CHAPTER THIRTY-SIX

4105 Words
CIRCE Nangingiti akong napapalabi nang makarating na ako sa dorm room namin ni Reva. I went down to get us dinner at hindi ko inasahan na magtatagpo ang landas namin ni Earth and what he did…well, what he did made my heart flutter. I composed myself nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kwarto namin. Narinig ko naman ang tubig na nagmumula sa banyo kaya paniguradong naglilinis na si Reva ng katawan niya. Inilagay ko na lang muna sa table namin ang mga binili ko at saka naupo na muna sa kama ko while thinking about everything na nangyari ngayon-ngayon lang. Matapos ang mga trainings na finacilitate namin at makabalik na kami sa dorm ni Reva ay nauna akong naglinis ng katawan kesa sa kaniya. She seems so tired kaya nagpaalam ako na ako na lang ang bibili ng hapunan naming dalawa and she agreed. I was taken aback at first no’ng pagdating ko sa bibilhan ko ng pagkain because of a very, very familiar figure. Nang magtagpo ang mga mata namin ay nauna akong nag-iwas kumpara sa kaniya but to my surprise ay umalis siya sa linyang kinalalagyan niya at saka lumapit sa kinaroroonan ko. I kept myself busy sa pagpili ng makakain at hindi ko siya pinapansin not until he got on my way nang mapagdesisyonan ko na na pumila. Earth talked to me—err, I mean, ginawa niya ang lahat para mapansin ko siya. Nang hindi ko na matagalan ang kakulitan niya ay wala na rin akong naging choice kundi kausapin siya. He even helped me sa pagdadala ng mga binili ko at ang ungas ay hindi pa nakuntento sa gano’n. He even charged everything on his card. Kung bakit at para saan ay hindi ko rin alam. Maging ang paglapit-lapit niya ay hindi ko alam kung anong meaning—o baka ako lang ang nag-iisip na may meaning ‘yon. Hanggang sa makaalis kami sa lugar na ‘yon ay wala pa ring tigil ang daldal niya. Hindi ko rin tuloy napigilan na tanungin siya kung bakit biglang naging gano’n ang pakikitungo niya sa akin. I hurt him nang maraming beses. At saka, si Ariadne naman na ang kaclose niya ngayon. Lagi pa nga silang nagtatabi sa cafeteria. Tch! Nang sabihin niya sa akin na hindi niya rin alam ay halos makailang beses ko siyang inirapan. Akmang aalis na ako at mauuna na sa kaniya sa paglalakad nang bigla niya akong higitin pero dahil masyadong napalakas ang pagkakahila niya ay muntikan akong mawalan ng balanse. Good thing, he caught me on my waist. Noong una ay ang sama pa ng tingin ko sa kaniya but later on, I laughed because of his expression. Halata kasing nagulat siya sa nangyari at alalang-alala pa sa lagay ko. Nang makabawi siya sa gulat niya ay nakipagtawanan na rin ito sa akin. Dahil ayoko na rin na gumawa pa kami ng senaryo roon ay umayos na ako ng tindig. That’s where he told me na namimiss niya na ang kung anong mayroon kami noon, that he misses his old friend, the old Circe. Nangiti na lang naman na ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa paraang hindi ko siya mapapaasa na maaayos pa ang amin. We can act like this but not in front of everybody. Ayoko rin namang biguin pa si Reva. Nang magpaalam na ako sa kaniya ay lubos kong hindi inasahan ang sunod niyang ginawa. He grabs my wrist at saka ako hinarap sa kaniya. Sa isang iglap lang ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Madalas niyang gawin noon sa akin ‘yon, hindi ko lang inasahan na may lakas pa rin siya ng loob na gawin ulit sa akin ‘yon ngayon. My heart fluttered because of what he did, na tipong kahit nakalayo na ako sa lugar at nagpaalam na kami sa isa’t isa ay hindi pa rin naaalis sa noo ko ang ala-ala ng pagdampi ng labi niya. Gustuhin ko mang magalit kay Earth dahil hindi ko naman hiningi ang ginawa niya ay hindi ko magawa dahil alam ko, may lugar pa rin sa akin si Earth. That what we had before, naging espesyal din sa akin ang lahat ng ‘yon. Bumalik lang ang senses ko nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto ng banyo at iniluwa na no’n si Reva. Awtomatiko kong naalis sa labi ko ang mga ngiti ko nang maalala ko ang mga nangyari kanina at saka napalabi. “Ang tagal mo ata,” ani Reva sa akin. “Or kanina ka pa nariyan?” “Kanina pa rin. Narinig ko naman na nasa banyo ko so I didn’t bother looking for you,” sagot ko rito at saka tumayong muli para asikasuhin ang mga pagkain namin. Si Reva naman ay naging abala sa pagbibihis. “Ay, nga pala,” panimula niya kaya hinarap ko siya, “paano ka nakapagbayad sa lahat ng binili mo?” she asked. Nangunot ang noo ko sa tanong niya not until she raised her right hand while holding on to something. It’s my card! “Naiwan mo kasi ito rito kaya tinatanong ko kung paano ka nakapagbayad.” Hindi ko napansin na naiwan ko ‘yon dahil si Earth nga ang nagbayad ng lahat ng binili ko ngunit hindi ko pwedeng sabihin kay Reva na si Earth ang nagbayad ng kakainin namin dahil paniguradong iisipin niya kung bakit si Earth ang nagbayad at bakit naman babayaran ng isang ‘yon ang pagkain na hindi naman para sa mga kaibigan niya. “I…uhm…” Isip ng palusot, Circe! “I met Denzell sa ano…sa bilihan and uhm he…he volunteered to pay for everything kasi ano…nabanggit ko rin na para sa ating dalawa ‘yong ano…’yong pagkain.” I’m sorry, Denzell. Wala na akong ibang maisip na pwedeng gamitin dahil mas hindi kapani-paniwala kung si Miku at Cleon ang gagamitin ko, lalo pa’t hindi kami close ni Miku at si Cleon naman ay tapat kay Reva. “Ang bait talaga ng kapatid mo,” ani ko nang makitang parang naweweirduhan si Reva sa kinikilos ko at sa pagsasalita ko. Inismiran niya naman ako dahil sa sinabi ko at saka nagkibit-balikat na lang. Nang matapos na siya sa pag-aayos ng sarili niya ay kumain na rin kami. Nag-usap din kami tungkol sa kung dapat ba naming doblehin ang intensity ng bawat trainings dahil marami-rami na rin ang mga estudyanteng minamani ang pinapagawa namin sa kanila, in the end, they were all slacking off. I told her it was not a bad idea. Besides, kailangan na rin naman talagang iangat ng training ng bawat isa. Hindi lang para sa mga estudyante kundi maging para sa amin. Speaking of training, I am kind of glad na pailan-ilan lang ang nagtataka sa presensya nina Averyl sa trainings na ginagawa namin. Mas marami pa rin kasi ang walang pake at tutok lang talaga sa training nila. They knew what happened no’ng laban ni Averyl at Reva at alam din nila na walang official na nanalo sa dalawa dahil sa nangyaring kaguluhan no’ng mga sandaling ‘yon. Nakahiga na ako ulit sa kama ko at mahimbing na rin ang tulog ni Reva ngunit ayaw pang pumikit ng mga talukap ng mga mata ko. Patuloy ko pa rin kasing iniisip ang ginawa ni Earth kanina—or kahapon. I lost track of time dahil sa pag-iisip so I don’t know kung anong oras na. Hindi ko rin naiwasang maisip kung nakakatulog ba nang mahimbing si Earth o gaya ko ay iniisip niya rin ang mga nangyari kanina. I missed it, to be honest. Sadyang hindi ko lang pwedeng ipakita dahil ayaw kong guluhin pa ang buhay namin ngayon na pareho nang nananahimik. Kung malalaman ni Reva na may kung anong koneksyon kami ni Earth, alam kong siya ang unang-unang magagalit sa akin dahil sa paglilihim ko no’n. Sa laki ng utang na loob ko kay Reva for molding me for who I am right now, hindi ko kayang makita o malaman na nadisappoint siya sa akin. It’s all about sacrifices at sa puntong ito, mas gusto kong isakripisyo ang koneksyon ko kay Earth dahil sa ganitong paraan, dalawa lang kami ang maaapektuhan. Para akong zombie nang magising ako kinabukasan dahil sa laki ng eye bags ko. Pinagtatawanan naman ako ni Reva dahil mukha na raw akong panda. Iniirapan ko lang naman siya sa kada pagkakataon na tatawa siya. “Ano ba kasing ginawa mo at nagpuyat ka?” she asked habang nagbabadya na naman ang pagtawa niya. “Wala nga kasi,” pagdedepensa ko sa sarili. Inirapan niya naman ako at saka siya muling humagikgik. Nang makarating kami sa building 1, specifically sa room 1, ay halos itago ko sa likuran ni Reva ang sarili ko nang makitang mas maagang pumunta roon si Earth. Kausap siya ni Miku kaya siguro’y hindi niya naramdaman ang presensya namin. “Ano bang ginagawa mo sa likuran ko? Para kang ewan,” ani Reva sa akin kaya umayos ang tindig ko. Napalingon naman sa gawi namin sina Miku at Earth. Kinawayan kami ni Miku samantalang si Earth naman ay tanging tango lang ang nagawa sa akin. Hindi ko naman sila pinansin at saka dumiretso na sa gawi kung nasaan si Denzell at Cleon. “Anong nangyari sa ‘yo, Circe?” tanong ni Cleon sa akin. “Ang laki ng eye bags mo ngayon. Puyat ka ba?” I heard Reva groaned. “Hindi pa ba halata, Cleon? Ewan ko ba sa isang ‘yan kung bakit napuyat.” “Baka naman kasi hindi nakatulog dahil sa kaiisip.” Napalingon ako sa gawi ng pinto nang may magsalita. Nakita ko roon ang kakapasok pa lang na sina Ariadne, Averyl, Xheen at Ryker. “Baka rin kasi hindi ka kinakausap, Xheen, kaya kung pwede ay pakitikom ang bibig mo,” pagtataray ni Reva rito ngunit nginisian lang siya no’ng isa at saka nilingon ako. Xheen smiled ngunit hindi gaya ng normal na ngiti niya, hindi ko naiwasang kabahan sa paraan ng pagngiti nito. “Goodluck, Circe. Next time, hide well.” Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ilang beses din akong napalunok dahil sa simpleng mga salitang ‘yon. May alam ba siya sa nangyari kagabi? Pero paano? Isa ba siya sa mga nakakita sa amin? But as far as I am concerned, wala namang tao sa paligid namin no’n. “Ano bang problema mo kay Circe?” asik ni Reva rito. Nang akmang lalapit na siya sa gawi ni Xheen ay napatayo ako at saka hinawakan si Reva sa kaniyang braso. “Masyado pang maaga para sa away,” saad ko kay Reva sa pabulong na paraan. “Hayaan mo na lang siya—” “Earth—” Pinanlakihan ako ng mata nang banggitin niya ang pangalan ng kaibigan niya habang ang ngisi ay hindi pa rin naaalis sa labi niya. She smirked one last time at saka bumaling sa direksyon ni Earth. “Good morning, Earth,” ani Xheen at saka pumunta na sa gawi ng kaibigan. Inakbayan niya pa si Earth at saka ngumisi rito. “Nabati mo na ba si Circe ng good morning?” “What are you doing, Xheen?” tanong ni Earth sa kaibigan. Seryosong-seryoso lang din ang mukha nito habang nagtatanong. “Why would Earth greet Circe a freaking good morning? They’re not even close—” “Hindi nga ba?” Xheen asked. Nang akmang ako na ang pupunta sa direksyon niya dahil nangangalaiti na ako sa inis na baka kung ano pa ang masabi niya ay bigla namang sumabat si Denzell. “Kung naghahanap ka ng away, Xheen, mawalang-galang na pero umalis ka na lang dito,” ani Denzell. “Nananahimik si Circe, don’t make a scene. Kung gusto mong magpapansin, we’re busy. Wala kaming maibibigay na atensyon sa ‘yo.” Xheen scoffed. “Magpapansin?” She chuckled at saka ako idinuro. “Eh, bakit hindi n’yo tanungin ang kaibigan n’yo kung anong mayroon sa kanila ni—” Agad na pwersahang ibinaba ni Earth ang kamay ni Xheen na nakaduro sa direksyon ko at saka pumagitna sa aming dalawa. Ngayo’y tanging likuran niya na lang ang nakikita ko dahil maging si Xheen ay natatakpan ng katangkaran niya. “Enough, Xheen,” aniya sa matigas na paraan. “Kung hindi mo kayang gawin para sa ikatatahimik nila, gawin mo na lang bilang kabayaran sa pagtulong ko sa panggagamot sa mga sugat mo.” “Earth’s right,” pagsang-ayon ni Averyl. “Hindi maganda na nauuna tayo sa pakikipag-away sa kanila. We’re here to help at hindi para makipagtalo.” “I was just concerned about them,” ani Xheen bilang depensa sa sarili. “Their own friend’s fooling them—” “Which is not part of your business!” Hindi ko napigilang magulat nang biglang magtaas ng boses si Earth. “Kung ano ang ginagawa niya, kung ano ang epekto no’n sa mga kaibigan niya, labas ka roon,” dagdag pa nito. “Mind your own life, Xheen. Alam kong kung ano man ang nangyayari sa buhay ni Circe, sasabihin niya ‘yon sa mga kasamahan niya sa tamang oras and you’re in no place to do that.” Binalot ng katahimikan ang room 1 matapos sabihin ni Earth ang bagay na ‘yon. Hindi ko naman tuloy napigilang pamuuhan ng luha sa mata dahil doon. After what I did, he’s still here to protect me. Kahit pa hindi na maayos ang pakikitungo ko sa kaniya, hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin. “I hate to say this, but Earth got a point,” ani Reva at saka lumingon sa akin. “As Circe’s friend, I respect her decision kung hindi pa siya handang magsabi.” “Kaya sana matuto ka ring rumespeto sa buhay ni Circe, Xheen,” ani Denzell. “You don’t know Circe the way we do. Sa lahat ng ginagawa niya, alam kong may katuturan ang bawat desisyon niya.” “Fine!” singhal no’ng isa at saka matalim na tingin ang iginawad sa akin bago kumilos na papunta sa may likuran banda. “I think it’s much better na hindi na muna sumama si Xheen sa gagawin ngayon,” suhestiyon ni Miku. “She’s too clouded with her emotions.” “Ako na ang bahala sa kaniya,” ani Ariadne. Nilapitan niya si Xheen sa kinaroroonan nito at saka pasimpleng binulungan. I saw Xheen sighed at saka tumayo na mula sa pagkakaupo. Bago pa man siya lumabas ng kwartong ‘yon ay inirapan niya pa ulit ako. “Pasensya na sa nangyari,” hinging paumanhin ni Averyl. “Gaya ng sinabi ko noon, don’t say sorry kung hindi naman ikaw ang may kasalanan,” ani Denzell. “Hayaan mong si Xheen ang humingi ng pasensya para sa ginawa niya dahil dapat niyang malaman ang pagkakamali niya. Hindi sa lahat ng oras ay itatrato natin si Xheen na mas bata sa atin. For pete’s sake, she’s seventeen. May sarili na siyang pag-iisip at alam niya na ang tama at mali.” Wala ng sumagot sa amin sa naging litanya ni Denzell. He’s always fair with things at alam kong may punto siya sa sinabi niya. Nagkatinginan naman kami ni Earth at bakas din sa kaniya ang pag-aalala. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga nangyayari. Mukhang pati si Xheen ay may ideya na sa kung anong mayroon sa amin ni Earth at hindi ko alam kung paano nangyari ‘yon. “Are you okay?” tanong ni Reva sa akin. “Kung hindi mo ‘ko pinigilan kanina, napatulan ko na ang isang ‘yon.” Nangiti naman ako sa sinabi nito. “Okay lang ako. Kung ano man ang sinabi niya, wala sa akin ‘yon.” “Magfocus na lang tayo sa trainings ngayong araw,” singit ni Cleon. “May araw at oras para sa mga ganitong bagay.” Gaya ng dati ay hinati ulit kami sa tatlong grupo. I am with Reva and Earth. Gustuhin ko man na kontrahin ang paghahati ni Denzell ay wala akong nagawa. I don’t know if he’s doing this para sa akin o para lang talaga maging awkward ako for today’s activity. Hindi ako masyadong nakakilos sa unang oras ng training namin gawa na hindi ko napipigilang mapasulyap kay Earth o kung anong ginagawa nito. May oras din na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin kaya para na naman akong sira na nag-iiwas ng tingin. “Ayos ka lang ba talaga?” tanong ni Reva. “Ibang-iba ang kilos mo ngayon.” I sighed then nodded. Inayos ko naman ang sarili ko no’ng mga sumunod na oras ng training dahil kung ayaw kong makahalata si Reva, kailangan kong ayusin ang sarili ko at ang bawat kilos ko. Gaya ng sinabi ni Denzell ay may tamang oras para sa lahat at hindi pa ngayon ang tamang oras para malaman ni Reva ang lahat. Nang matapos ang training namin ay agad na nagpaalam si Earth at mauuna na raw sa pagpunta sa mga kaibigan niya. Hindi naman na kumontra si Reva sa sinabi nito. “I caught him staring at you,” ani Reva kaya sandali akong natigilan sa pagpupunas ng pawis ko. “Mukhang may gusto sa ‘yo si Earth.” I hissed. “Nakatingin lang sa akin, may gusto na agad? Issue ka—” “Hindi ko lang siya ngayon nahuling nakatingin sa ‘yo,” ani Reva. “Every time na magkasama kayo sa iisang kwarto, he stares at you.” I chuckled nervously at saka inirapan si Reva. “He can like me all he wants but unfortunately, I don’t feel the same way.” Reva shrugged her shoulders. “I don’t know. Earth seems kind of…cool.” Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sa akin at abala siya sa pag-aayos ng mga gamit niya. I blinked a lot of times nang magtama ang mga mata namin dahil doon lang bumalik ang diwa ko. “If he likes you and you’ll end up liking him, too, wala akong kontra,” ani Reva kaya halos mapanganga na naman ako. This is new! “Besides, I saw how he defended you laban sa sariling kaibigan niya and how he’s like Denzell…well, kind of. Of course, mas angat pa rin ang kapatid ko.” Natawa na lang ako nang marahan sa pinagsasasabi niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o isa lang ‘to sa mga challenges na ginagawa ni Reva sa akin. Hangga’t hindi pa kumpirmadong okay kay Reva, I won’t take any risk. Hindi ko gustong magkalamat ang pagkakaibigan namin. Besides, I don’t think Earth likes me…as I am for him. Siguro’y pareho lang talaga kaming nanghihinayang sa pagkakaibigan namin noon. But Reva’s right. Earth’s more of like Denzell version 2.0. Caring, protective at higit sa lahat, marunong din tumimbang ng mga bagay-bagay. Hanggang sa makarating kami ni Reva sa mga kasamahan namin ay patuloy niya pa ring finifigure out ang kinikilos ni Earth towards me. Inaawat ko naman na siya dahil hindi na magiging maganda kung pati sina Miku at Cleon ay may alam na. Tho, mukhang malabo na wala pang hint si Miku after no’ng nangyari sa infirmary room niya last time. When we’re done eating, we decided to go back to room 1. Nagkatinginan pa kami ni Earth bago ako tuluyang lumabas ng cafeteria and I can’t help kundi mapaismid nang makitang si Ariadne na naman ang katabi niya. Gano’n na ba talaga sila kaclose? Magiging sweet sa akin tapos papatabi sa ibang babae? Ano raw ‘yon. Nang nasa room 1 na kami ay pinag-usapan na namin ang tungkol sa napag-usapan din namin ni Reva kagabi. Denzell, Miku and Cleon all agreed with our plans at napag-usapan din na bibigyan lang ng isang linggong adjustment ang mga estudyante at magbabago na ang routine ng trainings na gagawin. Kapag nangyari ‘yon, mas masisiguro namin na hindi magiging limitado ang bawat estudyante kundi masasanay silang makipaglaban sa areas na tingin nila ay mahina sila. This kind of training will help them utilize their body rather than their abilities and strength. Nang matapos ang pagpaplano ay agad na rin kaming bumalik sa dorm ni Reva. Nauna akong naglinis ng katawan ko kesa kay Reva at muli ko na namang naalala habang nasa banyo ako ang sinabi ni Reva kanina sa daan, na okay lang sa kaniya kung magkakagusto ako kay Earth. Pagsubok man o hindi, that made me happy. Paglabas ko ay wala na si Reva sa kwarto namin. Hindi ko rin malaman kung saan siya pumunta dahil wala naman siyang iniwan na sulat o kung ano pa man. Nagkibit-balikat na lang ako at saka inabala ang sarili sa pagbibihis dahil panigurado namang nasa bilihan lang ng dinner namin pumunta si Reva. But minutes passed ay walang Reva na bumalik sa kwarto namin. Hindi ko naman napigilang makaramdam ng kakaibang kaba habang pabalik-balik ang tingin ko sa orasan na naroon sa kwarto namin. Lumipas ang isang oras na hindi pa rin siya bumabalik ay saka ako nagdesisyon na lumabas na para hanapin siya dahil hindi ugali ni Reva ang magtagal sa pagbili. I knew her from head to toe kaya alam kong hindi normal ang nangyayari na ‘to. Kung pupunta naman siya kina Denzell o makikipagkita sa kanila, lagi siyang nag-iiwan ng note pero ngayon…wala talaga. Nakailang libot ako sa mga bilihan na naroon sa loob ng Academy pero walang Reva na nagpakita sa akin. Nang makasalubong ko si Miku ay agad ko siyang nilapitan para tanungin kung nakita niya si Reva ngunit humindi naman ito. Binilinan ko naman siya na agad icheck sa kwarto nina Denzell kung naroon si Reva at kung wala ay sabihin agad kay Denzell na nawawala si Reva. Tumalima naman agad ito sa sinabi ko. Nagpatuloy ako sa paglilibot sa Academy ngunit wala pa ring Reva na nasulpot. Nang tuluyang makababa sina Denzell ay agad din naman nila akong tinulungan sa paghahanap. Denzell kept on asking me questions at wala naman akong ibang nagawa kundi sumagot. “Wala ba talaga siyang sinabi, Circe?” Denzell asked for the nth time. “Baka naman nakalimutan mo lang o hindi mo narinig ang paalam niya—” “Wala talaga, Den,” sagot ko at saka napahilamos sa sarili. “Guys, keep calm, we’ll find her,” ani Cleon kaya nagpatuloy na lang kami sa paghahanap. Nang makailang minuto na ay wala pa rin, nagbigay ng isang suhestiyon si Miku. “Try mong balikan sa dorm room n’yo, Circe. Baka naroon na si Reva,” aniya. With that, I used my ability para mas mabilis akong makabalik sa dorm namin. Nang makapasok ako sa loob ng dorm room namin ay wala pa rin doon si Reva ngunit may bagay na pumukaw sa pansin ko. Isang envelope na kulay pula at may letrang H na nakaengrave sa katawan no’n. Nang kunin ko ang sulat na nakalagay sa loob no’n na nakasulat pa sa kulay itim na papel ay halos mangilabot ako. It’s the same phrase sa hawak no’ng estudyanteng nagpahulog sa building 2 ngunit may karugtong sa baba. Not all dark is evil just as not all light is good. A temple will fall as our clan will rise again. Seek her, Circe. Seek and the culprit shall be found. - H Bumalik ako agad sa kinaroroonan nina Denzell dala-dala ang sulat na hindi ko alam kung paanong napunta sa kwarto namin dahil wala naman ito no’ng umalis ako. Ngunit bago ko pa man marating ang kinalalagyan nina Denzell ay isang malakas na pagsabog ang gumimbal sa aming lahat na nagmumula sa gubat sa baba ng Academy. 

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD