl. Nang mag-angat ako ng tingin, I saw Reva threw a dagger sa ibon na ang tuka ay nakabaon sa braso ni Averyl at sa pagtama ng dagger doon ay awtomatiko itong bumagsak sa lupa. “May natamaan ng palaso ni Averyl,” rinig kong ani ni Miku. Lumitaw ang isang babae sa hindi kalayuan na nakahawak sa kaniyang braso. Mabilis na nilapitan at binuhat ni Earth ang hindi pa namin nakikilalang babae na natamaan ng palaso ni Averyl. She has this silver hair ngunit may iilang hibla no’n ang nabahiran na ng kaniyang sariling dugo. “Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat?!” Reva exclaimed. “Wala akong choice!” asik ni Averyl pabalik. “Tama na ‘yan, may kailangan tayong unahin,” ani Denzell sa amin. Mabilis na sumunod si Denzell sa gawi na pinuntahan ni Earth, mabilis na rin kaming sumunod sa kanila habang hawak-hawak ko si Reva dahil baka mag-alburuto na naman ang loob niya at sila naman ni Averyl ang mas lalong magkainitan. Sugatan din si Averyl kaya dapat lang na iwasan din namin na mas magkairingan silang dalawa. May mga gasgas din naman sa katawan si Reva ngunit paniguradong wala ‘yon sa kaniya. “Tabi!” ani Earth sa mga estudyanteng nagkukumpulan nang makarating na kami sa boundary ng Academy. Agad naman na nahawi ang dinaraanan nila nang makitang kasunod nila kaming mga defender. “She’s losing too much blood,” ani Denzell. Nalingon ko si Earth. Seryosong-seryoso ito habang buhat-buhat ang babaeng nadaing sa sakit dahil sa pagtama ng palaso sa kaniyang braso. He’s worried for her, ugali ni Earth ‘yon at alam kong kaya siya nagmamadali ngayon ay dahil na rin sa sinabi ni Denzell. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siyang mortal at hindi gaya namin, mas mabilis bumigay ang katawan nila kung masosobrahan ang dami ng dugo na nawawala sa kanila. “Miku! Pabukas ng pinto!” ani Earth kaya mabilis na tumakbo sa pinto ng infirmary si Miku at ibinuka ‘yon para makapasok sina Earth. Mabilis din siyang tumakbo sa isang kwarto na naroon at gaya ng nauna ay pinagbuksan ng pinto sina Earth. Walang sinayang na oras si Earth at inilapag niya agad ang babaeng buhat-buhat niya roon na hanggang ngayon ay nadaing pa rin sa sakit. Kitang-kita ko ang paglandas ng luha sa kaniyang mata nang magsimula si Earth sa pagsipat sa kaniyang sugat. Hindi ko naman napigilang mag-alala lalo pa nang makita kong natataranta si Earth sa kaniyang ginagawa. “Earth,” I called. He looked at me at hindi ko mabasa ang ibang ekspresyon sa kaniyang mukha maliban sa pagod na talagang kitang-kita na sa kaniya. “Calm down. She’ll be fine.” His breathing became heavy ngunit sa kabila ng hirap ay nagawa niya pa rin akong ngitian at pasimpleng tanguan. Nang bumalik sa babaeng ‘yon ang kaniyang pokus ay mas banayad na ang kilos niya. He checked for her breathing and her pulse at no’ng mukhang maayos ang lahat ay saka siya nag­-apply ng pressure sa sugat na naroon sa braso nito. “Just pull it out, Earth,” ani Reva. “Saka mo siya gamutin kung wala na ‘yong—” “Hindi pwede,” Earth said. “Hindi ako sigurado sa tinamaan no’ng palaso sa braso niya. Maaaring magkakomplikasyon kung gagawin ko ‘yon. Isa pa, baka may matamaan akong delikadong spot at mas maraming dugo pa ang mawala sa kaniya.” “I am sure, kaya mong patigilin ang pagdurugo kung sakali—” I cut her off. “She’s a mortal. Iba ang kalakaran sa katawan nila kumpara sa katawan natin,” I said. “Kung mas maraming dugo ang mawawala sa kaniya, hindi lang siya ang mapapahamak kundi pati tayo.” “Circe’s right,” ani Earth. “Hindi ko maramdaman na may abilidad ang isang ‘to.” I heard Reva groaned. “Ano ba kasing ginagawa niya roon?! Nagsabi naman tayo na hindi sila pwede sa lugar na ‘yon! Kasalanan niya rin naman kung bakit siya nakaratay riyan ngayon!” “Reva,” pag-aawat ni Denzell. “Hayaan mo na lang na gamutin siya ni Earth.” I sighed. “Sa tingin ko mas makakapagtrabaho si Earth kung nasa labas na muna tayo,” suhestiyon ko. “Mas marami tayo rito, mas lalo lang matataranta si Earth.” “I agree,” sabi ni Averyl. “Hayaan na lang natin si Earth na gamutin si…Ariadne.” “You know her?” asked Xheen. “How come?” “Sa labas ko na lang ikekwento,” sagot ng kaibigan niya. “Averyl, kailangan mo ring matignan,” ani Ryker. “Kami na lang ang lalabas at maiwan ka na rito.” “Hindi na,” aniya. “Mas kailangan ni Ariadne ang tulong ni Earth. Isa pa, kaya ko pa ang sarili ko.” Sa huli’y nagkasundo kaming lumabas na lang ng silid na ‘yon. I took one last glance on Earth ngunit abala na ito sa pag-aasikaso kay Ariadne. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang hilingin na sana’y okay lang si Ariadne at hindi masyadong madrain si Earth. Nilinis naman ni Denzell ang mga sugat na natamo ni Reva. Si Averyl naman ay inasikaso rin ni Ryker. Nagbangayan pa nga sila dahil ayaw naman talaga no’ng isa ngunit sa huli’y wala rin siyang nagawa dahil mapilit din talaga si Ryker. Hindi ko naman napigilang mangiti dahil sa bangayan nilang dalawa kada inaasar ni Ryker si Averyl at dinidiinan nito ang paglilinis sa sugat ng kaibigan. They look cute together. “Para kang sira na nakangiti sa kanila,” puna ni Miku sa akin. Hindi ko naman napigilang mapairap. “Para ka ring kabute na sulpot nang sulpot sa kung saan,” ani ko. “Mind your own life dahil nananahimik ako rito.” “Ang sungit mo,” aniya. “Sige ka, hindi kita ilalakad kay—” Mabilis kong natakpan ang bibig nito bago pa siya marinig ng iba naming kasamahan. Nangunot naman ang noo ni Reva na napatingin sa amin. Simpleng ngiti naman ang ibinigay ko sa kaniya bago ko pinagbuntunan si Miku. “Manahimik ka dahil kung hindi ay permanente kong isasara ‘yang bibig mo,” sabi ko, nagbabanta ngunit nakangiti. “Nananahimik ang buhay ko, Miku.” He nodded at nang mabitawan ko na ang bibig nito ay naiiling na lang siya habang natatawa. Binantayan ko ang bawat kilos ni Miku na nasa tabi ko. May pagkakataon na natatawa siya dahil sa talim ng tingin ko sa kaniya. Minabuti na rin muna nina Denzell at Xheen na ihatid sina Averyl at Reva sa kani-kanilang kwarto upang makapagpahinga rin ang dalawa. Naiwan naman kami nina Miku, Ryker at Cosmo roon. Kung ano naman ang pinal na desisyon ni Reva sa naganap na laban, bukas na siguro namin malalaman. Mabilis naman na nangunot ang noo ko nang makarinig ako ng pagtawa sa loob ng kwarto na kinaroroonan ni Ariadne. Dahil medyo malapit ako sa pinto ay hindi talaga nakatakas sa tenga ko ang bagay na ‘yon. Bakit parang nagtatawanan sina Earth at Ariadne? “Mukhang okay na si Ariadne,” ani Miku. “Pasok na tayo.” Mabilis pa sa alas kwatro na napatayo ako sa upuan ko kaya natawa na naman si Miku. I glared on him at saka siya inirapan. Siya naman ang hinayaan kong magbukas ng pinto at hindi nga ako nagkamali ng narinig, nagtatawanan nga silang dalawa. “Bakit parang ang saya n’yo ata?” tanong ni Cosmo sa dalawa at saka binalingan ang babaeng nasa tabi ni Earth. “Ikaw lang ata ang napana na masaya pa.” “Palabiro kasi itong si Ariadne kaya natawa ako,” ani Earth. Ineksamina ko ang dati kong kaibigan. Gaya kanina ay bakas pa rin ang pagod sa mukha nito. May bahid na rin ng dugo sa damit na suot niya. Wala na rin ang palaso na nasa braso ni Ariadne at napalitan na ‘yon ng benda. “Sure kang okay ka na, ha?” tanong ni Earth kay Ariadne kaya awtomatiko namang tumaas ang kilay ko. Ngumiti naman ang isa. “Oo, ayos na ako. Maraming salamat sa ‘yo.” I hissed when I heard her answer. Nakakairita siya! “May problema ba, Circe?” nakakalokong tanong ni Miku sa akin. Inirapan ko siya at saka binalingan ang kinaroroonan nina Earth at no’ng Ariadne na ‘yon. “Since okay ka naman na, I’ll go now,” sabi ko. “Aalis ka na agad? Hindi—” I cut Ryker’s words. “I’ll go now,” madiin kong saad. “Hindi ko na kailangan pang magtagal sa lugar na ‘to. Ngayong masasabi ko na kay Reva at Denzell na okay naman ang estudyanteng ‘yan,” bumaling ako kay Ariadne, “pwede na akong umalis.” Nginitian naman ako no’ng babaetang ‘yon. “Maraming salamat, Circe.” Hindi na ako sumagot at nagmamadali na lang na umalis ng lugar na ‘yon. No’ng maisara ko nang tuluyan ang pinto ay saka ko lang napakawalan ang hangin na naipon sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong kinasasama ng loob ko sa mga nasaksihan ko. He’s fine, he’s having fun, and so what?! Kahit magdamag pa silang magtawanan, wala dapat akong pake! Maglock pa sana mga panga nila katatawa! Ang sarap batukan nina Denzell at Miku sa mga oras na ‘to dahil mukhang pati ako ay naaapektuhan na ng pang-aasar nila! “Circe.” My heart skipped a beat nang marinig ko ang boses ni Earth. Tamad na tamad naman akong lumingon sa gawi niya. “What?” pagtataray ko rito. He smiled. “Thank you sa ginawa mo kanina. Nakapagtrabaho ako nang maayos—” “Welcome,” maagap na sagot ko at saka siya muling tinalikuran ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako ay agad din akong tumigil. Napalunok muna ako bago ko binitawanan ang mga salitang alam kong pagsisihan ko ulit. “Huwag mo sanang isipin na para sa’yo kaya ko ‘yon ginawa dahil hindi. Para sa ikabubuti ni Ariadne kaya ko sinuhestiyon ang bagay na ‘yon.” Hindi siya nakasagot ngunit ramdam ko pa ang presensya niya. Nang aalis na ako ay bigla naman siyang nagsalita. “Alam ko naman ‘yon,” aniya. “Alam kong hindi ka gagawa ng bagay na para sa akin and that’s fine, Circe. Ingat ka.” Nahigit ko ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. Muli akong humugot ng malalim na paghinga bago ko unti-unting hinakbang ang mga paa ko, at sa paglisan ko sa lugar na ‘yon, dala-dala ko ang kakaibang sakit at bigat sa dibdib ko. REVA “Hindi ko alam bakit kailangan mo pa akong ihatid,” pagrereklamo ko kay Denzell nang makarating kami sa kwarto ko—namin ni Circe sa building 1. Sa totoo lang ay bawal siya rito but he insists na ihatid ako hanggang sa kwarto dahil baka raw mamaya ay may mangyaring masama sa akin. OA na kapatid ng taon award goes to…Denzell! “Kakaiba ka rin talaga magthank you,” aniya. “But you’re welcome anyway.” I rolled my eyes. “I am not thanking you for this.” He chuckled. “I know. Typical Reva, of course.” “Pwede ka na ring umalis,” sabi ko sa kaniya kaya muli na naman siyang natawa. “I am not kidding, Denzell. Pwede ka na umalis.” He raised his hands, as if he’s giving up. “Oo na po, kamahalan, aalis na po ako,” aniya kaya nabato ko siya ng unan. Kahit kailan ay alam na alam niya kung paano ako asarin! Nakakainis! Nang umalis si Denzell ay saka lang natahimik ang mundo ko. Kahit papaano ay nakaramdam naman ako ng saya sa katahimikan. Pero hindi ko pa nananamnam ang bagay na ‘yon ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa no’n si Circe. Hindi na naman maipinta ang mukha nito. “Anong nangyari sa ‘yo?” I asked. “Not now, Reva,” she said at saka kinuha ang towel niya at pumasok ng banyo. Tumaas naman ang kilay ko dahil sa inasta nito. Ano na naman kaya ang problema no’n? Tungkol na naman kaya sa taong ikinikwento niya nakaraan? Kung kilala ko lang talaga ang taong ‘yon, babatukan ko siya for making Circe feel bad. Hanggang sa matapos siyang maglinis ng sarili ay wala siyang imik. Pinanuod ko lang naman ang bawat kilos niya hanggang sa mapagdesisyonan niyang mahiga na sa kama niya at saka nagtalukbong ng kumot. “Is it about him?” I asked. Hindi naman siya sumagot. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa higaan ko at saka kinuha na rin ang towel ko para maglinis ng katawan. I looked on Circe’s direction once again at kitang-kita ko sa kumot nito ang pagtaas-baba ng kaniyang balikat. “I am here, Circe. Always.” Hindi pa rin siya sumagot matapos no’n kaya tumuloy na lang ako sa banyo at naglinis ng sarili. I don’t know what she’s going through right now but I hope, alam niya na nandito lang ako para sa kaniya. Naging mabilis lang ang paglilinis ko ng katawan. Nawalan na rin ako ng gana maghapunan matapos ang mga nangyari kanina. Hindi rin naman masayang kumain nang ako lang. Mas gusto ko na nakakasabay si Circe ngunit mukhang tulog na ito. Napalingon ako sa gawi niya at hindi na nagalaw nang gaya kanina ang kumot na nakatakip sa kaniya. She needed this rest, too. Maaga akong nagising kinabukasan. I know, I have to address what happened yesterday. Nasa akin pa rin naman ang huling desisyon sa nangyaring laban namin ni Averyl. Maaga ring nagising si Circe at hindi gaya kahapon, bumalik na ang normal na mood nito. “Para kang may sapi,” pang-aasar ko sa kaniya habang pababa kami ng dorm namin. Natawa naman ito dahil sa sinabi ko…but I wasn’t kidding. “Napagod na lang din siguro ako kahapon kaya gano’n na ang mukha ko no’n,” aniya. “Hayaan mo na. Masyado naman tayong maganda para malungkot.” Speaking of, napansin ko nga na nag-ayos si Circe. It’s not her usual look but I admit, bagay sa kaniya ang ayos niya ngayon. Circe has this simple yet captivating beauty. Napakababy ng mga features niya, including her height. Kidding aside, sa puti niya, pwede na siyang mapagkamalan na pinagulong sa sandamakmak na harina. Pwede ko na siyang lagyan ng batter and I’m ready to fry her na. Kidding. Our first stop is room 1. Nang dumating kami roon ay naroon na sina Cleon, Denzell at Miku. They greeted us good morning pero si Circe lang ang sumagot sa kanila. Agad naman akong nilapitan ni Denzell at wala pa man ay alam ko na agad ang sasabihin nito sa akin. “Okay na ba pakiramdam mo?” he asked. As expected. I nodded a little. “Yes, okay na. Thanks to my strong body.” He chuckled a bit at saka ginulo ang buhok ko. Minsan ang sarap putulin ng kamay niya dahil habit niya ang manggulo ng buhok ng iba but when I do the same thing sa kaniya, kulang na lang ay tumarak sa katawan ko ang matalim na tingin niya. We planned our today’s routine. Gaya ng nakasanayan ay kailangan naming ifacilitate ang trainings ng ibang estudyante. We divided our team in two. Denzell, Miku and Circe, habang ako naman at si Cleon ang magkasama sa isa pang team. Mabilis naman na umusad ang oras namin dahil naging madali lang ang training na pinangunahan namin ni Cleon. Kahit papaano, nakakatuwa pa rin na makitang nag-iimprove ang mga estudyanteng gaya namin na kami lang ang naghahandle sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung kumusta na ang mga mentors namin sa Skyline at kung kailan sila babalik. “Sa cafeteria na lang natin hintayin sina Denzell,” ani Cleon sa akin. Hindi naman ako sumagot but I followed him immediately nang maglakad siya papunta sa cafeteria matapos ang last training na pinangunahan namin. When we reached our table ay agad akong naupo at saka nakisabay na lang kay Cleon sa pagbili ng pagkain. Alam ko namang inis pa rin siya sa inakto ko nakaraan but he accepted my card anyway kaya hindi na rin ako kumontra pa. Masakit na ang paa ko sa paglalakad— “Reva.” Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Speaking of the devil… “Averyl,” I said then offered a smile na obviously ay hindi genuine. “What brings you here?” “Gusto kong malaman kung ano ang naging desisyon mo sa nangyaring laban kahapon,” aniya. Mas lumawak naman ang ngiti ko dahil doon. Minata ko naman silang lahat at kumpleto sila. Maging iyong Ariadne ay kasama na nila. “New friend?” I asked. Wala namang sumagot sa kanila. “Sabagay, hindi naman nakakagulat na nagpasama na naman kayo ng isang loser sa grupo ninyo.” “Reva,” Denzell’s voice echoed. “Anong mayroon dito?” “They have a new friend,” sabi ko na natatawa pa. “Welcome to their team, Ariadne.” “Maraming salamat,” aniya at saka ngumiti kaya napairap ako. Hindi ba siya nakakaintindi ng sarcasm? “Gusto lang sana naming malaman kung pwede na ba kaming tumulong sa inyo,” ani Averyl. Napabuntong-hininga naman ang kapatid ko dahil doon. “Reva—” “No,” I said. Sakto namang dumating si Cleon kaya agad kong inasikaso ang pagkain ko na dala-dala niya. “’Yon lang ang sasabihin mo? No?” tanong ni Xheen sa akin kaya nilingon ko siya. “Bakit? Dapat pa ba akong maglong sweet message sa ‘yo para maintindihan mo na hindi pa rin kayo pwedeng tumulong sa amin?” Natawa naman si Cleon sa sinabi ko. “Reva, nagtatanong sila nang maayos,” ani Denzell sa akin. I rolled my eyes. “Hindi ba ako sumagot nang maayos? I already said no, Denzell.” “Why?” Averyl asked. “Ang usapan, kapag lumaban ako sa ‘yo—” “Ang usapan is dapat matalo mo ‘ko,” saad ko at saka ngumiti sa kaniya. “Which is, unfortunately, hindi mo nagawa.” “May mga ibon na nanggulo sa atin—” I cut her off. “Edi sana kinausap mo ang mga ibon na ‘yon na tulungan kang manalo,” I said. “Hindi ko na kasalanan kung may nanggulo sa laban. Ang importante at malinaw ngayon ay hindi mo ‘ko natalo. Tapos ang usapan.” Akmang mag-uumpisa na akong kumain nang may biglang sumabat. “Ganyan ba talaga ang ugali na mayroon ka?” Nilingon ko si Ariadne at tinaasan ito ng kilay. “Gusto lang naman nilang makatulong sa inyo pero bakit ganyan mo sila pakitunguhan?” “Excuse me?” I asked. “Who are you to meddle in our conversation?” “Hindi mo naman ikakababa kung pakikitunguhan mo sila nang maayos—” “At hindi mo rin kinaangat ang pagiging mabait mo,” pagtataray ko. “Hindi mo ‘ko kilala kaya wala kang karapatan na sabihan ako sa kung ano at paano ko sila dapat pakitunguhan.” “Tama si Reva,” ani Circe. “Hindi naman porke ginamot ka ni Earth ay may sabi ka na sa mga desisyon namin. Kung gusto mo ng respeto galing sa amin, irespeto mo rin ang desisyon ng kaibigan ko. Huwag kang mapapel, Ariadne.” “Reva, hindi naman sa nanghihimasok ako pero mas madali ang trabaho natin kung mas marami tayong magtutulong-tulong,” ani Miku sa akin. Awtomatiko naman akong naparoll eyes dahil sa sinabi nito. “May punto si Miku,” ani Denzell. “Hirap na tayo na pangalagaan ang Academy, aminin na natin ‘yon. With their help, mas maayos nating maaasikaso ang pangangailangan ng RMA at ng mga estudyanteng narito.” “Pero hindi sila kabilang sa defender na itinalaga ng mga mentors natin,” ani Circe. “Hindi naman pwedeng hayaan na lang natin sila na magkaroon ng parehong prebilihiyo na mayroon tayo nang gano’n-gano’n lang.” “Wala kaming gusto sa mga prebilihiyo na mayroon kayo, gusto lang talaga naming makatulong,” ani Averyl. “Reva, please reconsider,” ani Denzell sa akin. “Malaking tulong si—” “Fine!” pagsuko ko. “Pero kapag pumalpak sila, kayo ni Miku ang mayayari sa akin!” banta ko. Napangiti naman ang kapatid ko dahil doon. Kitang-kita ko rin ang pagngiti nina Averyl dahil sa desisyon ko. “But, Reva—” I cut Circe’s words. “Nakapagdesisyon na ako, Circe. Tutulong na sila sa atin,” saad ko. “As long as hindi sila magiging balakid sa ginagawa natin, they’ll be free to help.” “I hope, hindi ka mali ng desisyon,” saad pa ni Circe at saka umalis na doon. I hope so, too. Kapag nagkataon, humanda na sina Miku at Denzell sa gagawin ko sa kanila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD