CHAPTER TWENTY-NINE

3234 Words
CIRCE Matapos ang dalawang araw ay tuluyan nang nakalabas ng infirmary si Reva. Ngunit kahit gano’n ay hindi pa rin namin siya hinayaang kumilos nang kumilos kaya kami pa rin nina Denzell, Miku at Cleon ang nagfafacilitate sa mga nagaganap na trainings ng mga estudyante sa RMA.  Kumalat na rin sa buong school ang magiging laban nila ni Averyl ngunit nilinaw rin namin sa lahat na hindi sila maaaring lumapit sa gaganapan ng nasabing laban upang masiguro namin na walang estudyante ang madadamay. Gayunpaman, may iilang estudyante ang nagpupustahan tungkol sa nasabing laban at gaya ng inaasahan, marami ang tingin ay mananalo si Reva kahit pa hindi siya gagamit ng kaniyang abilidad. “Kaya na ba talaga ni Reva?” I asked Denzell nang magkasabay kami sa paglalakad dahil pareho kaming galing ng cafeteria. “Nag-aalala ako dahil baka pinipilit niya lang ang sarili niyang gawin ang bagay na ‘to.” Napabuntong-hininga ito. “Kahit anong sabihin ko sa kaniya ay hindi naman siya makikinig,” aniya. “Nakastandby naman tayo sa gaganapan ng laban. If anything goes wrong, naroon tayo para alalayan siya.” “Sinabi na rin ba ni Earth na maaari nang lumaban si Reva?” He nodded. “Yes. Isa pa, he’ll stay with us hanggang sa matapos ang laban.” Hindi ko napigilang mag-isip dahil doon. Kung magkakasakitan masyado sina Reva at Averyl, pati si Earth ay maaapektuhan. He lost so much of his energy nitong mga nagdaang araw. Baka mamaya’y katawan na niya ang bumigay para lang masalba ang mga kakilala namin. “You seem worried,” puna ni Denzell. “Dahil ba kay Earth?” “Bawat isa naman sa atin ay may limitasyon, Den,” I said. “Panigurado lang din kasi na pagod na si Earth sa ginagawa niya.” “I understand,” aniya. “Masyado na ring maraming ginawa si Earth para matulungan tayo. I am hoping na huli na ‘to.” “I hope so, too,” ani ko. Hindi ang gaya ni Earth ang magsasabing pagod na siya o hindi na niya kaya. Siya ang tipo ng tao na okay lang sa kaniya na siya ang mahirapan basta makakatulong siya at isa ‘yon sa mga bagay na ayaw ko sa kaniya. Kahit ilang beses ko siyang paalalahanan noon na unahin ang sarili niya kesa sa iba, he won’t listen. Lagi niyang sinasabi na ito ang purpose niya, ang tumulong hangga’t may kailangan siyang tulungan. I stopped walking kaya napahinto rin si Denzell. “Why? Is there something wrong?” he asked. Nilingon ko naman ito at saka nilapitan nang bahagya. “Will you do me a favor, Den?” Nangunot ang noo niya ngunit kalaunan ay ngumiti nang bahagya sa akin. “Anything. Ano ba ‘yon?” “Pwede bang paalalahanan mo si Earth na magsabi kung nahihirapan na siya?” I asked. “Knowing him, hindi kasi siya magsasabi sa atin unless may pipilit sa kaniya or magiging isa ‘yon sa mga responsibilidad niya.” Ginulo naman nito ang buhok ko. “Akala ko naman kung ano,” he said. “Don’t worry, makakarating kay Earth ang sinabi mo—” “But don’t tell him na galing sa akin,” mabilis kong saad. “Act like sa ‘yo galing ang paalala, gano’n.” He chuckled a bit. “Sige, akong bahala.” Napangiti ako nang malawak. “Thanks, Den!” “Konti na lang talaga ay iisipin ko na na may gusto ka kay Earth,” aniya at saka nailing na naunang naglakad kesa sa akin. Hinabol ko naman ‘to. “I don’t like him,” I said. “I told you, walang romantic feelings between him and me.” Natawa ito. “Siya siguro wala, pero ikaw tingin ko mayroon,” aniya. Sumama naman ang mukha ko dahil doon kaya nairapan ko ito. “O pwede rin na pareho kayong mayro’n tapos pareho rin kayong in denial.” “Don’t start me, Den. Masyadong maganda araw ko,” I said then flipped my hair. “Para ata kay Earth, mas maganda ka pa sa araw—” Hinampas ko naman siya sa braso niya at saka sinamaan ng tingin. Tawa naman nang tawa ang loko. “I swear, Den, hindi mo gugustuhin na mainis ako,” sabi ko. “Ang sweet naman!” Napatingin ako sa likuran namin nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Miku at hindi nga ako nagkakamali, siya nga ang nasa likuran namin but he’s not alone. Kasama nito si Earth na seryoso lang ang tingin sa akin. “Huwag kang issue, Miku!” I exclaimed at saka siya inirapan. “Nananahimik ang buhay ko, please, huwag n’yo ‘kong bigyan ng issue.” “Sweet naman talaga,” ani Earth kaya nataasan ko siya ng kilay. “Kung hindi lang kayo magkaibigan, pwedeng isipin na may kung ano kayong relasyon.” I scoffed. “Me and Den? No way!” “Sino lang ba kasi ang gusto mo, Circe?” Denzell asked and showed me a playful smile. Mas tumalim naman ang tingin ko sa kaniya pero hindi man lang natinag ang loko! “Si Earth—” Awtomatiko akong napatingin sa gawi ni Miku nang magsalita siya. Naroon na rin ang nakakalokong ngiti niya na kinaiinisan ko. I can’t help but feel internal panic dahil sa lumalabas sa bibig nito. “Si Earth daw pupunta mamaya sa laban nina Averyl at Reva,” aniya at saka mas lumawak ang ngiti niya. “Alam ko naman, pare, na si Earth—” “Shut up!” I exclaimed. “Na si Earth ay pupunta mamaya sa paligsahan,” ani Denzell at saka tumawa. “Ano ba kasing iniisip mo?” I glared on him. “I hate you, Denzell!” sabi ko at saka nagmartsa na papalayo sa lugar ng mga unggoy na ‘yon. Ni hindi ko man lang nagawang tignan ang reaksyon ni Earth dahil sa kahihiyan! Kung pwede lang talaga na manakit, ginawa ko na kina Denzell at Miku! Hindi man lang ba nila naisip na anong rason at magkakagusto ako kay Earth? Bakit naman ako magkakagusto sa taong iniiwasan ko? Sa taong dati’y kaibigan ko? We’re not even in good terms tapos naiisip nila na may romantic thingy na nangyayari sa aming dalawa? I mean, okay lang ba sila? Ako at si Earth? I can’t even imagine it happening— “Hoy!” “Ay, Earth!” Napahawak ako sa bibig ko nang masabi ko ang pangalan niya. Nangunot naman ang noo ni Cleon na nasa tabi ko. “Earth? Anong mayroon kay Earth?” he asked. Hinampas ko siya sa braso niya. “Bakit ba sumusulpot ka lang kung saan, ha?! Kung may sakit ako sa puso, bumulagta na ako rito!” “Fortunately, wala kang sakit sa puso,” aniya. “Hindi naman kita gugulatin kung alam kong mayroon. That’s very insensitive of me kung ginawa ko.” Inirapan ko na lang siya at saka nagmartsa na rin papalayo sa gunggong. I sighed out of frustration dahil sa nangyayari sa akin. “Hey, I’m asking about Earth—” “Nagkamali ka ng dinig!” mabilis na depensa ko. “I said hearth, not Earth.” “Eh? Parang hindi naman ‘yon ang—” Hinarap ko siya. “Don’t ask me kung hindi ka maniniwala, okay?” I hissed bago siya tuluyang iwan doon. My morning started great pero heto sila at sinira na agad ang mood ko. Padabog kong isinara ang pinto ng room 1. Naabutan ko naman si Reva na nag-aayos ng gloves na gagamitin niya para mamaya. Ayos na rin ang dami nito, maging ang buhok niya na paborito niyang ilugay ay nakatirintas ngayon para sa laban. “Anong nangyari at para kang pinagsakluban ng langit at lupa?” tanong nito sa akin. “Kahit ako pa ang pinakamagaling na pintor sa mundo, hindi ko maipipinta ‘yang mukha mo.” Napairap ako bago ko tuluyang maiabot sa kaniya ang pagkaing pinabili niya sa akin. “Paano naman kasi, inasar ako no’ng tatlo.” “Sana pinatulan mo,” aniya at saka kumagat sa pagkain niya. “Pwede mo naman ilipad sa ere tapos hiluhin mo, gano’n.” Natawa ako nang bahagya. “Napakabait naman ng suggestion mo, Reva.” “Kung ako ang ininis nila, sisiguraduhin kong hindi sila makakanuod ng laban mamaya,” aniya. “As if naman magkakaroon sila ng lakas ng loob para asarin ka,” I said. “Si Cleon lang naman ang malakas ang loob na gawin ‘yan, eh.” “Konti na nga lang, bibingo na sa akin ‘yon, eh,” aniya. “Masyadong malakas mang-asar at masyadong atat sa lahat,” pagrereklamo nito. “Maiba ako, tingin mo ba okay na si Cleon?” I asked. “Hindi na natin natatanong ang isang ‘yon kung kumusta na siya.” Mabilis namang nagbago ang ekspresyon ni Reva at alam na alam ko kung bakit. Lahat kami ay may ambag sa kung bakit naging sobra ang lungkot ni Cleon noon at kung bakit natakot si Cosmo sa sarili niyang abilidad. Matapos mangyari ng lahat, Cleon changed. Madalas niya kaming inaasar and we worried about him since then. Palagi na lang kasi siyang masaya at tingin namin ay hindi na iyon normal. Maybe, he’s trying to hide the pain he’s feeling. Hindi rin naman kasi siya nagsasabi sa amin. “I hope, he is,” ani Reva at saka malungkot na ngumiti. “Kung maaari lang nating ibalik ang oras, I won’t suggest that dare.” “Me, too,” pagsang-ayon ko. “Kung hindi lang nangyari lahat, Isabel would be—” Natigil ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto at iniluwa no’n sina Denzell, Cleon at Miku na abala pa sa pagtatawanan. Nagkatinginan naman kami ni Reva at pasimple niya akong inilingan, senyas na dapat na naming tapusin ang usapan tungkol sa kaniya. “Mukhang handing-handa ka na na tapusin si Averyl, ah,” ani Cleon at saka tumabi sa akin. Napangiti naman si Reva. “I am, but I won’t kill her, tho. Hindi ang gaya niya ang dudungis sa kamay ko.” “How unfortunate,” ani Cleon. “Kung ako lang ang makakatapat niya, sisiguraduhin ko na hindi na siya sisikatan pa ng araw.” Napatingin ako sa gawi ni Miku at kitang-kita ko ang sama ng tingin nito kay Cleon. Napansin din siguro ni Denzell ang pagbabago ng reaksyon ni Miku kaya nagsalita na ito. “Hindi lahat ng problema ay kailangang solusyonan sa bayolenteng paraan, Cleon,” ani Denzell. “Huwag mo ring turuan ang kapatid ko na pumatay ng iba sa simpleng paligsahan lang.” “Pasensya na, Denzell,” ani Cleon at saka tumayo sa kaniyang kinauupuan para pantayan ang tingin ni Denzell sa kaniya. “Hindi mo kasi ako singbait.” “Cleon, tama na ‘yan,” pag-aawat ko nang maramdaman ko ang kakaibang tensyon sa dalawa. Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Reva sa tabi ko. “Pagkakatanda ko ay ako ang may laban ngayon at hindi kayo,” ani nito. “Magsitigil kayo sa init ng ulo n’yo dahil baka unahin ko kayo kesa kay Averyl.” Dinuro ni Cleon si Denzell. “Pagsabihan mo ‘yang kapatid mo—” Reva’s eyes changed its color. May kung anong itim din na usok ang lumalabas sa magkabilang kamay niya. “Sinabi kong tama na, Cleon, hindi ba? Gusto mo bang ako pa ang magpatahimik sa ‘yo?” Naiiling si Cleon na umalis sa lugar na ‘yon. Binunggo niya pa ang balikat ni Denzell at akmang susugod si Reva sa gawi niya nang pigilan siya ng kapatid. “Hayaan mo na, intindihin mo na lang,” ani Denzell kay Reva. Iwinaksi naman nito ang hawak ng kapatid. “Kaya ka pinag-iinitan no’n kasi hindi mo pinapatulan!” “Kung papatulan ko, maaayos ba kami no’n?” Denzell asked. Hindi naman nakasagot si Reva. “Kung pinatulan ko si Cleon, para ko na ring binali ang sinabi kong hindi lahat ng problema ay masosolusyonan sa bayolenteng paraan.” “But—” “I am fine, Reva,” Denzell said with finality. “Ikalma mo na ang sarili mo dahil may laban ka pa mamaya.” “Are you sure na kaya mo na?” I can’t help but asked. “Kung hindi pa, we can reschedule—” “Don’t worry about me, Circe. Kaya ko ang sarili ko,” aniya. “My body’s fine, lalaban ako mamaya.”  Hindi ko na kinontra pa si Reva dahil alam kong determinado na itong lumaban mamaya at upang maiwasan na lang din ang pagtatalo sa pagitan namin. Pare-pareho na lang kaming kumain nang matiwasay. Matapos namin kumain ay pinanuod na lang namin si Reva na maghanda ng mga gagamitin niya mamaya. May tatlo siyang pagpipiliang instrumento na pwede niyang gamitin. Pwede siyang gumamit ng pana, gay ani Averyl, pwede rin siyang gumamit ng pinagsamang daggers at blades at maging ng espada. Reva’s good with swords but I don’t think that’ll help her lalo pa at expertise ni Averyl ang weapon na gagamitin niya. At this point, mas magiging essential pa ang daggers at blades kumpara sa espada. Hindi rin gamay ni Reva ang paggamit ng pana. Maalam siyang maghandle, oo, pero kung si Averyl ang makakalaban niya, hindi hamak na dehado siya rito lalo pa’t simula’t sapul ay si Averyl lang at Cleon ang maalam sa ganitong instrumento. Just like how I am good with blades at si Denzell naman ay magaling sa sword battles. Hindi naman kasi maaaring imaster namin ang lahat ng instrumento. In Cleon’s case, he’s born to memorize every single weapon there is. Kahit pa nga baguhan siya sa isang gamit ay hindi iyon mahahalata dahil sa husay at galing niya sa pagkapa kung paano ‘yon gamitin at kontrolin. “Drill tayo, Circe,” ani Reva sa akin. Mabilis naman akong sumang-ayon sa gusto nito at tumayo sa kinauupuan ko. She threw series of blades sa gawi ko at sinalo ko naman ang mga ‘yon. I smiled when I caught every single blade there is at saka mabilisan iyong ibinato pabalik sa gawi ni Reva. She missed a single blade kaya natawa ito. “Mukhang pumapalya na ako sa pagsalo,” aniya. Akmang tatawa pa dapat ako nang hindi ko mabantayan ang blade na papunta sa gawi ko. Tumama iyon sa may gilid ng leeg ko, enough to create a little wound on that area. Kinapa ko ang parte na nasugatan and I wasn’t surprised nang makita ang kakarampot na dugo na nagmumula roon. I smiled. “Gasgas na lang ba ang kaya mo, Reva?” I asked at saka mabilis na umikot patalikod upang makuha ko ang dagger na bumaon sa pader na nasa likuran ko. Nang akmang magpapaulan ulit siya ng blades sa gawi ko ay mabilis akong gumawa ng backflip para iwasan ‘yon at saka binato sa gawi niya ang dagger na ibinato niya sa akin at kasabay ng dapat ay pag-iwas niya ang pagtama ng dagger na ‘yon sa hibla ng buhok niya na nakatirintas, bumigay ang tali niya dahil sa blade ng patalim na ‘yon. I chuckled at saka humingi ng paumanhin. Natawa rin maging sina Miku at Denzell sa nangyari. Sinamaan naman ako ng tingin ni Reva. “Nakakainis ka, Circe!” aniya, naghuhurumintado. “Magtatali na naman ako ng buhok dahil sa ginawa mo!” “I’ll help—” Nanlaki ang mata ko nang may ihagis siyang blade sa gawi ko. Rumehistro rin sa akin ang gulat ni Reva. Wala akong nagawa kundi ang mapapikit nang makitang sa mukha ko ang tama no’n but seconds passed at wala akong naramdamang blade na tumama sa akin. Nang magmulat ako ay bumungad sa akin ang isang blade na nakalutang sa ere at naroon na rin si Denzell sa tabi ko. He held the blade using his bare hands at saka inihagis iyon kay Reva na agad namang nasalo no’ng isa.  “Tama na ‘yan,” aniya. “Baka magkasakitan pa kayo.” “Sorry, Circe,” ani Reva. “Hindi ako nag-ingat sa pagbato.” Napangiti naman ako sa paghingi nito ng paumanhin. “It’s nothing.”  “Tara na, baka hinihintay na nila tayo sa gubat,” ani Miku sa amin. “Oras na rin para sa laban.” “Buti pa nga pumunta na tayo roon,” pagsang-ayon ni Denzell. Mabilisan ko namang inayos ang sarili ko at saka tinulungan si Reva sa pag-aayos ng buhok nito at ibinalik ‘yon sa ayos nito kanina. Tinulungan ko na rin siya sa pag-aayos ng mga gagamitin niyang daggers at blades dahil ‘yon na ang napagdesisyonan niyang gamitin. Nag-usap pa kami habang papunta kami sa lugar na gaganapan ng laban. Kahit papaano ay masaya naman ako na walang kahit na anong bakas ng kaba kay Reva akong nababasa. Nang marating namin ang lugar ay naroon na sina Averyl at ang mga kasamahan nito. Sandali pa kaming nagkatinginan ni Earth bago kami parehong nag-iwas ng tingin at naging abala sa kani-kaniyang kaibigan. “This will be a fast fight,” ani Reva sa akin habang tinutulungan ko siyang ayusin ang gloves niya. “Hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo na tapusin ang laban,” sabi ko. “Besides, parang training na lang naman ‘to.”  “Mas mabilis na matatapos, mas maganda,” aniya at saka binawi na ang kamay niya sa akin. “Thank you.” I smiled a little. “Walang anuman, Reva.” Tumayo na ito sa kinauupuan niya at saka sinalubong si Averyl sa gitna. Napansin ko pa ang pag-uusap nilang dalawa ngunit sa distansyang bumabalot sa amin ay hindi ko na nagawa pang marinig ‘yon. Pinaupo na rin ako ni Denzell kaya agad naman akong sumunod. He moved closer to me at saka bumulong. “Kung magkakasakitan sila, aawat tayo,” aniya. Sumang-ayon naman ako sa sinabi nito. Nang mapunta ulit sa harap ang tingin ko ay bumungad sa akin ang seryosong tingin ni Earth sa gawi namin. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng pagkailang. “Simulan na ang laban,” anunsyo nito habang nakatingin sa akin. Ako naman ang nag-iwas ng tingin. “Kung ako sa’yo, pareng Denzell, lalayo na ako,” ani Miku. “Mukhang may ibang laban na gustong puntahan si Earth, eh,” dagdag niya at saka natawa. Natawa naman si Denzell habang napapailing ako. Pinilit kong ibuhos kina Reva at Averyl na parehong naghahanda sa gitna ang tingin ko ngunit tumatagos lamang ang mga mata ko sa taong naroon sa gilid nilang dalawa na seryoso ring nakapako sa akin ang mga tingin. Ano na naman kaya ang problema ni Earth?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD