CHAPTER TWENTY-EIGHT

3256 Words
DENZELL Matapos magising ni Reva, agad niyang pinatawag sina Averyl at ang mga kasamahan nito kinabukasan. Wala pa rin siyang sinasabi sa akin tungkol sa kondisyon na ipagagawa niya at kada tatanungin ko siya tungkol doon ay kakaibang ngiti lang ang ibibigay niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan dahil sa inaasta niya. Knowing Reva, mahirap basahin ang mga binabalak niya. “Ang tagal naman nina Cleon bumalik,” aniya. Nakahiga pa rin siya sa kwarto niya rito sa infirmary dahil may iniinda pa siya sa kaniyang likod pero sabi naman ni Earth ay hindi na ‘yon magtatagal. “Patience. They’ll be here any minute,” ani Circe at saka ibinigay kay Reva ang hiniwa niyang mga prutas. “Kumain ka na muna.” I heard Reva hissed. “Masyado n’yong iniinda ang lagay ko. Hindi ko naman kailangang alagaan nang ganito.” “Sabi ni Earth ay kailangan mo ‘yan for your recovery,” Circe said. “Huwag mong suwayin ang gusto ng taong gumamot sa ‘yo.” “Anong nakain mo at parang bumait ka ata kay Earth?” tanong ni Reva at saka kumagat sa mansanas na hawak nito. Natigilan naman si Circe sa ginagawa niya. Siguro’y hindi niya inasahan ang pagtatanong ni Reva sa kaniya. “May utang na loob kami kay Earth dahil iniligtas ka niya. Nararapat lang na maging maayos ang pakikitungo namin sa tao,” sabi ko. Nagkatinginan kami ni Circe at pasimple niya akong pinasalamatan. Nginitian ko naman siya nang bahagya. “Sa pagiging mabait mo, walang bago roon pero sa pagiging mabait ni Circe? Do’n ako naninibago,” ani Reva. “Mukhang napasama ang pagtulog ko ng ilang araw. Nahawaan mo si Circe ng kabaitan mo, eh.” “So, sinasabi mo na masama ugali ko?” Circe playfully asked. Reva shrugged her shoulders sa tanong ng kaibigan. “How dare you,” dagdag niya at saka natawa. Nagkulitan pa silang magkaibigan habang wala naman akong ibang nagawa kundi ang panuorin silang nagtatawanan. Hindi ko naman maitago ang saya sa loob ko dahil kagaya ko ay pinipili rin ni Circe na protektahan si Reva. Kahit papaano, alam kong may taong hindi iiwan ang kapatid ko maliban sa akin. Ilang minuto pa ang nakalipas ay may nagbukas na ng pinto. Iniluwa no’n sina Cleon at Miku. “Nandito na sila,” ani Cleon at saka nilakihan ang pagkakabukas sa pinto. Doon ko nakita sina Averyl at ang iba pang kasamahan nito. Napatingin ako kay Reva at kitang-kita ko kung paanong namuo ang inis sa mga mata niya nang makita sila, lalo na siguro si Xheen ngunit sa kabila no’n ay nangiti siya. “Suit yourself, huwag kayong mahihiya sa amin,” aniya. Nagkatingin naman kami ni Circe dahil pareho kaming walang alam kung ano ang plano ni Reva sa kanila. “I am glad na gising ka na, Reva,” ani Cosmo. “Akala ko’y matatagalan pa bago ka gumising dahil sa nangyari sa ‘yo.” Mas lumawak naman ang ngiti ni Reva dahil doon. “I am glad I’m still alive, too, Cosmo,” aniya. “Fortunately, nagising ako agad dahil kung hindi ay baka napilit n’yo na sina Denzell na hayaan kayong tumulong sa amin.” “Pinapunta mo ba kami rito para pagsalitaan?” tanong ni Averyl. “Kung gano’n lang din ay aalis na lang kami—” Naputol ng pagtawa ni Reva ang dapat ay sasabihin pa ni Averyl. “Hindi ba’t may hinihingi kayo sa mga kasamahan ko no’ng tulog pa ako? Bakit ngayon ay bigla kang aalis?” “Dahil mukhang nagsisimula ka na naman ng awa—” “Am I, Averyl?” Reva asked at saka nag-ayos ng upo mula sa pagkakahiga. “Ang gusto ko lang naman ay marinig sa inyo mismo kung ano ang gusto n’yong gawin kasama namin. Siguro naman kung kinaya n’yo na sabihin sa mga kasamahan ko ay kaya n’yo ring sabihin sa akin, ‘di ba?” “Gusto naming tumulong sa inyo,” si Earth ang sumagot. “No’ng nawalan ka ng malay, masyadong maraming nangyari sa Academy. May panibagong namatay na estudyante—” “What?!” Reva exclaimed at saka nangunot ang noo niya. Nagkatinginan naman kami ulit ni Circe dahil doon. “How come walang nagsabi sa akin?!” “We thought na baka makasama sa ‘yo kaya ipinagpaliban na muna namin na sabihin sa ‘yo ‘yon,” ani Circe. “Sasabihin din naman naming pero hindi pa sana muna ngayon dahil nagpapagaling ka pa.” “May iba pa bang nangyari no’ng wala akong malay?” Reva asked. “Nothing weird aside sa pagdilim ng langit at parang may kung anong paghuhurumintado ng kalangitan no’ng kaparehong araw na namatay ang estudyanteng sinasabi namin,” sagot ni Circe. Napahilot si Reva sa sentido niya kaya agad akong lumapit sa gawi niya para siguraduhing okay lang siya. Bago pa lang siya nagpapagaling at alam kong hindi makakabuti kay Reva kung marami agad siyang iisiping problema. “Hindi mo naman kailangang pwersahin ang sarili mo,” sabi ko. “Let us handle everything for now habang nagpapagaling ka.” She glared on me. “Kung magpapahinga lang ako nang magpapahinga, ano na lang ang mangyayari sa RMA? Clearly, kulang kayo sa tao—” “Ayon ang rason bakit gusto naming tumulong,” ani Averyl kaya napunta sa gawi niya ang mga tingin ng kapatid ko. “Am I talking to you?” Reva asked. Naiiling na napayuko si Averyl sa ginawa nito. “Hindi mon a need ulit-ulitin sa akin na gusto n’yong tumulong dahil kuhang-kuha ko na ang bagay na ‘yon. So please, mind your own business muna habang kausap ko ang kapatid ko.” “Reva,” pag-aawat ni Circe sa kaniya. “We can talk about everything in a calm manner. Hindi makakatulong kung init ng ulo ang paiiralin mo.” “At ang pagsabat niya nang hindi siya kinakausap, may maitutulong?” Reva asked, full of sarcasm, then rolled her eyes. “On the other hand, tingin ko oras na para sabihin ko kung anong gagawin ng isa sa kanila para hayaan ko silang tulungan tayo.” “Kami na ang tutulong, kami pa ang hihingan mo ng pabor para lang hayaan mong tumulong sa inyo?” Xheen asked. “Don’t make me start with you, Xheen,” ani Reva. Nagkatinginan naman kami ni Circe, parehong umaantabay sa maaaring mangyari. “Wala kang narinig sa akin tungkol sa ginawa mo so don’t provoke me to start with you, Xheen.” “Ano bang kailangan naming gawin para hayaan mo kaming tumulong sa inyo?” tanong ni Earth, marahil ay naramdaman na rin nito ang namumuong tensyon kina Reva at Xheen. “Hindi naman lahat kayo ay involve,” ani Reva. “Si Averyl lang talaga ang gagawa no’n.” “Ako?” tanong ni Averyl at saka itinuro ang sarili. “Ano na namang ipagagawa mo sa akin?” “Beat me,” ani Reva kaya agad na nanlaki ang mata ko. “One on one battle. Talunin mo ako at hahayaan kong tumulong kayo sa amin.” “But—” she cut Averyl’s words. “Plus, you’ll share the same privilege na mayroon kaming mga defenders,” pahabol ni Reva. “Take it or leave it.” Hindi agad nakasagot si Averyl. Wala ring nakaimik sa amin kahit isa. Nagkatinginan kami ni Earth at pasimple niya akong inilingan kaya binalingan ko si Reva. “Hindi mo pa kayang makipaglaban,” sabi ko. “Mas maganda kung magpapagaling ka muna at hayaan mo na lang na tumulong sila—” “Hindi nila deserve na gano’n lang nila kabilis magagawa ang gusto nila, Den,” aniya. “Baka nakakalimutan mo, muntikan na akong mapatay ni Xheen, na isa sa mga kasamahan nila. We need assurance na eager talaga silang tumulong sa Academy at hindi nila ginagawa ‘to para lang isabotahe tayo.” I heard Xheen scoffed. “Grabe talaga ang pag-iisip na mayroon ka.” “Don’t worry, walang-wala pa rin ang pag-iisip ko kumpara sa ginawa mo,” sagot ni Reva at saka muling lumingon sa akin. “Hayaan mo na akong gawin ‘to. Kilala ko ang katawan ko at alam ko kung kaya ko o hindi. Besides, anong purpose ni Earth, right?” “You can’t expect him to have all the energy he needs para mapagaling ka everytime na may mangyayaring masama sa ‘yo, Reva,” depensa ni Circe. “He’s doing his part, do your part, too.” Reva scoffed. “So, hindi ka lang pala bumait, naging maalalahanin ka rin sa hindi natin kalebel?” “Tama na ‘yan,” pag-awat ko bago pa sila magkainitang dalawa at saka binalingan ang grupo nina Averyl. “Pag-isipan n’yo na lang muna ang sinabi ni Reva at saka n’yo na lang kami kausapin ulit kung sigurado na si Averyl sa hamon ni Reva sa kaniya.” “Hindi,” kontra ni Averyl at saka nag-angat ng tingin. “Magbibigay ako ng sagot ko ngayon din mismo.” Reva chuckled a bit. “I was surprised. Akalain mong tumapang ka na.” “For RMA,” Averyl answered. “Tinatanggap ko ang hamon mo, Reva. Sabihan mo na lang ako kung kailan gaganapin at para sa kagustuhan naming tumulong ay gagawin ko ang gusto mo.” “That’s not fair, Reva,” pagtutol ni Cosmo. “May abilidad ka at madali mong matatalo si Averyl—” “Then, hindi ako gagamit ng abilidad,” ani ng kapatid ko. “To make it fair, we’ll have instrumental battle. Okay ka na ba ro’n, Cosmo?” dagdag nito, halatang nagtataray at saka inirapan ang dating kaibigan. “It’s settled, then,” ani Cleon. “Ganapin na lang ‘yan kapag okay na si Reva dahil hindi rin magiging patas kung hindi pa magaling si Reva tapos lalaban na siya kay Averyl.” Sinang-ayonan naman ‘yon nina Averyl nang walang pasubali. “If that’s the case, aalis na rin kami,” ani Earth sa amin. “Magkita na lang tayo ulit kung kailan handa na si Reva.” Hindi na rin sila nagtagal sa lugar na ‘yon at umalis na rin sila agad. Agad ko namang kinompronta si Reva sa ginagawa niya. “What is that, Reva?” I asked. “Ano’t pinagdidiskitahan mo na naman si Averyl?” She raised her brow on me. “Hindi ko siya pinagdidiskitahan. They wanted to help us kaya kailangan nilang patunayan sa atin na gusto talaga nilang gawin ang bagay na ‘yon. Isa pa, may trust issues ako sa mga ‘yon so you can’t blame me for asking this.” “Kailangan nilang patunayan pero si Averyl lang ang gusto mong makaharap?” I asked. “You’re being unfair.” “You don’t expect me na kalabanin silang lahat, right?” she asked. “Kay Averyl pa nga lang ay umaayaw na kayo tapos parang gusto mo pa na harapin ko silang lahat. Okay ka lang?” “That’s not my point—” She raised her hands mid-air. “Stop na, okay na. Magtatapat kaming dalawa ni Averyl sa ayaw at sa gusto mo and please lang, kaya ko na ang sarili ko, Den.” “Kailan ka kaya matututong makinig sa kapatid mo?” tanong ni Circe sa kaibigan. “Never,” she answered at saka umirap, dahilan para matawa si Circe at ang iba naming kasamahan na naroon. Napailing na lang ako at saka bahagyang pinisil ang pisngi niya. “Kahit kailan ay napakatigas ng ulo mo,” sabi ko. “Basta kapag kinailangan mo kami, nandito lang kami sa tabi mo.” She smiled at saka bumalik na sa pakikipagkulitan kina Circe. Hindi ko naman napigilan ang mangiti rin dahil doon. I’ll do everything to see that smile for the rest of my life. I won’t let anyone take that away from my sight. LUCAS “Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?” tanong sa akin ni pinuno habang magkasama kami sa hapag-kainan. “Hindi na kita nakikitang nag-eensayo.” Napasinghap ako dahil doon. Hindi ko inasahan na alam niya pa rin ang nangyayari sa akin kahit pa madalas siyang wala rito sa Celaeno. Ngunit hindi ko na rin dapat pang ipagtaka na may alam siya. Sa dami ng mata niya rito sa bayan namin ay hindi na nakakagulat. “Hindi na po ako nag-eensayo sa labas,” sabi ko. “Mas naging kumportable na po kasi ako sa pag-eensayo rito sa loob ng kastilyo at nawa’y hindi po ‘yon ikasasama ng loob n’yo.” Natawa ito matapos kong sabihin ang bagay na ‘yon. “Bakit naman ikasasama ng loob ko ang pag-eensayo mo rito sa loob? Mas tago, mas maganda. Hindi lahat ay kailangan nating ipakita sa iba.” “Naiintindihan ko po, pinuno,” sagot ko. “Mas pag-igihan mo lang sa pagkakabisa ng kakayahang mayroon ka, darating ang tamang oras na magagamit mo ‘yan sa mga plano natin,” aniya. “Opo, pinuno,” maagap na sagot ko na nagbigay ng ngiti sa kaniyang labi. Hindi ko naman napigilang matuwa dahil alam kong natutuwa siya sa kasipagan ko. Iyon lang ang mahalaga sa akin, ang matuwa sa akin ang aming pinuno, ang aking ama. Sa tanang buhay ko, sa kaniya ko naranasan ang lahat ng hirap at pasakit. Sa bawat pagkakamali ko, hindi natutuwa ang pinuno dahil sabi niya ay walang lugar ang pagkakamali sa mga gaya namin. Ang isang pagkakamali ay maaaring magpahamak sa buhay na mayroon kami at hindi namin dapat hayaang mangyari ang bagay na ‘yon. Sa tuwing nagkakamali ako, ikinukulong niya ako sa pinakamataas na tore na narito sa Celaeno. Hindi niya ako pinapakain o kung ano pa man. Tanging ang kapatid ko lang ang nagmamalasakit sa akin sa tuwing gagawin iyon ni pinuno sa akin. Kahit pa hindi kami magkasundo, nagpapasalamat ako sa presensya niya. “Pinuno,” pagtawag ko rito. Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin. “Kumusta po pala si—” “Huwag mo siyang alalahanin,” aniya at saka bumalik sa pagkain. “Sa lawak ng abilidad na mayroon siya, hindi siya madaling mahuhuli ng mga bagong defenders ng paaralang ‘yon.” “May tiwala naman po ako sa abilidad niya pero kung kakailanganin niya po ng tulong—” Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang bigyan na ako ng pinuno ng kaniyang seryosong tingin at alam na alam ko na ang kahulugan no’n, na huwag ko nang ipilit pa ang gusto ko. “Hindi ka niya kailangan, Lucas,” aniya. “May tamang oras para sa paglabas mo ng Celaeno.” Hindi ako nakaimik. Alam na alam ko na ang ganitong sagot niya. Alam ko rin naman na hindi ako kailangan ng kapatid ko pero gusto kong makatulong at hindi ko magagawa ‘yon kung nandito lang ako sa loob ng kastilyong ‘to. Noon pa man, mas may tiwala na ang pinuno sa kakayahan ng kapatid ko. Dahil na rin sa mas mabilis niyang nakabisa at nakontrol ang abilidad na mayroon siya kumpara sa akin. Mas marami rin siyang kayang gawin at maging ako ay namamangha roon. Ngunit nakakalungkot lang dahil napag-iwanan ako ng lakas niya. Hindi naman kami naging sobrang lapit sa isa’t isa ngunit ibang-iba na ang turingan namin ngayon kumpara noon matapos kaming ilagay ng pinuno sa ganitong sitwasyon. May mga pagkakataon din na naiisip ko kung paano kaya ang magiging lagay ko kung naging singlakas ako ng kapatid ko? Siguro’y nasa RMA rin ako at tinutulungan ang kapatid ko sa mga plano ng pinuno namin. Siguro’y mas matutuwa ang pinuno sa akin. “Kung sakaling kakailanganin niya ako, narito lang po ako, pinuno,” sabi ko ngunit hindi na siya sumagot pa at tinapos na lang nang mabilisan ang kaniyang pagkain. Akmang tatayo na siya mula sa pagkakaupo nang may isang naninilbihan sa kastilyo ang nagmamadaling lumapit sa hapag namin at saka yumukod. “Narito po ang anak ninyo, pinuno,” aniya. “Patuluyin ko na lang po ba rito sa hapag o nais n’yo siyang makausap sa ibang lugar?” “Huwag na,” aniya. “Patuluyin mo na lamang siya sa kung saan kami madalas mag-usap.” Nakaramdam ako ng kakaibang saya nang marinig ko na narito ulit siya. Paniguradong may bagong balita siyang dala para sa pinuno. Minadali ko na ang pagkain ko nang makaalis na ang pinuno sa lugar na ‘yon at saka mabilis na sumunod sa lugar na tinutukoy nito. “Hindi po kayo maaaring tumuloy sa loob. Kinakausap pa po ng pinuno ang kapatid n’yo,” ani no’ng manigbantay. Kumuha ako ng isang hibla ng buhok nito at saka iyon sinabihan ng salamangka. Sa isang iglap lang ay tatlong mabibigat na na bareta ng ginto ang naroon sa kamay ko. “Hindi ako manggugulo sa kanila. Gusto ko lang na makita ang kapatid ko,” saad ko. Halata naman ang pag-aalangan sa ekspresyon nito. Kumuha akong muli ng isa pang hibla ng buhok niya at saka dinoble ang gintong naroon. “Alam kong kailangan mo ito ngayon. Huwag kang mag-alala, hindi ka mapapahamak,” dagdag ko. Yumukod siya sa akin at saka kinuha ang mga bareta ng ginto na hawak ko. Lihim naman akong napangiti dahil doon. Tumabi na siya sa daraanan ko kaya dahan-dahan kong tinahak ang daan papunta sa opisina ng pinuno na naroon din mismo sa loob ng silid-aklatan. Hindi pa man tuluyang nakakalapit ay rinig na rinig ko na ang boses ng nakatatanda kong kapatid. “Masyado na silang lito sa lahat ng nangyayari sa Academy at unti-unti na ring nagkakagulo ang mga naatasang mamuno sa RMA,” rinig kong saad nito. “Konting oras na lang at maaari na nating gawin ang nais natin sa kanila.” Mas idiniin ko pa ang tenga ko sa pinto ng silid na kinaroroonan nila. Ingat na ingat ako sa bawat pagkilos ko dahil mahirap na kung mahuhuli ako ng pinuno na nakikinig sa usapan nila ng kapatid ko. “Hindi ang RMA ang uunahin natin kapag kasama na natin ang isa n’yo pang kapatid,” ani ng aming ama. “Mas gusto kong umpisahan sa ugat ng lahat ng ‘to ang paghihiganti natin.” “Sa Skyline,” ani ng kapatid ko. “I can’t wait to hear them beg for their lives gaya ng kung ano ang ginawa nila sa aking ina!” “Soon, you will,” saad ni ama. “Ituloy mo lang ang ginagawa mo sa paaralang ‘yon at magbubunga rin lahat ng hirap na ginagawa mo ngayon.” “Maraming salamat, pinuno. Hindi ko magagawa ang lahat ng ‘to kung hindi dahil sa tulong at turo n’yo,” ani ng kapatid ko. “Huwag kayong mag-alala dahil hindi ko kayo bibiguin.” “Alam kong wala sa bokabularyo mo ang biguin ako,” sagot ni ama. Napangiti naman ako dahil sa panibagong naabot ng kapatid ko. Mabilis akong naghanap ng mapagtataguan nang narinig ko ang yapak nila na papalapit na sa pintong kinaroroonan ko. Isiniksik ko sa kumpulan ng mga aklat ang sarili ko upang hindi ako mahuli ni ama. Ayokong ikulong niya ako ulit sa mataas na tore. Hindi ko gusto ang lugar na ‘yon. “Mag-iingat ka sa pagbalik mo sa Academy,” ani ng pinuno. Yumukod naman ang kapatid ko. Naunang lumabas ng silid na ‘yon ang pinuno. Nagpaiwan pa ang kapatid ko sa hindi ko na alam na rason. “Alam kong nariyan ka, Lucas. Lumabas ka na sa kinalalagyan mo,” aniya. Unti-unti ay lumabas ako sa pinagtataguan ko. Sa lawak ng abilidad niya ay talagang malalaman nito na naroon ako. Sa ganitong bagay ako nabibilib sa kaniya dahil walang nakakatakas sa kaniya na kahit na sino. She crossed her arms nang magkaharap kami. “Ano’t nakikinig ka sa usapan namin ni ama?” “Gusto ko lang naman na malaman kung ano ang dala mong balita tungkol sa Academy,” sagot ko. “At natutuwa akong malaman na maayos mong nagagawa ang plano n’yo ni pinuno.” She smiled. “Para sa samahan natin, Lucas. Handa akong gawin ang lahat maipaghiganti lang ang nangyari sa pamilya natin.” “Ngunit, kailangan ba talaga nating pumatay? Maraming madadamay—” Sumama ang tingin niya sa akin. “No’ng tayo ba ang inalipusta’t inagawan nila ng pamilya, naawa ba sila?! Hindi, Lucas! Kaya bakit ka mag-aalala kung maraming madadamay sa kanila?!” Bumuntong-hininga ako. “Pero maraming inosenteng tao ang madadamay—” “Marami ring inosente ang nawala sa atin!” singhal nito sa akin. “Hindi lang tayo ang nawalan ng pamilya, Lucas! Marami sa mga batang kagaya natin noon ang nawalan din ng magulang at ni kahit konti ay hindi natin nakitang nagsisi ang mga taong gumawa no’n sa atin! Kaya huwag mo ‘kong pangaralan na dapat ay maawa tayo sa kanila dahil maraming inosenteng madadamay! Inumpisahan nila ang gulong ‘to, tayo lang ang tatapos!” Padabog niyang nilisan ang silid na ‘yon at saka padabog ding isinara ang pinto ng silid aklatan. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga at tanawin na lang ang pintong nilabasan niya. Inayos ko na lang din ang sarili ko bago lumabas ng silid na ‘yon. Galit, kailangan kong hanapin muli ang galit sa loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD